Beks 1:Baklang Toh!
Mahalagang Paalala:
Ang librong ito ang gawa lamang ng malikhaing pag-iisip g aking utak. Kung sino mang tao, lugar, pangyayari na naihayag ay kathang-isip lamang. Kung hindi niyo gusto ang aking gawa ay maaari na kayong umalis at huwag nang bumalik pa. Salamat.
~
Kevin's POV
"Anya lakitden daytoy nga ubingen!, aldawen ket di pay nga agriing!"("Ano ba itong bata na ito!, tanghali na't di pa gumising!") sigaw ng aking tita sa labas ng aking kwarto.
"Anya orasen di ka pay lang agriing! Pabuan ka napudot nga danum!"("Anong oras na di pa kasi gumising, buhusan kita dyan ng mainit na tubig!") agdag pa niya.d
"Wen tita, tattayak pay nga nakariing, aguray ka lang biit ta aginsinsinupak pay ti pinag iddaak!"("opo tita, kanina pa po ako gising, saglit lang po aayusin ko lng yung higaan ko!) balik tugon ko naman sa kaniyang sagot.
"darsem ngarud, agluto ka pay sidaen"("bilisan mo pala, magluluto ka pa ng ulam") dagdag pa niya.
"wen tita!("opo tita!) sagot ko naman sa kaniya. Iniayos ko na nga ang aking pinaghigaan at saglit akong napatingin sa orasan dito sa aking kwarto na nakadikit sa diding.
"5:30 pay laeng ket, anya met lakitden, anya oras pay lang ket! Ka-asasi ak nga nagisampay ti badbado diay rabii, anya orassak ngarud nakaturugen ket! ("5:30 pa lang naman eh, ano ba yan, anong oras pa lang eh! Kawawa na nga akong nagsampay ng mga damit kagabi, anong oras na nga akong nakatulog eh!) bulong ko na lamang sa aking sarili.
Inayos ko na lamang ang aking pinaghigaan at nang matapos ay lumabas na ako ng aking kwarto at dumiretso na patungong kusina. Nadatnan ko doon si Tita Clarissa sa lamesa nagkakape habang nagcecellphone.
"oh, imbag ta nakariing ka pay? Anya orassen ket haan ka pay nakaluto sidaen? Madamdama, agriing ni Joshua ket haan ka pay nga nakaluto, ammom nga sumirsirrek suna, ammom nga nagsapa ti klase na"( " oh, buti naman nakagising ka pa? anong oras na eh hindi ka pa nakakapagluto? Mamaya, nakagising na si Joshua eh hindi ka pa nakakapagluto, alam mong nag-aaral yun, alam mong maaga yung klase niya") sabi niya sa akin habang patuloy pa din sa pagcecellphone niya.
"Sorry tita, nagisampayak pay gamin ti badbado diay rabii anya orassak nakaturugen"( "Sorry tita, nagsampay pa kasi ako ng mga damit kagabi) balik rason ko sa kanya.
" Ha! Agrekreklamo kan? Apay? Syak ti agpakpakan kanyam, awan rason mo nga agreklamo ket syak met agpaakpakaan kanyam! Agluto kan addo ammom! Panira ka ti aldaw!"(" Ha! Nagrereklamo ka na? bakit? Ako nagpapakain sayo, wala kang rason para magreklamo kasi ako nagpapakain sayo, magluto ka na ang dami mong alam! Panira ka ng araw!") pagalit niyang sabi sa akin at nagtungo ng sala. Palagi nalang ganito araw-araw, ginagawa nila akong utusan pero pag nandito tito akala mo mga maamong tupa sila sa akin.
Nakoo! Wag nila akong maganyan-ganyan at nakaka-irita sila. Ano bang pake ko run sa Joshua na iyon eh palagi naman ako nung inaaway wala naman akong ginagawa sa kaniyang masama. Makapagluto na nga't baka magising na nga't malilintikan talaga ako ni Tita ng wala sa oras.
Nang matapos akong magluto ay saktong bumaba na nga itong si Joshua at mukhang bagong gising lang. Siya kaya gumising ng maaga, palagi nalang siyang nagpupuyat. Ang pinagpupuyatan niya lang naman ay ang gumala at mag-inom. Pasalamat siya't di ko siya sinusumbong kay Tita na kumukupit siya ng pera sa pitaka niya at pinanggagala lang sa gabi.
"Oh Kevs, addino ni mama? ( "Oh Kevs, si mama nasaan?") tanong sa akin ni Joshua
" ah, ni Tita? Idyay nan sa salas, inka kitaen ah" (" ah si tita? Nanduon ata sa salas, tignan mo dun ah") balik sagot ko naman sa kaniya. Dumiretso din siya ng salas at sinilip kung nanduon si tita. Pinagpauloy ko nalang ang ginagawa ko ng biglang bumalik si Joshua.
"Awan met suna. Luklukwen nak nya?" ("Wala naman siya. Niloloko mo ko no?) sabi niya naman sa akin
"Ha? Haan ah, baka siguro napan diyay ruwar, napan kinyada Ante Myrna" ("Ha? Hindi ah, baka siguro pumunta sa labas doon kila Ante Myrna") balik tugon ko naman sa kaniya
Di na siya nagtanong pa at naramdaman kong palapit ng palapit ang presensya niya sa akin. Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. May naramdaman akong parang matigas na bagay sa aking pwetan at napagtanto ko kung ano ang bagay na iyon.
"Joshua! Agpatalna ka man, anya manen ararramidem? Nagmanyak ka nga talaga!" ("Joshua! Umayos ka nga, ano nanaman bang ginagawa mo? Ang manyak mo talaga") sabi ko sa kaniya matapos niyang idikit sa aking likuran ang bagay na iyon.
"apayya? Umang-angal kan? Kayat mo ipulong ka kinni papa nga agboyboypren ka? Ha?"( " bakit? Umaangal ka na?, gusto mo sabihin ko kay papa na nagboboyfriend ka? Ha?") pagbabanta niya sa akin. Hays Joshua, kahit anong gawin mong sumbong di ka naman paniniwalaan ni tito kasi hindi naman totoo. Ako may boyfriend? Pfft. Patawa ka talaga eh no.
"ha? Syak? Adda boypren ko? Anya manen bagbaggam? Makalukluko kan samet? Ammom sika Joshua mangan kan ta adda pay sirrek mo madamdama anya orassen ni"(" Ha? Ako? Meron akong boyfriend? Ano nanaman pinagsasabi mo? Niloloko mo nanaman ako eh, alam mo ikaw Joshua kumain ka na at meron ka pang pasok mamaya anong oras na oh?") balik sagot ko naman sa pagbabanta niya.
"Makapabusor ka kunam! Hmm, kitaen ta lang nga talaga, baka imakalawa nga aldaw ket mapalayas kan ittuyen"(" nakaka-inis ka kamo! Hmm, tignan nalang natin, baka sa susunod na araw eh mapalayas ka nalang dito") dagdag naman niya.
Ako pa talaga tinakot mo?Hindi umuubra sa akin iyang ganyang sa estilo dahil hindi naman totoo. Hays, para naman matatakot mo ako?
Matapos kong sabihin sa kaniya yun ay tiningnan niya ang orasan at bigla na lamang siyang nataranta. Ayan buti nga sayo, kung anu-ano pa kasi pinagsasabi mo hindi ka nalang mag-ayos at may pasok ka pa.
Bumalik na nga ako sa aking kwarto at nahiga. Inaantok pa ako, kulang yung tulog ko kanina.
"Keviiin!! Addinno ka?! Bumaba ka man ittoy ta aglinis ka ti salas, madamdamma mapan ittoy diay kumkumarek nagrugit tuy balay, agay-ayam kami ti tong-it, ingka patin agluto makan ken agiready kan ti meryenda para madamdamma."("Keviiin!! Saan ka? Bumaba ka nga dito at maglinis sa salas, mamaya darating yung mga kumare ko ang dumi ng bahay, maglalaro kami ng tong-it, magluto ka na rin ng para sa tanghalian at meryenda para mamaya") sigaw ni tita sa salas na umabot hanggang dito sa aking kwarto.
"wen tita!"("Opo tita!") balik sigaw na sagot ko rin sa kaniya.
"Naglungab talaga ni tita, immabot pay ittoy sika, haanak agtaktakan ta mabulbulabog ti karruba mi." (" Ang ingay talaga ni tita, at umabot pa dito, 'di na ako magtataka't nabubulabog mga kapitbahay namin") bulong ko na lamang sa aking isipan. Kahit ako'y inaantok pa't pagod pa rin ang aking katawan, lumabas pa rin ako sa aking kwarto at bumaba, gumayak na ako papuntang sala. Matapos malinisan ang sala ay dumireteso na ako sa kusina para magluto na ng aming kakainin sa tanghalian.
Matapos nun ay nagpaalam ako kay tita na pupunta ako sa aking kwarto dahil mamamahinga lang ako saglit. Sinabi ko na rin sa kaniya na kapag may kailangan siya ay tawagin niya na lamang ako. Isang tango lamang ang natanggap ko mula sa kaniya. Dumireso na nga ako sa aking kwarto para mamahinga.
Ganito, ganito ako araw-araw palagi nalang utus-utusan. Okay lang naman na ganito. Nagpapasalamat pa nga ako sa kanila't kinupkop nila ako, kung hindi dahil sa kanila, oops mali, kung hindi dahil kay Tito Ed ay baka palaboy-laboy lang ako sa lansangan simula nung iwan ako ng nanay ko sa isang bahay ampunan.
Bata pa lamang ako noon, mga sampung-taong gulang. Hindi ko maintindihan kung bakit ako inabandona ng aking nanay roon matapos kaming iwan ng aking tatay at sumakabilang bahay. Sumakabilang bahay rin siya at mayroon na siyang bagong pamilya. Sobrang nanlumo ang aking nanay at nagtangkang patayin ang kaniyang sarili rati.
Laking pasalamat ko na lamang noon na marupok na yung kahoy na kaniyang ipinaglagyan ng tali para sana magbitay. Wala namang masamang nangyari sa kaniya. Matapos niyang gawin iyon ay napagtanto niya siguro na ang hirap huminga dahil nasasakal siya kaya di na siya gumawa pa ng ilang paraan para patayin ang sarili niya.
Makalipas ng isang linggo ay dinala niya ako sa isang bahay ampunan at ako'y iniwan doon.
"Babalik ako anak, dito ka lang muna ha. Magpakabait ka" tanging sabi niya at iniwan na ako sa mga madre na nanduon.
Ang sakit, ang sakit lang tanggapin ng katotohanang iniwan nila ako ng dahil sa mas inuna pa nila ang kanilang mga sarili kesa sa kanilang anak. Paano naman ako?
Matapos akong iwan ng aking nanay roon ay naging okay naman ako. 'Di ko na siya hinanap pa. Kasi sa umpisa pa lang kung talagang babalikan niya ako at mahal niya talaga ako bilang isang anak, ay babalik talaga siya para sa akin at kukunin ako roon sa bahay ampunan na iyon. Mababait naman yung mga naging kakilala ko roon, maging si Sister Mary. Tumagal ako roon ng tatlong taon.
Tandang-tanda ko pa ang pangalan niya, sobrang napakabait niya sa amin maging si Kuya Dominic na madalas bumibisita doon sa aming bahay ampunan. Napalapit na rin sa ilan sa mga bata rito.
Palagi siyang may dalang laruan at pagkain. Nagbabalak siyang mag-ampon ng isang bata para naman daw may makakasama siya sa kaniyang bahay. Dito rin kasi ito lumaki sa bahay ampunan at inampon din lang siya ng isang mag-asawang mayaman. Matapos noon ay nakahanap na nga siya ng kaniyang aampunin na bata.
Sa kabutihang palad na napunta din sa masamang palad ay ako ang napili niyang bata. Sobrang saya ko pa nung araw na iyon dahil may mag-aalaga na sa akin. Matapos nun ay lumipat na kami sa kaniyang bahay.
Malaki, malawak, maganda, pero ang tahimik. Kaming dalawa lang ang nandito.
Ramdam ko rin ang lungkot na iyon. Sa paglalagi ko roon ng ilang buwan ay napalapit na ang loob ko kay Kuya Dominic at ang pagtitiwalang iyon ay napunta sa maling daan.
Isang gabi, galing siya ng kaniyang kumpanya ay lasing ito. Ako naman isang bata na walang muwang sa mundo ay nilapitan siya at balak ko sana siyang alalayan, nagulat na lamang ako ng bigla niya akong sampalin.
Masakit, masakit iyon. Mas masakit rin sa loob-looban ko dahil ang akala ko ay napakabait niyang tao. Hindi pa nga rito natatapos ang kaniyang pagmamalupit. Halos araw-araw na itong naka-inom at palagi niya akong pinagmamalupitan, binugbog, pinagsasampal at kung anu-ano pang pananakit na pisikal kong nararamdaman.
Palagi ko siyang naririnig na sumisigaw na sa tingin ko'y may kaaway ito sa cellphone. Nanggigigil ito sa kaniyang kausap.
"Ano! Paano nangyari yon?! Diba sinabi ko sayo na matagal nang nabayaran iyon?! Bakit mo ulit ako sinisingil?!, ano! Kulang pa iyon?! Alam mo naman nang nalulugi na ang kompanya na ipinamana sa akin ng dahil sayo, sugal ka ng sugal, nagkanda utang-utang ka na sa ibang tao tapos sa akin mo ngayon pababayaran?!" Sigaw niya sa kaniyang kausap sa telepono. Umiinom nanaman siya.
Kasi naman ako naman kasi si shunga alam ko na ngang galit pa ay lumapit pa rin ako. Eh, sorry naman daw eh sa nagugutom na ako, 'di pa ako kumakain simula pa kahapon. Nagulat ako nang bigla niyang ibato sa akin ang kaniyang hawak na baso. Tumama ito sa ulo ko.
Hindi niya man lang ako tiningnan, patuloy lang siya sa pagwawala sa salas. Tumakbo ako papunta sa aking kwarto at doon nagmukmok.
Unti-unting tumulo ang aking luha ng maalala ang sinapit ko roon kaya agbalak ako na tumakas. Napadpad ako sa iba't-ibang subdibisyon para lamang makalayo sa kaniya. Kahit masakit pa ang katawan ko ay nagawa ko pa ring maglakad ng ganoon kalayo.
Hindi ko alam kung nasaan na ako napadpad at nalipasan na rin ng gutom. Nararamdaman ko na paunti-unti akong napapagod.
Sa paglalakad-lakad kong iyon ay napadpad ako sa isang delivery truck. Napagod na ako sa aking malayong nilakaran sabay na rin ng aking pagkagutom.
Naisipan ko ring mamahinga saglit sa likod nito. 'Di ko namalayan na ito pala ay pauwi na galing Pasay papuntang Pangasinan at laking gulat ko na lamang nang may lalaking nagsisisigaw na siyang nambulabog sa akin.
"Ed, Ni kitaem! Adda ubing nga mamaturog ittoy likod ti trak!"("Ed, tignan mo! May batang natutulog dito sa likod ng truck!") rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Ha? Addinno na?" ("Ha? Saan siya?") hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila at para bang nag-aalien language sila at napadpad na ata ako sa ibang planeta at ganitong lingguwahe ang akin naririnig. Lumapit sa akin ang isang lalaki at pinagyuyugyog ako nito.
"Uii, tigadinno ka? Apay dadtoy ka likod ti trak mi? Anya lakitdi daytuy nga ubingen, ni mamam? Ken ni papam?"("Uii, tigasaan ka? Bakit nandito ka sa likod ng truck namin? Anong ba itong bata na ito, si Mama mo? At si Papa mo?") nakatingin siya sa akin na sa tingin ko ay nagtatanong ito. Kahit di ko alam ang pinagsasabi niya ay ito lamang ang sinabi ko.
"Ha?Hakdog?"tanging naisambit ko na lamang sa kaniya at nawalan na ako ng malay.
-
Dito ko nakilala si Tito Ed na siyang kumupkop at nag-alaga sa akin hanggang ngayon. Tumayo ako mula sa aking pagkakahiga at saglit na nagmuni-muni. Natigil ang pagmumuni-muni ko ng bigla akong tawagin ni Tita.
"Keviiin! Agiruwar ka man nalammiis nga danum! Dattoy da kumare kon" ("Keviiin! Maglabas ka nga ng malamig na tubig, nandito na yung mga kumare ko") sigaw niya na sigurado akong nasa salas nanaman at kung sa hindi malamang dahilan ay hindi nalang ito ang kumuha at naisipan pa akong utusan na kumuha ng tubig. Hindi naman nagkakalayo ang kusina sa salas. Kaunting kembot lang nanduon na siya, gaano ba iyon kahirap at kaiangan pang iutos sa akin? Hayss, 'di pa ako nakakatulog eh.
"Wen Tita, aguray ka lang biit!"("Opo tita sandali lang!") balik sagot ko naman sa kaniya.
"Ukis ti Bawang"!(" Balat ng bawang!")
N/A: isa po siyang expression dito sa amin na kung saan, ginagamit ito kapag naiinis sila or nag-aagrabyado. Hindi po talaga ang literal na meaning nito ang gustong ipahiwatig nito. Ano daw?
~
Hi everyone! It's been 2 years I guess? Nagbabalik loob lang ako sa pagsusulat kaya't naisipan ko itong balikan. Anyways expect updates from now onwards! I'm also planning to change my name to "Vitchinn" since mas kilala na ako ng mga friends ko sa name ko na iyon.
I missed you guys!
-Corexalee
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro