Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2- Clyde

Nakauwi na kami ,magkalapit lang ang bahay namin ni Zac .Pagkapasok ko ng bahay namin sakto dahil kakayari lang magprepare ng lunch si Mom kaya kumain na ko at dali -daling umakyat sa kwarto ko .Agad akong humilata sa kama ko at tumingin sa kisame ng kwarto ko dahil hindi pa rin maalis sa isip ko ang lalaki na nagsasabi sa panaginip ko na guardian angel ko daw sya. Pagkaraan ng ilang minuto ay tumayo na ko para maglinis ng aking katawan at ituloy ang ginagawa kong research . Whaa ang dami kasi naming research ngayon dahil natapat kami sa strikto at masungit na Prof. Na si Mr. Tiangco na tinatawag ng ilan na Mr. Tyonggo .ewan ko ba sa kanila hayyy.

Pamaya maya ay kumatok si Mom para bigyan ako ng miryenda.
"Anak don't overuse yourself ha,just go to sleep if your eyes went tired"

"Yes Mom. I love you." I may not be the sweetest child ever pero lagi kong sinasabihan ang mom ko ng I love you ,syempre love na love ko sya. Kahit kay Dad ganun din ako pero mas sweet ako kay Mom , workaholic kasi masyado si Dad dahil ayaw nya daw mahirapan ang maganda nyang asawa at para daw yun sa future ko.

{Oy Charlie kanina ka pa kwento ng kwento at daldal ng daldal pero hindi mo pa inintroduce yung sarili mo tska yung bestfriend mo }

-sorry naman po Miss Author .Ito na po oh

I'am Charlie Zia Salazar, 17 yrs. old , Simpleng Psychology student. hindi ako geek , hindi ako sikat kahit na bestfriend ako ni Zac Lucas Lazaro. I eventually love my books and hopelessly in love with a fictional character. Hindi ako maganda pero hindi rin ako panget nasa middle lang haha . I prefer wearing T-shirts and pants than anything else. I loves strawberries, chocolates,Latte's, sundaes and chuckie. Hm. Ano pa ba? Sa pamilya ko? Okay naman My Dad runs a restaurant ,Aba ang Dad ko ay instant Chef at Boss kaya Proud ako sa Dad ko and besides our restaurant is one of the best in our town . Mayroon rin kaming resort sa tagaytay.

Ang buong pangalan ng bestfriend ko ay Zac Lucas Aiden as I said a while ago, sikat si Zac (akalain nyo sikat yung ugok na yun ) dahil daw "gwapo "sya at varsity ng school hindi lang yun Engineering pa yung course nya kaya maraming nagkakacrush sa kanya(tamad po sya, at sinisipag lnag mag-aral kapag pinagbabake siya ni tita ,adik pa yan sa dota 2,sa Minecraft at marami pang laro.) Baliw na baliw sa kanya si pusit na Sabria at pati na rin yung kaibigan kong si Bianca. Mayroon silang Hotel na pagmamay-ari at mayroon rin silang factory ng pagawaan ng stufftoys(kaya maraming stufftoy sa kwarto ko dahil every year kapag birthday ko lagi nya na lang ako binibigyan ng stufftoy.)


-tapos na po ako Miss Author so pwede ko na po bang gawin yung research ko at medyo inaantok na ko.

{okay well done.}

After several minutes of working my research papers I suddenly look at the mirror and notice the big black bags under my eyes . Damn I almost forgot the time ,it's already late I better sleep now . So I fix my things and leave my small lamp open because I can't sleep, I use it as a routine since when I was a kid . After praying I feeze to sleep.

Bigla ako napadpad sa bahay ng lolo at lola ko sa Tagaytay. Namimiss ko na itong lugar na to syempre dahil lumaki ako dito at palagi akong ipinagluluto ng lola ko ng paborito kong pochero na specialty nya kaso wala na ang lola ko at lolo ko na lang ang naiwan doon kasama ang mga katulong nila.

Nandito ako ngayon sa veranda nila at pinagmamasdan ang paligid.

"Apo, tara kakain na tayo." Kilala ko yung boses na yun , boses yun ng lola ko . May isang batang babae na tumakbo pababa ng kusina galing sa dati kong kwarto, hindi ako pwedeng magkamali dahil ako yun ,ako yun dati at itong panaginip kong ito ay binabalikan lamang ang nakaraan ko. Tumayo ako para pumunta rin sa kusina habang pinagmamasdan ko ang masayang ala-ala ko kasama sila lolo at lola bigla na lang sumulpot sa tabi ko si G.A na echoserang frogie na ayaw magpakilala.(so totoo pala ,totoo pala talaga sya)

"Namimiss mo na sila no? " Oo sobrang kung alam mo lang .

"Oo eh, alam mo ba ito yung huling bakasyon ko sa kanila noong buhay pa si lola at malakas pa si lolo." Malungkot kong sagot. Bigla na lang syang ngumiti at nagsalita. "Tumingin ka sa kanila Charlie dali na ."Tumingin ako at nagulat dahil lahat sila ay nakatingin sa akin pati na rin ang batang ako.

"Apo, Charlie tara lumapit ka dito." Ako ba yung tinatawag ni Lola o guni-guni ko lang .

"Dali na Charlie ,tawag ka na ng Lola mo." A smile suddenly brought to my face.Nagsabi ako ng Thank you to G.A At lumapit sa mga tao sa dining table.

Pagkalapit ko at agad akong sinalubong ng lola at lolo ko ng yakap at nakatingin lamang sa akin ang nakangiting batang ako .Napapikit ako at minulat ko ang mata ko ng naramdaman kong bumitaw sila. Nagulat ako nang nawala si Lolo at ang batang ako at naiwan lamang kami ng Lola ko.Nakaputi na syang damit at nagbago na naman ang paligid at napuno ng puti. Tumingin ako sa paligid at nakita ko si G.A na nakangiti sa akin. Nanggigilid na ang luha ko dahil sa saya at dahil sa wakas sa tagal sa tagal ng panahon ay muli kong nakita,nakausap at nakasama ang lola ko.

"Apo dalaga ka na ah, matagal-tagal na rin pala akong nawala."

"La, miss na miss na po kita ,namimiss ko na yung mga luto nyo kapag nagbabakasyon ako sa inyo. Namimiss ko na po kayo ni Lolo,nakakalungkot man po pero simula noong iniwan nyo kami naging malungkutin siya at sakitin. Palagi po siyang nasa kwarto ni ayaw niya na pong lumabas at kapag naman po kinakausap sya ay parang wala siya sa sarili " tumulo ang mga luha sa mata ko pero pinunasan ko agad dahil ayoko namang maging iyakan ang muli naming pagkikita ng lola ko.

"Huwag kang mag-alala apo parte iyon ng buhay lahat tayo darating sa panahon na manghihina at tatanda . Ito talagang Lolo mo talagang mahal na mahal ako, huwag kang mag alala apo kakausapin ko ang lolo mo."pinahid ni lola ang mga luha sa mata ko, pinilit kong ngumiti at tumigil na ko sa pag-iyak.

"Sige La, bibilisang kong tapusin lahat ng requirements ,research paper at defense ko sa lahat ng subject ko para makapunta agad ako sa bahay nyo ni lolo. Sigurong matutuwa si Lolo, La." at binigyan ko sya ng matamis na ngiti .

"O sige apo,ubos na ang oras ko dito ,aalis na ako. " Muli kong niyakap si lola sa huling pagkakataon.

Sa paghiwalay namin ni Lola ay pumunta muna siya sa direksyon ni G.A at hinawakan ang isang balikat nito. "Salamat Iho, pagpalain ka sana ng Panginoon at salamat sa paggabay mo sa apo ko." Muling tumingin sa akin si Lola at ngumiti ,pagkatapos ay nagkaroon ng nakakasilaw ng liwanag at nawala na si Lola. Nagulat ako dahil pagmulat ko ng aking mata ay bumalik kaming muli ni G.A sa napakagandang hardin kung saan kami unang nagkita. Umupo ako sa swing at inugoy ito. Siya naman ay lumapit sa mga nagliliparang paru paro at masayang pinagmasdan ito.

"G.A salamat ha." Hininto ko ang pag ugoy at tumingin sa kanya.

"What's with that name anyway. " tapos humarap sya sa akin at ngumiti ."walang anuman little Zia"

"G.A stands for Guardian Angel ,ikaw kasi e ayaw mong sabihin yung pangalan mo ." Sabay pout ko. "Tawagin mo kong Charlie , si Zac lang ang pinapayagan kong tumawag sakin ng Second name ko. Sabihin mo na kasi yung pangalan mo "

"You know what you're really cute but you better wake up now Little Z." Magsasalita pa sana ako pero nagsalita ulit sya.




"It's Clyde."
__________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: