Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1- The Encounter


Charlie's POV

Nasaan ako ang ganda naman dito ,nasa langit na ba ako? Ang naaalala ko lang nagbabasa ako sa library at kumukuha ng info para sa mga researches ko. Wha mamamatay na ba ko ?Lord ang bata ko pa po para mamatay Ts. Ang OA mo na Charlie haha siguro nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Nasaan kaya ako ? Wala akong maalala na nakarating na ko dito , sabi kasi nila lahat daw ng tao ,lugar at kung ano mang ilemento sa panaginip natin ay nakita na natin sa totoong mundo,dahil ang utak natin ay hindi madaling makalimot na kahit isang beses pa lang nating nakita ang isang bagay ay may possibilities na lumabas o magpakita ito sa ating mga panaginip (so sa mga hindi pa nakakamove on I salute you guys).

Whoa sobrang ganda naman dito. Ito na ata ang pinakamagandang hardin na nakita ko .Punong- puno ito ng mga naggagandahang halaman at magagandang bulaklak. Mapapagmasdan dito ang mga upuan na napapalibutan ng bulaklak, sa harap nito ay may swing pero kakaibang swing ito dahil baging ang nagsisilbing tali nito at sa gitna ng hardin ay may isang lumang balon na napapalibutan na rin ng halaman at bulaklak . May mga ibat ibang kulay ng paru-paro na nagliliparan sa paligid .Ang ganda talaga rito at ang payapa pa ,na kahit mag-isa ka lang ay malilibang ka na pagmasdan ang paligid.

Umupo ako sa bench malapit sa balon. Hay ang panaginip kong ito ang kakaiba sa lahat dahil ngayon lang sa talam-panaginip ko ako nakakita ng malaencantadiang lugar na ito.

Habang pinagmamasdan ko ang paglipad ng mga paru paro sa mga bulaklak ay may tumambad sa harap ko na napakagwapong nilalang.

"Sss sino ka ? Alam mo ba kung nasaan ako?" Nagulat kong tanong.

"This place is a paradise isn't it ?" Nakangiting sabi nya.

Tumayo ako at nagpamewang "Oo ang ganda rito sobra. Pero sino ka ba kasi tsk . yung tanong ko sinagot mo rin ng tanong." Naiiritang sagot ko. Hindi porket gwapo sya e mag papabebe na ko .

"My name is not as important as my mission so don't bother to ask me about it." Mahinahong sagot nya.

"Your mission? What kind of mission tska alam kong nasa panaginip ko lang tayo."

"My mission is to secure you and to protect you, I will always be willing to guide you in your life and I will always be by your side in the real world even though you can't see me. I vow to protect you and guide you my Dear Charlie. I'am given a chance to interact with you only in your dreams."

"So you are my guardian angel whoa I can't believe it akala ko hindi na ko love ni God akala ko hindi nya pinapakinggan ang prayers ko pero he sends me you ."

"Ano ka ba Charlie God loves you so much . By the way you need to wake up it's already 5:30 pm at umuwi ka na. Ciao "

At nagising na ko ng masakit yung mga braso at leeg ko hay nangalay siguro dahil nakadukdok ako ng matagal sa mesa ,kainis yung G.A ko ah ( guardian angel ang haba kasi e kaya G.A na lang ) Nagtatagalog naman pala siya pinag eenglish pa ko . Pero I know that it all just a dream na nahihibang na ko dahil sa kakabasa ko at kakafocus sa pag aaral.

"Buti naman nagising ka na ? Ano ba yan Charlie may tulo laway ka pa ew." Magandang pangbungad ng mabait kong bestfriend na si Zac.

Pinunasan ko ng panyo ang mukha ko tss. Wala naman akong tulo laway ah bugok talaga tong si Zac.kinuha ko yung isang libro ko at mahinang pinalo sa ulo nya buti na lang at hindi napansin in Ms. Jean'The Librarian' Pweeew ligtas ka Charlie.

"aww sumosobra ka na Charlie. Alam mo ba na I waited for you for almost 3 hrs. Tapos ganito ang igaganti mo sakin ." Minsan hindi ko na alam kung sadyang Childish lang tong lalaki na to or bakla na.

"Bakit sinabi ko bang antayin mo kong magising ?" Pagtataray ko .

Kinurot nya yung dalawang pisngi ko . "Ang cute mo talaga monay kapag nagtataray ka , tara sabay na tayong umuwi tska malapit ng mainis si Miss Jean satin kapag hindi pa tayo umalis dito, ang ingay mo kasi e tska hello palubog na ang araw ."

"Common sense naman Zac ,alam mo namang sumikat ang araw ngayon ts. Tara na nga baka gabihin pa tayo."

Agad kong inayos ang gamit ko at isinuot ang salamin ko, alam kong mababa lang ang grado ng salamin ko pero mas komportable ako kapag nagbabasa ng nakasalamin. 🤓

Lumabas na kami ng library at buti na lang binuhat ni Zac yung gamit ko kundi makakatikim na naman sya ng upper cut ko (para namang kaya ko 😂😂) binilisan kong maglakad para di sya makasabay .

" Oy monay , hintayin mo ko " reklamo nya.
"Ts. Ang bagal mo kasi , wag mo nga akong tawaging monay "

Nakasabay na sya sakin at tawa ng tawa "Ow my dear Charlie ,naiinis ka na ba? Haha it suits you ,ang taba taba kasi ng pisngi mo "

Sa totoo lang sanay naman na ko sa mapang asar na lalaking to at sa nakakainis nyang nickname sakin kaya nag isip ako ng gagawin para makaganti ako .Nagkunwari akong galit at kinuha ko yung gamit ko sabay distansya sa kanya .

"Oy Zia sorry na."

Mas lumayo ako sa kanya buti na lang malapit lang ang bahay namin . "Salazar oy sorry na , gusto mo ng chuckie, ibibili kita kahit ilan pa , napakapikon mo kasi e . Oy tara na."

Lumiwanag ang mukha ko tska ako Tumawa " Haha I got you I'm just joking pero okay then tara na sa tindahan at ilibre mo ako ,gusto ko ng 5 chuckie ha.Thank you my dear Bestfriend I love you so much."

Sumimangot sya."Okay ,okay joke lang din yung sinabi ko and because I loves you too my dear Bestfriend wala ng libreng chuckie." Tska sya ngumiti ng nakakaloko.

"Okay F.O na tayo wala ka pala e ." Pangloloko ko ulit

"Okay" yun lang ang sagot nya. Aba seryoso ang loko mukhang tototohanin.

Lumayo ako kunwari. Aba walang talab ha. Hala seryoso talaga sya ,naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa hindi ko na natiis.

"Oy Lucas ." Hindi sya lumingon huhu natitiis na ko ni Zac. Alam nya na kapag Lucas na ang tinawag ko sa kanya ay seryoso ako. Nabasag ang katahimikan ng tumawa sya ng sobrang lakas.

"HAHA I got you." Whaaa sinabi na e gumaganti lang sya naisahan ako huhu. Binatukan ko nga kainis e.

"Aw Zia, nakakarami ka na ah. At para makabawi ka ikaw na lang ang manlibre ng chuckie sa tindahan nila Lola Tita." Pasalamat sya mabait ako ngayon tska gusto ko talaga ng chuckie kanina pa ko nagcracrave dun.Pasalamat sya mabait ako ngayon tska gusto ko talaga ng chuckie kanina pa ko nagcracrave dun.

"Okay fine." Sagot ko nung nakatapat na kami sa tindahan.
___________________________________________________________________________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: