Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

My 'Wish: "Her Friends" (1)

My 'Wish: "Her Friends" (1)

Kevin's POV

"Kevin..." Hinawakan niya ang kamay ko saka niya pinagpatuloy magsalita, "Kamusta na?" Tanong niya saakin. Tumingin ako sakanya at nakikita ko siyang lumuluha. "Okay lang." Sagot ko.

"Salamat naman..." At nakita ko siyang ngumiti habang lumuluha. "Salamat naman at okay ka lang." sinabi niya saka siya unti-unting napapabitaw sa kamay ko at lumalayo sa kinakatayuan ko ...

---

5:20 AM

"Panaginip lang pala..." sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako galing sa higaan saka kinuha ang litrato naming mga magkakaibigan nung mga bata pa kami. "Napaginipan nanaman kita ... Angela ..."

---

Nadine's POV

"Nadine!" Tawag saakin ng aking ina. "Bakit po?" Tanong ko. "Paki-bigay nga sa magulang ni Kevin ang mga prutas na eto." Pag-utos saakin ng aking ina. "O sige po" sagot ko saka ko kinuha ang mga prutas saka lumabas ng bahay papunta sa bahay nila Kevin, ang kababata ko.

"Tao po? Ate Ashley?" Pag-tawag ko kay Ate Ashley saka ako kumatok sa pintuan ng bahay nila Kevin. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Ate Ashley at halatang kakagising lang niya. "Pasensya na Ate Ashley, pinapadala lang saakin ito ni Ma." Sabi ko at binibigay ko sakanya ang mga prutas.

"Okay lang yun 'no" Sabi ni Ate Ashley at kinuha ang mga dala dala kong prutas. "Pasok ka." Pag-yaya saakin ni Ate Ashley. "Wag na Ate Ashley, may gagawin pa ako sa bahay." Sabi ko saka ngumiti. "Sayang naman." Sabi ni Ate Ashley. "Next time nalang Ate Ashley." Sabi ko sakanya para naman ngumiti siya at hindi maging malungkot.

"O sige!" Sagot ni Ate Ashley saka niya dahan dahang sinasarado ang pintuan. Tumalikod na ako saka ako lumakad pauwi sa bahay. "Anim na taon na pala Kevin..." Sabi ko sa sarili ko. "Anim na taon na ang nakalipas simula nung nangyari ang accidente..."

Josef's POV

"Kamusta na?" Tanong ko kay Kevin via cellphone. "Okay lang, eh ikaw?" Tanong niya saakin. "Okay lang rin ako dito." Sagot ko. "Anim na taon narin pala..." Sabi niya saakin.

"Yeah... anim na taon na rin..." Sagot ko saka ko di-necline ang call, humiga sa kama at saka pinikit ang mga mata ko. "Anim na taon na rin..."

"Josef!" Tawag saakin ng Lola ko. "Bakit po?" Tanong ko. "May kaibigan kang naghahanap sayo." Pagpapatuloy ni Lola. Agad akong lumabas ng kwarto saka ko nakita si Julie Anne. "Josef..." Pag-tawag ni Julie Anne sa pangalan ko. "Bakit?" Tanong ko. "Samahan mo akong puntahan ang iba at pumunta tayo sa sementero ng kapatid ko. Kaibigan niyo rin ang kapatid ko diba?" Sabi niya ng nakangiti pero may malungkot na tono. "O sige, magbibihis lang ako." Sagot ko saka lumakad papunta sa kwarto para magpalit ng damit.

Julie Anne's POV

"Alika na?" Sabi ko kay Josef. "Yeah." Sabi niya saka kami umalis sa bahay nila at una naming pinuntahan ang bahay ni Robbie, isa rin naming kaibigan at kaibigan rin niya ang kapatid kong si Angela.

"Robbie?" Pag-tawag ni Josef, "Nandyan ka ba?" Saka kumatok si Josef at bumukas naman ang pinto. Nakita namin si Robbie na bihis na bihis na para bang may pupuntahan. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya. "Sa sementeryo, pupunta sa kapatid mo." Sinabi niya ng nakangiti. "Sumabay ka na saamin, pupunta narin kami doon." Pag-aya ni Josef sakanya.

"O sige." Sagot niya ng naka-ngiti. Kinuha niya ang bag niya na naglalaman ng mga bulaklak at pagkain saka siya lumabas ng bahay at tumungo na kami papunta sa bahay nila Kevin.

Robbie's POV

"Robbie, Julie Anne, una na akong pumunta sa bahay nila Nadine. Hindi naman malayo ang bahay nila sa bahay ni Kevin." Sabi saamin ni Josef. "O sige." Sagot ni Julie Anne saka kami dumiretso papunta sa bahay nila Kevin at saka kumatok si Julie Anne. "Ate Ashley?" Pag-tawag ni Julie Anne sa ate ni Kevin.

Bumukas ang pintuan at nakita namin si Ate Ashley. "Ate Ashley, nandyan po ba si Kevin?" Tanong ni Julie Anne sakanya. "Wala si Kevin. Nauna na siyang pumuntang sementeryo. Dadalawin daw ang kapatid mo." Sabi ni Ate Ashley kay Julie Anne. "Ah, okay po, salamat nalang po Ate Ashley." Sabi ni Julie Anne kay Ate Ashley saka ningitian ni Ate Ashley si Julie Anne at sinarado ang pintuan.

Dumiretso na kami kung nasan ang bahay nila Nadine at nakita namin sila Nadine at Josef na kinakawayan kami. "Tara na?" Sabi ni Nadine. "Tara na." Sagot naman ni Julie Anne saka kami dumiretso papunta sa sementeryo para dalawain ang kapatid niya.

Ang kapatid niyang... nawala anim na taon ng nakalipas...

My 'Wish: "Her Friends" (1) ~ End

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: