Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Tanghali na ako gumising nung araw ng Linggo. Inayos ko muna ang higaan ko bago ako bumaba sa may kitchen nang makaramdam ako ng gutom.

"Ate Des, sina Tita po?" tanong ko sa isang kasambahay.

Nasabi nitong maagang umalis sina tita at tito. Ang kambal naman ay hindi pa lumalabas sa kani-kanilang mga kwarto.

Marami ng pagkain ang nakahain sa may dining. Uupo na sana ako nang marinig ko ang pagbati ng isang kasambahay sa pagbaba ni Lucas. Narinig ko pang sumagot din siya pabalik dito.

Imbes tuloy na umupo ay kumuha na lang ako ng tray para kumuha ng pagkain. Sa may kitchen na lang ako kakain. Alam kong hindi rin gusto ni Lucas na magkasabay kami sa may dining.

"Better," he murmured.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang maramdaman ko na naman ang pag-init ng gilid ng aking mga mata. Nawala ang sakit ng pamimisikal niya sa akin. Pero nandito pa rin yung sakit sa dibdib ko. Hindi ko inakalang makakaya niya akong saktan nang ganoon. Kaya niya akong saktan para sa mga taong mahal niya at nakalulungkot isiping hindi ako kabilang sa mga iyon.

Wala na siya sa dining nang matapos akong kumain. Umakyat na lang ulit ako sa aking kwarto. Pero nagulat ako nang makita ko siya sa loob, hawak ang phone ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi man lang siya nagulat o natakot na nahuli ko siyang pinapakialaman ang gamit ko.

"Nasaan yung video?" tanong niya.

"Wala akong video. Akin na ang phone ko," sabi ko at pilit na kinuha iyon sa kanya pero inilayo niya lang sa akin.

Nang mapansin niyang masyado na kaming malapit dahil sa pakikipag-agawan ko sa kanya ay mabilis niya akong tinulak palayo sa kanya. Padabog niyang inabot sa akin ang phone ko. Hindi ko iyon nasalo kaya naman nahulog iyon sa sahig.

"Hindi ko inakalang gagawa ka ng ganito. Tigilan mo," pagbabanta niya sa akin.

Gusto ko pa sanang magsalita pero hindi na natuloy ng kaagad niya akong tinalikuran at lumabas na sa aking kwarto.

Ramdam ko pa ang panginginig ng kamay ko nang pulutin ko sa sahig ang phone ko. Mariin akong napapikit nang makita kong basag ang screen nito.

"Ang sama mo talaga, Lucas! Bakit ba ikaw pa ang nagustuhan ko!?" inis na sabi ko sa kawalan.

Nang maghapon ay pumasok sa kwarto ko si Suzy para lang ikwento kung gaano siya kasaya na last week na ng class namin next week. Naka-pajama pa rin ito at hindi pa naliligo.

"Bakasyon!" sigaw niya at tumalon pahiga sa aking kama.

"May final exam pa!" paalala ko sa kanya. Nasa bakasyon kaagad ang isip niya pero ako ay namomroblema pa sa exam. Palibhasa ay wala siyang problema sa grades.

"Madali lang iyon. Pinaghalong prelims at midterms saka new lessons," paliwanag niya.

"Matalino ka kasi..." sabi ko.

Umiling siya. "Nagpapaturo nga lang ako kay Kuya, eh!" sagot niya.

Kaagad siyang tumayo at yumakap sa akin. "Magpaturo ka rin kay Kuya. Gusto niya 'yon," pang-aasar niya sa akin.

"Naku, hindi na," pagtanggi ko.

May sasabihin pa sana siya nang bigla tumunog ang phone niya. Kumunot ang kanyang noo, ipinakita sa akin ang pangalan ng tumatawag.

"Bakit?" tanong niya ng makitang si Kuya Matthew ang tumatawag.

Sinagot ni Suzy ang tawag. Tahimik lang akong nakinig sa kanya. Nagtaas ako ng kilay nang makita ko ang pagkabigla sa mukha nito, nagtaas ng kilay bago mapang-asar na tumingin sa akin habang nakikinig sa sinasabi ni Kuya Matthew sa kabilang linya.

Hind nagtagal ay inabot niya sa akin ang phone niya. Tinanggap ko, at doon ko nalamang gusto lang nitong ipaalala sa aking ang dinner na matagal ko nang naipangako sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin, Cara Isabelle Mendez!" ani Suzy. Hindi niya ako tinigilan ng tanong pagkatapos ng tawag. Panay ang pagtanggi ko sa kanya pero hindi siya naniniwalang simpleng dinner lang iyon at hindi nanliligaw sa akin ito.

"Mabait lang talaga si Kuya Matthew sa akin. At tingnan mo nga yung mga naging girlfriend n'on, hindi ako tipo n'on," pagpapaintindi ko sa kanya.

"Eh para saan ang dinner? 'Yan ang simula niyan, ligaw ang next niyan," laban niya.

Inirapan ko siya. "Ang advance mo mag-isip. Magbibihis na nga ako," natatawang sabi ko.

Humalukipkip siya sa harapan ko at sinamaan din ako ng tingin. "Paano na yung itatayo kong fans club para sa inyo ni Kuya?" pang-aasar niya sa akin.

"Tumigil ka na at walang gano'n," suway ko sa kanya.

Matapos ipaglaban ang fans club niya ay inasar naman niya ako kay Kuya Matthew sa huli. Nahirapan akong mahanap ng susuoting damit. Kakain lang naman kami sa labas kaya okay na siguro ang black off shoulder dress.

Hindi pa ako nakapagpapaalam kina Tita Sam ay naunahan na ako ni Suzy. Kahit nasa harapan ng mommy niya ay hindi pa rin siya tumigil na asarin ako.

Natuwa si tita sa ideyang iyon. "Dalaga na talaga kayo." Magkahalong saya at lungkot iyon. Siya na rin ang nagsabi kay Tito Luke tungkol sa dinner. Mukhang mas excited pa sila ni Suzy para sa akin.

"Ang ganda ni Cara ngayon, mas lalong mai-in love si Kuya Matthew," pang-aasar pa rin ni Suzy kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. Hiyang hiya na talaga ako, kanina pa niya ako inaasar.

Yumakap si tita kay Tito Luke para magsumbong. "Dalaga na ang mga anak natin," malungkot na sabi niya. Gusto yata niya ay forever kaming bata.

"Kaya nga sundan na natin, eh," pang-aasar ni Tito.

Sinamahan nila akong maghintay sa pagdating ni Kuya Matthew. At nang dumating na ay hinatid pa nila ako palabas. Ramdam ko ang pagmamahal at suporta nila sa aking sa mga ganitong simpleng bagay. Ang swerte ko talaga sa kanila.

Nang buksan namin ang pinto ay sabay pa kaming nagulat ng makita namin si Lucas. Tamad siyang tumingin sa akin bago niya iginala ang tingin sa aking kabuuan.

"Anong meron?" tamad na tanong niya. Nagtaka siguro kung bakit kasama ko ang buong pamilya niya.

"May date sila ni Kuya Matthew." Si Suzy na ang sumagot para sa akin.

Inirapan niya ako. "And so?" sabi niya bago ako nilagpasan.

Malaki ang ngiti ni Kuya Matthew pagkalabas ko. Bumati siya kina tito at tita at ipinagpaalam pa ulit ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya naman hinayaan ko na lang.

"Thank you," sabi ko nang pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan.

"Mas lalo kang gumanda," puri niya sa akin pagkapasok niya ng sasakyan.

Nahihiya ko siyang nginitian. Hindi ako sanay na may pumupuri sa akin.

Nilingon niya ulit ako ng mapansin niyang nahihiya ako sa kanya. "Don't be shy. Maganda ka, Cara," pag-ulit niya.

"Let's eat first, tapos nood tayo ng movie?" tanong niya na kaagad kong sinang-ayunan.

Kumain kami sa isang fine dining restaurant sa loob ng mall. Sanay naman ako sa mga ganoon dahil kung saan-saang high end fine dining din kami kumakain nina Tita Sam. Ang hindi lang ako sanay ay iba ang kasama ko.

"Retreat na after finals," pag-uumpisa niya.

Tipid ko siyang nginitian. Pareho sila ng hinihintay, bakasyon. Wala lang talaga sa kanila ang finals exam. Palibhasa ay mga matatalino.

"Pinoproblema ko pa po ang finals," pag-amin ko sa kanya.

Sinabi ko sa kanyang medyo hirap talaga ako sa studies pero sa lahat ng iyon isa lang ang nasabi niya.

"Kaya mo 'yan."

Malaki ang impact n'on sa akin. Masarap talaga sa pakiramdam pag may taong nagtitiwala sa 'yo. Naniniwalang kaya mo.

Natigilan ako nang hawakan ni Kuya Matthew ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.

"You can do it. I will help you," paninigurado niya sa akin.

Natahimik na lamang ako at saka pinagpatuloy ang pagkain ko. "Tuturuan na lang kita para sa finals niyo," basag niya sa katahimikan na ikinalaki ng mata ko.

"Talaga po?" tanong ko na kaagad niyang tinanguan.

"Pero baka maka-istorbo lang po ako sa inyo."

Marahan siyang umiling."Hindi ka makaiistorbo, Cara. Always remeber that you are my priority." Sa sobrang saya ay hindi ko na napigilang tumayo para yakapin siya.

"Promise po, makikinig akong mabuti," paninigurado ko.

Dahil sa nangyari ay unti-unting napalagay ang loob ko sa kanya. Nawala ang nararamdaman kong pagkailang, mas naging komportable kami sa isa't isa.

Isang oras pa kami maghihintay bago ang susunod na showing. Para hindi masayang ang oras ay nagpasama si Kuya Matthew sa akin sa pagbili ng damit na gagamitin niya sa office.

"Bagay po 'yan," suggestion ko.

"Can you please drop the po?" natatawang tanong niya.

"Pero po..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng natawa na lang siya sa akin.

"Matthew na lang, Cara," pag-uulit niya. Tipid akong tumango, masasanay rin naman siguro ako.

Lahat ng sabihin ko sa kanyang bagay sa kanya ay binili niya. Nagugulat na lang ako sa tuwing sasang-ayon siya at hindi man lang titingin sa price. Wala lang talaga iyon sa kanila.

"Pag okay sa 'yo, okay na rin sa akin," nakangising sabi niya at kinindatan pa ako.

Habang nagbabayad si Kuya Matthew ng mga pinamili niya ay naglibot na muna ako. Natuwa ako sa isang bilog na figurine. May tubig sa loob, may mermaid sa gitna at may lumilipad na mga star fish sa tuwing inaalog mo iyon. Tumutunog din at may ilaw pa.

Mabilis kong binitawan iyon nang lumapit si Kuya Matthew sa akin at sinabing tapos na siyang magbayad. Sabay kaming naglakad palayo roon, hawak niya ang ilang paper bags na may lamang mga damit niya.

Pagkarating sa tapat ng sinehan ay nagpaalam siya sa aking dadalhin sa sasakyan ang mga paper bag na hawak niya para hindi namin iyon bitbit sa loob. Pumayag naman ako at hinayaan na lang siya.

Habang naghihintay ay muli kong kinuha ang cellphone ko sa aking bag. Napangiti ako nang makita ko ang family picture namin na wallpaper n'on. Siguro ay masaya rin sina mommy at daddy para sa akin kung nandito sila ngayon.

Napanguso ako nang mapansin ang basag sa screen. "Multuhin niyo nga po si Lucas, Mommy at Dadd. Ang sama ng ugali," sumbong ko.

"What are you doing here?" matigas na tanong ni Lucas?

Kaagad ko siyang nilingon. Siya nga, at kasama niya si Amiella.

"Lucas. Anong ginagawa mo rito?' tanong ko rin sa kanya.

With his usual look ay nakasimangot na naman siya sa akin. "Bakit sa 'yo 'tong mall?" masungit na tanong niya na kaagad kong inilingan.

"Hindi naman pala eh, so wala kang pake," masungit na sabi pa niya.

"Pumasok na tayo, Lucas," yaya sa kanya ni Amiella.

Nawala ang atensyon ko sa kanilang dalawa nang marinig ko ang pagdating ni Kuya Matthew. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran nang tuluyan siyang makalapit. Kagaya ko ay nagulat din siya sa presensiya ng dalawa.

"Nandito rin kayo," sabi niya na hindi pa rin makapaniwala.

"Manonood kami ng movie," masungit na sabi ni Lucas dito. Lahat na lang talaga ay inaaway niya.

Napanguso ako. Hanggang dito ba naman ay hindi pa rin nila ako tatantanang dalawa?

"So double date pala tayo," nakangiting sabi ni Kuya Matthew habang naglalakad kami kasunod nila.

Nakangisi kaming nilingon ni Lucas. "Date?"

Nagtaas pa siya ng kilay. "Bakit kayo ba?" mapanuyang tanong niya sa amin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro