Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Aray," mahinang daing ko. Kaunting kaunti na lang ay mahahalikan ko na yung lupa.

"Damn, Lucas. Ano bang problema mo?" mariing tanong ni Kuya Matthew.

Naramdaman ko na lamang ang marahang pag-angat nito sa akin. Pagkatayo ay napasubsob pa ako sa napakabango at matigas niyang dibdib.

"I'll take her home," pinal na sabi ni Kuya Matthew kay Lucas.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "May masakit pa ba?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Marahan akong umiling. Nilingon ko si Lucas, masama pa rin ang tingin niya sa akin. Bukod sa galit ay may kakaiba pa sa tingin niya, hindi ko mapaliwanag.

"Hindi mo dapat ginawa iyon, Lucas. May sakit si Cara," pangaral ni Kuya Matthew.

Bago sumagot ay inirapan muna ako nito. "Nakarating nga siya rito mag-isa, for sure she can also go home alone."

"She needs help," giit ni Kuya Matthew.

Muli akong tumingin kay Lucas, mas lalo siyang nainis. Para bang gusto niya akong tirisin dito mismo sa kinatatayuan ko. Nakita ko rin kung paano bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa braso ni Kuya Matthew. Dahil sa hiya ay bumitaw na lang ako.

"Let's go," ani Kuya Matthew.

Marahan naman aking tumango at hahakbang na sana kami paalis nang muling magsalita si Lucas.

"Why do you want to waste your time for her? Wala namang kwenta 'yan, eh," pang-iinsulto niya at bahagya pang natawa sa huling sinabi.

Nakita ko kung paano naikuyom ni Kuya Matthew ang kanyang kamao dahil sa galit.

"Wala palang kwenta, eh, so why do you care?"

Imbes na matakot ay napangisi pa si Lucas. "She's just taking advantage of you. As you can see, ginagawa niya na iyon sa parents ko. Ngayon ay hindi pa yata kuntento."

Bahagya akong humakbang palayo kay Kuya Matthew. Masama na palang humingi ng tulong ngayon. Gusto kong maiyak dahil sa halo-halong emosyon at nararamdaman. Ito namang si Lucas ay walang pinipiling panahon sa panlalait sa akin.

"What now, bitch!? Do you want a big catch, huh!?" nakangising asik niya sa akin.

Nanlaki ang aking mata sa kanyang tinawag sa akin. Tuluyan nang tumulo ang aking luha.

"You jerk!" galit na tawag sa kanya ni Kuya Matthew. Susugurin sana niya ito ng mabilis akong tumakbo paalis doon.

Narinig ko pa ang tawag ni Kuya Matthew sa akin pero hindi ko na pinansin. Tumakbo ako kahit sobrang sama ng pakiramdam ko. Pinagtitinginan na rin ako ng mga estudyanteng nakasasalubong ko. Dumeretso ako sa lumang building. Tumakbo ako patungo sa CR at doon nagkulong.

"What now, bitch!? Do you want a big catch, huh!?"

Tinawag niya ako ng ganoon. Akala siguro niya lumalapit ako kay Kuya Matthew dahil sa mayaman din ito.

Ikinalma ko ang aking sarili, mas lalo kasing sumasama ang pakiramdam ko dahil sa pag-iyak. Lalabas na sana ako sa cubicle nang mapahinto at marinig ko kung sino ang kapapasok lang sa banyo at narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto nito.

"What the hell, Lucas!?" rinig kong sigaw nung babae.

Napaatras ako at napatakip ng bibig. Ayokong malaman nila na nandito ako sa loob.

"Watch your words, Amiella," ma-awtoridad na suway nito.

Mariin akong napapikit. Napakalupit talaga ng tadhana sa akin. Kailangan ba talagang masaktan ako nang ganito araw-araw?

"I said I need space," ani Amiella.

"I already gave you your space. Damn it, Amiella. I waited for how many years!" sumbat ni Lucas dito.

"But Lucas..."

Hindi na natuloy ni Amiella ang sasabihin niya nang kaagad akong makarinig ng daing nito na para bang napasandal siya sa may pader. Parang unti-unting napupunit ang puso ko nang makumpirma kong naghahalikan sila. Gusto kong humagulgol pero pinilit kong takpan ang bibig ko.

"Lucas," dinig kong hinihingal na daing ni Amiella.

Gusto kong tumakbo palabas. Ayoko na kasi roon, para akong mamamatay sa loob. Pero wala na rin akong lakas.

"Ihahatid na kita sa susunod mong klase," rinig kong sabi ni Lucas bago narinig ang kanilang paglabas.

Bigo ako habang palabas ng cubicle. Tumambad sa akin ang malaking salamin, nakita ko ang pagmumukha ko. Ano nga naman ba ang laban ko? Napakapangit ko, hindi kagaya ni Amiella. Hindi maganda ang katawan ko katulad ng sa kanya. Hindi rin ako matalino.

"Bakit kasi ganyan ka, Cara?" tanong ko sa aking sarili.

Dumeretso ako sa library. Nakuha ko ang atensyon ng iba dahil sa namumugto kong mga mata. Maging ang buhok ko ay hindi maayos. Dagdag mo pa ang uniform kong puti na nadumihan ng madapa ako kanina at ang ankle ko na medyo masakit.

"Ano ba 'yan?" pandidiri ng isang babae habang nakatingin sa akin.

Napabaling ako sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Matutulog muna ako kahit na isang oras lang. Gusto kong magpahinga kahit sandali lang.

"Walang magsasalba sa sarili mo kundi ikaw lang, Cara. Ikaw lang mag-isa..." paulit-ulit kong sabi sarili ko.

Ngayon ang start ng part-time job ko sa isang fast food. Alas tres y medya pa naman iyon sana naman ay bumaba na ang lagnat ko.

"Dito ka na muna sa paghuhugas ng mga plato. Madami kasing customer sa labas. Pag medyo humupa na, simulan mo nang linisin yung mga banyo," sabi sa akin nung manager.

Wala akong nagawa kundi ang tumango at sumunod sa kanyang utos. Tumindig ang balahibo ko nang mababad ang mga kamay ko sa tubig dahil sa paghuhugas ng plato.

"Make it fast, everyone!" may sumigaw.

Nabigla ako dahil dumoble ang galaw ng mga empleyado. Kaya naman sinubukan kong bilisan din ang paggalaw ko pero bigla kong nabitawan ang isang baso.

"Ano ba yan!?" hiyaw ng isa.

"Pasensya na po," paghingi ko ng paumanhin. Buti na lang at hindi iyon nabasag.

Nagtutuyo pa lang ako ng kamay nang kaagad na pumasok ang manager. "Madumi na yung CR."

Napanganga ako. "Go now!" utos pa niya kaya naman binilisan ko ang kilos ko.

Kinuha ko ang balde at panlinis ng banyo. Hindi ko alam kung kaya ko bang tumuloy roon sa loob. "Kaunting tiis lang..." pagpupursigi ko.

Para akong inilagay sa oven pagkalabas ko sa huling cubicle. Mainit pa rin kasi ang pakiramdam ko kaya naman ngayon ay para na akong naliligo sa sarili kong pawis.

"You can now take your break," salubong sa akin nung manager. Mukha namang mabait siya.

"Thank you po," pagpapasalamat ko.

May libreng burger at softdrinks. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman kinain ko na iyon. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na rin ako dahil tapos na ang trabaho ko sa araw na ito.

Sumakay ako ng jeep pauwi. 7:30 na rin ng gabi, siguradong nag-dinner na sila sa bahay. Dumaan ako sa convinience store bago pumasok sa subdivision.

Bumili ako ng cup noodles. Kailangan kong kumain bago ako uminom ng gamot. Doon na rin ako kumain. Gusto kong mainitan ang sikmura ko kaya naman dahan-dahan kong hinigop ang sabaw n'on.

Mula sa aking pwesto ay kita ko ang mga sasakyang naglalabas-masok sa subdivision. Dahan-dahan na naman akong humigop ng mainit na sabaw sa cup noodles ko nang mapadaing ako ng mapaso ang dila ko dahil sa lalaking nakasakay sa kanyang itim na big bike na huminto roon mismo sa aking harapan.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya pero ramdam ko ang talim ng tingin nito sa akin. Pumasok siya sa convenience store at dumeretso sa may mga refrigirator. Nakatalikod siya sa akin kaya naman binalingan ko siya at doon ko nakita ang pag-flex ng muscle niya nang abutin niya ang can ng beer.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin pagkalapit niya.

Tinitigan ko na lamang ang cup noodles ko. "Kumakain," mahinang sagot ko.

Hindi ko siya magawang tingnan. Naalala ko na namang nakipaghalikan siya kay Amiella.

"Ang kapal talaga ng mukha mo. Alam mo bang nag-aalala si Mommy sa bahay dahil sa 'yo!? Nagawa mo pang tumambay rito at kumain!?" singhal niya sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Iilan na lang ang tao pero nakuha namin ang atensyon nila.

Napatingala ako sa nanlilisik na mata ni Lucas. "Tatapusin ko lang 'tong pagka..." Hidi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kaagad niyang tinabig ang kamay kong may hawak ng cup noodles kaya naman kaagad na natapon iyon.

"Umuwi ka na!" singhal niya.

Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa galit. "Uuwi naman ako, eh."

"Sana nga hindi! Kailan ka ba kasi aalis sa bahay namin!?" galit na tanong niya.

"Malapit na!" sigaw ko sa pagmumukha niya bago ako tumayo at mabilis na lumabas.

Tuloy lang ang pagtulo ng luha ko habang naglalakad nang mabilis. Hindi nagtagal ay narinig ko na ang parating na motor ni Lucas.

"Sino ka para sigawan ako ha!?" sigaw niya habang sinasabayan ng motor niya ang paglakad ko.

Hindi ko siya sinagot. Nagtuloy ako sa paglakad habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Hindi ka na nahiya! Ni hindi nga namin pinag-aalala si Mommy tapos ikaw tong sampid lang akala mo kung sino! Masyado kang pa-importante!" pangaral pa niya.

Mas lalong bumaha ang luha sa pisngi ko. "Tama na muna, Lucas..." pakiusap ko sa kanya dahil gusto ko na talaga munang magpahinga para na akong matutumba.

"Aba't ang kapal naman talaga ng mukha mo para utos-utusan ako!"

"Tama na!" sigaw ko sabay upo sa lupa.

Kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa aking mga palad. Narinig ko pagkamatay ng makina ng kanyang motor.

"Anong drama mo ngayon ha!?" singhal pa rin niya pagkalapit sa akin.

Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. "Hindi mo naman kailangang ipamukha sa akin na sampid lang ako sa bahay niyo."

Rinig ko ang pagngisi niya. "Eh sa iyon ang gusto ko, eh."

"Aalis din naman ako, eh," umiiyak na sabi ko pa rin.

Hindi siya umimik. "Nag-iipon lang ako. Balak ko naman na talagang umalis sa inyo," dugtong ko pa.

"Nag-iipon ng ano? Pera ng mga magulang ko?" tanong niya kaya naman napatingala ako.

"Hindi ko magagawa yon sa inyo, para ko na rin kayong pamilya, Lucas," pagpapaintindi ko sa kanya.

Napailing ito at napangisi. "So na-guilty ka pala, kaya kay Matthew ka dumidikit ngayon."

"Tumutulong lang si Kuya Matthew sa akin," laban ko.

"Remember this, Cara. Hindi ka niya magugustuhan, malayong malayo ka sa mga babaeng tipo niya."

Napatayo ako. "Alam ko, paano ko naman makalilimutan kung araw-araw mong ipinamumukha sa akin 'yan," matapang na sabi ko pa.

"Good to hear," mapanuyang sabit niya.

Tinalikuran ako nito at pabalik na sana sa kanyang motor ng magsalita ako. "I wanted to be a part of your family Lucas," kwento ko sa kanya.

Napatigil siya sa paglalakad pero hindi niya ako nilingon. "You hate me so much. Why? Ano bang nagawa ko sa 'yo? Mahal lang naman kita," sumbat ko pa sa kanya.

"No, you don't. Hindi mo ako mahal, Cara. You only want everything I have, that's it," mariing pagpaintindi niya.

Napailing ako. "Nasa CR ako kanina, alam ko kung anong ginawa niyo ni Amiella..." may hinanakit na sabi ko.

Nilingon niya ako at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "So what? Do you want to blackmail me?" hamon niya.

"Iniwan ka ni Amiella. Ako, hindi. Palagi lang akong nasa tabi mo kahit palagi mo na lang akong pinalalayo. Bakit ako hindi mo kayang mahalin?" tanong ko.

Napairap ito at napatingin kung saan. "She's worth the wait," pagpapaintindi niya sa akin.

Nilunok ko ang pride ko tutal nandito naman na ako. "Ako ba hindi worth it para makuha ang pagmamahal mo?" matapang na tanong ko sa kanya.

"There's nothing special about you, Cara."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro