Chapter 15
"Cara!" sigaw ni Suzy mula sa labas ng aking pintuan. Napangiti pa ako nang marinig kong ginagaya niya ang tunog ng tilaok ng manok.
Sinadya kong hindi lumabas ng kwarto nang maaga. Magtataka kasi sigurado si Suzy pag nalaman niyang hindi pa ako mag-e-enroll.
Habang nasa retreat kami ay sina Tita Samantha na ang bahala sa lahat. Pupuntahan nila ang mga kamag-anak ko. Titingnan kung gaano ito kalayo sa school, kung malayo man baka ilipat nila ako ng ibang university para hindi raw ako mahirapang bumiyahe.
"Suzy, baka natutulog pa si Cara. Kumain ka na sa baba," rinig kong suway sa kanya ni Tita Samantha.
"Mamayang one nandito na ang shuttle. Baka ma-late si Cara," pagmamaktol nito.
"Don't worry, ako na ang gigising sa kanya. Sige na, sumabay ka na sa kuya mo," utos pa ni tita na sinunod din naman ni Suzy.
Naligo na rin ako at nagbihis. Kukuhanin ko lang ang mga grade ko ngayon. Pagkatapos ay uuwi na dahil darating ang shuttle bus na susundo sa amin mamayang hapon.
"Kumain ka na. Hihintayin ka raw ni Suzy sa school. Hindi raw siya uuwi pag hindi ka kasabay," natatawang sabi sa akin ni tita.
"Tinakot po ba kayo?" natatawang tanong ko naman na kaagad niyang tinawanan.
"Alam mo naman ang isang iyon," nakangiting dugtong pa niya.
Pinahatid ako ni tita sa driver. Hindi naman gaanong traffic kaya naman mabilis akong nakarating sa university.
"Thank you po," sabi ko sa driver pagkababa ko.
Pumunta ako kaagad sa registrar. Text na kasi nang text si Suzy sa akin kung nasaan na raw ba ako. Nagpapa-enroll na raw sila at kung bibilisan ko ay makasasabay ako.
"Kukuha lang po ako ng grades," sabi ko sa registrar. Kaagad naman siyang nag-print ng kopya ng mga grade ko.
"Kukuha ka na rin ba ng form?" tanong nito tukoy sa enrollment form.
"Hindi na po muna," pagtanggi ko at nagpasalamat bago ako lumabas.
Nag-stay muna ako sa cafeteria. Pinuntahan ko lang siya nung nag-text siyang nasa school cottage na sila.
"Saan ka ba galing?" salubong na tanong ni Suzy sa akin.
"Sa registrar. Kaso mahaba pila, kaya after retreat na lang ako magpapa-enroll," palusot ko.
Nakatanggap na naman ako ng hampas mula rito. "Kasi eh, late kang gumising," paninisi niya pero hinila pa rin ako paupo sa tabi niya.
Nandoon silang lahat. "Aalis na kami ni Zafara," paalam ni Zeus sa amin.
"Pustahan tayo, ngayon pa lang mag-aayos 'yon!" natatawang sabi ni Thomas.
"Baka dadalhin buong bahay nila," dagdag pa ni Mikhael.
Nagtawanan ang mga ito kaya naging maingay na naman kami roon. "Okay na yung mga gamit mo?" tanong ni Ken kay Suzy at tumabi pa rito.
Tumango si Suzy. "Mamaya ko na sa 'yo ibibigay yung binili kong couple hoodie, ha," sabi nito na ikinatawa ko.
Lumaki rin ang ngiti ni Ken na halatang nagpipigil ng tawa. Sumimangot naman kaagad si Suzy sa aming dalawa.
"May nakatatawa ba?" tanong niya. Para bang anong oras ay iiyak na.
Marahang hinawakan ni Ken ang baba nito para iharap sa kanya. "Natutuwa lang ako sa 'yo. Ang cute mo kasi," paglalambing nito kay Suzy.
"Naku! Nambobola ka lang, eh," laban naman ni Suzy rito.
"Alam mo namang kahit anong ipasuot mo sa akin, susuotin ko, di ba? Kahit nga paghubarin mo pa ako sa harapan mo," sabi ni Ken at kinindatan pa siya.
Bago ko pa masaksihan ang pangingisay ni Suzy sa kilig ay tahimik na akong umalis. Nakahihiya naman kasi sa lambingan nila.
"Matthew naman!" rinig kong singhal ng isang boses ng babae.
Natanaw ko ang dalawang bulto ng tao sa may garden kung saan may nagtataasang puno. Doon ko nakita si Kuya Matthew. Nakatalikod ito sa aking gawi. Kaharap nito ang isang babaeng matangkad, balingkinitan ang katawan. Mahaba ang buhok at maputi.
"What? Tapos na tayo, Erica. Don't act like a jealous girlfriend cause you're not. And will never be," matigas na sagot ni Kuya Matthew rito.
Kita ko ang galit sa mata ng babaeng tinawag niyang Erica. "Nang-iinsulto ka ba ha!? Itatapon mo na ako dahil sa panget, bobo at matabang Cara na 'yon!? Tell me, Matthew, are you just playing around or what!?" Galit na ito na para bang gustong gusto nang mapatid ng mga ugat sa kanyang leeg.
Hindi sumagot si Kuya Matthew pero kita kong nanginginig na ang kanyang kamao.
"C'mon, Matthew, tell me you're just playing around," pakiusap nung babae.
"Let's stop this nonsense..." galit at pinal na sabi ni Kuya Matthew. Hahakbang na sana ito paalis nang kaagad na kinabig ng babae ang batok nito.
They were kissing in front of me.
Nabato ako sa aking kinatatayuan kahit gustong gusto ko ng tumakbo palayo roon. Hindi nagtagal ay halos madapa ako nang may humila sa akin palayo roon.
"Ano ba?" suway ko rito at pinilit kong bawiin ang braso ko sa pagkakahawak niya.
Tiningala ko ito. Ang matalim at nanlilisik niyang mata ang sumalubong sa akin. "Ano na naman ba ang problema mo sa akin?" tanong ko kay Lucas.
"You're really stupid. Nakaiistorbo ka sa kanila," akusa nito sa akin na ikinagulat ko.
Nilabanan ko ang matalim na titig niya sa akin. "Salamat sa paghila mo," sabi ko saka ko siya kaagad na tinalikuran.
Mabilis akong naglakad palayo kay Lucas. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ito susulpot sa kung saan tapos magagalit na naman sa akin.
"Cara!" tawag sa akin ng apat na babae hindi kalayuan.
Hindi ko sila kilala sa pangalan pero namumukaan ko sila. Kung hindi ako nagkakamali ay tourism student ang mga ito.
"May kailangan kayo sa akin?" tanong ko.
Lumapit silang apat sa akin. "Bilhan mo kami ng tubig," utos niya sabay abot ng isang libo.
Kumunot ang noo ko sa gulat. "Ano ulit?" muli ko pang tanong sa kanila dahil baka nagkakamali lang ako ng dinig.
"Wala ka talagang kwenta, bingi ka na rin pala ngayon. Ang sabi ko bilhan mo kami ng tubig," mariing ulit niya.
"At bakit ko naman gagawin iyon ha!?" laban ko sa kanila. Hindi ako natatakot kahit na apat sila.
Tumaas ang kilay nito. Ang mga babae sa likuran niya ay natatawang napailing. "Mayabang ka na ngayon? Akala mo kung sino ka na dahil lang sa pagkanta ni Matthew para sa 'yo... Ganoon ba iyon, Cara?" pang-aasar nito at may kasamang insulto.
"May mga paa kayo, malapit na ang cafeteria, kayo ang bumili ng sarili niyong tubig," sabi ko saka sila tinalikuran.
Hahakbang na sana ako nang hinila nila akong apat para matumba ako sa lupa. "Ouch, Cara is finally home! Sa putikan kung saan siya nababagay," sabi ng isa saka sila sabay na nagtawanan.
Naikuyom ko ang kamao ko. Mabibigat at mabibilis na rin ang paghinga ko. Gustong gusto ko nang lamutakin ang mga mukha nila.
"Hoy! Anong ginagawa niyo kay Cara!?" sigaw ni Suzy.
Kaagad na nagbago ang ekspresyon ng mga babaeng iyon. "Anong ginagawa niyo ha?" matapang na tanong nito. Sa tabi niya ay si Zena.
"Tayo ka na riyan, Cara." Pagtulong sa akin ni Mikhael.
"Salamat," sabi ko sa kanya.
"Isusumbong ko kayo sa mga kuya namin! Humanda kayo!" banta ni Zena.
Nanlisik ang mata ng babaeng nasa harapan ko at padabog silang nagmartsa palayo sa amin.
Sinabi ko naman sa kanilang ayos lamang ako at wala naman iyon. Sanay na ako, bata pa lang ay marami na talagang ganyan. Mapagpintas na akala mo kung sinong mga perpekto.
Nakaalalay sa akin si Mikhael pabalik sa student cottage. Sinalubong kami ng blangkong ekspresyon ni Lucas. Tamad lamang siyang nakatingin sa akin.
"Anong nangyari?" nag-aalalang salubong ni Kuya Matthew sa amin.
"Saan ka ba galing, Kuya?" mataray na tanong ni Zena rito.
"Just, somewhere," magulong sagot niya.
"Hindi mo tuloy natulungan si Cara. Binully siya ng mga mean girls at kung hindi ako nagkakamali, mga tuta mo 'yon," akusa sa kanya ni Zena.
"Anong tuta?" takang tanong ni Suzy rito.
"Tuta, parang mga asong sunod nang sunod dito kay Kuya. In short mga manliligaw niya," inis na sagot nito.
Pero hindi nakikinig si Kuya Matthew sa kapatid dahil nanatili ang atensyon nito sa akin.
"I'm so sorry about that." Ramdam ko ang guilt sa boses niya na para bang sinisisi niya din ang sarili dahil sa nangyari.
"Ayos lang ako, wala 'yon," nakangiting sagot ko.
Magsasalita pa sana ito nang biglang sumingit si Lucas. "Umuwi na tayo. Kailangan na nating mag-ayos. Darating ang shuttle bus nina Tito Axus ng one," masungit na sabi niya.
"Ako na ang maghahatid kay Cara," pigil ni Kuya Matthew rito.
Masama siyang tiningnan ni Lucas. "Mas importante pa bang makapaglandian kayo kaysa makapag-ayos tayo para sa retreat?" seryosong tanong nito.
Nag-igiting ang panga ni Kuya Matthew. Lumapit ang kapatid na si Mikhael sa kanya at saka siya hinawakan sa balikat para pakalmahin.
"Mabuti pa siguro magsiuwi na tayo," sabi niya at maging si Zena ay hinila palayo sa amin.
Tahimik lang ako habang nasa biyahe kami pauwi. Nasa passenger seat si Lucas at sa backseat kami ni Suzy.
Isang shuttle bus ang gagamitin namin papuntang Bulacan. Pinahiram iyon nina Tita Elaine at Tito Axus. Marami kasi itong iba't ibang klase ng sasakyan.
Pagdating sa bahay ay nagbihis na lang kami at kumain. Ibinaba na rin namin ang mga gamit na dadalhin. "Sa dami ng inempake mo, 'yan lang ang dadalhin mo?" puna ni Suzy sa dala kong traveling bag at isang backpack.
Nginitian ko na lamang siya. "Abnormal ka rin minsan, eh," akusa nito sa akin bago tinabi ang maleta niya sa mga gamit ko.
Nagpaalam ako sandali kay Suzy para bumalik sa aking kwarto. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Dalawang malaking maleta at ilang karton na lamang ang natirang kalat doon. Wala nang laman ang mga cabinet ko. Maging ang vanity mirror ko ay malinis na rin.
Maingat akong umupo sa kama ko nang nagdaang ilang taon. Ito ang nakasaksi sa lahat ng pag-iyak ko. Sa lahat ng tuwa at sa lahat ng hinagpis. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Ang pinakamami-miss ko rito sa kwarto ko ay ang bintanang tanaw ang malawak na swimming pool kung saan ko palaging pinanonood na lumangoy si Lucas.
"Nandiyan na ang sundo natin!" sigaw ni Suzy mula sa baba.
Mabilis akong kumilos. Bago buksan ang pintuan ay muli kong pinasadahan ng tingin ang aking buong kwarto.
"Baka gusto mong bilisan," mapanuyang sabi ni Lucas ng makita niya ang dahan-dahang pagsara ko sa pintuan.
"Ah, sorry." 'Yon na lamang ang nasabi ko at mabilis nang bumaba.
Maraming bilin sina Tita Samantha at Tito Luke sa amin. Kahit na taon-taon naman naming ginagawa ito ay hindi pa rin sila nawawalan ng mga bilin.
"Susunduin ka namin sa last day. Kami ang maghahatid sa 'yo sa mga kamag-anak mo," mahinang sabi ni tita sa akin.
Alam kong nalulungkot siya dahil aalis na ako. Ganoon din naman ako, pero kahit hindi na kami sa iisang bahay nakatira, siya pa rin ang second mom ko. Sila pa rin ang pangalawang pamilya ko.
"Wow! Ibang klase talaga sina Tito Axus," puri ni Suzy pagkapasok namin sa shuttle. Kasya ang labinlima sa loob. Air conditioned at malalaki ang upuan kaya hindi ka mahihirapan. Kumportable ang magiging upo mo.
Sinundo namin ang iba sa kani-kanilang mga bahay.
"No phone, no porn... I'm dead," frustrated na sabi ni Mikhael nang tamad na tamad siyang pumasok sa shuttle.
"Kadiri talaga si Kuya!" inis na sabi ni Zena.
Magkatabi kami ni Suzy kahit alam kong gusto niyang katabi si Ken.
"Kay Ken lang ako, ha," paalam nito sa akin sabay kindat. Inirapan ko na lamang siya. Wala na tuloy akong katabi ngayon.
"Tabi!" biglaang sabi ni Lucas.
"Ha?" pagtataka ko.
"Tabi sabi!" sabi niya at may patulak pa.
Mabilis akong umusog papunta sa may bintana. Nagulat ako nang tumabi siya sa akin.
"Tatabi ka sa akin?" Gusto ko talagang ngumiti buti na lamang at napigilan ko.
Sinamaan ako nito ng tingin. "So what? Not a big deal," tamad na sagot nito sa akin bago pumikit.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kuya Matthew. Malungkot itong nakatingin sa akin. "Saan ka po pupunta?" tanong ko sa kanya kahit kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.
Nginitian niya ako kahit halatang pilit iyon. "Tatabihan sana kite pero dito na lang ako sa harapan mo," sabi niya at saka umupo sa unahan naming upuan.
Ngayon alam ko na kung bakit bigla na lamang lumipat si Lucas sa aking tabi. Napakakontrabida talaga ng lalaking ito.
"Cara, try mo ito." Abot sa akin ni Kuya Matthew ng iba na namang pagkain. Kanina pa kami panay kain. Umiikot ang iba't ibang pagkain sa loob ng shuttle.
"Soundtrip naman diyan!" request nina Zeus at Thomas.
"Magsitahimik kayo!" sigaw ni Mikhael mula sa likuran. Kanina pa ito tulog, mukhang puyat na puyat.
Kinuha ko sa bag ang ginawa kong graham polvoron nung isang araw. Sinubukan namin ni Suzy magluto ng kung ano. Tinry din naming mag-bake at gumawa ng mga dessert.
"Kuya Matthew, ako po ang gumawa nito," sabi ko sabay abot sa kanya ng lagayan ng polvoron.
"Talaga? Mukhang masarap." Nakangiting tanggap niya rito.
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang hinihintay ang reaksyon niya. Nawala ang focus ko sa kanya nang mapansin ko ang unti-unting paghilig sa akin ni Lucas.
"Anong?" Kinakabahang tanong ko. Masyado nang malapit ang mukha niya sa akin. Naalala ko tuloy yung kiss nung prom night.
Sa sobrang lapit na ng mukha nito at napapikit na lamang ako. Hinihintay ko ang malambot na labi nito ng bigla akong napadilat dahil sa pag ngisi niya. Nagtaas siya ng kilay sa akin.
"Sinara ko, nakasisilaw," masungit na sabi niya sabay turo sa kurtina.
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa salamin. Pero nanahimik na lamang ako. "Cara, masarap. Magaling ka palang gumawa ng ganito." Naling ni Kuya Matthew sa akin.
Ramdam ko ang pag-init ng aking magkabilang pisngi dahil sa puri niya
"Oy, kinikilig siya," mapanuyang bulong ni Lucas doon mismo sa tainga ko.
"Ano bang..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa sumunod nitong sinabi.
"Pero pustahan tayo, mas kinilig ka nung natikman mo yung labi ko."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro