Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

"Anong kagabi?" sigaw na tanong ni Suzy.

Napatingin ako kay Lucas pero inirapan lang ako nito.

"Hoy!" Si Suzy pa rin. Mukhang hindi na naman niya ako titigilan.

"Aray naman," daing ko sa paghampas nito sa aking braso.

"Tigilan mo ako, ano yung sinasabi mo tungkol sa kagabi? May humalik sa 'yo!? Nag-French kiss kayo? Ano? Masarap ba?" dere-deretsong tanong niya sa akin.

Imbes na magulat sa kanyang sunod-sunod na tanong ay mas nagulat ako ng binato siya ni Lucas ng throw pillow.

"Can you shut your mouth?" galit na suway ni Lucas sa kapatid.

Nagsukatan ng tingin ang mga ito. Parehong lalaban sa isa't isa.

"Wala. Suzy. Wala... Uhm ano nanood kasi ako ng teleserye kagabi, 'yon!" magulong palusot ko.

Masama ako nitong tiningnan. "Ikwento mo 'yan sa akin mamaya! Pag hindi, lagot ka sa akin," pagbabanta niya sabay irap.

"Wag nang maingay! Manood na tayo," sabi pa niya na ikinairap na lamang ni Lucas.

Sa sobrang hiya, pati paghinga ay nahiya na rin akong gawin. Kaya naman bago pa ako mamatay doon dahil sa ay nagpaalam muna akong pupunta ng restroom.

"Banyo lang..." paalam ko sa kanila. Hindi naman nila ako pinansing pareho kaya naman tahimik akong lumabas sa theater room.

"Oh hija, saan ang punta mo?" tanong ni Tita Samantha nang makasalubong ko siya.

"CR lang po, Tita," sagot ko.

Nakita kong bihis na bihis ito. "Aalis po kayo?" tanong ko.

"Oo, may pupuntahan lang kami sandali ng Tito Luke mo," nakangiting sagot niya.

"Ingat po kayo."

Dumeretso na lamang ako sa kusina para uminom ng tubig imbes na sa banyo. Halos mabilaukan naman ako nang makita ko ang pagpasok ni Lucas.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko dahil sa gulat.

Kumunot ang noo nito. "Pakialam mo? Pamamahay ko 'to," asik niya sa akin sabay tungo sa ref kaya naman napaatras ako.

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Problema mo? Kung makaiwas ka parang diring diri ka, ah! Nahiya naman ako sa 'yo!" Himutok niya.

"Hindi naman sa gano'n," nakayukong sagot ko sa kanya.

Batid ko ang nanlilisik na mata nito sa akin. "Umalis ka na nga! Panira ka ng araw, eh," masungit na utos pa niya.

Nakayukong umalis na lamang ako roon at sinamahan si Suzy sa panonood. "Sino humalik sa 'yo?" seryosong tanong nito pagkapasok ko. Akala ko pa naman nakaligtas na ako sa kanya hindi pa rin pala.

"Wala nga," sagot ko.

Naningkit ang mga mata nito. "Hindi mo ba alam na malakas ang sister instinct ko?" banta niya.

Mariin akong napapikit. "Oo na, oo na!" Hindi malinaw na pag-amin ko pero napahiyaw si Suzy habang pumapalakpak pa.

"Yehey! Dalaga na si Cara!" masayang sigaw nito sabay yakap sa akin.

"Tigilan mo nga ako!" suway ko sa kanya.

Kinahapunan ay nag-ayos kaming tatlo para sabay na mamili ng mga kakailanganin namin para sa retreat. "Kuya, nag-text si Mommy. Gagabihin daw sila ni Daddy," sabi ni Suzy rito habang binabasa ang text ni Tita Samantha sa cellphone niya.

Tinanguan lamang siya ni Lucas. "Let's go," yaya nito sa amin.

Palabas pa lamang kami ng bahay ay kaagad ng kumapit si Suzy sa kanyang kuya. "Treat mo kami ni Cara ng dinner ha!" pamimilit nito.

"Ayoko!" masungit na sagot nito.

Napanguso tuloy si Suzy habang naglalakad na kami papuntang garahe. "Si Kuya naman ang damot! Yaman yaman, eh!" pagmamaktol pa nito.

"Umayos ka nga! Ang laki laki mo na, eh," suway ni Lucas sa kapatid. Binuksan nito ang passenger seat para papasukin si Suzy.

"Pero ako ang pinaka-favorite mong kapatid, di ba!?" Paglalambing ni Suzy rito sabay yakap sa kuya niya.

Kita ko ang pag-irap ni Lucas pero tuwang tuwa naman sa kapatid. "Ikaw lang naman ang kapatid ko," sagot sa kapatid.

Hinampas ni Suzy ang braso nito. "Basta ha! Treat mo kami ng dinner," sabi pa nito bago kusang isinara ang pintuan ng passenger seat kaya naman naiwan na kami ni Lucas sa labas ng sasakyan.

Napawi ang ngiti sa labi nito ng napatingin sa akin. "Ano? Bubuksan ko pa ang pintuan para sa 'yo?" mapanuyang tanong niya sa akin.

Malungkot na lamang ako umiling. "Ano!? Mag-iinarte ka pa riyan!?" bulyaw niya sa akin.

Mabilis ko na lamang binuksan ang back door at pumasok na sa loob. Mabilis namang umikot si Lucas patungo sa driver's seat.

"Kuya! Lipat na lang pala ako sa tabi ni Cara!" pigil ni Suzy rito nang palabas na kami sa gate.

"Damn it. Suzy naman," daing ng kuya niya sa gulat dahil bigla na lamang itong tumili kaya biglang preno si Lucas.

"Sareh na! Sareh!" maarteng sabi ni Suzy rito at mabilis na tumayo para tabihan ako.

Nginitian ako nito at saka niyakap. "Si Cara talaga ang best friend ko, eh! Kaya nga gustong gusto ko tong maging sister-in-law!" pagpaparinig niya sa kuya niya.

"Bakit sister-in-law pa? E di kayong dalawa magpakasal niyan," tamad na sabi nito na hindi man lang magawang banggitin ang pangalan ko.

"Ikaw ang lalaki, Kuya!" bulyaw niya sa kapatid.

"Para kang may megaphone sa bunganga. Manahimik ka nga!" inis na suway nito sa kapatid.

Halos mawala ang itim sa mata ni Suzy sa pag-irap. "Kung ayaw mo, e di wag!" pahabol pa niya.

Bumaling ito sa akin nago kumapit sa aking braso. "Kay Kuya Matthew ka na lang magpakasal." Baling sana niya sa akin pero napahinto siya sa gulat ng biglang pumpreno si Lucas.

"Damn it, Suzy! Tatahiin ko talaga 'yang bunganga mo," banta niya sa kapatid pero walang isinukli si Suzy kundi halakhak. Baliw talaga ang kambal na ito.

Walang tigil ang bunganga ni Suzy kadadaldal habang kumakain kami ng ice cream na libre ni Lucas. Lumilibot kami sa mall para maghanap ng mga kailangan namin. Hawak ni Suzy ang kamay ko kaya naman sabay kaming maglakad samantalang nasa likuran naman namin si Lucas.

"Suzy, sa supermarket," sabi nito kaya naman sumunod kami sa kanya.

Kumuha ito ng pushcart. "Ilagay niyo na lahat ng kailangan niyo riyan," tamad na sabi niya.

Nahihiya akong kumuha tapos ilalagay sa push cart na tulak tulak ni Lucas.

"Cara, palagay naman 'to kay Kuya," pakisuyo niya sa akin.

Lahat ng kinukuha niya ay dalawa na, para daw tig-isa na kami. Naiilang akong lumakad papalapit kay Lucas dahil seryoso itong nakatingin sa paglapit ko.

Napaangat ako ng tingin nang ngumisi ito. "Bagay sa 'yo," sabi niya na ikinakunot ng noo ko.

"Ang alin?" tanong ko.

"Ang maging katulong. Dalian mo riyan," sagot at pagtataboy sa akin para makadaan ang push cart na tulak niya.

"Ang sungit talaga ng lalaking 'to," bulong ko.

Hindi ako sumunod kaagad kaya naman nilingon niya ako. "Ano pang tinatayo tayo mo riyan!?"

"Nandiyan na! Ikaw 'tong may megaphone sa bunganga, eh," mahinang sabi ko. Ayoko nang palakihin pa ang gulo.

Nakapila kami sa counter nang pinalabas ang bagong shampoo commercial ni Amiella sa maliit na screen kada counter.

"Haba ng hair..." natatawang pang-aasar ni Suzy.

Pinigilan ko ang tawa ko dahil sa masamang tingin ni Lucas. Si Suzy kasi eh, ginagaya yung ginagawa ni Amiella sa commercial, para tuloy siyang tanga.

"Pizza!" hiyaw nito pagkalabas namin ng supermarket.

"Dinner, Suzy," banggit ng kuya niya saka siya lumakad sa kung saan. Sumunod na lang kami.

Nilapitan niya ang naghihintay na waiter sa labas ng isang Italian restaurant. Kinausap niya ito bago kami iginaya sa loob at pinaupo.

"Pasta lang sa akin, Kuya. Saka ito, ito rin, at ito pa." Turo ni Suzy sa menu.

"Lahat 'yon." Baling pa niya sa waiter.

Nakahawak lang ako sa menu. Nahihiya kasi akong magturo, baka sabihin nito feeling close ako at gustong gusto ko talaga ang libre niya.

"Ikaw?" tamad na tanong niya sa akin.

"Ito na lang." Turo ko sa roasted chicken with kung anong side dish.

"Idagdag mo na rin 'yon." Baling ni Lucas sa waiter.

Inulit ng waiter ang order namin para masigurado. Nang maayos na ang lahat ay umalis na rin ito. Naging abala sila pareho sa kanilang mga phone.

"CR lang ako..." paalam ni Suzy sa amin. Kaagad na naman akong nakaramdam ng kaba nang kami na lang ni Lucas ang naiwan sa lamesa.

"Lucas," nag-aalangang tawag ko sa kanya.

Sandali ako nitong tiningnan saka niya muling ibinalik ang tingin sa kanyang hawak na phone.

"Thank you," sabi ko.

"For what?" tamad na tanong niya sa akin. This time, nasa akin na ang buong atensyon niya.

"Dito, sa pakain..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng pinutol niya iyon.

"Kung inaakala mong ginusto ko ito, nagkakamali ka. Iniisip ko lang si Suzy dahil iyon ang gusto niya. Pero kung ako lang..." nakangising sabi niya.

Natahimik ako. Siya naman ang bumasag sa katahimikan. "But anyways, ayos lang treat ko na rin 'yan. Malay mo last na 'to. Kasi baka yung iba riyan tubuan na ng hiya at maisipan nang umalis sa bahay naming," pagpaparinig niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya kahit gusto ko ng maiyak. "Oo nga, baka last na ito," pagsang-ayon ko sa kanya.

Tinaasan naman ako nito ng kilay. Pinilit ko na lamang na maging normal sa harapan niya. "Sagot mo na rin ba ang despidida party ko?" biro ko.

Sinimangutan niya ako. "Bakit close tayo?"

Napayuko ako. "Wag mo akong kausapin na parang close tayo dahil hindi," sabi pa niya bago siya tumayo at iniwan akong mag-isa roon.

Nagsimula nang mag-ayos ng gamit si Suzy kinaumagahan. Samantalang ako, nagsimula nang mag-empake ng lahat ng gamit ko.

Kalalabas ko lang ng banyo nang maabutan ko si Suzy na nakaupo sa kama ko at nakakunot ang noo habang nakatingin sa mga maleta kong nasa gilid ng kama.

"Excited ka ata masyado ha! Lahat ng gamit mo, dadalhin mo," biro niya sa akin na nginitian ko na lamang.

"Baba na raw. Kakain na sabi ni Mommy tapos magsisimba," yaya niya sa akin.

Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila. Kaming tatlo lang nina tita at tito ang nakaaalam ng mga susunod na mangyayari.

Bukas ng umaga ay sabay-sabay kaming pupunta sa school. Silang lahat ay mag-e-enroll na para wala nang problema habang nasa retreat. Samantalang ako ay kukuha muna ng grade. Hindi ko pa kasi alam kung doon pa rin ako papasok o baka sa iba na.

"Kain na tayo, anak," nakangiting salubong ni Tita Sam sa akin.

"Mommy, bakit parang may iba sa 'yo ngayon?" tanong ni Suzy.

"Masaya lang ako dahil magkakasama tayo ngayon. Sana palagi tayong ganito," nakangiting sabi pa nito pero ramdam ko ang lungkot doon kaya naman maging ako ay nalungkot din.

"Palagi naman tayong magkakasabay kumain, ah," puna pa ni Suzy.

Hindi na sumagot si tita. Nginitian na lamang nito ang anak.

"Pagkatapos magsimba, sa mall na tayo mag-lunch," anunsyo ni Tito Luke pagkasakay namin sa sasakyan.

Nasa driver's seat ito, si Tita sa tabi niya, at kaming tatlo sa backseat.

"Ano ba 'yan, ang sikip naman," reklamo ng reklamador na si Lucas.

"Masaya naman Kuya, eh!" sabat ni Suzy.

"Kung tayong dalawa lang kasi sana at walang nakikisawsaw."

Pinigil siya ni tita. "Lucas, please, don't ruin our day," pakiusap niya sa anak.

"And now ako pa talaga ang panira? Just wow!" inis na sabi nito bago nagkabit ng earphones.

Kaunting tiis na lang, Lucas...

Dumeretso kami sa mall matapos ang misa.

"Parang dati, nag-uunahan pa itong mga to para dumeretso sa mga laruan," pag-alala ni Tita Sam.

Nginitian siya ni Tito Luke at inakbayan. "Wag kang mag-alala, baka mamaya niyan eh maghabol ka na rin ng mga apo mo," pang-aasar niya rito.

Hinampas siya ni Tita Sam. "Mga baby pa rin naman 'yang tatlong anak natin," sabi nito kay Tito Luke.

Tawa lang kami nang tawa habang nag-aasaran silang dalawa sa harapan namin habang hinihintay i-serve ang mga pagkain.

"Ang mommy niyo talaga ang nanligaw sa akin," pagbibida ni Tito Luke.

"Hmp! Ang yabang mo talaga!" daing ni tita rito.

Nagsimula na kaming kumain. Kita ko ang saya sa mga mata ni Tita Samantha. Halos kami namang lahat. Pwera na lang siguro kay Lucas.

"We should always do that, family time." Baling nito sa aming tatlong nasa backseat habang pauwi na kami.

Mabilis na bumaba ang mga ito pagka-park ng sasakyan sa garahe. Papasok na rin sana ako nang pinigilan ako ni Tita Sam.

"Habang nasa retreat kayo, kami na ang bahala ng Tito Luke mong kumausap sa mga kamag-anak mo. Iche-check na rin namin ang buong lugar," sabi nito.

"Don't stress yourself too much, Tita. Magiging ayos lang po ako," pagpapagaan ko ng loob niya.

Hinaplos nito ang aking pisngi. "Baby kita, gusto kong masigurong magiging maayos ka roon," malambing na sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang luha ko at mabilis na yumakap nang mahigpit sa kanya.

"Kailan mo balak umuwi sa kanila?" Batid kong nahihirapan at malungkot na tanong niya.

"Baka doon na po ako dumeretso pagkatapos ng retreat, Tita."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro