Chapter 9: Walk With You
Sabado
Hila-hila ni Jia ang dalawang trolley bag habang nakasunod kay Ms. Sophie patungo sa venue kung saan gaganapin ang fashion show na dadaluhan nito.
Marami siyang nakitang pamilyar na mukha habang patungo sila sa private dressing room ng supermodel. Karamihan modelo, mayroon din namang artista. Kung hindi siya siguro rumaraket baka kanina pa siya naglabas ng notebook at ballpen para magpa-autograph sa mga ito. Kaso hindi siya puwedeng petiks sa trabaho, dapat achieve na achieve niya ang pagraket para sa baby niya.
Pagdating sa dressing room, agad silang sinalubong ng make-up artist na kaibigan ni Ms. Sophie na ang palayaw daw ay Timmy pero ang tunay na pangalan ay Artemio. Habang abala sa pagpapa-make-up, inutusan siya ni Ms. Sophie na maupo muna at magpahinga. Tatawagin na lang daw siya nito kapag may kailangan ito. Mabilis naman siyang tumalima.
Maraming bumibisita sa private dressing room ni Ms. Sophie — may artista, fashion designer at kasamahan din nitong modelo. Busog na busog nga ang mata niya sa pagfa-fangirl pati na rin ang tenga niya sa tsismisan ng mga ito. Kung mag-aapply siya sigurong reporter, tiba-tiba siya sigurado.
"May kulang daw na model para sa collection ni Madam Estella, girl," ani Timmy kay Ms. Sophie nang sila-sila na lang tatlo. "Kanina pa nga naghahanap si Madam Estella ng puwedeng pumalit agad-agad."
"Dapat 'yong agent ang maghanap ng ipapalit sa talent niya. Hindi ganyang ang designer pa talaga ang maghahanap," sagot naman ni Ms. Sophie, ang mga mata nakatutok sa cellphone nito.
"Artista kasi, girl. Alam mo naman magkaroon lang ng kaunting fandom, feeling nila entitled na sila kahit na sablay sila sa professionalism."
"O, may nahanap ba si Madam Estella?" si Ms. Sophie ulit.
"'Yon na nga wala pa. E kulang isang oras na lang, rampa na!" Nagpapanic na paliwanag ng bakla.
"Baka may pwede akong i-recommend." Nag-angat ng ulo si Ms. Sophie bago siya itinuro. "Siya."
*****
Kung paano siya napapayag ni Ms. Sophie na mag-model, hindi niya alam. Basta ang sumunod na naaalala niya, dumating ang isang babaeng gold ang buhok, mahalimuyak ang amoy at shalang manamit. Iyon daw si Madam Estella. Sandali siya nitong sinipat at pinarampa. Siyempre nag-performance level ang ganda niya, bigay na bigay ang peg niya. Mukhang pasok sa panlasa nito ang performance niya dahil matapos siyang bigyan ng instructions, dinala na sa private dressing room ni Ms. Sophie ang dalawang gown na isusuot niya.
Matapos siyang make-upan ni Timmy, pumasok siya sa changing booth na may tabing na makapal na kurtina. Mabilis niyang isinuot ang gown na kulay pula. Hantad ang likod,mababa ang neckline at may slit iyon na abot hanggang sa kalahati ng hita niya. Ngunit hindi malaswang tignan kaya hindi siya nailang. Gawa iyon sa malambot na tela at hindi makati sa balat. Pero ang higit na ipinagpapasalamat niya, hindi naiipit ang tiyan niya sa gown kaya kumportable siyang nakakagalaw.
Mukha siyang prinsesa.... prinsesang poorita.
Natutop niya ang kanyang bibig nang mapahagikgik siya. Nakakahiya kay Ms. Sophie at sa lalaking kasalukuyan nitong kausap sa labas ng changing booth. Baka isipin ng mga ito na nagtotoyo siya.
Sinulyapan pa niya ang sarili sa salamin bago siya tuluyang lumabas sa changing booth.
"Tapos na po ako Ms.—" agad na nabitin ang sana'y sasabihin niya nang sumulyap sa kanya ang pamilyar na mga mata na may magic.
"Jia?"
"Tyrone?"
Magkasabay nilang sambit.
"Magkakilala na kayo?" ani Ms. Sophie na ipinaglipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa.
"Oo," sabi ni Tyrone
"Hindi," sabi naman niya.
Lalong nangunot ang noo ni Ms. Sophie. Pero mukhang maganda ang timing ng organizer ng event, bigla itong pumasok sa private dressing room ni Ms. Sophie at tinawag na sila patungo sa stage.
Walang imik silang tumalimang tatlo. Si Tyrone naman walang pinalampas na sandali at tinabihan siya sa paglalakad bago siya marahang hinila sa isang corridor na wala gaanong dumaraan. Marahan siya nitong isinandal sa pader at ikinulong sa mga bisig nito. Nahigit na ni Jia ang kanyang hininga nang muling magtama ang kanilang mga mata. Masyadong malapit sa kanya ang lalaki at winiwindang nito ang katinuan niya. Idagdag pa ang mga mata nitong may magic.
"Naiinis ako sa 'yo Jianna Elise," bulong nito, bago nagbuga ng hininga. "You're exposing too much skin and you're wearing heels! For Pete's sake! Paano 'pag nadulas ka? I can't even begin to— Jeez!" Inis nitong ipinasada ang kamay sa buhok nito. "Mag-uusap tayo mamaya, Jia. At sisiguruhin kong this time, hindi mo na ako matatakbuhan," bulong ni Tyrone na pasimple pang hinapit ang beywang niya upang alalayan siya sa paglalakad.
Hindi na nakapagreklamo pa si Jia sa ginawi ng lalaki. Ramdam man niya ang lalong pagkabog ng dibdib niya habang mahigpit ang kamay nitong nakakapit sa kanya, wala siyang oras para sawayin ito dahil agad nilang narating ang backstage ng fashion show.
Magulo, maingay at humihiyaw sa kasosyala. Ganyan ang ganap sa backstage ng fashion show. At dahil loading na naman ang katinuan at huwisyo niya, wala sa sariling gumilid si Jia— malayo sa mga nakapilang modelo at mga staff ng event na nagkakagulo.
Kanina, excited pa siya sa gagawin niya pero ngayon, parang gusto na niyang magtago at mamundok na lang at mag-ermitanya. Jusko! Ano ba itong napasok niya? Pekeng bilib lang sa sarili ang meron siya. Madalas niyang paniniwalaan na maganda siya— biyaya sa tigang na lupa—pero alam naman niyang kumpara sa mga taong naroon, waley na waley ang ganda at estado niya sa buhay.
"Jia," tawag sa kanya ni Tyrone na matapos kausapin ang isa pang modelo ay lumapit sa kanya. "Are you, okay?"
"H-ha?" litong sagot niya.
Marahang sinapo ni Tyrone ang mukha niya at pinilit siyang makipagtitigan dito. "I don't know what's going inside your mind right now, but believe me, you are beautiful, Jia. If not for these people surrounding us, I would've kissed you—"
Napasinghap siya. Naglo-loading pa sa isip niya ang ibang sinabi nito pero malinaw na malinaw ang reception niya sa salitang kiss.
Bahagyang natawa si Tyrone. Maingat siyang binitawan bago ito nahihiyang nagkamot ng batok. "That didn't came out like I want to, sorry. What I'm saying is, kaya mo 'to." Sumulyap ito sa mga abalang tao sa 'di kalayuan bago muling tumingin sa kanya. Ngumiti ito at masuyong hinawakan ang tiyan niya. "Kaya ninyo 'to ni baby."
Napangiti si Jia sa ginawi ng lalaki. Iyon ang unang beses na ginawa nito iyon at ewan niya kung bakit pakiramdam niya, parang may humaplos sa puso niya at agad iyong napuno ng 'di maipaliwanag na tuwa.
Gumanti ng ngiti si Jia. "Truli! Keri boom boom ko 'to este kaming dalawa ni baby. Kembot for the economics!" Pinagflex pa niya ang invisible muscle niya sa kanyang braso.
Nagtawa lang si Tyrone sa ginawa niya bago sila bumalik sa pila ng mga kasama nila sa fashion show. Kahit kibuin-dili niya ito, nanatili si Tyrone sa tabi niya habang hinihintay nila ang paglabas nila sa stage.
Sa kanilang tatlo, unang rumampa si Ms. Sophie. Nang matapos ang unang rampa nito, makahulugan itong sumulyap sa kanilang dalawa ni Tyrone habang pabalik ito sa dressing room nito para magpalit sa isa pang gown.
Nang si Tyrone naman ang sumalang, bumulong muna ito sa kanya ng, "Dito ka lang. I'll be quick, babe," sabay kindat.
Jusko! Aatakihin 'ata siya sa puso! Hindi pa ba sapat dito na napakagwapo nito sa suot nitong suit. Kailangan may pa-babe at pa-kindat pa talaga itong pabaon sa kanya.
Juskohan my self! lihim na sita niya sa kanyang sarili nang muli namang tumambay, maglunoy at magsumiksik ang expectorant na puso niya sa banga ng pagsintang tunay para kay Tyrone San Miguel. Alam naman niyang hindi dapat, pero hirap na siya talagang turuan ang puso niya. Siguro, hahayaan na lang niya ang puso niyang i-enjoy ang kung ano mang puwedeng ibagay ni Tyrone sa kanya ngayon. Bahala na si Batman bukas.
Matapos ang unang salang ni Tyrone sa catwalk, agad siya nitong hinanap sa pila sa backstage. Hindi ito nagsalita bagkus ay makahulugan lang na tumitig sa kanya. May magic talaga ang mata nito, kinakausap siya kahit walang salita.
Matapos niyon, nagmadaling bumalik sa dressing room nito ang lalaki upang magpalit ng damit. Siya naman, matapang niyang hinarap ang hamon ng catwalk. Maingat siyang rumampa sa pagitan ng napakaraming tao at camera na nakamasid sa kanya. Hindi niya akalain na sa tanang buhay niya, matutupad ang pangarap niyang maging modelo. Pero ganoon naman talaga ang buhay, nagbibigay ng mga sorpresa sa hindi inaasahang pagkakataon.
Abot-abot ang pasasalamat ni Jia na wala si Ms. Sophie sa dressing room nito nang siya naman ang kailangang magpalit ng gown. Magulo pa ang utak niya para sa eksplanasyon dahil natataranta siya sa mga ganap ng araw na 'yon.
Kulay dilaw ang gown na sunod niyang isinuot. Wala iyong manggas at hugis-puso ang neckline. Makislap rin sa ilalim ng ilaw ang mga beads at iba pang bato na disenyo niyon. Mas ramdam niya ang pagiging prinsesa kaysa sa nauna niyang gown. Nang titigan niya ang sarili niya sa salamin, agad na nangilid ang luha niya.
"Sigurado ako, sa bar din ang bagsak mo gaya ng tiyahin mong pokpok."
"Punta ka 'don sa may-ari ng pasugalan. 'Di ka no'n tatanggihan, mahilig 'yon e. Mahina sa limang libo ang kikitain mo sa isang gabi malamang."
"Naku, ang arte ha! Wala kang karapatang tumanggi sa trabaho lalo pa kung ganyan ka kabobita!"
Pilit niyang nilunok ang bikig sa kanyang lalamunan nang maalala niya ang masasakit na mga salita na tinanggap niya habang lumalaki siya. Sinong mag-aakala na sa kabila ng mga paghihirap na dinanas niya, maari rin pala siyang maging prinsesa kahit panandalian lamang?
Nginitian niya ang sarili niyang repleksyon bago tuluyang lumabas ng silid.
Habang pabalik siya sa backstage ay hindi sinasadyang nasagi siya ng isa sa mga nagmamadaling staff. Nawalan siya ng balanse at muntikan na sanang bumagsak sa baldosa kung hindi lang ba siya maagap na nasalo ni Tyrone na nasa malapit lang.
"Hey watch it!" inis na sabi ni Tyrone sa nakabangga sa kanya. Humingi naman ng paumanhin ang staff bago bumalik sa backstage. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito.
"O-oo naman." Sa totoo lang, medyo masakit ang kanang paa niya, namaltos 'ata sa suot niyang heels. Mukhang pangmumurahing sapatos lang talaga ang keri ng paa niya. Hindi sanay sa sapatos na pang-shala.
"Can you walk?" puno ng pag-aalala ang mukha nito.
Alanganin siyang tumango bago maingat na naglakad patungo sa pila niya. Handa na sana siyang lumabas sa stage nang bigla siyang tabihan ni Tyrone. Umabrisiete ito bago dinala sa nakahandang braso nito ang kamay niya.
"Let me walk with you," pahayag nito bago siya marahang iginiya palabas ng stage.
Lumakas ang palakpakan maging ang bulong-bulongan pero sa tenga ni Jia wala na siyang ibang narinig kundi ang malakas na pagtibok ng kanyang puso at ang magiliw na pagkanta ng aleluya sa tenga niya. At dahil hindi niya marendahan sa pagiging expectorant ng puso niya, hinayaan na lang din niya ang imahinasyon niya na isipin na ang paglalakad nilang iyon ni Tyrone ay patungo sa dambana at hindi lang sa dulo ng catwalk.
Sana nga. Sana nga. Lihim na hiling ni Jia. Kaso agad ding naglaho ang pag-iilusyon niya nang kumislap ang flash ng camera sa mukha niya. Awtomatiko siyang ibinalik niyon sa reyalidad.
"Smile, babe. All eyes are on you," bulong pa nito, nakatutok ang mga mata sa audience. Mabilis niyang kinarir ang pagngiti. Malapit nang matapos ang pagiging prinsesa niya, dapat magagandang pictures ang remembrance niya.
Ilang sandali pa, natapos na rin ang paglalakad niya— nila ni Tyrone. Nanatili pa ang lahat ng modelo sa backstage para sa final walk bago tuluyang natapos ang show.
Nagmamadaling nagpalit si Jia sa dressing room ni Ms. Sophie. Buti na lang wala pa ito roon, may oras pa siyang magpakalma para sa question and answer portion. Umupo muna siya sa couch na naroon at marahang hinilot ang nanakit niyang paa. Mahirap palang maging model—literal na tiis ganda.
Biglang bumukas ang pinto ng dressing room. Kaso, hindi si Ms. Sophie ang iniluwa niyon kundi si Tyrone. May dalang masamang balita ang pangungunot-noo nito. Alam niyang maniningil na ito sa ginawa niyang pagtatago rito sa nakalipas na apat na araw.
"Masakit ang paa mo?" biglang tanong nito, naglalaro ang boses sa pag-aalala at inis.
Tumikhim siya at biglang umayos ng upo. "M-medyo lang. Hindi naman—"
Isinara nito ang pinto, mabagal. "Bakit mo 'ko pinagtataguan, Jia? Apat na araw kang absent sa trabaho. Nakapatay ang cellphone mo. Hindi ka rin lumalabas sa bahay mo—"
"P-paano mo nalaman—"
"I have my means, Jia."
"Mens? May dalaw ka?" natatanga niyang tanong.
Yumuko ang lalaki, pinagdikit ang mga labi at pilit na itinago ang ngiti. "Hindi ko talaga kaya. I can't stay angry at you for too long." Nag-angat ito ng mata at tumitig sa kanya. "What I'm saying is, sigurado akong hindi ka lumabas ng bahay mo dahil nagtanong-tanong ako. Lalo na sa kapitbahay mo na may-ari ng sari-sari store. Apparently, mas magaling pa siyang imbestigador at spy kaysa sa mga kakilala ko."
"Si Aling Pene?" Tumango ito. Nanikwas naman ang nguso niya. Kunsabagay, si Aling Penelope Dimagiba talaga ang presidente ng mga chismosa sa lugar nila. Ito ang buhay na CCTV at nakakasagap ng anumang balita sa bawat sulok ng kanilang barangay.
Tumikhim si Tyrone nang hindi siya umimik. "Was it because I kissed you?"
Kiss.
Agad na umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang pisngi niya. Juskolerd! Hindi pa siya nakakapag-praktis sa linyahan niya para sa mga tanong ni nito, kay Ms. Sophie lang siya talaga handa. At dahil windang siya at naghalo-halo na sa isip niya ang praktisadong sagot niya para kay Ms. Sophie at ang mga pilimpiling sagot niya para naman kay Tyrone, naguguluhang nasabi niya ang, "I need an interpreter!"
"What?"
"Ha?" windang ulit na sagot niya bago ngumiwi.
At dahil hindi maayos ang lagay ng lohika niya, tumayo na si Jia at binalak sanang mag-walk out kaso natigilan siya nang makaramdam siya nang bahagyang paggalaw sa loob ng tiyan niya. Gulat siyang napasapo sa tiyan niya.
Agad naman siyang nilapitan ni Tyrone. "Bakit? Masakit ng tiyan mo? Shit! Tara na, sa ospital na tayo!" nagpapanic na sabi nito.
Hinawakan niya si Tyrone sa braso. "Parang... parang gumalaw may gumalaw," naiiyak na bulong niya.
Masuyo nitong hinaplos ang tiyan niya. Naghintay ito ng paggalaw gaya ng naramdaman niya, kaya lang hindi na iyon naulit. "Baby flutters," nakangiting sabi nito. "Sabi sa mga librong binabasa ko, you can feel baby flutters as early as now."
Wala siyang naintindihan sa sinabi nito, kaya ngumiti na rin siya nang mabanaag ang tuwa sa guwapong mukha nito.
"Tara, alis na tayo,"seryosong pahayag nito maya-maya.
"S-Saan tayo pupunta?"
"Basta," anito. Mabilis nitong kinuha ang bag niya.
"Teka. Kailangan kong magpaalam kay Ms. Sophie-"
"I'll text her." Marahan siya nitong iginiya palabas ng dressing room. Ang daan patungo sa backdoor ng venue ang tinumbok nila. Naroon daw kasi ang sasakyan nito. At dahil ngalay at nanakit ang mga paa niya sa pagsusuot ng heels, hindi niya halos mahabol ang bilis nito sa paglalakad.
"S-sandali lang. M-masakit ang paa ko," 'di na nakatiis na reklamo niya.
Isinukbit nito sa balikat ang bag niya at walang sabi-sabi siya nitong binuhat na parang bagong kasal. Napasinghap siya sa gulat. At bago pa man siya makahuma, nagsalita na ito agad.
"Don't worry, Jianna Elise. I got you," anito sabay kindat.
###
2579words ed 2570/11:25am/07052019
#MyUnexpectedYouWP
A/N: So, werla kaya ang punta ng dalawa? 😁
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro