Chapter 3: One Fine Day
Tumawag sa boutique sa ibaba ng hotel si Tyrone at umorder ng tatlong klase ng bestida, isang coat at isang pares ng flat shoes. Mayroong sleeveless na kulay kape— hugis V ang neckline at may cloth belt sa bandang beywang. Mayroon din bestida na forest green ang kulay, simple at disente ang tabas, at may bulsa sa magkabilang gilid. At ang pinakahuling damit ay isang yellow chiffon, wrap around flowy dress. Una niyang nakita iyon sa Summer Collection ng kaibigan niyang designer sa Paris. Tiyak bagay 'yon kay Jia, naisip niya.
Nang lumabas sa banyo si Jia, agad na ipinakita ni Tyrone ang mga pinamili niya na galing sa boutique sa ibaba. Nagpaalam siya na magsa-shower lang din muna. Masakit na rin kasi ang ulo niya dahil sa hangover pero pinipilit niyang balewalain 'yon dahil mas mukhang nasa huwisyo siya kaysa kay Jia. Nang matapos siyang maligo, sa banyo na siya nagpalit ng sport shirt at pantalon.
Paglabas ng banyo, nadatnan niya na nakatanaw si Jia sa labas ng glass wall panel, suot-suot ang dilaw na bestida. Napangiti siya. Tama siya, bagay nga 'yon sa dalaga.
"Jia." Napaigtad ito bago siya nilingon. "Sorry. Did I startle you?" dugtong pa niya habang tinatawid ang distansiya sa pagitan nila.
Awtomatiko ang reaksyon ng dalaga, umatras ito ng ilang hakbang bago nagyuko, kinutkot ang laylayan ng damit nito.
"Kagabi... s-sorry," umpisa nito. "'Yong suit mo, babayaran ko na lang at saka itong damit sa susunod na sweldo ko."
"Really, Jia you don't have—"
Nag-angat ito ng tingin. "Gusto ko! Kailangan ko 'yong gawin," pagmamatigas nito bago muling yumuko.
Napabuntong hininga si Tyrone. A part of him wanted to console her, but he is not sure if she'd allow him to do that. He's the stranger guy who took her innocence.
"Okay, I'll let you pay half of the price for my suit—"
"Magkano?"
"The coat costs around 3,000 because it's customized. I'll let you pay 1,500 if that's ok with you?"
Lumunok ito, umiwas ng tingin bago bumulong. "1,500 lang pala... Nag-harvest pa ng perlas! Jusko!"
"Excuse me?" aniya nang 'di niya gaano maintindihan ang sinasabi nito.
Imbes na sumagot, kinuha nito ang purse nito at naglabas doon ng dalawang libo.
"I-ito na. Keep the change." Inabot nito sa kanya ang pera.
Napakunot-noo si Tyrone, pero kinuha na rin niya. Baka kasi mainsulto ito o anuman, mag-iiyak na naman ito at kasalanan na naman niya.
"Thank you. Iaawas ko na lang 'to sa bayad ng coat."
"Anong sabi mo?" Malalaki ang mga mata nitong tumitig sa kanya kapagkuwan'y umirap. "Sabi mo1,500 ang bayad ng damit mo. Dalawang libo 'yan, kyah! May sukli pa nga dapat ako e. Pero deadma na lang." Namaywang ito. "Are you parenting me?"
"Parenting?" Nangunot ang noo niya. Iprinoseso niya ulit ang sinabi nito gamit ang mga key words. Then, it dawned him. "Sorry, my bad." Napakamot siya ng batok. "The price of my coat is in dollars. It's Dolce, babe. So it means, you owe me $1,500."
Suminghap ng malakas ang babae at pagkatapos ay natatarantang inilabas ang cellphone nito. Tumipa roon nang mabilis bago nito dahan-dahang inangat ang namumutlang mukha nito sa kanya. Bumuka ang bibig nito, parang may gustong sabihin, pero hindi makabwelo. Ilang beses nito iyong ginawa.
"Ayos ka lang?" Hindi na siya nakatiis na tanungin ito maya-maya.
"T-Tubig," nauutal na sabi nito sa wakas.
Tinakbo niya ang pitsel ng tubig at baso sa trolley bago iyon ibinigay sa dalaga. Inilang lagok lang nito ang dalawang baso sa loob ng sampung segundo bago, "Seriousness ka kyah? 75k pesopesoses ang jutang ko?"
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito. "Well, you insisted on paying the half—"
"Pero wiz ko naman knows na ganern pala kashuhal ang outfit mo kagabi! Juskolerd!" Nagsalin ulit ito ng tubig sa baso. Inilang lagok ulit 'yon bago ibinalik sa kanya ang baso at pitsel.
Ilang sandali pa, tuliro itong napaupo sa kama bago bumunghalit ng iyak. Hindi na siya nakatiis at tinabihan ito. Nagulat pa siya nang biglang siya nitong niyakap habang patuloy sa pag-iyak.
Nagsasalita ito habang umiiyak. Ang problema, hindi niya alam kung nagpapaliwanag ito o kinukwentuhan siya ng pelikula. May nabanggit itong Tiyang Bebang, Skyflakes, Coke litro, utang na load, pagkembot sa ekonomiya, JM, warla at toyo. Mukhang favorite words din nito ang kabibe at perlas. What ever she meant by any of those, he didn't have any idea. But he didn't say a thing. He just allowed her to cry until she finally calmed down and let him go.
"Mr. Tyrone, poorita lang talaga ako," umpisa nito sa pagitan ng pagsingok. "Ang meron lang sa akin slight na ganda, ginintuang heart, puri, dangal at nag-uumapaw na kashungahan. K-kaso 'di ko naman puwedeng ipambayad 'yon sa 'yo. Lalo na ang aking purity kasi nai-givesung ko na 'yon sa 'yo kagabi." Singhot. "So please, 'wag niyo po akong ipakulong. Keri ko naman bayaran 'yon in the futuristic future pero hindi ko keri ang one time big time." Nagpunas ito ng luha. "Puwede bang hulugan na lang? Kahit everyday kung gusto mo. Para the more entries you send, the more chances of winning."
Tumitig ito sa kanya, mugto ang matang naghihintay sa isasagot niya. Pero imbes na maawa siya, hindi niya napigilang tumawa.
"Ay, happiness lang kyah?" komento nito, seryoso ang mukha.
Tumikhim siya at pinilit magseryoso baka kasi isipin nito pinagtatawanan niya ito pero ang totoo naman talaga naku-cute-an siya sa mga mali-mali nito— sadya man o hindi.
"Jia, gaya nang sinabi ko kanina, you don't need to pay anything. Napilitan lang akong magsabi ng price kasi namimilit ka. But really, you don't need to pay anything," aniya sa mababang tinig.
Kumurap-kurap ito bago nagbuga ng hininga. "Truli?"
"Anong truli?" takang tanong niya.
"Ay, 'di mo knows? Sa true. True. Totoo."
Muli siyang napangiti bago, "Truli."
Ngumiti ito nang bahagya. Kinuha niya ang pagkakataong 'yon para yayain itong kumain. Nag-alangan ito sa una pero pumayag din.
"So, whose side are you from? Json or Alexa?" ani Tyrone habang kumakain sila.
"N-Nagta-trabaho ako sa DLVDC," sagot nito pagkatapos humigop ng kape. "Ikaw?"
"Wala."
Napanganga ito. "Ay, hindi ka imbitado?"
Napangiti siya, nagsisimula na naman siyang maaliw dito. "I am, actually. Pero I'm not related to either of them. I am a business acquaintance."
"Ah, business friends."
"Yes, you could say that," aniya.
Tumango-tango siya bago pinagmasdan ang babae. Maingat ang kilos nito, parang ayaw magkamali. Mula sa pagbitiw nito ng kubyertos sa bowl hanggang sa paglalapag nito ng tasa sa platito, lahat walang ingay. Kung siya ang tatanungin mas mukha itong robot sa kilos nito kaysa babaeng mahinhin.
"Jia, you can relax. Walang nagbabawal sa 'yo na kumain." Nag-angat ito ng ulo, halatang nagulahan sa sinabi niya. "Para ka kasing natetensyon habang kumakain ka," paliwanag niya.
"Ay, wiz! Nakaka-stress lang kasi baka makabasag ako, problema ko na naman ang pagbabayad. Napaka-clownsy ko kasi talaga," paliwanag nito bago marahang binitawan ang kutsara.
"Clownsy?"
"Truli! 'Yon bang konting galaw, puwede maging dahilan ng pagkawasak ng sangkalupaearth."
Napangiti siya. "You mean, clumsy," aniya.
Napatitig sa kanya ang babae, namumula ang mukha. Yumuko ito, pinagdiskitahang haluin ang soup na nasa harapan nito. "'Y-yon nga. C-clumsy. Clumsy ang ibig kong sabihin." Bumulong-bulong ito pagkatapos.
*****
Natawag na 'ata ni Jia lahat ng pangalan santo, santa, pati na rin mga santa-santita, kaso, waley pa rin. Hindi bumuka ang sahig para lamunin siya. Kaya naman kahit 'di niya bet ang lasa at wala na siyang balak tikman ulit, inaabala niya ang sarili sa paghahalo ng soup na nakasilbi sa harap niya.
Clownsy? Anak ng tokneneng! Nag-um-english pa kasi siya. Pahiyang-pahiya na naman ang slight niyang ganda! Kailan ba kasi tatama ang dila niya sa pagi-English?
"Jia, are you okay?" pukaw ni Tyrone sa kanya.
Dumiretso siya ng upo at nag-angat ng tingin sa guwapo. "O-oo naman."
Sumabay sa pag-ngiti ng lalaki ang awit ng aleluya sa tenga niya. Mukhang tama ang hinala niya. Ang mga hormones niya ang kumakanta ng aleluya.
Juskohan my self! Maghunos-dili ka! 'Yan ang nag-harvest ng perlas mo kagabi! paalala niya sa kanyang sarili.
"Alam mo, wala kang dapat na ikahiya. Marami akong kakilala na hindi magaling mag-English pero matatalino. Hindi naman kasi basehan ng talino ang kung marunong kang mag-English o hindi. Ang importante, nasasabi natin ang gusto nating sabihin sa ibang tao." Ngumiti ulit ito bago humigop ng kape.
Ini-replay niya sa isip niya ang huling sinabi nito. Mukhang gifted child din ang lalaki, gaya ni Json. Magandang sumagot. Kung bading siguro ito, suki ito sa mga gay pageants. Malamang mag-piprisinta siyang manager kung sakali. Ang kaso, lalash talaga ito mula sa bunbunan nito hanggang sa kahuli-hulihang cells ng kuko nito sa paa.
Sa totoo lang, nawala nang bahagya ang stress ng bawat himaymay ng katawan niya dahil sa sinabi nito.
"S-salamat. Hindi lahat ng tao kagaya mo na naiintindihan ang tulad kong hindi mataas ang pinag-aralan," umpisa niya. "Poorita lang kasi ako. Hindi ko kering pag-aralin ang sarili ko. Pang-teleserye kasi ang life ko. Maraming hanash. Buti nga nabigyan ako ng trabaho sa DLVDC e, kahit hindi ako college graduate."
"They must have seen something in you that made them hire you. Ang mga kumpanya naman hindi lang educational background ang tinitignan nila when hiring employees. Mas priority nilang tignan ang character ng isang tao. Na dapat lang naman talaga. Attitude is a great neutralizer."
"T-talaga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Tumitig sa kanya ang lalaki, ngumiti bago, "Truli."
Ngumiti siya at uminom ng tubig. Gusto niyang lunukin ang nerbyos niyang humalo sa laway niya. Kinakabahan kasi siya baka nahawaan na niya ng kabaklaan ang lalaki. Pero in fairness, maganda ang sinabi nito kanina na kahit may pa-nosebleed na English sa huli, keri na rin. Tuluyan na siyang nag-relax sa puntong iyon. Kaya naman nang magtanong ito tungkol sa ibang bagay, bibo siyang sumagot kahit na naka-switch on ang bekimon dictionary niya.
"May plano ka bang gawin today?"anito, maya-maya.
Umiling siya. "Wala naman akong alam puntahan dito. At saka, bukod sa waley talaga akong pera, 'di ko rin knows mag-Japanese. Baka ibenta nila ako sa mga-Yakuza sa labas. Wiz ko bet!"
"Nakakaliw kang kausap" komento nito habang pinupunasan ang bibig nito ng table napkin. Uminom siya para hindi mahalata ang pagngiti niya. Kaso habang umiinom siya muling humirit ang guwapo.
"You're cute," anito.
Nahirinan siya sa sinabi nito. Naibuga niya tuloy ang tubig na iniinom niya. Buti na lang nakabaling siya sa ibang direksyon, kung nagkataon, nag-shower ang guwapo nang 'di oras!
Agad siya nitong dinaluhan habang inuubo siya. Hinagod pa nito ang likod niya ng ilang beses. Pahiyang-pahiya man ang ganda niya pero kinikilig naman ang mga malalanding hormones niya. Cute daw siya e, sabi nito. Muntik na nga niyang bigyan sana ng malisya, kaso alam naman niya, nagpapaka-maginoo lang ang lalaki.
Nag-usap pa sila hanggang sa maubos nila ang pagkain na in-order nito. Bandang alas-dos ng hapon nang ayain siya nitong lumabas. Ipapasyal daw siya nito sa mga tourist spots sa Hirosaki. At dahil poorita talaga ang peg niya at gusto niyang sulitin ang unang pagtuntong niya sa Japan, umoo na lang din siya.
Una siya nitong dinala sa isang musuem na ang mga display ay pawang mga perang papel ng Hapon ng nagdaang mga taon. Luma ang disenyo ng building pero magara pa rin at halatang matibay. Sabi ni Tyrone dati raw iyong bangko. Sunod na pinuntahan nila ang isang park na napapalibutan ng sandamakmak na sakura. Maraming tao sa park dahil Sakura Festival ayon kay Tyrone. Sa gitna ng park, naroon ang Hirosaki Castle. Sabi ni Tyrone, mahigit 400 years na raw iyon doon pero hindi mukhang luma. Halatang alaga.
Kahapon, masipag bumagsak ang talulot ng sakura, pero mas masipag ngayon. Kahit saan niya ibaling ang kanyang mga mata, lahat kulay pink. Tama nga si Ms. Alexa, nakaka-happy ang kulay pink. Siyempre dahil tumuturista siya, 'di na niya pinalampas ang pagkakataong 'yon na mag-picture. Nagprisinta pa nga si Tyrone na maging photographer niya kaso wiz niya bet! Nakakahiya! Nilibre na nga siya nito tapos gagawin pa niyang photographer. Strikeland lang ang peg ng buhay niya pero hindi niya gawain ang pagiging abusado. Kaya naman puro selfie ang souvenir pictures niya sa lugar na 'yon.
"Ay, dito rin 'yong kahapon?" pukaw niya kay Tyrone nang madaanan nila ang sinasabi nitong Sakura Tunnel. Doon ginanap ang seremonya ng kasal nina Json at Ms. Alexa kahapon. Ang ganda-ganda pa rin talaga ng lugar, parang nasa ibang dimensyon.
"Yes, dito rin 'yon," anang lalaki bago tumingala. "Isa ito sa mga popular spots tuwing Sakura Season. Maraming tao talaga ang bumibisita dito para sa Hanami," patuloy pa nito.
Hanami. Ayon kay Tyrone, iyon daw ang tradisyon ng mga Hapon na mag-sight seeing at mag-party ng slight sa ilalim ng mga puno ng sakura para i-celebrate ang Sakura Season. Ilang araw lang kasi sa isang taon nagpapakitang gilas ang mga sakura, kaya naman inaabangan talaga ng mga Hapon ang panahon na 'yon.
Lumakad sila sa loob ng Sakura Tunnel. At naiintindihan na niya ngayon kung bakit panay ang iyak ni Ms. Alexa kahapon. Dahil truli, nakakaiyak nga ang maglakad doon— masyadong masarap sa pakiramdam, masyadong maganda, at masyadong masaya. Mga bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman. Tumingala siya. Kusang nalaglag sa kanyang nakalahad na palad ang bulaklak ng sakura.
Sabi kanina ni Tyrone habang nag-iikot-ikot sila, ang mga sakura ay simbulo ng buhay. Dahil gaya ng napaka-ikling panahon sa pagitan nang pamumukadkad ng bulaklak ng sakura at tuluyang pagkalagas ng mga iyon, makikita rin ang mabilis na pag-usad ng panahon sa pagitan ng kapanganakan at kamatayan. Kaya kailangan nating sulitin ang bawat araw.
Napangiti siya. Truli na talaga. Kanfirmed! Gifted child si Tyrone.
Napalingon siya nang maramdaman niyang may nakatitig sa kanya. Kaso assumera lang pala siya dahil si Tyrone, abala sa pagkalikot ng cellphone nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad sa Sakura Tunnel.
"Jia, for you," ani Tyrone nang marating nila ang kabilang dulo ng tunnel. Iniabot nito sa kanya ang isang pamaypay na kulay pink. Kung paano at saan nito iyon nakuha, deadma na siya. Nawili kasi siya sa pamaypay dahil maganda ang disenyo niyon— bulaklak din pero kaiba sa sakura.
"Plum blossoms," ani Tyrone na siyang nagpa-angat ng tingin niya rito. "It's a symbol for new beginnings. 'Di ba nakuwento mo kanina, pagbalik mo ng Maynila, mag-aaral ka ng mag-English. So, I'm wishing you goodluck. Hindi lang sa pag-aaral mo ng English pati na rin sa iba mo pang plano sa buhay."
Napangiti siya nang maramdaman niya ang sinseridad sa tono nito. Hindi lang pala guwapo at gifted child ang lalaki, may mabuti ring puso.
"See that japanese character there?" Tinuro nito ang disenyong nakasulat sa itim na tinta na nasa bandang kaliwa ng pamaypay. "That's you name. It means beautiful inside and out." Buntong-hininga. "This is me saying sorry for what happened last night. I know, hindi ko na maibabalik ang mga nawala but I hope we could both move on from what happened and ..." Tumitig ito sa kanya. "I hope you'll remember me through this one fine day we've spent together and not the mistake we both made last night. "
Mistake. Kamalian.
Tama ito, mali ang nangyari kagabi pero hindi nga 'yon ang katapusan ng mga buhay nila— niya.
Kinailangan niya ng ilan pang segundo para iproseso ang iba pang mga sinabi nito bago niyuko ang pamaypay na hawak niya. Jia. 'Yon pala ang ibig sabihin ng pangalan niya. Muli siyang nag-angat ng tingin. Nakangiti niyang inilahad ang kamay niya rito upang makipagkamay.
"Salamat sa araw na 'to. Nag-enjoy ako," sinserong sabi niya.
Tinanggap ni Tyrone ang kamay niya. "I had fun too," sagot nito, nakangiti rin.
Tuluyan na silang lumabas ng park pagkatapos no'n. Binalikan nila sa Gold Hotel ang gown na sinuot niya kagabi bago siya nito hinatid sa hotel na tinutuluyan niya. Hanggang sa tapat lang ito ng hotel at hindi na pumasok pa.
"S-salamat ulit, Tyrone," aniya. Hindi na siya kasi sigurado kung magkikita pa sila sa future.
"Salamat din Jia. Have a great life," anito.
"Ikaw rin," sagot niya.
At bago pa siya makareklamo, nakahalik na sa pisngi niya ang gwapo. May windangang ganap ulit sa loob ng isip niya. Umepek kasi nang very very light 'yong pahalik ng gwapo. At bago pa siya makahuma, nakalayo na si Tyrone.
Pagbalik niya sa hotel room niya, katakot-takot na sermon ang inabot niya kina Albie at Aleli. Dinedma rin niya kasi ang mga tawag at message ng mga ito maghapon. Nagdahilan na lang siya na maaga siyang lumabas dahil mas maaga siyang umuwi kaysa sa mga ito kagabi at nawili siya sa pamamasyal kaya tahimik siya maghapon. Bumenta naman ang alibi niya at nagsibalikan na ang mga ito sa pag-eempake sa kanilang mga kuwarto dahil bukas ng umaga, balik-Pinas na ulit sila. Gano'n din sana ang gagawin niya kaso pagpasok niya sa kuwarto niya, iba ang ginawa niya.
Hinanap niya agad sa Facebook si Tyrone. Kaso pinagsisihan niya 'yon dahil nalusaw na ang anumang katiting na pag-asa na makikita pa niya si Tyrone sa hinaharap.
Model. Business Man. CEO. 'Yan si Tyrone San Miguel. Kaya pala pamilyar ang pangalan nito. Nagkalat ang mga billboard nito sa kung saan. 'Di lang nga kayang alalahanin ng sablay na memorya niya kagabi.
Muli niyang tinitigan ang litrato ng lalaki. Kuha iyon sa isang fashion show sa ibang bansa.
Si Tyrone na tinawag niyang ulol at tukmol kagabi to the tune of her senglot self. Si Tyrone na sinubukan niyang bayaran ng two thousand pesopesoses ang mamahaling damit. Si Tyrone, ang gwapong lalaking reklamador na nakasungkit ng kanyang perlas ng silanganan kagabi!
'Yon talaga ang lalaki, 'di niya maipagkakamali!
Sa shushunga-shungang isip niya, hindi na niya tuloy alam kung siya ba talaga ang naagrabyado o ito? Pero hindi, nagsabihan na sila ng sorry kanina. Alam nilang pareho na resulta lang ng pagkabangenge nilang dalawa ang nangyari kagabi.
Have a great life, sabi pa nga nito e. At truli, pagbalik niya sa Pilipinas, magiging great talaga ang buhay niya. Nananalig siya!
Bitbit ang bagong kumpyansa sa sarili at mga bagong kaalaman, salamat kay Tyrone, mabilis siyang naligo, nag-empake at humilata sa kama pagkatapos.
At bago tuluyang hilahin nang antok ang huwisyo ni Jia, naisip niya na doon nagtatapos ang sinabi ni Tyrone na one fine day.
###
3021words/12:74pm/06242019
A/N: Nasa media po ang Sakura Tunnel sa Hirosaki :)
#MyUnexpectedYouWP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro