Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Epilogue


      Pagngawa ng tatlong taong gulang niyang anak na si Noah ang nagpabilis sa pagbaba ni Jia sa hagdan. Humahangos niyang tinungo ang lanai kung saan naglalaro ang anak niya kasama si Manang Belen.

      Pagdating niya sa lanai, lalong lumakas ang pagngawa ng anak niya. Nagpapadyak pa ito habang lumuluhang nakatunghay sa ng gilid pool.

      "Manang Belen, ano pong nangyari?" naguguluhan niyang tanong sa matanda na noon ay kasalukuyang kinukumbinsi si Noah na umalis sa gilid ng pool.

      "Ay naku! Itong anak mo, pinagswimming ang laruan niyang asong robot at 'yong isa pang robot na kabibili niyo lang sa Japan noong isang buwan. Ang sabi ay aahon daw ng kusa gaya ng mga napapanood niya sa TV." Nagkamot ng ulo ang matanda, hinayon ng tingin ang pool. "Ku-u! Ay wala na o! Dedbol na lahat." Muli nitong sinubukang buhatin si Noah palayo sa swimming pool kaso ayaw talaga ng anak niyang lalong lumakas ang pag-iyak. "No more, Noah. No more."

      Nasapo niya ang noo. Nagtagumpay na rin pala ang anak niya sa masamang balakin nito sa mga shalang laruan nito. Umiiling siyang humakbang palapit sa dalawa. Nang makita siya ni Noah, agad itong yumakap sa kanya.

      "Mama, my toys can't swim," lumuluhang sumbong nito bago ibinuro ang mukha nito sa dibdib niya, panay na rin ang hikbi.

      "Of course, they are not fish. So, no swimming," nagmamagaling na sagot niya. Pasimple niyang sinilip sa pool ang mga laruang naging biktima ng kuryosidad ng anak niya. Juskolerd! Dedbol na nga ang mamahaling mga laruan.

      Napangiwi siya sa sobrang panghihinayang. Paano, nakakalula ang presyo ng mga 'yon! Libong dolyar! Spoiled ang anak niya sa Tiyang Bebang at Zio Anton niya, pati na rin kay Tyrone. Na minsan, tinututulan niya kaso pinipilit rin niyang intindihan dahil galawang shala ang mga 'yon. Kaso, pagkatapos ng insidenteng ito, mangangaral na siyang talaga ng doktrina sa pagtitipid at pangangalaga sa mga ari-arian.

      "I told you not to do, but you do. Now, you look at," malumanay na sabi niya maya-maya nang sandaling tumahan si Noah sa pag-iyak.

      Kinusot ni Noah ang mata nito bago tumingala sa kanya, nakalabi. "S-sorry, Mama. Noah is good boy now. I will listen to you now."

      Masuyo niyang hinalikan ang noo ng anak niya. "It's ok, baby. Mama not very angry, a little only." Muling inihilig ng bata ang ulo nito sa dibdib niya bago ito humikab. Mukhang pagod na 'ata ang kanyang Baby Noah. Kung sabagay, oras na para sa panghapong tulog nito. Humakbang siya papasok sa bahay at dumiretso sa kuwarto ng bata. Maingat niya itong inihiga sa kama at tinabihan.

      "Mama, when is Papa coming home?" mahina ang boses na tanong ng anak niya.

      "I don't know sago," wala sa sariling sagot niya.

      Tumingala ang bata, idinisplay nito sa kanya ang kaparehas na mata, ilong at bibig ng tatay nito. Nagbuga siya ng hininga. Kailangan niya kasing pakalmahin ang isip niya para makasagot siya ng tama at sa English.

      Ngumiti siya, tinantiya ang mga sasabihin. "What I mean is... Papa will be home soon, sooner, soonest."

      Hindi agad sumagot ang anak niya, tumitig lang sa kanya. May dala sigurong windangan sa anak niya ang mga sinabi niya.

      Siya ang nagdesisyon na maging English-spokening si Noah. Gusto niya kasi, masanay ito sa pagi-English para naman hindi ito mahirapang makisalamuha sa kagaya mga nitong shala kapag nag-aaral na ito. Kumuha siya ng English tutor para dito dahil kahit na ibuwis pa niya ang buhay niya sa pagno-nosebleed, hindi talaga didiretso ang dila at tataba ang mga braincells niya sa pagi-English. Kaya ngayon kahit barok pa rin ang English niya, at least, nagkakaintindihan naman sila ni Noah.

      Nang ngumiti si Noah at tuluyang yumakap sa kanya, mukhang achieve, naitawid niya ang question and answer portion nito tungkol sa pag-uwi ng tukmol na ama nito. Napairap siya nang maalala si Tyrone.

     Dalawang linggo na itong hindi umuuwi dahil may tinatapos na trabaho sa Paris. Ang sabi nito uuwi ito kahapon dahil anniversary nila at magse-celebrate sila nang bongga. Kaso, namuti lang ang mata nilang dalawa ni Noah sa kahihintay sa tukmol pero ni anino nito hindi nila nakita! Tumawag na lang ito nang bandang alas-nuwebe ng gabi at sinabi nitong nagkaroon ng emergency at 'di pa sigurado ang uwi nito.

      Muli siyang nagbuga ng pagod na hininga bago niyuko si Noah na nasa bisig niya at tulog na tulog na.

      Hinaplos niya ang tuwid at itim na itim na buhok nito. Bumangon na naman ang pagmamapait sa dibdib niya. Paano, 'yon lang 'ata ang nakuha ni Noah sa kanya. Dinala niya ng siyam na buwan sa sinapupunan niya. Halos lumuwa ang lalamunan at iba pang lamang-loob niya sa pag-ire tapos paglabas nito, kamukhang-kamukha ito ni Tyrone? Nasaan ang hustisya ro'n? Nasaan ang pagkakapantay-pantay? Nasaaan ang ipinaglaban niya sa hukuman ng Kapisanan ni Gabriela?

      "Paglaki mo, 'wag kang magpaasa ng mga babae anak, ha? Hindi porke't pinagpala ang lahi mo at panay ang pagsunod sa 'yo ng mga marurupok na kasapi sa liga ni Gabriela, puwede ka nang mambiktima ng mga girlalo. 'Di 'yon pupuwede sa akin. Tandaan mo, pinag-aralan ko na ang handbook ng pangaral ng tsinelas ni Lola Cion. Walang sinasanto ang alpombra, anak. 'Wag kang gumaya sa tatay mo na porke't inlababong-inlababo ako sa kanya, inuubos niya ang ganda ko. Lalo pa ngayon na—"

      "Ngayon na ano?"

      Lumipad ang tingin niya sa pinto upang mapairap lamang nang makita niya ang nakangiting bulto ng tukmol doon. Aba! Nakauwi na rin pala ito. Mabilis itong humakbang papasok sa kuwarto. Yumuko ito at hinalikan ang noo ni Noah bago sinubukan ring halikan ang pisngi niya kaso umiwas siya.

      Awtomatiko ang pag-asim ng mukha niya. "Umalis ka nga! Hindi ka na nahiya sa amoy mo. Kagagaling mo lang ba sa kural at nakalimutan mong maligo, ha?" nagsusungit na komento niya, pabulong. Ayaw niyang magising si Noah sa pagtataray niya.

      Nangunot-noo si Tyrone at nagtatakang inamoy ang sarili nito. "Hindi naman a. Amoy usok lang ako nang kaunti."

      Hindi na siya sumagot, naiirita siyang makipag-usap dito. Naiirita siya ngayon pero kagabi miss na miss niya. Inirapan na lang niya ito, bago tumagilid ng higa patalikod dito. Kaso para itong nananadya at ayaw siya talagang tantanan, nahiga ito sa espasyo sa tabi niya at marahan siyang niyakap. Sinimulan nitong amuy-amoyin ang batok niya.

     "Hmmm... na-miss ko 'to. Sa susunod talaga na pag-alis ko, sasama na kayo ni Noah. Hindi puwedeng hindi," anito bago muling hinalikan ang batok niya. Nang gumapang ang halik nito patungo sa leeg niya, nagreklamo na siya.

      "Puwede ba, maligo ka muna do'n. Hindi ka na nahiyang singhutin itong halimuyak ko habang umaalingasaw ka," saway niya sa asawa, pabulong pa rin.

      Bumalikwas ng upo sa gilid ng kama si Tyrone, nakalabi. "Ang sakit mo namang magsalita, babe. Hindi mo man lang ba ako na-miss?"

      "Hindi!" mabilis na sagot niya, ipinaikot pa ang mata. Nanggigigil talaga siya ngayon sa tukmol. Pakiramdam niya, ginagamit na naman nito sa kanya ang magic ng mga mata nito at ang karupukan ng mga hormones niya para maabsuwelto ito sa kasalanan nito.

      Pilit nitong hinawakan ang kamay niya. "Ang sungit-sungit naman ng babe ko. Is it the time of the month?" Sinamaan niya ito ng tingin. Ngumiti naman ito, hinalikan pa ang kamay niya. "Pero, sige, para sa 'yo magsa-shower na 'ko."

      Mabilis pa sa alas-kwatrong lumabas ng silid ang tukmol. Paglipas ng ilang minuto, nakangiti itong bumalik. Humahalimuyak ang tukmol sa shalang pabango, lalo siyang napairap.

      "What?"takang tanong nito nang tutupin niya ng kamay ang kanyang ilong.

      "Puwede ba, ulitin mong mag-shower. Please lang maawa ka sa ilong ko," aniya bago maingat na tumayo mula sa kama ni Noah.

      Nalukot na ang mukha ni Tyrone. "Babe naman e, pinapahirapan mo 'ko," nakalabing sagot nito.

      "Natural ang laki ng kasalanan mo. Nang-iinjan ka e hindi ka naman nagbebenta ng CD at kaldero!" nagtataray na sagot niya bago tuluyang lumabas ng silid. Sumunod sa kanya si Tyrone.

      "Babe, 'di ba nagexplain na ako sa 'yo, nagka-aberya sa ginawa naming product presentation. Kaya lang ako nakauwi dahil—"

      Tumigil siya sa tapat ng painting ng mga magulang nito at doon nagsumbong. "Mudra and Fudra, your son... My God, I cannot!" naiiling na sabi niya bago muling itinuloy ang paglalakad papunta sa kwarto nilang mag-asawa. Kulang ang baon niyang English, saka na lang siya ulit magsusumbong sa kaluluwa ng mga biyenan niya.

      "Babe, sorry na, sige na," pakiusap ulit nito habang pahiga siya sa kama. Inaantok kasi siya. Na naman. Tumabi ito sa kanya, nakangiti. Nagpapa-cute. "What can I do to make it up to you?"

      "Umpisahan mo sa paliligo, Mr. San Miguel," napapairap na sagot niya.

      Nagbuga ito ng hininga, alistong umupo sa kama. "Fine, maliligo lang ako ulit kapag kasama ka."

      Tinignan niya ito, tumaas-baba ang mga kilay nito, nakangisi pa. Nangungumbinsi. Pero imbes na magpa-aya sa galawang landi nito, iba ang lumabas sa bibig niya. "Mag-isa mo! Mabaho!"

      Nalaglag ang panga nito. Maging siya nagulat rin sa sinabi niya, pero imbes na mag-sorry, pumikit na lang siya at kinarir ang pag-tulog. Pakiramdam niya, ina-altapresyon siya sa presensya ni Tyrone, at ang nakakawindang, ngayon lang niya naranasan 'yon. Aktibo talaga siguro ang produksyon ng toyo niya ngayon.

      Ilang sandali pa, naramdaman niya ang pag-alis nito sa kama. Kasunod niyon ang tunog ng paglagaslas ng shower. Maya-maya pa, muling lumundo ang kama. Bahagya siyang nagmulat ng mata. Nakangiting mukha ni Tyrone ang sumalubong sa kanya. Sa pagkakataong iyon, mabango na ito sa pang-amoy niya.

      "Ayos na?" nakangiting tanong nito. Mahina siyang tumango. "That's weird. I just used water and nothing else. No soap at all," komento nito, nakakunot ang noo.

      Umirap siya. Lalo naman itong lumapit sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nito sa kanya.

      "Babe, sorry," seryosong umpisa nito. "Alam ko, mahirap patawarin ang nagawa ko sa 'yo. Pero, let me make it up to you today." Hindi siya kumibo. "Please, say yes," pangungumbinsi pa nito na marahang isinagi ang tungki ng ilong nito sa kanya.

      "Ikaw e," lumabi siya pakiramdam nga niya maiiyak siya. Dahil aminin man niya o hindi, nagtatampo siya sa asawa. "Anniversary natin tapos..."

      "Sorry na po, Mrs. San Miguel. Promise, 'di na mauulit." Kinintalan nito ng mabilis na halik ang labi niya. At dahil sadya siyang marupok, minagic ng halik na 'yon ang lahat ng tampo niya.

      "Dapat lang," sagot niya, nagmamaganda.

       Ngumiti na ito at bago pa man siya makahuma, angkin ulit nito ang mga labi niya. Mas malalim na ang halik. Naghahanap. May gustong patunayan at ipaalala sa kanya. Kapwa nila habol ang hininga nang tapusin nito ang halik.

      "I have a surprise for you," masiglang balita nito maya-maya.

      "Surprise?" Tumaas ang kilay niya. "Ano na namang paandar 'yan, Mr. San Miguel?" nagdududang tanong niya.

      Noong unang anniversary nila, binigyan siya nito ng kotse na hindi rin naman niya magamit dahil takot pa rin siyang mag-drive hanggang ngayon lalo pa kung kasama niya sa sasakyan si Noah. Noong nakaraang taon, dinala siya nito sa Switzerland habang nagi-snow. Jusko! Isang linggo siyang nagkulong sa cabin na tinuluyan nila dahil natural na lamigin siya at pakiramdam mae-estatwa siya sa sobrang lamig. Tapos ngayon na naman may pa-surprise na naman ito. Napangiwi siya. Baka sablay na naman 'yon.

      Tumango ito. "Go change. I'll wait for you outside," anito bago nagmamadaling lumabas ng silid.

      Tinatamad man, naghanda na lang din siya. Matapos niyang magbihis at ihabilin si Noah kay Manang Belen, lumarga na silang dalawang mag-asawa. Sabi nito, sa Pasay daw sila— sa opisina ng kaibigan nitong piloto. Ngunit bago 'yon, dumaan muna sila sa White Oaks Gardens at nag-alay ng bulaklak sa namayapang mga magulang at step-brother nito. Tradisyon nila 'yon tuwing anniversary nila— ang bisitahin ang puntod ng namayapang mga kaanak nito. Tuwing Nobyembre naman ang schedule ng pagbisita nila sa puntog ng kanyang mga magulang.

      "Maghe-helicopter tayo?" lukot ang ang mukhang tanong niya rito nang sa wakas marating nila ang sinasabi nitong opisina ng kaibigan nito.

       Ngumiti ito bago tumango. "Yes. It would be fun, I promise!" pangungumbinsi pa nito sa kanya bago ginagap ang kamay niya at iginiya siya papunta sa helicopter.

       Fun? Jusko! Mukhang atake sa puso ang ending niya roon! Unang beses niyang sasakay sa helicopter e. Mukhang sablay na naman si Tyrone sa mga hanash nito sa annivesary nila.

      Kahit na gusto niyang magreklamo, pinili niyang manahimik. Nakakahiya kasi sa kaibigan nitong piloto kung tataray-tarayan niya roon ang tukmol. Ilang sandali pa, nasa ere na ang sasakyang panghimpapawid. At bawat minutong dumaraan, pahigpit nang pahigpit ang kapit niya sa kamay ni Tyrone. Panay naman ang bulong ni Tyrone sa kanya ng kung ano-ano. Yumakap pa siya rito para mabawasan ang takot niya. Kaso sa nagpapanic na isip niya, walang bale iyon. Takot talaga siya sa pagsasakay mapa-eroplano man o helicopter. Pero alam niyang kailangan niyang pakalmahin ang sarili niya. Dapat. Kaya imbes na tignan ang tanawin sa ibaba mula sa himpapawid, pumikit na lang siya at lihim na nanalangin.

      Matapos ang kulang-kulang kalahating oras, bumulong si Tyrone na maari na raw silang bumaba. Abot-abot ang pasasalamat niya nang makaapak ang mga paa niya sa lupa. Ipinagala niya ang tingin. Noon lang niya napansin ang pamilyar na dalampasigan kung saan siya lumaki.

       Nagtataka niyang tinignan si Tyrone. Ngumiti lang ito, mukhang kinakarir ang pagpapa-guwapo. Walang imik siya nitong iginiya patungo sa makipot ngunit pamilyar na daan na halos lamunin ng makapal na hilera ng ligaw na mga halaman. Nang marating nila ang dulong bahagi ng daan, tumambad sa kanya ang pamilyar na kapitbahayan na kinalakhan niya. Halos wala 'yong pinagbago sa nakalipas na sampung taon. Maliban na lang sa mas lumaki ang tindahan ni Aling Baby na ngayon ay Baby's Mini-Grocery Store na. Kaso, ganoon pa rin, may meeting pa rin ng mga tsismosa sa harap niyon. Mas dumami pa nga ang mga naka-daster na kasapi.

      Gusto niya sanang makibalita doon kaso, napako na nang tuluyan ang mata niya sa bahay na nasa mismong harapan niya. Para iyong pamilyar na hindi.

      Teka, doon nakatayo ang dati nilang bahay. Paanong—

      "Tara sa loob," excited na pukaw ni Tyrone sa kanya.

      Napasinghap na siya nang tuluyan nang makita sa malapitan ang bahay. Walang nag-iba, materyales lang— ang dingding na kahoy ngayon ay semento na, ang mga bintanang kahoy ngayon ay salamin na, at ang bubong na pawid, ngayon ay gawa na sa bakal at magandang uri ng yero. Ang hilera ng santan na nakatanamin sa palibot ng bahay, naroon pa rin.

      Natutop na niya ang kanyang bibig. "P-pinaayos mo ang bahay namin?" naiiyak na tanong niya sa asawa.

      Tumango ito at sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Sorry ngayon ko lang 'to naisip. I recently saw an empty jar in your stash labeled 'dream house'. Alam ko lahat ng laman no'n nilagay mo sa thrust fund ni Noah. And you can't deny it, sinabi sa akin ni Json. At alam ko rin, before we had Noah, you have always dreamed of fixing your house here. Hindi ka rin pwedeng mag-deny, sinabi sa akin ni Albie. So, naisip ito na lang ang gawin ko for our anniversary this year. Wala akong binago sa design. I even asked your aunt's approval about this, umoo naman siya. But wait till you see what's inside." Binitiwan siya nito at nagmamadaling binuksan ang front door.

      Nang igiya siya nito sa loob, lalo siyang namangha. Kuhang-kuha ang ayos ng dati nilang bahay mas upgraded nga lang ang mga muwebles ng 100%. Shala na mga mwebles na ang laman niyon, ang nanatili lang ang ayos. At sa pagitan ng salas at kusina, mayroong dingding kung saan nakasabit ang litrato nilang mag-anak, katabi ng litrato ng Nanay at Tatay niya.

      Tuluyan na siyang napahagulgol. Wala sa sarili siyang naglambitin sa leeg ni Tyrone. Binabawi na niya ang sinabi niya kanina. Mali siya, bentang-benta ang hanash ng tukmol ngayong anniversary nila. Gifted child talaga!

      "Nakakainis ka. Bakit gifted child ka?" humihikbing sabi niya maya-maya.

      Marahang natawa ang tukmol. Niyuko siya nito at hinalikan sa labi. "Are you happy, Jia?"

      "Siyempre! Sobra-sobra."

      "So, am I forgiven?"

      "Naman!"

     "Truli?"

     "Korektus cactus magnus!"

      Humalakhak na ang tukmol. Wala pa rin itong pinagbago, aliw na aliw pa rin ito sa bekinese niya.

      "Akala mo, ikaw lang ang may surpise. Meron din kaya ako," nagyayabang na sabi niya maya-maya.

       Nangunot ang noo nito. Nakangiti naman niyang dinukot mula sa bag niya ang isang sobre at binigay 'yon kay Tyrone.

      "What's this?" tanong nito habang binubuksan ang sobre. Hindi na lang siya sumagot. In-enjoy na lang niya ang pagtingin sa gulat na mata nito habang binabasa ang nakasulat sa papel na laman ng sobre. "This is... I mean..." naguguluhang bulong nito bago iniangat ang mukha sa kanya.

      "Magiging kuya na si Noah!" nakangiting balita niya. Magdadalawang-buwan na siyang buntis sa pangalawa nila. 

      Hindi naglipat sandali, yakap na siya ni Tyrone. "Kaya pala ang sungit-sungit mo and you're making me do weird things. Oh God, this is the best anniversary gift ever!"

      "Kabog ba ang pa-surprise mo?"

      "Kabog!" natatawang sagot nito.

      Napahagikgik na siya. Cute pa rin para sa kanya ang pagbe-bekinese nito. Natigil lamang siya nang bigla siya nitong buhatin na parang bagong kasal.

      "T-teka, bakit?" naguguluhan niyang tanong.

      "Hindi mo pa nakikita ang loob ng mga kuwarto." Nagmamadali itong humakbang papasok sa isa sa mga kwarto. Pagdating doon, maingat siya nitong ibinaba sa kama bago ito nagmamadaling nag-alis ng tshirt.

      "H-hoy! Bakit nagpapa-present ka naman ng pandesal? Hapon na a!"

      "Ihahabol ko ang kakambal ni baby, baka pwede pa."

      "J-juskolerd! S-sinasagad mo ang ganda ko, Mr. San Miguel!" Nauutal na kunwari ay tutol niya.

     "Papanagutan naman kita e, Mrs. San Miguel," nakangising sagot nito sabay kindat. Nagmadali itong kumubabaw sa kanya. Sandali pa siyang pinakatitigan bago ngumiti nang nakakaloko. "Jia, can I kiss you?"

     Hindi siya sumagot. Bagkus, siya na ang kusang humalik sa asawa.

     Matapos ang pitong buwan, ipinanganak ni Jia ang ikalawang anak nila ni Tyrone na si Baby Olivia. Sa pagkakataong 'yon, mas kamukha na niya ang bunso na labis niyang ikinatuwa. Madalas din silang ma-feature na mag-anak sa mga magazines lalo na ang mga cute na cute na babies nila.

      Malayong-malayo na nga ang pinagbago ng buhay ni Jia mula sa simpleng probinsyanang mali-mali na aksidenteng nabuntis ng crush ng buong universe na si Tyrone San Miguel. Tama nga ang sabi nila, ang pagdating ng mga bagay na hindi inaaasahan ang siyang nagpapabago ng buhay. Ngunit para kay Jia, hindi aksidente ang lahat, sadya iyong itinadhana. At sa puntong ito ng buhay niya ngayon, wala na talaga siyang mahihiling pa.

-THE END-

3084words/5:33pm/07302019











Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro