Chapter 19: The Finest Day
"Alam mo maganda sa villa ng Zio Anton mo. May lake, may mga bundok at kung anu-ano pang drama. Shala kung shala, my byutipol niece. Sigurado akong mapapa-rest in peace ka talaga," masiglang kuwento ng Tiyang Bebang niya kay Jia.
Kasalukuyan silang nag-aagahan sa resraurant ng Gold Hotel-Manila. Tatlong araw na silang tumutuloy doon habang hinihintay ang mga papeles niya. Sa susunod na linggo, maari na raw silang tumulak pa-Italy sabi ng kontak ng tiyahin niya sa embassy. At habang lumilipas ang mga araw, lalong bumibigat ang dibdib niya sa napipintong pag-alis nila ng tiyahin. Panay kasi ang tutol ng puso niya pero ang isip niya panay naman ang push sa pagmo-move on kahit ayaw niya. So anong gagawin?
"Jianna, do you hear what I hear?" pukaw sa kanya ng tiyahin niya maya-maya.
"P-po?"
"Ang sabi ko narinig mo ba ang mga sinabi ko?" ani Tiyang Bebang bago humigop sa tasa ng kape nito.
"A-ang alin po?"
Nalukot ang mukha ng tiyahin niya. "Ang sabi ko, iiwanan muna kita dito sa hotel. Dahil kakausapin ko 'yong contractor na gagawa sa resort na gustong gawing negosyo ni Zio Anton mo sa Batangas. Sasamahan ako ni JM."
Tumuwid siya ng upo, pinilit magpakabibo. "A, s-sige po, Tiyang. P-push niyo 'yan para sa pagpaparami ng anda."
"Naman!" Masigla ring nakipag-apir sa kanya ang tiyahin niya.
Matapos ang agahan, umalis na nga si Tiyang Bebang. Bitbit nito ang isa sa mga bodyguards nito habang ang isa, naiwan sa kanya. At siya naman, balik sa suite nila ng tiyahin niya. Ilang minuto rin niyang pinilit libangin ang sarili. Nanood siya ng TV, nagbasa ng mga magazine na may nakaka-nosebleed na English, at naglaro ng Candy Crush sa cellphone niya. Kaso, tagos hanggang buto ang inip niya. May hinahanap kasi ang mga mata niya, to be specimen (specific), ang mga hormones niya.
Ilang beses din siyang nag-alinlangan upang sa huli ay mabilis ding nag-type sa Google Search ng, Tyrone San Miguel.
Mabilis na bumulaga sa kanya ang mukha ng guwapong tukmol. Magkahalong kilig at inis ang naramdaman niya dahil ang puso niya nagsha-sharamdaram na naman. Anak ng tokneneng talaga! Ang lalim ng pinaghulugan niyang banga ng pagsintang tunay para kay Tyrone. At ngayon nga, nahihirapan siyang umahon kahit na lunod na lunod na siya.
Napaigtad pa siya sa pagkakahiga sa kama nang maramdaman niyang sumipa ang anak niya. Umupo siya at marahang hinaplos ang kanyang tiyan. "Nami-miss mo na ba si Papa, anak? Ako rin miss ko na siya kaso..." Huminga siya nang malalim bago muling tinitigan ang litrato ni Tyrone sa cellphone niya. "... hindi na dapat natin siya nami-miss e." Muling nangilid ang luha niya. Naiinis na naman kasi siya sa sarili niya dahil ang hirap-hirap pagilin ng damdamin niya pagdating kay Tyrone.
Nang tumunog ang cellphone niya, mabilis siyang nagpunas ng luha. Umagang-umaga nag-eemo na naman kasi. Maski picture ng tukmol iniiyakan niya. Para talaga siyang sira.
Ano, sakitan nang paulit-ulit, Jia? naiinis niyang tanong sa sarili.
Binasa niya ang text message na natanggap niya. Nangunot noo pa siya nang makitang galing 'yon kay Madam Cion.
Madam Cion "Reyna ng mga Gabriela" Reyes 9:45am:
Halika muna saglit dito sa bahay. May sakit ako. Wala ang mag-asawa, sinamahan ang tiyahin mong demandina. Makonsensya ka.
PS. Iwanan mo ang bodyguard mo. Sagabal 'yan sa mga plano ni Kupido.
Napangiwi siya sa natanggap na mensahe. May dalang windang sa braincells niya ang mensahe ng ginang, pero sumunod na rin siya. Mataktika siyang lumabas ng hotel suite at mabilis na tinungo ang elevator. Habang nasa lift siya, panay ang text ni Madam Cion kung nasaan na siya. Siyempre panay rin ang sagot niya, mahirap nang mabugahan siya ng makalapnos kutis at kahihiyan na katarayan nito. Nang sabihin niyang nasa lobby na siya ng hotel, saka lang tumigil sa pagte-text si Madam Cion.
Ang akala niya mahihirapan siyang kumuha ng taxi dahil puro de kotse ang mga bisita sa hotel. Pero saktong may nakaabang na taxi paglabas niya ng hotel entrance kaya naman agad siyang lumulan. Nang makapuwesto siya sa backseat, mabilis niyang sinabi sa driver ang address na pupuntahan niya. Agad namang umusad ang sasakyan.
Tahimik lang si Jia buong biyahe. Hindi rin siya nagko-komento kahit panay ang tikhim ng driver ng taxi. Saka lang siya nagreklamo nang lampasan nila ang lilikuan papunta sa bahay ng mga dela Vega.
"S-sandali lang po, Mamang Ano." Kinalabit niya ang likod ng driver. "Lampas na po tayo."
"Sinadya ko 'yon, Jia," sagot ng pamilyar na boses. Napatuwid siya ng upo.
Nanlaki ang mga mata ni Jia nang tanggalin ng driver ang suot nitong cap dahil nakangiting mukha ng guwapong tukmol ang bumulaga sa kanya.
Sinilip siya nito mula sa rearview mirror. "Hi, babe. I miss you," nakangiting sabi nito sabay kindat.
"T-tyrone! Paanong... Bakit..." halos 'di niya maituloy ang mga gusto niyang sabihin dahil kaharap na naman niya ang tukmol at hindi na naman konektado ang utak at dila niya. Juskolerd talaga! Ano na naman bang windangan itey!
"Relax, Jia. Sige ka baka ma-stress na naman si baby."
Umingos siya. "Talagang mai-stress si baby sa ginagawa mong tukmol ka! Nagpakita ka pang talaga—"
Hindi pa man siya nakakabuwelo, napigil na ang balak niyang pagtalak nang tumunog ang cellphone ni Tyrone. Mabilis naman nito iyong sinagot. "Opo, kasama ko na. Po? Bakit po kailangan ng... Ok po. S-sige po." Matapos nitong tapusin ang tawag, bahagya nitong iginilid ang kotse bago siya nilingon. "Ok, I don't why but we have to take a picture," alanganin nitong sabi.
"Picture? Sabi nino?" naiimbyernang tanong niya. Hindi sumagot ang gwapo, ngumiti lang, nagpa-cute ng kaunti tapos narinig na naman niya ang mga taksil na aleluya sa tenga niya.
Juskolerd! Ang hina ng depensa niya!
Mula sa driver's seat, inabot nito ang kamay niya at marahan siyang hinila palapit dito. "Just come a little bit closer, babe." Magaan ang pagkakangiti nito, nange-engganyo. Ipinuwesto niya ang mukha sa espasyo sa pagitan ng driver's seat at passenger's seat ng taxi. Madali naman idinikit ng tukmol ang pisngi nito sa pisngi niya bago nito kinuha ang litrato nila gamit ang cellphone nito. Kinintalan pa siya nito ng mabilis na halik sa pisngi bago ito tuluyang lumayo sa kanya.
"Ang bango-bango talaga ng, babe ko. Hindi nakakasawa," siyang-siyang sabi nito habang mabilis na tumipa sa cellphone nito.
Agad naman siyang pinamulahan ng pisngi sa sinabi nito. Nawiwindang siyang napasandal sa backseat habang tinuturuan niyang maghunos-dili ang mga hormones niyang papunta na naman sa pag-aassume. Hindi pa man siya nakakahuma, umandar na muli ang kotse.
"Saan ba kasi tayo pupunta?" pukaw na tanong niya sa lalaki maya-maya. "Kikidnapin mo 'ko? Wala akong anda, para sabihin ko sa 'yo."
Marahang lang itong natawa. Muling nagtama ang mga mata nila sa rearview mirror. "Hindi kita kikidnapin, Jia. Ibabahay na kita."
Lalong nalaglag ang mga panga ni Jia. "Gagawin mo 'kong kulasisi!"
"What the hell is kulasisi?" lukot na lukot ang mukhang tanong nito. "Ang ibig ko lang sabihin, iuuwi na kita sa bahay ko, sa ayaw at sa gusto mo."
Muling nag-loading ang isip ni Jia. At bago pa man siya nakasagot, nasa tapat na sila ng isang magarang bahay na halos doble ang laki sa bahay na bigay ng lalaki sa kanya.
Pagbaba niya ng kotse, agad siyang sinalubong ng yakap ni Manang Belen. "Ay naku, anak, mabuti na lamang at bumalik ka. Sinasabi ko na nga ba't mahal mo rin itong alaga ko."
Napatingin siya kay Tyrone na nakangiting nagmamasid sa kanila ng matanda.
"Manang nandiyan na po ba ang judge?" tanong nito sa matanda nang bumitiw ito sa pagyakap sa kanya.
"May kaso ka? Ba't may judge?" nagsusungit na tanong niya.
Hindi sumagot si Tyrone. Nakangiti lang siyang iginiya papasok ng bahay. Pinigil ni Jia ang mapasinghap nang tuluyan siyang makapasok sa bahay. May makikinang na ilaw sa mataas na kisame. May magarang hagdan— pinaghalong puti, itim at kape ang kulay niyon na patungo sa ikalawang palapag ng bahay. Ang sahig naman, makintab na itim na marmol. At ang mga dingding, pawang gawa sa salamin. Tanaw niya rin mula sa salas na kinaroroonan nila ang swimming pool na nakaharap sa lanai. Juskolerd! Pakiramdam niya nasa hotel siya kaysa sa bahay. Shala kung shala!
Napahinto si Jia sa paghakbang. Naliyo kasi siya.
"A-are you ok?" maagap na tanong ni Tyrone sa kanya.
"B-bahay niyo 'to?" natatangang tanong niya.
Hinarap siya ni Tyrone, nakangiti. "Bahay natin. Tayo nila baby." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "Mula ngayon dito na kayo titira ni baby. Hindi sa mga dela Vega. Hindi rin sa Italy. Dito lang kayo... sa tabi ko."
Kumurap-kurap siya. Hindi pa rin umandar ang biyahe ng talino mula sa utak niya papunta sa dila niya. At dahil naguguluhan pa rin siya sa mga sinasabi nito, natampal niya ang noo ng lalaki. Agad naman itong nagreklamo.
"What's that for?" anito, hawak ang nasaktang noo.
"'Y-yan ba ang natutunan mo kay Ashley, ha? Ang mag-adik-adik! Jusko! Ano bang nakain mo at balik ka nang balik sa akin?" Inis niyang isinuklay ang kamay sa buhok niya.
"Kasi ikaw ang gusto ko, Jia."
Nalukot ang mukha niya. "Anong gusto? Nababaliw ka na ba? 'Di ba nag-usap na tayo. Ok na e..." Gumaralgal na ang tinig niya. "Pinalaya na kita, kasi nga mahal mo si Ashley. Tapos ngayon sasabihin mo na gusto mo 'ko. Tanga ka ba? Mas pipiliin mo ang gusto mo kaysa sa mahal mo?" Tuluyan na siyang napaluha. "Nakakainis ka, alam mo. Winiwindang mo ang buhay ko, Tyrone San Miguel. Alam mo ba na mahirap kang kalimutan? Alam mo ba na hindi lang isang beses kong sinubukan na 'wag maghangad ng sobra mula sa 'yo dahil mula pa no'ng umpisa alam kong walang tayo at hindi puwedeng magkaroon ng tayo. Iba ang mahal mo e. Kaso para kang nananadya. Pinilit mo 'kong tumira sa bahay na bigay mo, tapos inaalagaan mo ko— kami ni baby, pero isang tawag lang ni Ashley sa 'yo, pumupunta ka rin sa kanya. So, anong iisipin ko? Saan ako lulugar? Tapos, nagvisiting visitor pa 'yong nanay ni Ashley. Marami siyang sinabi sa akin na hindi mo raw masabi sa akin ng harapan. Kaya nga umiiwas na 'ko sa 'yo. Tapos heto ka na naman, sinasabi mong gusto mo 'ko kahit na alam na alam kong si Ashley ang mahal mo." Humagulgol na siya ng tuluyan. Gulong-gulo na siyang talaga.
Sa isang iglap, yakap na siya ni Tyrone. Gustong niyang kumawala sa mga bisig nito pero hindi niya magawa. Kusang isinusuko ng puso niya ang lakas at lohika niya pagdating kay Tyrone.
"I'm sorry, Jia. Please, 'wag ka nang umiyak." Panay ang hagod nito sa likod niya habang kinikintalan ng halik ang buhok niya. Lalo na naman siyang naiyak. Iniisip niya kung paano siya magmo-move on e bawat himaymay ng katauhan niya mahal na mahal si Tyrone.
Bumitiw ito sa kanya, marahang sinapo ang magkabilang pisngi niya. "Hindi ko mahal si Ashley. Well at some point, akala ko mahal ko siya. Pero hindi talaga. Ikaw lang ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko, maniwala ka."
"Inuuto mo na naman ako!" Tinabig niya ang kamay nito. "Tinanggihan mo nga akong pakasalan noon e."
"I'm sorry, I was stupid then. I have no excuse for that."
"Tapos binalak mo pa kaming itago ni baby. Sabi mo hindi mo kailan man sasabihin kay Ashley ang tungkol sa amin," puno ng hinanakit sa sumbat niya.
Nagbuga ito ng pagod na hininga. "Dahil pag-uwi ko galing Paris, wala na kami no'n. Bakit ko pa sasabihin sa kanya ang tungkol sa buhay ko? Jia, Ashley and I are just friends." Nagkwento ang lalaki tungkol sa tunay na estado ng relasyon nito kay Ashley. Maging ang mga nangyari ng gabing hindi ito umuwi at tumulak silang dalawa ng diwata papunta ng Palawan. Tahimik siyang nakinig sa paliwanag nito. "And with regards sa mga sinabi ni Tita Lorraine, none of it were true. Alam kong sinabi niya lang ang lahat ng 'yon para paghiwalayin tayo. Hindi niya matanggap na nagmahal si Ashley ng ordinaryong tao. Kalimutan mo na siya. Inamin niya mismo sa akin ang mga sinabi niya sa 'yo. I already filed a lawsuit against her, bahala na ang mga abogado ko sa kanya."
Sandali siyang kumalma sa sinabi nito. Sumilip ang kaunting pag-asa sa dibdib niya. Maya-maya pa, lumabi si Tyrone, nagpapa-cute. "Ikaw nga diyan e, ikinakahiya mo 'kong kasama. Ilang beses kitang inaayang lumabas, lagi mo akong tinatanggihan," anito, tunog tampo.
"N-Nahihiya kasi ako sa sarili ko dahil ako ang kasama mo at hindi ang mga magagandang babae at k-kagaya mong shala," mahina ang boses na paliwanag niya.
Sinapo ni Tyrone ang magkabilang pisngi niya at mariin siyang hinalikan sa labi. "Hindi ka dapat mahiya. You are beautiful Jia, inside and out. Ikaw ang gusto ko dahil ikaw ang mahal ko."
Napasinghap siya sa rebelasyon nito. Hindi makapaniwala ang bawat himaymay ng mga expectorant cells niya na siya, ang bobita at poorita, mahal ng guwapong tukmol na shala!
Magtatanong pa sana siya kaso bumalandra na pabukas ang pinto ng bahay. Lumitaw mula roon ang bulto nang humahangos na si Madam Cion at ng kasama nitong lalaki.
"Ano, ayos na?" mabilis nitong tanong nakadirekta kay Tyrone.
"H-Hindi ko po alam e," si Tyrone, alanganing sumulyap sa kanya.
"Ku-u! Kahina-hinang bata! Ang guwapo-guwapo kay lamya-lamya! Kaya ka nilalayasan nitong si Jia e. Bilis-bilisan mo at parating na sila," nagmamadaling paliwanag ng ginang.
"S-sino pong paparating," 'di na niya natiis tanungin.
"Ang tiyahin mong demandina, ang mga dela Vega at ang sandatahan ng kapulisan sa Maynila! Akala ko kasi, nakalayo na sila sa Maynila no'ng isinend ko 'yong picture ninyong dalawa na magkasama. Pang-asar ba. Kaso, hindi pa pala." Umasim ang mukha ni Madam Cion habang panay pa rin ang bulong.
"Kasabwat po kayo ni Tyrone?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Oo! Kawawa e, walang kakampi." Nameywang ang ginang, bumaling kay Tyrone. " Ano pang tinatanga-tanga mo riyan? Anong petsa na? Sunggaban mo na itong si Jia nang makasal na kayong dalawa." Bumaling ang ginang sa lalaking kasama nito. "Handang-handa na nga si judge o."
Nagkatinginan sila ni Tyrone. Nang ngumiti ito, ngumiti rin siya. Juskohan! Minagic na atang lahat ng tukmol ang lahat ng tampo at hinanakit niya sa nakalipas na mga araw at buwan.
"Asus! Karupok e!" komento ni Madam Cion, panay pa ang ingos. "Hala sige na! Lisensyahan niyo na 'yang landian ninyo." Akmang lalapit ito sa kanya nang mula sa labas ng bahay mayroon na namang nag-ingay. "Jusko ayan na 'ata ang mga intrimitida!" Hinila na ng ginang pagitna sa salas ang judge. "Judge, umpisahan niyo na po ang pabasa este ang kasal."
"Naghanda ka ba ng singsing, hijo," tanong ng judge kay Tyrone.
Mabilis na dinukot ni Tyrone ang kahita sa bulsa nito. Nang buksan nito iyon, tumambad sa kanya ang dalawang singsing, halos magkaparehas ng disenyo.
"H-handa ka talaga?" nangingilid ang luhang tanong niya sa lalaki.
"Matagal na, Jia. Ikaw lang ang may ayaw." Nakangiti nitong pinisil ang tungki ng kanyang ilong.
Nakagat niya ang kanyang labi. Ayaw niyang magmaganda pero pakiramdam niya ang haba-haba ng buhok niya!
"Mahal mo talaga 'ko kahit na mukha na 'ko ngayong butete?"
"You are the most beautiful in my eyes because you are carrying my child. Our child."
Pak! Ang galing talaga nito sa mga sagutan! Gifted child e! Napangiti siya pero ang mga hormones niya ayaw pa ring paawat. "Baka naaaliw ka lang sa akin?"
Hinawi nito palikod ang buhok nito at nahihiyang sinabi ang, "Nababaliw na nga ako sa 'yo e. Itong ilang araw lang na hindi kita nakita at nakausap, hindi na 'ko nakatulog. Please naman Jia, bigyan mo ng hustisya itong eyebags ko. Wiz ko na keribels ang mag-go away ka pa sa akin, babe."
Napasinghap siya. "Juskolerd! A-alam mo na mag-bekinese?" bulalas niya.
Natawa ito bago siya hinigit palapit sa tabi nito. Niyuko siya nito bago, "Truli, babe. Para sa 'yo."
Yumakap na siya kay Tyrone. Parang commercial na kasi ang kaligayahang nararamdaman niya sa mga oras na 'yon— walang ending! Paano, shushunga-shunga talaga siya. Lahat ng ikinasama ng loob niya noon walang basehan. Sinaktan lang pala niya ang sarili niya.
"Mahal din kita. Tyrone," humihikbing sabi niya.
"Ano 'yon, babe?"
Tiningala niya ito. "Sabi ko mahal na mahal din kita kahit bingi ka."
Humalakhak ang guwapo. Hinalikan nito ang labi niya bago siya muling niyakap.
Mabilis na inumpisahan ng judge ang seremonya. Dinedma na rin nila ang kalampagan sa gate ng kung sino mang mga kontrabida. Pati ang pirmahan ng mga dokumento alisto rin nilang tinapos. Sina Manang Belen, Madam Cion at iba pang katulong sa bahay ni Tyrone ang saksi sa mabilisan nilang pag-iisang dibdib.
"And now, by the power vested in me by the City of Makati, I know pronounce you husband and wife. You may now kiss." anang judge.
Lalong lumakas ang pag-iingay ng mga kontrabida sa gate ng bahay ni Tyrone pero nilunod iyon ng palakpakan ng mga kasama nila sa loob ng bahay. Humigpit ang hawak ni Jia sa kamay ni Tyrone dahil nag-uumapaw ang saya sa puso niya. Sa wakas, matapos ang maraming 'di pagkakaintindihan, pagpapakyeme at marami pang ibang hanash, truli na talaga, kasal na sila ng lalaking mahal na mahal niya— si Tyrone San Miguel.
Hinaplos niya ang kanyang tiyan. Sa wakas, buo na ang pamilya nila ng baby niya.
Nang maghinang ang mga mata nila ni Tyrone, wala nang pakialam pa sa paligid si Jia. Tuluyan nang na-magic ng lalaki ang lahat ng mga pag-aalinlangan maging ang huwisyo niya. Masuyong ikinulong ni Tyrone ang mukha niya sa mga palad nito. Matapos niyon, kusa na siyang pumikit. At kahit lalo pang umingay ang kanilang paligid, nanatili siyang pikit. Busy kasi siya. Busy siya sa paghalik sa guwapong shala na ngayon nga ay asawa na niya.
*****
Matapos ang mahabang paliwanagan, nagkaintindihan din sina Json, Tiyang Bebang, at si Tyrone. Siyempre may, instant abogado silang dalawa ni Tyrone sa katauhan ni Madam Cion. Walang binatbat ang pagtutol ng Tiyang Bebang niya at ni Json sa mga patutsada ng ginang. Tumaob lahat ng pagrarason, lalo na si Json, nang maglabas ng tsinelas na alpombra si Madam Cion. Na ayon sa mga kwento ni Json, ay instrument raw talaga ng pangdisiplina at pananakot ng biyenan nito.
Nagka-usap na rin sila ng Tiyang Bebang niya. Nagtatampo man, naintindihan nito na 'di na siya maaring sumama pa sa Italy. Nangako naman si Tyrone na pagkapanganak niya, bibisitahin nila ito at si Zio Anton sa villa ng mga ito sa Italy at doon sila muling magpapakasal.
Si Json naman, panay ang bilin sa kanya. Kapag daw nakunsumi siya kay Tyrone, banatan daw niya ito ng tsinelas nang magtanda. Napaisip tuloy siya, ilang beses na rin kaya itong nabiktima ng tsinelas ni Ms. Alexa? Kahit pa may dalang windangan ang habilin ng kaibigan niya, umoo na lang din siya nang matapos na ang usapan.
Paghalik ni Tyrone sa kanyang pisngi ang nagpabalik sa isip ni Jia sa kasalukuyan. "Anong iniisip ng maganda kong misis?" anito bago tumabi sa kanya sa lounge chair na nakaharap sa swimming pool. Mula sa kinauupuan niya, tanaw niya ang paglubog ng araw at ang makulay na pamamaalam ng bughaw at kahel na langit. Maganda ang tanawin, payapa, tumatatak sa isip. Gaya noong isang buong araw na magkasama sila sa Japan.
Humilig siya sa dibdib ni Tyrone. "Naalala mo noong namasyal tayo sa Japan?"
Hinalikan nito ang ulo nito. "Yes, babe. What about it?"
"Sabi mo lagi kitang alalahanin sa one fine day na 'yon. Kaso, mukhang hindi na kita maaalala sa one fine day na 'yon e." Binitiwan siya nito at pinihit paharap dito. Natawa pa siya ng bahagya nang makita niyang magsalubong ang mga kilay nito. Sinapo niya ang pisngi nito at sinabing, "Kasi mas maaalala kita ngayong araw na 'to na... pinakasalan mo 'ko kahit na ganito lang ako, hindi shala, mali-mali, at ordinaryo."
Sumayaw ang mga mata ni Tyrone sa sinabi niya. "Jia, we've met in the least romantic way. We even made a baby accidentally. But falling in love with you is the best decision I've ever made in my entire life." Inilapit nito ang mukha sa kanya. "You are my favorite surprise, Jia. And I promise to love you until my very last breath." Magaan nitong hinalikan ang labi niya. "I love you Mrs. Jianna Elise Hidalgo-San Miguel." At bago pa man niya mai-proseso ng isip niya ang mga sinabi ng asawa, tuluyan na nitong inangkin ang labi niya.
Gumanti rin siya ng halik, siyempre ngayon pa ba siya maghuhunos-dili e nalisensyahan na nga at kanyang-kanya na ang gwapo.
Maya-maya pa, bimitiw ito sa kanya at nagtanggal ng t-shirt at shorts.
"H-hoy! Papagabi na nagbebenta ka pa rin ng p-pandesal! Juskolerd! Magtira ka ng pang-agahan!" alanganin niyang saway sa lalaki na noon ay naglalakad na patungo sa pool.
Natawa lang ito bago tuluyang nag-dive sa pool. Pagkatapos ng ilang segundong pagsisid, umitaw rin ang ulo nito sa tubig.
"Come, Jia. Join me," aya nito sa kanya sa paraang nanghahalina.
Pinamulahan siya ng pisngi at nagpalinga-linga. "Ano k-ka ba? Landi alert 'yan! N-nakakahiya sa mga kasama n-natin dito!" saway niya sa lalaki na mukhang plano talagang landiin siya.
Ngumisi lang ito. "Wala sila. Pinagbakasyon ko ng isang buwan."
"B-bakit?"
"Para masolo kita, Mrs. San Miguel. Masama ba? Sige na, halika na," aya ulit nito sa kanya.
Kung sa come, join me ba, o sa pagngiti nito o sa papandesal nito sa hapunan o dahil dakila lang siyang marupok kaya siya nakumbinsing samahan ito sa pool, hindi na siya sigurado. Basta ang alam niya nag-volunteer siya, taas ang kamay at mga paa, na magpa-akit sa asawa niya. Ang plano niyang ilang minuto lang sa pool, nagtagal... nang matagal na matagal. Siniguro ni Tyrone na isa talagang isa iyon sa mga araw na kahit kailan hindi niya malilimutan.
###
3600words/2:54pm/07252019
#MyUnexpectedYou
A/N: Next chapter Epilogue
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro