Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 17: Ang Nagbabalik


        "Anak, pasensya ka na. Kung hindi ko sana iniwan si Jia kanina, hindi sana mangyayari ito," mangiyak-ngiyak na paliwanag ni Manang Belen kay Tyrone. Nagyuko ng ulo ang matanda bago muling bumalik sa kusina. Nasa mansyon siya. Doon siya dumiretso matapos niyang manggaling sa ospital. Hindi niya kayang uwian ang bahay ni Jia na wala ito roon. Nasanay na siyang lagi itong nakikita at malapit lang sa kanya.

        Naguguluhan niyang hinagod ang kanyang buhok bago siya nagbuga ng pagod na hininga. He's exhausted, tired, and scared.

        Natatakot siya na totohanin ni Json ang sinabi nitong kahit kailan, hindi na niya muling malalapitan si Jia.

        Nanghihina siyang naupo sa sofa. When he had learned that Jia went missing for some inexplicable reason, una niyang naisip na baka nagtatampo ito sa kanya dahil hindi siya nakapag-paalam dito kagabi nang maayos.

          Paano niya gagawin 'yon kung ora-orada silang pumunta sa Palawan ni Ashley upang hanapin ang boyfriend nitong surfer! Buti nga nasabihan pa niya si Manang Belen na samahan si Jia sa bahay nito at 'di siya makakauwi bago tuluyang na dead batt ang phone niya. Marami kasi siyang tinawagang tao— mga koneksyon para sa sasadyain nila ni Ashely sa Palawan.

           Ashley has been in love with a surfer living on an island in Palawan. Inamin 'yon ni Ashley nang magpaalam ito sa kanya na pansamantala muna itong maninirahan sa Paris after their engagement. At first he got angry. Who wouldn't? Ikakasal sila tapos may mahal itong iba! Nakakagago 'yon. Though hindi naman talaga puso ang nasaktan sa kanya kundi ang kanyang ego.

           Lumaki silang dalawa ni Ashley na laging pine-pair up ng mga magulang nila sa isa't-isa. Their fathers were best buddies at lagi silang nagkikitang dalawa sa mga espesyal na okasyon. When they were teens, they hated each other to the core. She's a brat and he's the annoying habitual joker. All of it changed when they went to college together. He didn't know what kind of a miracle it took but, they dated. On and off. Some days, he'd worship her. But most days, he wanted to wring her beautiful neck for being too bossy, too picky, and for being a brat. At some point, he really felt they truly loved each other. But, it was not enough for their relationship to survive. They were like puzzle pieces that just won't click.

        They agreed to date other people. And so he did. She did too, to the frustration of her parents especially her mother, Tita Lorraine. For Ashley's parents, he will always be the perfect husband material for their daughter. Even after his family faced a scandal that cost his father's life and left him living alone years ago. For the Wilsons, Ashley should marry him or not let her marry at all.

         Sa paglipas ng mga taon, Ashley became his constant and he too for Ashley. When women he'd dated dumped him for being an asshole, he'd run to Ashley. When she's a mess after breaking up with her series of jerk boyfriends, she'd run to him. Pero kapag nakahanap na naman sila ng bagong makakarelasyon, they'd go on their seperate ways again like nothing had happened. Not until they reached 30 and got tired of the game. They promised each other that at 33 and both of them are still not committed, they'd get married.

         And 33 happened to both of them months ago. So, they got engaged to the delight of her parents. He felt that maybe, he and Ashley were really meant for each other. He knew he needed to have a family he can call his own. He knew he needed to have a direction. So, he made all efforts to make their relationship work and set his heart into marrying Ashley. But, unexpectedly, he met Jia once again, the pretty and funny woman he had shared a special night with in Japan. And Jia gave him the biggest surprise of his life— she's pregnant with his baby.

        At first he was confused. He thought he was doomed! Who wouldn't? Ngayon pa na seryoso na siya na pakasalan si Ashley, malalaman niya na magkakaanak siya sa ibang babae. He was scared. Ayaw niyang masayang ang lahat ng efforts niya sa pagbuo ng relasyon niya kay Ashley. Mahal na niya si Ashley e. O mas tamang sabihin, akala niya mahal na niya talaga si Ashley.

        So when Jia begged for him to marry her, he refused! He really felt like a jerk that time especially when she cried. She was too innocent and too fragile to ruin her life that way. Gago talaga siya. At hanggang ngayon, tuwing naiisip niya 'yon, nanliliit siya. But it can't be helped! At that time, akala niya ikakasal na siya. And like the typical asshole he is, he promised Jia to support her throughout the pregnancy as if he was just closing a deal with a business prospect. He gave her a calling card for Pete's sake! Ni hindi nga niya hiningi ang cellphone number nito. Pero anong magagawa niya, sa mga panahong 'yon, 'yon lang talaga ang kaya niyang ibigay kay Jia.

       Confused, he had kept Jia's pregnancy from Ashley. Naisip niya na pwede pa rin nilang ituloy ang kasal hangga't hindi malalaman ni Ashley ang tungkol kay Jia. But when Ashley talked to him about testing their relationship by her living in Paris for awhile, he knew Ashley was having second thoughts on their decision to marry each other. Kaya pinaamin niya ito sa totoong rason nang paglayo nito sa kanya. And when finally, she confessed that she is in love with the surfer she had met in Palawan, pinayagan na lang din niya itong lumayo. He was angry. Nagagalit siya kay Ashley dahil pakiramdam niya, iniiwan siya nito sa ere nang mag-isa. And one night, while he drowned himself in anger and alcohol, he saw Jia at the club he frequently visits.

        Nagalit siya talaga ng husto noon. Siyempre una niyang naisip ang bata. Pinagsalitaan niya si Jia ng masasakit na salita at tinawag niya rin itong stupid. He wanted to kick himself for being the jerk he is when he clearly saw hurt flashed though Jia's eyes that night. He's confused and angry, but all the other excuses he could think of wouldn't be enough reason for him to treat Jia that way. So, binalak niyang bumawi kinabukasan sa check up nito. Kahit pa halatang inis ito sa kanya, nagpumilit pa rin siyang lapitan ito at gamitan ng papoging charm niya gaya ng mga ginagawa niya sa mga babaeng nakakasalamuha niya. Ininda niya talaga ang ginawa nitong paghambalos ng bag nito sa mukha niya. Pero lahat 'yon agad niyang nakalimutan nang makita niya ang ultrasound ng baby nila.

         No words could describe the feeling of happiness and pride he had felt the first time he heard his son's heartbeat. At that exact moment, he knew, that's the direction he was longing for. He would give everything just to make Jia and his child safe. Lalo pang tumindi ang paghahangad niyang alaagan si Jia dahil nang gabing 'yon din, lumabas ang resulta nang pinagawa niyang background investigation sa dalaga. Nalaman niya na matalik itong kaibigan ni Json de la Vega at ito rin ang nagdala kay Jia sa Maynila mula sa Batangas. He also learned she was orphaned at the age of 13 and had been living alone since she was 16. Lalo siyang kinain ng kanyang konsensya dahil hinahayaan niyang mamuhay nang mag-isa ang ina ng magiging anak niya. Kaya naman wala siyang pinalampas na oras at niyaya niya itong tumira sa bahay niya. Pero tumanggi ito. Akala pa naman niya, malakas ang epekto niya rito because earlier that day, tinawag siya nitong guwapo. Kaso, hindi umubra ang kaguapuhan niya kay Jia. Imbes na matuwa, lalo pa itong lumayo sa kanya. Kaya naman 'di na siya nakatiis at sinadya na niya ito sa DLVDC. Only to find her out spending time with a man named Nathan— the body-building confusely gendered English tutor of her.

        Hindi niya alam kung bakit unang beses pa lang niyang makita si Nathan, kumukulo na ang dugo niya rito. Maybe because Nathan can get upclose to Jia without her hesitating, fidgeting, or hiding. Pero kapag siya na ang kumakausap kay Jia, lumalayo ito at natataranta. When she hesistantly allowed him to take her home that night, nagtapat na siya ng tunay na status ng relasyon niya kay Ashley. He felt he needed her to know. Ewan niya kung bakit. She comforted him with her usual funny and quirky lines. Of which he can't resist to laugh at— a thing that only Jia could do to him. Jia is like a breath of fresh air— magaan, masarap kasama. And with Jia, he can be himself without the pretentions set by the soceity he grew up with. So, for some reason, he ended that night by kissing her.

        Dammit! He had kissed dozens of women but none of it had kept him awake for many nights like Jia's lips did. He knew right there and then, there's some magic going on between them. Something foreign to him and beyond his comprehension. Pero mukhang mali siya dahil sa mga sumunod na araw, pinagtaguan na naman siya nito.

       Sa fashion event na dinaluhan niya, doon niya ito muling nakita. Gusto niya itong pagalitan but she was breathtakingly beautiful in her red gown he wanted to crush her luscious lips with his instead. She exudes the aura of a royal of which for him, she will always be— a queen. At dahil natatakot siya na mapahamak ito, sinamahan niya ito sa paglalakad sa runway. He knew he was making a scene pero wala siyang pakialam kahit na pag-usapan pa sila ng mga tao. At kung may nagtanong lang sa kanya kung ano ang tunay na relasyon nila ni Jia, siguro magsasabi siya ng totoo, na ito ang magiging ang ina ng anak niya at espesyal ito sa kanya. Pero siyempre inaalala niya si Jia. She's withdrawn to people lalo na kapag magkasama sila. Ayaw na ayaw nitong may ibang taong makakakita sa kanilang dalawa na magkasama. She had made all efforts to keep her distance from him whenever they are surrounded by other people. Pakiramdam nga niya ikinakahiya siya nito. Muntik na nga niyang pagdudahan ang sinasabi ng ibang kaguwapuhan niya dahil pagdating kay Jia, wala talagang epekto ang charm niya. Pati nga halik niya wala ring epekto rito. Kapag nga ipinangte-threat niya ang halik niya rito, umaayos ang pakikipag-usap nito sa kanya. Mukhang umiiwas magkamali at ayaw na ayaw talaga sa halik niya.

        At dahil hindi na niya alam kung paano ito kukumbinsihin na tumira sa bahay na inihanda niya para rito at sa baby nila, dinaan na lang niya ito sa sapilitan matapos itong muntik nang masaktan nang sugurin ito ng asawa ni Nathan. He welcomed himself to her home and she did not have any objections. At unti-unti habang nakakasama niya ito sa bahay, nasiguro na niya kung ano ang nararamdaman niya para rito. He's in love with Jia. Gusto na niya talaga sanang magtapat noon kaya lang gusto niyang pormal na makipagkalas kay Ashley. Kaya naman tumulak siya papuntang Paris. Itinaon niyang may kailangan siyang asikasuhin din doon. Siya ang pormal na nakipaghiwalay kay Ashley. Ipinagtapat niya na may mahal na siyang iba at 'yon nga si Jia. Ashley was more than happy to let him go. Ibinalita nito sa kanya na boyfriend na raw nito ang surfer na mahal nito.

        They were both finally free from the cage they both willingly trapped themselves in. And to celebrate, they went to a fashion event together. Kasama rin nila sa event na 'yon sina Rob at Sophie.

        Pag-uwi niya mula sa Paris, alam niya sa puso niya, sigurado na siya, mahal na niya si Jia. Kaso may problema, mukhang hindi naman siya mahal ng dalaga.

        Tinanong niya ito noon e kung na-miss ba siya nito. She gave her a resounding no right straight to his face. So, he planned on making her fall for him through simple caring gestures. Pinagluluto niya ito, binibilhan ng mga gusto nitong pagkain, nag-volunteer din siyang i-tutor ito ng English at laging inaayang mag-date na lagi naman nitong tinatanggihan. Minsan nga dinaraan na lang niya sa palipad-hangin pero lagi lang itong umiiwas sa kanya pagkatapos. But he convinced himself that he has to be patient.

        One time he told her he had a crush on her. That sent her packing for one night. Matutulog daw ito kina Albie nang hindi maayos na nagpapaalam sa kanya. At dahil alam niyang kasalanan niya kung bakit ito lumalayo, sinuyo niya ito at pinilit umuwi, kaso ayaw nito. He ended up sleeping beside her, for the first time. It would had been memorable and romantic, if it hadn't for the crampy bed and pictures of him all over the wall.

         Lumipas ang mga araw, ayos naman sila ni Jia, kaso nga lang pakiramdam niya para itong lalong lumalayo sa kanya, umiiwas. At natatakot siya, lalo pa at mas gusto nitong kausap sina Albie at Nathan kaysa sa kanya. Ayos lang si Albie pero si Nathan... Dammit! Makita lang niya ang lalaki gusto na niyang manakal. Napapatawa nito si Jia e. Siya, hindi. Selos na selos siya kay Nathan. Hindi niya tuloy mapigilang ipakita ang kagaspangan ng ugali niya tuwing bumisita ito kay Jia. Andi Jia always hated him for that.

         Akala nga niya wala na talaga siyang pag-asa but then the other night happened. They made love. Nabuhayan siya ng loob. Naisip niya na baka nga mahal na rin siya nito. O kung hindi pa man, papunta na ang damdamin nito para sa kanya. Hindi lang nito masabi. So he planned to propose to her yesterday and gave her the customized diamond ring he bought from Treasures, a high-end jewelry store. Pero walang pinatunguhan ang usapan nila tungkol sa pagpapakasal. Sinabi pa nito na walang silbi ang kasal kung hindi rin naman nagmamahalan ang dalawang tao. E bakit siya, gusto pa rin niyang sumugal na pakasalan ito kahit alam niyang hindi naman niya sigurado kung mamahalin din siya nito? Lalo pa siyang nanlumo nang sabihin nito na ni minsan hindi pa ito nain-love. Kumpirmasyon ang sinabi nito na wala talagang epekto ang pagpapacute na ginagawa niya rito.

       And to make matters worse, tumawag si Ashley sa kanya kagabi— umiiyak, nagpapatulong. Nakikipaghiwalay na raw ang boyfriend nito sa kanya dahil tinakot ng mga magulang nito. Apparently, hindi nagsabi si Ashely sa mga magulang nito na hiwalay na sila. Natatakot daw kasi ito sa maaring gawin ng mga magulang nito kapag nalaman nila ang relasyon nito sa boyfriend nitong surfer na galing lamang sa simpleng pamilya. Kaya pala panay-panay ang uwi nito sa Pilipinas at panay din ang dikit sa kanya nitong nakaraang mga buwan. Ginagawa pala siyang cover up. Siya naman, hindi man lang nagtaka sa ginawa ni Ashley. He thought all their dates were friendly. Hindi naman sila lumalabas nang sila lang dalawa. Kahit noong nag-aya ito ng dinner with her parents, lagi silang may kasamang iba. Madalas, mga college friends nila.

        At para matapos na ang lahat, kagabi, siya na mismo ang nagsabi sa mga Wilsons na hindi na niya pwedeng pakasalan si Ashley. Not because Ashley has a boyfriend but because he already have Jia in his life. Ashley's father was in total shock but Tita Lorraine was angry. She even gave him a nice slap in the face. Pero binalewala na lang niya dahil gusto niyang matapos na kaagad ang gulo sa pagitan nila ni Ashley. Next thing he knew, both him and Ashley were on a chartered flight to Palawan. He even pulled all his connections mahanap lang ang nawawalang boyfriend ng ex-fiancee niya. Ashley was reunited with her boyfriend before the break of dawn this morning. They even got married in a civil ceremony and he's one of the witness.

          After a long and tiring night, he longed to go home to Jia. Only to find out she's not there. And then, confusing things happened in between— all in fast pace— that ended up with him sitting alone in his house thinking of ways on how to get Jia and his unborn son back.

         Tumunog ang telepono sa mansyon. Alisto naman iyong sinagot ni Manang Belen.

         "Anak, available na raw ang CCTV Footages na hiningi mo. Puntahan mo na lang daw sa Securtiy Office," balita ni Manang Belen sa kanya nang ibaba nito ang telepono.

          Nanghihina man, pinilit na rin niyang puntahan ang Security Office ng subdivision. Pagdating doon, agad ipinakita sa kanya ni Kuya Raffy ang kuha ng CCTV nang araw na 'yon. A little over 15 minutes into checking, he saw a car stopped right in front of Jia's house. A familiar figure emerged from the car— it was Ashley's mother, Tita Lorraine! Lalo pa niyang naramdaman ang kaba nang kusang pinapasok ni Jia ang ginang sa loob ng bahay nito. Agad na bumaha ang galit sa dibdib niya, sigurado siya may kinalaman si Tita Lorraine sa nangyari kay Jia. Hindi na niya tinapos pa ang video. Mabilis siyang muling sumakay sa sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa bahay ng mga Wilson.

         He swore, kung ano mang ginawa ni Tita Lorraine kay Jia, it will never go unpunished!


*****


           Tatlong araw na ang lumipas mula nang maconfine sa ospital si Jia. Unti-unti na rin siyang nakakabawi ng lakas mula sa muntikan na nilang pagkapahamak ng baby niya. Ang sabi ni Dr. Pedroza kahit mamayang hapon maari na siyang umuwi. Sa bahay nila Json at Ms. Alexa siya tutuloy. Si Json mismo ang nagpasya niyon. Hindi na rin niya tinutulan.

          Masaya silang nagkukuwentuhang tatlo nang may marinig silang katok mula sa pinto. Nagkatinginan pa sila ni Ms. Alexa nang tumayo si Json para buksan ang pinto.

           Kinakabahan siya baka si Tyrone ang nasa pinito. Hindi sa hindi niya ito gustong makita, sa katunayan, nakakatanga man, nami-miss na niya itong talaga. Wala e, ang lalim ng pinaghulugan niyang banga ng pagsintang tunay para kay Tyrone. Suwail naman kasi ang puso niya, ayaw ring tumigil sa kahibangan niya.

           "Yes, may I help you?" narinig niyang tanong ni Json sa taong nasa labas ng kuwarto niya. Umayos siya ng upo sa higaan at pilit sinilip ang nasa pinto. Si Ms. Alexa nagkanda-haba rin ang leeg sa pagtanaw sa bisita.

            Nanghinayang pa siya nang makitang babae ang bisita— nakasuot ng malapad na sumbrero na kalimitan niyang nakikitang gamit ng mga shala, naka-shades, namumutok ang labi sa red na lipstick at nakasuot ng magarang bestida.

            "Boun Giorno! My name is Signora Vivian Magnaye Tortilliani-Zechinini. I am loooking for my niece, Jianna Elise. Is she here, or there, and everywhere?" masiglang bati ng bisita.

           Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Tiyang Bebang!" bulalas niya.

           Niluwangan ni Json ang pagkakabukas sa pinto. Nagmadaling pumasok ang babae.

           "Oh there you are my darling niece. No more fear, Signora Tortilliani-Zechinini is here," masayang bati ng tiyahin niya bago siya niyakap ng mahigpit.


###

3127words/07182019

#MyUnexpectedYouWP








Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro