Chapter 13: Biro Lang
"Hello!" masayang bati ni Tyrone kay Jia.
"Good morning!" ganting bati naman ni Jia bago sinimulang ilipat sa plato ang niluto niyang omelet. "Tamang-tama nakaluto na 'ko. Sinangag, omelet, longganisa, kamatis and of course..." Nagsalin siya ng kape sa mug. "Kape. Black, sing-itim ng singit ko este ng budhi ng ex mo. Char lang! Halika na, kain na," nakangiting aya niya sa lalaki.
Humalakhak si Tyrone. Pansamantalang isinampay sa sofa ang coat nito at naglakad patungo sa dining.
Winner ang aliwan effort number 1 niya sa araw na iyon.
"Ang aga mo today," komento nito bago tuluyang dumulog sa hapag.
"Last day ko sa trabaho ngayon e. Kailangan maaga ako para matapos ko lahat ng dapat kong tapusin." Humigop siya mula sa baso ng gatas na tinimpla niya at tuluyang umupo sa hapag. Araw-araw, sa nakalipas na tatlong linggo, maliban sa pag-effort niyang aliwin ito, ganito ang gawain niya— taga-luto ng agahan at minsan naman hapunan. Pero mas madalas na si Tyrone ang nagluluto ng hapunan. Kahit kasi panay ang aya nito sa kanya na kumain sa labas, panay rin ang tanggi niya. Insekyora pa rin kasi ng peg niya hanggang ngayon. Isa pa, madali na rin kasi siyang mapagod dahil ramdam na niya ang pagbigat ng tiyan niya kahit hindi pa naman 'yon gaanong halata— parang puson lang iyon ng kinakabag.
"Oo nga pala," aniya nang may maalala. Mabilis siyang tumayo. Kinuha ang papel sa may counter at ibinigay iyon sa lalaki. Assignment niya 'yon sa English lessons nila. Nagprisinta kasi itong maging English tutor niya. Sa gabi bago siya matulog nagbibigay ito ng vocabulary words na hahanapin niya ang meaning sa dictionary at gagamitin niya sa isang sentence.
Sandali nitong pinag-aralan ang papel niya bago, "Perfect! You got it all correct, Ms. Hidalgo. Mukhang magaling talaga akong tutor," nakangising puri nito sa sarili nito.
Umirap siya. Ang aga-aga pinasok na naman ng hangin ang utak nito. "Oo na, ikaw na ang pinagpala. Inari mo na lahat ng magagandang katangian, 'di ka nagtira sa mga sawing-palad."
Ngumiti lang ang lalaki bago inabot ang pisngi niya at marahan iyong pinisil. "You're really cute. Sana magmana sa 'yo ng ka-cute-an si baby."
Tinabig niya ang kamay nito. "Ayoko nga! Hindi pwede. 'Pag sa akin nagmana si baby, cute nga pero may toyo naman."
Humalakhak ito. " I really don't mind, basta maganda."
Pinamungay niya ang mga mata, pinairal ang kapal ng mukha. "So, nagagandahan ka sa akin?"
Nag-thumbs up ang lalaki. Hindi kasi ito makasagot dahil abala ito sa pang-nguya. Kinilig naman ang bawat himaymay ng katawan niya. At dahil expectorant siya, nilubos-lubos na niya.
"Siguro, crush mo 'ko no?" aniya.
"Actually, I have a very huge crush on you," mabilis na sagot nito, nakangiti.
Natigilan silang pareho sa isinagot nito. Sandali silang nagkatinginan. At dahil masipag sa pagtambol ang asadong puso niya, 'di niya kinaya ang pagtitig ng mga mata nitong may magic. Siya na ang unang umiwas ng tingin. Mabilis niyang inubos ang gatas at hinugasan ang basong ginamit niya.
"M-magsasapatos l-lang ako," paalam niya kay Tyrone bago siya mabilis na umakyat sa kuwarto niya.
Hawak ang kanyang dibdib, wala sa sarili siyang naupo sa kama. Malakas ang pag-awit ng aleluya sa tenga niya. Ayaw niyang mag-expect, pero papunta na do'n ang direksyon ng utak niya. Totoo nga kaya? Kahit hindi pang-diwata levels ang ganda niya, patok na patok kay Tyrone ang slight niyang ganda?
O baka tuluyan na niyang nasungkit ang puso ng lalaki dahil sa mga aliwan efforts niya. Kung sabagay, mukhang boring si Ashley e. Hindi siguro nito napapatawa si Tyrone gaya nang ginagawa niya.
Ayaw niyang kiligin pero 'di niya mapigilan. Natataranta rin siya kung paano niya haharapin si Tyrone mamaya pagbaba niya. Pero higit sa lahat napakasaya niya ng mga sandaling 'yon, dahil may sumilip na kaunting pag-asa na baka nga truli, may future silang maging kumpletong pamilya ng baby niya.
Nakangiting naghanda si Jia papunta sa trabaho. Kinundisyon niya ang sarili na pagbaba niya at kapag nagtapat si Tyrone, aamin na rin siya sa totoong nararamdaman niya para dito. Dapat sunggaban niya ang pagkakataon, baka magbago ang isip nito, mahirap na.
Kaso, pagbaba niya, wala na ang lalaki sa hapag, nasa salas na ito at may kausap sa cellphone, kuntodo ngiti. 'Di niya ulit gaanong maintindihan. Kahit marami-rami na siyang alam, mabagal pa ring prumoseso ang isip niya dahil shalang English na naman ang usapan. Mauuna na siya sana sa sasakyan kaso...
"Okay Ashley, I'll see you tonight," anito bago tuluyang tinapos ang tawag.
"M-magkikita kayo kayo ni Ashley m-mamaya," wala sa loob na tanong niya nang nasa daan na sila.
"Yes. May dinner kami kasama ang parents niya," sagot nito, nakatutok pa rin ang mata sa daan.
Isang mahinang 'a' lang ang naisagot niya. Kahit kasi gusto pa sana niyang maging masigla, magpabibo at maging aliwan, nilulunod ng lungkot ang puso niya.
Akala niya, nalimutan na nito si Ashley. Wala kasi itong paramdam ng ilang linggo e. Matapos ang pagkikita nito at ni Tyrone sa Paris, wala na siyang balita sa diwata. Ang akala niya, wala na ito sa pagitan nila ng lalaki. Tutok na tutok kasi si Tyrone sa pag-aalaga sa kanya. Akala niya espesyal na siya para kay Tyrone. 'Yon pala... 'Yon pala... akala lang pala niya.
"Oo nga pala. Okay lang ba na i-arrange ko ulit na si Kuya Wally ang susundo sa 'yo mamayang hapon?" pukaw sa kanya ni Tyrone maya-maya.
"A-ayos lang," tipid na sagot niya bago ibinalik ang mata sa labas ng sasakyan.
Mabigat na naman ang didbib niya at gusto niyang umiyak. Napagtanto niya kasi na mas masakit ang mabiro kaysa ang suportahan sa gusto ang asado niyang puso. Biro. Tama, nagbibiro lang talaga si Tyrone kanina. Tapos umarangkada na agad ang pagiging assumera niya. O so sino na naman ang may kasalanan? Siyempre siya ulit. Lintek talaga! Paulit-ulit na lang.
Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili habang hinintay ang bababaan niya. Kaso hindi na keri ng puso at mga mata niya. Malapit nang bumagsak ang mga luha niya.
"D'yan na lang sa kanto," sabi niya dalawang kanto bago sa bababaan niya.
"Pero hindi dito ang—"
"O-okay na dito. Itabi mo na. Bababa na ako," pilit niya.
Mabilis namang inihinto ni Tyrone ang sasakyan. Walang sinayang na sandali si Jia. Mabilis siyang nagpaalam at umibis ng sasakyan. Pagkababang-pagkababa niya ng sasakyan, agad na tumulo ang luha niya.
"Sorry baby, umiiyak na naman si Mama," bulong niya bago tuluyang naglakad patungo sa DLVDC.
*****
"Sigurado ka na talaga?" ani Json habang kausap niya ito sa opisina nito.
"Oo naman! Final answer! Sure na!"
"E bakit kailangan mo pang umalis sa dati mong inuupahan malapit kina Charlie? You can keep the house para may matutuluyan ka pagbalik mo ng Maynila."
"W-wiz na! Sayang ang anda. Anong babayaran mo do'n? Pagtira ng alikabok at gagamba? Hahanap na lang ulit ako ng ibang matitirhan p-pagbalik ko, JM."
Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil nauutal siya. Sino ba ang hindi? Si Json ang pinagsisinungalingan niya. Ang boss niya. Ang kasangga, karamay, at best friend niya. Masagana tuloy nanginginain ang kunsensya niya sa isip niya.
"Okay ka lang?" Nag-angat ng tingin si Json mula sa mga pinipirmahan nitong documents.
"N-naman! Alive, alert, awake, enthusiastic!" Ilang beses pa niyang pinag-flex ang muscles niya upang kumbinsihin itong ayos lang siya.
"Kunsabagay, you look better than the first time you came here. Sanay na sanay ka na sa siyudad. And I'm glad you're liking it in here," komento nito bago muling bumalik sa pagpipirma ng dokumento.
"Naman! Salamat sa 'yo."
Ngumiti ito. "Wala 'yon. Nand'yan ka noong walang-wala ako. Siyempre kasama rin kita sa pagbangon ko. That's what friends are for." Isinara nito ang folder at ibinalik sa kanya. "Bumisita ka sa mansyon kapag may oras ka. Mahaba ang apat na buwan. Sigurado, pagkapanganak ni Alexa, hahanapin ka no'n. And remember, when you need me for anything, just call."
Tumayo ito at niyakap siya. Pinigil ni Jia ang maiyak bagkus ay niyakap rin niya ito nang mahigpit. Marami siyang gustong sabihin kay Json. Pero, hindi niya alam kung saan siya mag-uumpisa. At saka, maraming iniisip si Json ngayon— ang DLVDC at ang pamilya nito. Sino ba naman siya para dumagdag pa? Kaya, saka na lang siya magsasabi ng totoo.
"O ba't ka naiiyak?" tanong nito nang bitiwan siya nito.
"W-wala na-tats lang ako. Kahit pala may toyo ako, may kaibigan pa rin akong totoo."
Humalakhak ito. "Wala e. Lapitin lang talaga ako sa may mga toyo, kaya no choice ako."
Nanikwas ang nguso niya, kaibigan talaga niya ito. Hindi nito pinasubalian na madalas talaga siyang may saltik. Sandali pa silang nag-usap ni Json bago siya tuluyang lumabas ng opisina nito. 'Di na siya mapakali nang bumalik siya sa maliit na opisina niya.
Ang isip niya, nasa mga magaganap mamayang gabi kahit na malapit pa lang mananghalian. Hindi niya 'ata kayang mag-isa at magpaka-krung-krung sa bahay niya mamayang gabi habang nasa labas si Tyrone at si Diwatang Ashley. Kaya nang ayain siya ni Albie para mananghalian, may nabuo siyang plano.
*****
"Girl, mukmok galore?" pukaw ni Albie sa kanya habang nagngangalngal siya sa loob ng kuwarto nito. Pinakiusapan ni Jia ang kaibigan na makikitulog muna siya sa bahay nito kahit isang gabi lang. Nag-text na lang siya kay Tyrone tungkol sa plano niya kanina saka niya in-off ang cellphone niya. Gusto niya kasing ngumawa with feelings kahit isang gabi lang. Kaya heto siya, kahit alas-onse na nang gabi, sinusulit pa rin ang pagngawa.
"Lintek kasi siya!" Tinuro niya ang isang poster ni Tyrone na nakadikit sa dingding. "Siya at siya pa! Lintek siya!" Tinuro niya ulit ang isa pang poster at isa pa. Hindi niya tuloy alam kung tama ba na doon niya piniling ngumalngal kasi puno ng poster ng tukmol ang kuwarto ni Albie. Isinubsob na lang niya ang mukha sa kamay niya. Gulong-gulo na kasi siya.
Umupo si Albie sa tabi niya bago marahang hinagod ang likod niya. "Girl, masama sa baby ang cryola. Tahan na."
Niyakap na niya si Albie. Buti na lang talaga, alam ni Albie ang sitwasyon niya. Kahit papaano, may karamay siya. Nagsumbong din siya rito kung anong dahilan nang pagngawa niya ngayon.
"Ang shunga-shunga ko kasi. Alam ko na ngang 'di ko dapat kinakarir ang pagiging expectorant pero 'di ko mapigilan," aniya nang bumitiw siya kay Albie at sandali siyang kumalma.
"Jusko, kahit pa man din ako, kung dadaanin ako ni Fafa Tyrone sa mga landian everyday, gogora din ako sa paga-assume 'no. Sa set-up ninyo ngayon, kulang na lang sa inyo kasal para maging happy family na kayo ng junakis mo."
"'Yon na nga, 'di niya ako pwedeng pakasalan kasi—"
"Nariyan ang supladitang blandina na si Ashley." Umirap ito nang tumango siya.
Lumabi siya at tinitigan ang isa sa mga posters ni Tyrone na nakadikit sa dingding. "Ano na kayang ginawa nila ngayon?"
"E 'di ano pa, kemerlu galore," nang-aasar na sagot ni Albie.
Lalo siyang napalabi. Nasasaktan siya kahit wala naman siyang karapatan. "Pa-fall kang Tyrone San Miguel ka! Mag-cramps sana 'yang mukha mo habang magkasama kayo ni Ashley!"
Napasinghap siya at biglang hinawakan ang tiyan niya. Gumalaw kasi ang baby niya.
"Gumalaw?"
Tumango siya.
"Mukhang kakampi ng tatay."
Natawa silang pareho sa sinabi nito.
"Boylet 'yan siguro kaya 'di kampi sa 'yo," sabi pa ni Albie na hinawakan pa ang maliit na umbok ng tiyan niya.
Noong huling check up niya, sabi ni Dr. Pedroza, malusog ang baby niya. Kaya lang ganoon daw talaga minsan ang unang pagbubuntis, saka lang lumulobo nang husto pagkatapos ng ika-anim na buwan. Pabor na pabor 'yon sa kanya nitong mga nakalipas na linggo. Maluwag na bestida lang, tagong-tago na ang tiyan niya. Wala tuloy nagdududa sa kalagayan niya, liban na lang sa mga nagtatanong kung bakit siya nananaba.
Hinawakan niya ang tyan niya. "Hindi ko pa alam kung lalash siya o girlalo e. Sa susunod na check ko pa."
Magsasalita pa sana si Albie kaso may narinig silang pagtatalo sa harap ng gate. Nang silipin nila iyon sa bintana, si Tyrone laban sa tatay ni Albie na dating sundalo at si Nathan.
Nagkatinginan silang magkaibigan bago nagmamadaling lumabas ng bahay.
"Tyrone? B-bakit—"
"Jia! You got me worried so bad," usal nito na bago siya sinubukang abutin mula sa gate na bahagyang nakaawang. Kaso umiwas siya. "Tara na, umuwi na tayo."
"Ayoko. Dito ako matutulog," pagmamatigas niya.
"O, dito daw siya matutulog. Kanina pa namin sinasabi sa 'yo e. Ayaw mo pang maniwala," ani Nathan na nakabantay rin sa gate ng compound na pagmamay-ari ng pamilya nila Albie.
Tumitig lang si Tyrone sa kanya. Ginagamitan na naman siya ng magic sa mga mata nito. Pero sa pahiyang-pahiyang puso niya, hindi 'yon effective ng panahong iyon. Gusto munang humingi ng puso niya ng taym-pers Tyrone kahit ilang oras lang.
Nagsimulang manermon ang tatay ni Albie. Gabi na raw, nabubulabog ang mga kapitbahay sa hanash nila.
"Sorry po," hinging paumanhin niya sa matanda.
Tumikhim ang matanda. "Ikaw ba talaga'y buntis at itong si pogi ang tatay?"
"O-opo." Nagyuko siya ng ulo.
Nagbuga ito ng hininga. "Akala ko pa naman nagbalik-loob na itong si Alberto at nag-uuwi na ng chicks. Ini-imagine ko pa namang magkakaroon na ako ng apo." Nasamid si Nathan sa sinabi ng matanda. Siya naman ay natutop ang bibig, pinipigilan ang paghagikgik.
"Ay wiz pudrakels! Dalaga po ang anak ninyo at hindi ako tomboy!" napapairap na sagot ni Albie.
"O siya, siya. Ayusin niyo na 'yan. Pero pakihinaan ang boses ninyo. Baka tawagin ng mga kapitbahay si Kapitana, mahirap na. Tara na, Nathan." Nagpatiuna nang pumasok ng kabahayan ang matanda. Si Nathan naman, matapos siyang lapitan at bigyan ng marahang tapik sa balikat, ay umuwi na rin.
Tumikhim si Tyrone at tuluyang pumasok sa gate.
"Tinatawagan kita kanina pa, but my call calls won't go through" anito sa mababang tinig. "Why Jia? What did I do this time?"
"Nag-cryola si mudrabels dahil ang pudrakels ng junakis niya nakikipag-jugjugan sa diwata!" sabat ni Albie.
"Bakla!"
"What?"
Magkasabay nilang sambit ni Tyrone bago nilingon ang bakla na noon ay nasa front door na ng bahay, nakahalukipkip at tila nage-enjoy sa panonood sa kanila.
"W-wala. Kalimutan mo ang sinabi niya," mabilis na sagot ni Jia bago muling nakipagtitigan kay Tyrone. "Hindi ako uuwi ngayon. 'Wag kang mag-alala. Safe kami ni baby dito. Uuwi ako bukas ng umaga."
Sinubukan siya nitong hawakan ngunit gaya kanina, umiwas siya ulit.
Nagbuga ng hininga si Tyrone bago bumaling kay Albie. "Saan ang kwarto mo?"
###
2345words ed 2409/12:01pm/07152019
#MyUnexpectedYouWP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro