Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 12: What Makes You Cry?


       Pagod na ibinagsak ni Jia ang katawan sa sofa pagkauwing-pagkauwi niya mula sa trabaho.

        Ilang araw nang said na said ang enerhiya niya dahil maraming inuutos si Json sa kanya. Kanina nga tinulungan na siya ni Albie sa pagse-xerox dahil ngalay na ngalay na siya katatayo. Pero ano nga bang magagawa niya, poorita siya at kailangan niya ng anda at kahit pagoda everyday, hindi siya puwedeng magreklamo.

        Kung nandito lang sana si Tyrone para naman kahit mga hormones niya lang ang masigla, okay na. Kaso ni hindi man lang siya nito naalalang tawagan mula nang magpunta ito sa Paris apat na araw na ang nakararaan. Ayaw niyang magtampo pero nakakatampo kasi maarte ang puso niya. Nag-iinarte siya kahit na wala naman siyang karapatang mag-inarte.

        Patamad siyang bumangon sa sofa at nagpalit ng pambahay. Nagpasya siyang magluto ng hapunan pagkatapos. Imbes kasi na kumain sa labas dahil nag-iisa siya, hindi niya 'yon magawa dahil on time lagi si Kuya Wally, ang Grab driver na kinontrata ni Tyrone upang ihatid-sundo siya sa opisina.

        Abala sa pagluluto ng hapunan si Jia nang masulyapan niya sa TV ang isang fashion event sa Paris kung saan magkasamang um-attend sina Tyrone at Ashley. Kuntodo ngiti ang lalaki habang nakapulupot ang kamay nito sa beywang ni Diwatang Ashley. Agad na bumigat ang dibdib niya.

        Kaya pala hindi siya naaalang tawagan ng tukmol, masayang-masaya ito sa piling ni Ashley. Siguro nauto na naman ni Ashley ang tukmol. Umirap siya at tuluyang nagpasakop sa espirito ng pagmamapait.

        Ano ba ang inaasahan mo? Girlfriend niya 'yang diwata. Natural happiness siya. E ikaw, who you ka ba niya? panenermon ng lohika niya.

        Nagmamaktol niyang kinuha ang remote.

        "Mapunit sana 'yang bibig mong lintek ka," aniya bago mabilis na in-off ang TV sa salas.

         Nawalan na siya ng ganang magluto. Nagtimpla na lang siya ng gatas bago muling umakyat sa kuwarto niya upang doon muling ngumawa. Buti na lang Sabado kinabukasan, puwede siyang humilata buong araw habang ngumangalngal para sa bigong puso niya.

        Habang puno ng linyahang pagmamapait ang bibig niya at achieve na achieve niya ang pag-atungal, tumunog ang cellphone niya. Nag-flash sa screen ang numero ng magaling na tukmol. Sandali pa siyang nagdalawang-isip pero sa bandang huli, dineadma na lang niya ang tawag ng lalaki.

        Sigurado siya, kukumustahin nito ang bata.

       Puwes, manigas ito! Bahala itong mabuwang sa kaiisip. Ang saya-saya nito doon sa piling ng Diwata habang siya nagmumukmok dahil sa muling pagkadurog ng hopia at asado niyang puso.

       Lumabi si Jia at muling pinatahan ang nagmamapait niyang puso. Ilang beses nang dumaan sa isip niya ang sinabi ni Albie na akitin niya si Tyrone para naman mapansin siya nito pero alam naman niyang hindi niya 'yon magagawa. Lalo na ngayon at insekyora ang peg niya sa maraming bagay. Pa'no ba naman si Ashley, diwata. E siya, papunta na sa minamanas na butete.

        Ngumawa siya ulit, bigay na bigay. Nang muling mag-ring ang cellphone niya, lalo niyang nilakasan ang pagngawa.

        "Lintek kang heart ka. Sinabi na kasing 'wag, pero gumora ka pa rin! Alam na alam mo naman na sa kangkungan pinupulot ang mga ambisyosa, humohopia, at inggitera," malakas na pangaral niya sa sarili habang yakap ang isang unan.

        Masama ang loob niya pero wala siyang ibang masisi kundi sarili lang din niya.

        Maya-maya pa, tumunog ulit ang cellphone niya. Sa pagkakataong 'yon, iba na ang tumatawag, si Ms. Sophie na. Mabilis niyang hinamig ang sarili at sinagot ang cellphone.

        "Jia! Ayos ka lang? Ok lang kayo ng baby? Where are you? Why are you not answering your phone? Do you need help? I can send some help there right now just tell me where you are," dirediretasong bungad agad ni Ms. Sophie sa kabilang linya.

       "P-po? A-ayos lang po ako. Paano niyo po—"

        "Omg! Are you sick? I swear, you don't sound great."

        "P-po?"

        Umingay ang kabilang linya, nakarinig siya nang sandaling pagtatalo. Kapagkuwan'y, "Jia, si Tyrone 'to. Bakit hindi mo sinasagot ang phone mo? I've been calling you for the past hour. Mababaliw na 'ko dito kakaisip— Aray! Sophie ba't ka nambabatok?" Narinig niya ang pagbuga nito ng marahas na hininga. "Anong masakit sa 'yo? Do you need to go to the hospital? Jia, talk to me, babe. Uuwi—"

       Hindi na niya pinatapos ang sana'y sasabihin pa ni Tyrone at agad na tinapos ang tawag. In-off niya ang cellphone pagkatapos para sa kapayapaan ng mundo niya.

        Hindi na niya kasi kayang pakinggan pa ang boses nito, nami-miss na niya ang tukmol kahit pa isa itong gago. Nakalabi siyang humikbi. Kinakarma 'ata siya. Noon ang galing-galing niyang mag-advice sa mga kaibigan niya tungkol sa mga hanash ng buhay. Madalas niyang pagsabihan ang mga ito na dapat laging nakikinig sa sinasabi ng isip dahil ang puso sadyang hindi mapagkakatiwalaan. Pero heto siya ngayon, 'di niya marendahan sa patuloy na pagkerengkeng kay Tyrone ang puso niyang naghihingalo at sugatan.

        Tuluyan na siyang nahiga sa kama habang yakap ang unan.

        "Baby, sorry ha. Kailangan lang talagang umiyak ni Mama ngayon e. Pero pramis ko sa 'yo, bukas, 'di na ako iiyak. Pero ngayong gabi, cryola muna si Mama, ha," aniya habang hinahaplos ang kanyang tyan.

        Nang gabing 'yon, muli, luhaang natulog si Jia.


*****


        Halos pananghalian na nang magising si Jia kinabukasan. Mabilis siyang naligo upang mahimasmasan ang nanakit niyang mga mata dahil sa pag-iyak ng nakaraang gabi. Matapos niyon, mabilis siyang nagtimpla ng gatas at uminom ng vitamins. Sunod siyang nagpakaabala sa paglilinis. Determinado siyang kalimutan na ang pagmumukmok. Nangako siya sa baby niya, 'di na siya iiyak ngayon.

        Kaso lang, kahit mataas ang lebel ng energy niya ngayon, wala naman siya masyadong nalinis sa bahay niya. Maayos kasi sa gamit si Tyrone. Siya man ay ganoon din. Pagpatak ng alas-tres ng hapon, muling kumalam ang sikmura niya. Binuksan niya ang ref upang sana magluto ng gusto niya kaso, nag-iinarte na naman ang dila niya. Chumu-choosy kahit wala namang karapatan.

        At dahil wala rin siyang magawa o makain man lang na gusto niya sa bahay niya, pinasya niyang lumabas na lang at pumunta sa pinakamalapit na mall upang maglibang. Nagpalit siya ng bestida. Halata na ang maliit na umbok ng tiyan niya sa suot pero wala siyang choice, halos lahat ng damit niya, ganoon na talaga.

       Nilakad lang niya mula sa bahay niya hanggang sa gate ng subdivision, ilang kanto lang naman kasi 'yon. Nahihiya siya kasing tawagan si Kuya Wally, opisina-bahay lang ang usapan nito at ni Tyrone at hindi kasama ang pamamasyal niya. Nang marating niya ang gate, nginitian pa siya ng guwardiya. Si Manong Guard na rin ang pumara ng taxi para sa kanya.

        Kulang-kulang tatlumpong minuto ang lumipas, nasa mall na si Jia. Una siyang pumunta sa maternity store. Dalawang bestida at isang maternity pants lang ang kinaya niyang bilhin para sa sarili niya. May binili rin kasi siya para sa baby niya. Sabi ng saleslady, musical crib mobile daw ang tawag do'n sa tumutunog na pabitin sa mga crib. Iyong magandang klase ang binili niya. Mahal, mas mahal pa kaysa sa mga binili niya para sa sarili niya, pero hindi siya nagdalawang-isip. Unang regalo niya kasi 'yon para sa baby niya e.

        Huling pinuntahan ni Jia ang grocery sa pagbabakasakaling may makita siyang gusto niyang kainin. Matapos ang ilang minuto niyang pang-ookray sa mga presyo ng prutas at gulay sa grocery, natagpuan din niya ang hinahanap ng dila niya— ice cream, buko flavor. Madali siyang kumuha ng isang galon at nagbayad sa cashier. Ilang minuto pa, nasa daan na siya pauwi.

       Ibinaling niya ang tingin sa labas ng taxi na sinakyan niya. Naiilang siya kasi sa pagsulyap-sulyap ni mamang taxi driver. Buti na lang hindi masyadong traffic kaya naman bago magalas-sais ng gabi, nasa tapat na siya ng gate ng subdivision. Hindi na niya pinapasok sa subdivision ang taxi, maglalakad na lang ulit siya papasok.

       "Five hundred," anang taxi driver nang tanungin niya ang pamasahe niya. Tinignan niya ang metro. Tumataginting na 500 pesopesoses nga! E jusko, halos wala pang treinta minutos ang biyahe nila a!

       "Bakit po five hundred manong, e mabilis naman po biyahe natin?" mahinahon na reklamo niya.

       "Ewan ko, 'yan ang nasa metro e," sagot ng driver, medyo mataas ang boses.

        "Siguro may daya 'yang metro niyo 'no?"

        Tuluyan na siyang nilingon ng driver, namumula ang pisngi nito. "Anong may daya? Legal itong metro ko! Ang sabihin mo baka ikaw, wala ka lang pambayad kaya ka putak nang putak."

       Agad na umakyat ang toyo sa bunbunan ni Jia. Walang sabi-sabing binuksan niya ang pinto ng taxi at bumaba. Sumunod naman si Manong Driver.

       "Manong, para sabihin ko sa 'yo, may pambayad ako. Kaya lang ako nagrereklamo dahil napaka-imposible nang pagpatak ng metro mo!"

       "Pumasa itong taxi ko sa inspection ng LTFRB, papaano ako mandadaya? Magbayad ka na lang kasi, marami ka pang satsat. Gusto mo ipapulis kita? Miyembro ka siguro ng sindikato 'no? 'Yong mga nagwa-wantutri!"

       Nameywang na siya. "Haler! Manong Panot na Judger, bakit ako magbabayad e nandadaya ka? Tanaw ko pa nga dito 'yong mall na pinanggalingan ko tapos kung makasingil ka ng 500 gigil na gigil ka! Cannot been manong! 'Wag ganern! Knows na knows ko 'yang galawan mong panot ka."

        "Aba't talagang..." Umikot si Manong papunta sa puwesto niya. Handang-handa na magwarla.

        Tuluyan nang umakyat ang kaba sa dibdib ni Jia. Napaatras siya ng ilang hakbang at agad nabitawan ang mga pinamili niya. Nang lumapat ang likod niya sa kung ano mang matigas na bagay, napahawak siya sa tiyan niya at tuluyan nang pumikit.

        At nang akala niya matitikman na niya ang galit ni mamang taxi driver, may pamilyar na mga kamay na yumakap sa kanya.

        "Sige manong saktan niyo pa ang mag-ina ko, kayo ang ipapupulis ko."

       Mangha siyang napalingon. Nakauwi na ang tukmol at... yakap siya nito ngayon.

       "Ikaw ba asawa nito? Ang gaspang ng bunganga! Magaling mamintang!" mataas ang boses na reklamo ng driver ng taxi.

        "Bakit Sir, may problema po ba?" usisa ng head security ng subdivision, na siya na ngayong nagbabantay sa gate. Pamilyar na siya rito dahil lagi itong bumabati sa kanila ni Tyrone.

        "Itong babae ayaw magbayad ng 500," reklamo ulit ni manong driver.

        "May daya 'yong metro niya," nakalabing sumbong niya kay Tyrone. Tumitig si Tyrone sa kanya, sandaling pinag-aralan ang mukha niya bago bumuntong-hininga.

        "Fine!" Binitiwan siya nito at naglabas ito ng pera sa wallet nito, isang libo.

        "Sandali! Ba't mo babayaran 'yan e mandurugas 'yan!" reklamo niya. 'Di siya pinansin ni Tyrone.

        "Dodoblehin ko ang sinasabi mong pamasahe ng misis ko, sa isang kondisyon, tatawag ako ng taga-LTFRB para i-check 'yang metro mo ngayon din," seryosong pahayag ni Tyrone sa taxi driver.

        Nangunot-noo ang driver, binawi ang kamay na tatanggap sana sa isang libong ibibigay ni Tyrone. "B-bakit m-magtatawag ka pa?"

        "Para malaman natin kung sino sa inyo ang nagsasabi ng totoo." Bumaling ito sa head ng security ng subdivision. "Kuya Raffy, pakitawagan naman si Ninong Lorenzo sa loob o, patitignan natin 'tong taxi ni Manong." Agad tumalima ang head ng security at bumalik sa guard house.

        Namutla si Manong Driver. "S-sandali! S-sino 'yang Lorenzo na sinasabi mo? 'Yan ba yung Chief ng LTFRB?"

        "Oo," tipid na sagot ni Tyrone.

         Ilang sandaling nataranta na si Manong Taxi Driver bago, "S-sige, dalawandaan na lang. Bigyan niyo na lang ako ng dalawandaan nang makasibat na 'ko rito."

       "O, akala ko ba limandaan ang pumatak sa metro niyo?" nagtataray na tanong ni Jia.

        "Nagbigay na nga ako ng discounte e, nagrereklamo ka pa! Sige na bayad na bilis!" Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Imbyerna siyang humugot ng pera sa bulsa ng damit niya at ibinigay 'yon sa mahaderong taxi driver.

        "Ang yayaman pero ang kukunat! Para ilang daan lang," bulong pa nito bago tuluyang umalis.

        Mula sa guard house, sumenyas si Kuya Raffy na wala ang pinatawagan ni Tyrone dito. Nag-thumbs-up lang din ang lalaki bago bumaling sa kanya.

        Lalong sumama ang loob niya ngayong narito na ito sa harap niya. Bumalik sa alaala niya ang saya sa mukha nito habang pinapanood niya ito sa TV kasama si Ashley. Kapag siya ang kasama nito, tumatawa pa rin naman ito. Natatawa kasi ito sa kanya, aliwan siya e. Pero hindi 'yon 'yong saya na nagmamahal.

        "Five days. Iniwan lang kita ng five days Jia, pero heto na naman tayo, muntik na naman kayong mapahamak ni baby," sabi nito sa pagod na tinig.

        Umingos siya. "E kasi mandaraya siya!"

        "I know. Pero sana..." Nagbuga ito ng hininga at pinisil ang pagitan ng mga mata. "Nevermind. Saan ka ba kasi galing? Nakisabay ako sa private plane nina Rob at Sophie pauwi. Kanina pa akong alas-singko dito. Hindi mo sinasagot ang phone mo. Wala ka rin sa bahay mo. Buti na lang sinabihan ako ng mga guards na lumabas ka raw. Kaya dito na kita hinintay. Buti na lang talaga..."

       Napairap siya. Ito pa talaga ang may ganang mangunsensya ngayon. E recharge na recharge nga ito sa Paris kasi nakipaglandian ito kay Ashley.

        Sinimulan nitong pulutin ang mga pinamili niya. Agad na naglaho ang iba pang pinaglalaban ng mga hormones niya nang may maalala siya. Natataranta niyang kinuha ang kanyang mga pinamili sa kamay ng lalaki. Mabilis niyang chineck ang bawat supot upang mapa-iyak lamang sa huli.

        "Bakit? May masakit sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya matapos siyang hawakan sa magkabilang balikat.

        Kinagat niya pang-ibabang labi niya. Ayaw niyang umiyak pero naiyak na siyang talaga, hindi niya mapigilan.

       "God, Jia! Please tell me what wrong." Niyakap na siya ni Tyrone.

        At habang lango ang mga hormones niya sa yakap ng lalaki, sa pagitan nang paghikbi sinabi niya ang, "'Yong ice cream ko, naiwan ko sa taxi ni Mamang Panot na Judger."


*****


        Magkaharap sila ni Tyrone sa hapag habang pinagsasaluhan ang bagong bili nitong buko flavored ice cream. Hinatid siya muna nito sa bahay niya dahil nagtotoyo siyang ngumangawa dahil sa ice cream. Pagkatapos niyon, lumarga ulit ang lalaki at bumili ng panibagong ice cream.

        "Jia, nagtatampo ka ba sa akin?" putol nito sa katahimikan maya-maya.

        Umiling siya. "Bakit naman ako magtatampo sa 'yo?" Wala akong karapatan, gusto sana niyang idugtong pero imbes na magsalita, sumubo na lang siya ulit ng ice cream.

         "Dahil ba hindi kita natawagan ng ilang araw?"

        "H-hindi a," mabilis ngunit alanganin niyang sagot, ang mga mata nasa baso pa rin ng ice cream.

        "I got preoccupied sa pagche-check ng project doon. I had endless meetings with our partners there. Mabuti sana kung para sa Primebuild- RMM Builders lang ang ipinunta ko do'n, inasikaso ko rin 'yong mga clients namin sa ad agency. Tuwing umuuwi ako, gabi na. E syempre madaling araw na no'n dito. I don't want to disturb your sleep."

        At ayaw mo ring maistorbo kayo ni Ashley sa paghahrutan ninyong lintok ka, gusto ulit niya sanang idugtong kaso 'yong ice cream na lang pinanggigilan niya.

        "Jia," masuyong tawag nito sa kanya na dahilan upang mag-angat siya ng tingin.

        "Did you miss me?"

         Oo.

         Kumurap siya bago, "Hindi."

        "Kahit kaunti?" May alinlangan sa tinig nito.

        Mabilis siyang umiling bago muling sumubo ng ice cream.

        Anong klaseng tanong 'yan? Magmamarakulyo ba siya hanggang ngayon kung hindi niya ito nami-miss. Kaso hindi na nito dapat malaman na nami-miss niya ito nang bongga at imbiyerna siya talaga kay Diwatang Ashley kahit wala siyang karapatan.

        "Ang tapang-tapang mo," pag-iiba ni Tyrone sa usapan maya-maya.

        "Ano 'ka, afraidful kaya ako."

         Natawa ito. "Afraidful?"

        Tumango si Jia. "Oo natatakot din ako, 'no!"

        Ngumiti ito. "E bakit kanina parang desidido kang balatan ng buhay si Manong Driver?"

        Sumubo siya ng ice cream. "Ah, kasi iniisahan niya ako e. Laking kalsada kaya ako! Ku-u! 'Wag talaga siya ulit magpapakita sa akin, pu-floorwax-an ko 'yong panot niya!"

        Humalakhak si Tyrone, aliw na aliw talaga sa kanya. Siguro ayos na 'yon sa kanya. Pagtitiyagaan na lang niya kung anuman ang kaya nitong ibigay sa kanya. May ilang buwan pa bago siya manganak. Sasanayin na lang niya ang sarili niya na hanggang aliwan lang talaga ang tingin nito sa kanya, ang dakilang patawa sa buhay nito. Ayaw naman niya na araw-araw nalang naiinis siya rito o kaya nagtatampo. Dahil kahit na gaano pa ito kagwapo, kung pinaglihi naman sa sama ng loob at kunsomisyon ang baby niya, tiyak na magmumukang timawa ang anak niya. At hindi 'yon puwedeng mangyari!

        Napatikhim siya nang 'di oras nang maramdaman niya ang pagtitig ni Tyrone sa kanya.

        "O b-bakit?" alanganing tanong niya.

        "Except from the time nang nalaman natin na nandyan na si baby, do you ever cry before?"

       "Cry? Oo naman! Anong akala mo sa akin robot? Umiiyak din ako noon, madalang nga lang."

       "Except today, kailan ka huling umiyak and why?"

       Kagabi. Erase, erase. Wiz niya dapat ma-knows na iniiyakan ko siya.

        Natigilan siya at sandaling nag-isip. "A, ang huling iyak ko pala nung kinutkot ko 'yong in-groin ko sa paa."

         Nasamid si Tyrone dahil sa sinabi niya. "W-what?"

         Umirap siya, naimbyerna sa lalaking kausap. "Nagka-in groin 'yong kuko ko sa paa. Kaya ko kinutkot. Masakit kaya 'yon! Grabe nga iyak ko e!" Umiling si Tyrone na lalo niyang ikinaimbyerna. "Bakit ikaw 'di ka nagkaka-in groin ha?"

       Tumuwid ito ng upo bago siya seryosong tinignan. "I'm sorry I didn't mean to offend you, but its in-grown not in-groin. Because groin means..." Sinundan niya ng tingin ang pagyuko ng lalaki. Napasinghap siya nang mapagtanto ang ibig nitong sabihin.

       "'Yang Kapitan mo?" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

       Natawa ito bago alanganing tumango.

       Juskolerd, sablay na naman ang ganda niya!

        "It's ok, no need to be ashamed. Marami talaga sa mga kababayan natin ang nagkakamali sa word na 'yan. Kaya ayos lang yan, Jia," anito bago nag-concentrate sa pagkain sa ice cream.

        Ganoon na rin ang ginawa niya. Mabuti pang kumain na lang talaga siya kaysa kung anu-ano pang masabi niya.

       "So, back to the question," pukaw ni Tyrone sa kanya. "What makes you cry?"

       "Yun nga, nung kinutkot ko 'yong lintok na i-in- g-grown ng kuko ko."

       "I mean aside from physical pain, ano pa nagpapa-iyak sa 'yo."

       "Yung may luha o wala?" tanong niya.

        Nangunot-noo ito. "Meron ba no'n, umiiyak na walang luha?"

       "Meron. Kapag puso mo lang ang umiiyak hindi ang mata mo." Natigilan siya nang magbalik sa alaala niya ang mga pinagdaanan niya noong kabataan niya. "Umiyak ako no'ng namatay sina Tatay at Nanay. Umiyak din ako no'ng iniwan ako ni Tiyang Bebang para sumama sa boyfriend niyang German. Maliban do'n wala na akong maalala."

        Tumitig lang ito sa kanya. "Was it hard?"

        "Hard? Ang alin?"

       "'Yong mamuhay na ikaw lang habang lumalaki ka?"

       Sumubo siya ng isang kutsarang ice cream, inubos muna niya iyon bago sumagot. "Oo na hindi. Minsan kasi kapag mag-isa ka lang, doon mo nasusubok kung hanggang saan ang kaya mo, ang diskarte mong mabuhay at higit sa lahat, wala kang inaalalang ibang tao. Pero mahirap din lalo na kapag may sakit ka. Siyempre, mag-isa ka lang. Walang mag-aalaga sa 'yo. Kapag pinagtri-tripan ka ng tadhana at pinanghihinaan ka ng loob, walang magsasabi sa 'yo na, 'Kaya mo 'yan. Maning-mani lang 'yan.' Wala kang mapagkukuwentuhan kahit na masaya ka. Wala kang karamay kahit natatakot ka. At saka wala—"

       Masuyong pagdampi ng kamay ni Tyrone sa pisngi niya ang nagpahinto sa kanya sa pagsasalita.

       "You're crying, Jia," anito bago pinalis ang luha niya. Agad niyang hinawakan ang pisngi niya. Totoo nga, umiiyak siya. Napatitig siya sa lalaki. Bigla niyang naalala ang sitwasyon nilang dalawa at ng bata sa sinapupunan niya. Malabo pa rin talaga ang hinaharap para maging tunay silang pamilya na tatlo.

       "S-sana, hindi rin maranasan ni baby ang mga naranasan ko," wala sa sariling sambit niya.

        Nanatili ang nga mata ni Tyrone sa kanya. Kapagkuwan'y inabot nito ang kamay niya.

       "Hindi ako aalis Jia, hangga't kailangan ninyo akong dalawa."

        Sana nga, Tyrone. Sana, lihim na hiling niya.


****

3256words ed 3288/10:41am/07122019

#MyUnexpectedYouWP

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro