Chapter 11: Thinking Of You, Always
Ilang na ilang si Jia sa mga pagsulyap-sulyap ni Albie sa kanya habang pareho silang nakamasid sa labas ng pintuan ng café. Pinasara ni Tyrone ang buong cafe ng isang oras para makapag-usap-usap na sina Nathan, ang asawa nitong si Michelle at si Lea as in short for Leandro. Sumulyap siya kay Tyrone, may kausap pa ito sa cellphone, ilang metro ang layo mula sa puwesto nila ni Albie. Sumulyap si Albie sa kanya bago muling ibinalik ang mga mata sa pagmamasid. Sa paraan nang pagtingin-tingin ni Albie sa kanya, sigurado, tatambakan siya ng bakla ng maraming katanungan kung hindi mamaya, baka bukas at sa mga susunod pang mga araw.
Bumuntong-hininga siya at ibinalik ang atensyon sa mga taong nag-uusap sa loob ng café. Si Lea ang dating jowa ni Nathan bago nito napangasawa si Michelle. Ang kaso, nagkagulo ang mundo ng mga ito nang maging boss ni Nathan si Lea sa dati nitong pinasukang call center. Nalaman ni Michelle ang tungkol sa dating relasyon ng mga ito sa pamamagitan ng mga chismosang mimosa. At dahil kaparehas niyang krung-krung, inaway ni Michelle si Lea sa mismong opisina nito na siyang naging dahilan upang masisante si Nathan sa trabaho. At base sa chismis ni Albie, itong si Michelle, panay pa rin ang warla kahit wala na raw sa hulog! Achieve na achieve ang pagpapasapi sa espiritu ng krung-krung. Gaya na lang ng ginawa nito sa kanya kanina. Tuloy, nahihirapang makapaghanap ng matinong trabaho si Nathan. Kaya pala lagi itong mukhang probelamado.
"Sa tingin mo, anong pinag-uusapan nila?" aniya habang nakasilip sa may pinto ng cafe.
"'Di ko knows girl. Pa'no naman kasi itong si Nathan, 'di pa nag-come out noon na bi."
"Bye? As is in babye?" natatangang sabi niya.
"Gaga! Bisexual. E, sa ganon naman talaga siya noon pa, pero iba na ngayon. At saka love na love kaya niyan si Michelle kahit madalas talagang atakihin ng toyo gaya mo," komento ni Albie sabay ingos sa kanya. "Ikaw na babaita ka, bakit kasama mo si Fafa Tyrone ko?" pabulong na tanong nito, magkakadikit ang ngipin.
Lumunok siya bago muling sumilip sa loob ng café. "Next question, please."
Marahan nitong hinigit ang ilang hibla ng buhok niya. "Artista? Artista ka?" bulong ulit nito, nanlalaki ang mga butas ng ilong. Imbes na matakot lalo siyang nagtawa. "Natawa ka pa talagang krung-krung ka."
"Ngayon ko lang nalaman na may lagusan pala patungo sa kaluluwa mo diyan sa ilong mo," birada pa niya bago tinutop ang bibig at humagikgik.
"Gaga!" imbiyernang singhal ni Albie sa kanya. Bahagyang lumingon si Tyrone sa puwesto nila, kunot ang noo. Sabay nilang nginitian ang gwapo na naglakad pa ulit palayo, nasa tenga pa rin nito ang cellphone.
"Pinapahiya mo ako kay Fafa Tyrone, Jia. Hindi ko lang mahal ang trabaho ko at ang poise ko, matagal na kitang kinalbong babaita ka," pabiro pero napapairap na sabi pa ng bakla.
Sasagot na sana siya nang makita niyang palabas na ng café ang victims of love. Mukhang nagka-ayos na ang mga ito.
"Pasensya ka na, Jia. I really don't know what gotten into me," mababa ang tinig na sabi ni Michelle. "Mahal na mahal ko kasi 'tong si Nathan. Kaya ngayon, tanggap ko na rin kung ano ang nakaraan niya." Nagkatinginan ang mag-asawa. "Tapos, kapag kasi buntis, paiba-iba pa ng mood, alam mo na."
"I agree," ani Tyrone na biglang sumulpot sa tabi niya. Pinukol siya nito ng makahulugang tingin bago ngumisi. Umirap naman siya.
Sandali pa silang nag-usap-usap. Humingi rin ng pasensya si Nathan sa kanya dahil hindi na raw siya nito puwedeng maging tutor niya. Maghahanap na lang daw ito ng ibang trabaho o kaya magnenegosyo para sa ikatatahimik ng buhay may-asawa nito. Umoo na lang din siya para matapos na ang usapan. Malapit na rin kasing lumuwa ang mga mata ni Albie kakatitig sa magkahugpong nilang kamay ni Tyrone na hindi niya namalayan kung kailan hinawakan ng lalaki.
At bago pa man siya buhusan ng isang toneladang irap, imbyerna at mga katanungan ng bakla, nag-paalam na sila ni Tyrone nang tuluyan sa mga kausap.
"Nakakatuwa si Michelle 'no. Kahit nagwarla-warla pa siya, sa huli tanggap pa rin niya si Nathan. Sabagay, gano'n daw talaga 'yon. Kapag mahal mo ang isang tao, tanggap mo ang lahat sa kanya, pangit man o maganda," komento niya habang nasa daan sila pauwi. "Kaso, wala na naman akong tutor. Ano ba 'yan?" tikwas ang mga nguso na reklamo niya kay Tyrone
"Bakit mo ba kasi gustong matutong mag-English? Nasa Pilipinas naman tayo. Maiintidihan ka pa rin naman ng mga kausap mo kahit mag-Tagalog ka," komento nito, tutok pa rin ang mga mata sa daan.
"E siyempre, marami akong nakakasalamuhang shala. Dapat knows ko rin ang mga pinagsasabi nila. Ang English kumbaga sa ganda, parang make-up, pinapaganda pa nito lalo ang mga magaganda na. "
Natawa ito. "I said it before and I'm saying it again, hindi basehan ng talino ang pagi-English."
"Pero kailangan ko 'yon sa trabaho ko. Sa pakikipag-usap na nga lang sa 'yo, pakiramdam ko masasaid na ang lahat ng English na nasa bokabularyo ko e. At saka alam mo ba, yung mga linyahan sa pelikula, kapag English ang banat, hindi masyadong masakit ang dating."
Bahagya itong natawa bago umiling. "Meanings are in people, not in words, Jia. Mapa-English o Tagalog man 'yan, kapag iba ang interpretasyon mo, masasaktan at masasaktan ka."
Nanirik ang braincells ni Jia sa sinabi ng lalaki. Sasagot pa sana siya kaso, nakita niyang nilampasan nito ang likuan patungo sa kasera niya.
"S-sandali, lampas na tayo!" reklamo niya.
"Hindi ka na uuwi sa kasera mo, Jia. Doon ka na sa bahay ninyo ni baby."
Nalaglag ang panga niya. "Hoy! Nakrung-krung ka na rin ba? Jusko! Cannot been! Cannot been!"
"Hindi na ako papayag na hindi ka bantayan, Jia. Kanina nga lang muntik ka nang saktan ni Michelle. Paano na lang kung hindi kita binabantayan tuwing tutor mo— "
"B-binabantayan mo 'ko?" halos 'di makapaniwalang tanong niya.
Tumikhim ito. "Nag-aalala ako, okay. Para sa... para kay baby. Paano na lang kung wala ako kanina? E 'di nasaktan ka na, malalagay pa sa alanganin si baby. I won't let that happen again, Jia."
"Alam ko. Pero ayoko pang tumira sa bahay na bigay mo," aniya lalong nanulis ang nguso.
Gets naman niya, may punto ito. Pero ang hindi niya matanggap, titira siya malapit dito. Itong mga mumunting oras nga lang ng pag-aaparisyon nito pagkatapos ng trabaho, halos bumaliktad na ang mundo niya, ano pa kaya kung nakatira siya malapit dito? Juskohan!
"This is not even debatable, Jia. Titira ka— kayo ni baby I mean, sa bahay na bigay ko sa 'yo. I want to make sure na kung kakailanganin mo ako, mabilis kitang mapupuntahan. At saka ano bang problema? Nakapangalan 'yon sa 'yo, wala namang—"
"'Yon na nga, nakapangalan naman sa akin 'yon. Titira ako do'n kung kailan ko gusto. Hindi 'yang pinipilit mo 'ko!" naiiyak at natatarantang sagot niya.
Bakit ba kasi ito pilit nang pilit e nahihirapan na nga siyang tumanggi. Tapos kapag umoo siya ngayon, mas mapapaaga ang pagsisinungaling niya sa mga tao. Una sa matandang kasera niya, kay Sir Charlie, tapos kay Json at Ms. Alexa. Juskolerd! Baka silaban na siya sa impyerno sa dami ng mga kasinungalingan niya!
Iginilid ni Tyrone ang sasakyan. Ilang sandali rin itong humugot at nagbuga ng hininga bago kalmadong bumaling sa kanya. "I don't want to make you upset, Jia. Makakasama 'yon sa bata. But this is the reality we both must face. Gusto ko malapit ako sa 'yo dahil dala-dala mo ang anak ko. Kahit na bantayan kita ng bente-kuwatro oras, masiguro ko lang na ligtas ka— ang anak ko, gagawin ko. Please don't be selfish. Isipin mo naman ang bata."
Ibinaling niya ang mata sa labas ng bintana. Selfish. 'Di ba, makasarili 'yon sa English. Ang dami na nga niyang iniisip, iniiwasan at pinaghahandaang pagsisinungaling siya pa ngayon ang selfish. Nakagat niya ang labi niya. Pinupuno na naman ng sama ng loob ang dibdib niya pero, hindi siya iiyak.
Sandali siyang nagpakalma ng emosyon bago nagsalita. "H-hayaan mong kuhanin ko ang mga gamit ko sa kasera ko bago tayo tumuloy sa bahay mo—"
"Bahay mo, Jia. Bahay mo 'yon," pagtatama ni Tyrone, seryoso ang mga mata.
Hindi na lang siya sumagot bago itinuon ang mata sa harap ng sasakyan.
"Also, kapag 5 months na si baby, gusto kong mag-file ka na ng leave. Sasabihin ko kay Json—"
"Hindi puwede!" nagpapanic ulit na tutol niya. Hinawakan niya ang braso nito. "H'wag... h'wag mong sasabihin kay JM o kaya kay Ms. Alexa o kung sino pa mang madlang people!"
Hinawakan nito ang kamay niya, nangungusap ang mga mata. "Jia, hindi ko alam kung paano natin 'to gagawin nang hindi nagsasabi ng totoo sa mga kakilala natin. Sooner or later, lalaki ang tiyan mo. Magtatanong ang mga tao. Mahihirapan ka, at ayoko 'yong mangyari."
Umasa na naman ang puso niya na may karugtong ang sinasabi ng lalaki kaso wala. Kaya siya na ang lakas-loob na nagtanong.
"Kapag... kapag nagsabi tayo ng totoo, pa'no na kayo ni Ashley?"
Umiwas ito ng tingin. "I'll cross the bridge when I get there."
Nagreklamo ang braincells niya, nosebleed ulit ang ganda niya dahil sa linyahan nito. Kaya talaga kailangan niyang karirin ang page-English dahil kung titira siya malapit kay Tyrone, sigurado dadalas talaga ang pag-aaparisyon nito sa buhay niya. Hindi naman puwedeng laging windang ang ganda niya, 'di ba?
At dahil hindi siya sigurado sa sagot nito tungkol sa huling katanungan niya dinedma na lang niya ulit. Nang matahimik siya, muling pinaandar ni Tyrone ang sasakyan.
*****
Laglag ang mga panga ni Albie nang tapusin niya ang pagkukuwento tungkol sa kanilang dalawa ni Tyrone. Ayaw man niya sanang sabihin sa kaibigan ang totoo, pero marami na itong nakita kagabi.
Uminom ng juice si Albie, kasalukuyan kasi silang nasa canteen at nanananghalian. Wala si Aleli, absent na naman ang bruha. Buti na lang din.
"So, nagkemerlu kayo sa Japan nang mabangenge at mag-disappearing act ka? Tapos juntis ka ngayern?" pabulong na sabi ng bakla.
"Truli."
"So..." Tumikhim ito at lalong hininaan ang boses. "Sherep?"
"Ang ano?"
"Si lalash. Si Fafa Ty."
Pinigil niya ang mapangisi pero hindi niya keri. Kaya pabungisngis siyang sumagot ng, "Sherep."
Pumalakpak ang bakla. "Kanfirmed! Sherep!" masayang sabi nito bago siya bahagyang inalog-alog. "Ang swerte rin talaga ng ganda mo. Kahit 'di mo hinihiling dumarating nang kusa sa 'yo. Nakakainis ka! Nang-iinggit kang babaita ka. Pasabunot naman!"
Nanikwas ang nguso niya. "Sumbong kita kay JM gusto mo."
"Ay wiz! Ok na 'ko dito sa buhok ko," bawi nito bago hinagod ang buhok nito at bahagya pang hinatak ng ilang beses. Naghagikgikan silang dalawa pagkatapos.
"So, anong plano mo?" seryosong tanong nito maya-maya.
"Binigyan nga ako ni Tyrone ng ultimatum e. Kapag naglimang buwan na raw itong tiyan ko, kailangan ko na raw huminto sa pagtatrabaho. Kaso..."
"O e bakit sambakol 'yang mukha mo? Full support naman si Fafa sa 'yo."
"Kasi... kasi... ibig sabihin no'n magsisinungaling ako kay JM."
"E bakit kasi ayaw mo pang i-tellsung kay boss?'
"'Di ko pa keri e. Kilala ko 'yon. Baka mag-warla. At saka, status: it's complicated. 'Di ba ikakasal na si Tyrone kay Diwatang Ashley. Ayoko namang maging hadlang sa kaligayahan nilang dalawa 'no dahil lang najuntis ako."
"Jusko mamsh! Hindi mo kamag-anak si Rizal. 'Wag kang magpabibo dahil hindi ka hero. Kung ako sa 'yo aakitin ko si Fafa nang tuluyan na niyang makalimutan 'yang supladating blandina na si Ashley. Ayon sa mga sources ko, ilang beses na kaya niyang iniiwan si Tyrone. Eto namang si Tyrone, laging binabalikan ang blandina. Ewan ko ba!" Mabilis itong uminom ng juice. "Kung ako ang kasing-swerte mo, lulubus-lubosin ko na. Pagplaplanuhan ko na ang second round ng kemerlu."
"Gaga! Lumapit nga lang siya sa akin, nawiwindang na ako. Pagplanuhan pa kaya ang Versace-on-the-floor round 2? "
Naningkit ang mata ni Albie, nananantiya. "Mahal mo na si Fafa Tyrone 'no?"
Imbes na sumagot, uminom na lang siya ng juice. Hindi niya mahal si Tyrone. Mahal na mahal niya ito.
Ang dapat na tanong, kung saang kamay ng milgaro siya hihiling na mahalin din siya nito.
*****
"How's your day?" nakangiting tanong ni Tyrone sa kanya matapos siya nitong sunduin dalawang kanto mula sa DLVDC Towers. Ang usapan nila, sa umaga, doon siya nito ibaba, at sa hapon naman, doon din siya nito susunduin. Ayaw niyang magpahatid sa mismong tapat ng DLVDC. Magnet 'yon sa chismis.
Isang linggo na rin nilang ginagawa 'yon dahil mag-iisang linggo na rin siyang nakatira sa bahay niya na bigay nito.
"Ayos lang. Sinabi ko na rin pala kay JM at Sir Charlie na magli-leave ako ng apat na buwan simula next month. Pero hindi ko pa sinasabing nakalipat na... ang ibig kong sabihin pinilit akong palipatin ng tirahan."
Natawa ang lalaki, aliw na aliw sa paghihirap niya.
Awtomatiko siyang napairap nang maalala ang eksena kanina sa opisina ni Json. Guisadong tostado siya sa dami ng mga tanong nito. Buti na lang nagpraktis siya nang maigi kagabi. Sinabi niyang uuwi siya sa Batangas at magpapagawa ng bahay. Nag-alok pa nga ng tulong si Json kaso, tinanggihan niya. Alangan namang tanggapin niya e hindi naman siya talaga uuwi. Mag-eermitanya lang siya sa bahay niya nang apat na buwan. Hindi na rin niya sinabi na lumipat na siya ng tirahan baka kasi makahalata ang mga ito na may inililihim siya. Baka humaba pa ang usapan at masabi niya ang mga hindi dapat niyang sabihin.
"E si baby, napagod ba?" tanong nito maya-maya.
"Ewan ko. Maya't maya gusto niya may nginangata ako. Baka pagkatapos kong manganak, balyena na 'ko," reklamo niya na ikinatawa ng lalaki.
"Ayos lang 'yan. Ikaw ang magiging pinakamagandang balyena kung sakali."
Nalukot ang mukha niya bago hinawakan ang maliit na umbok ng kanyang tyan. Nitong mga nakaraang araw, papasikip na nang papasikip ang mga damit niya. Kaya naman pulos maluluwang na bestida ang sinusuot niya sa opisina. Idagdag pa na marami na ring nakakahalata nang unti-unti niyang pagtaba. Sinabihan nga niya ang isa niyang kasamahan na minamanas lang siya e. Nagprisinta tuloy itong ipagdadala siya ng sambong nang umayos daw ang pantog niya at mailabas niya ang manas.
"Anyway, pupunta pala ako sa Paris bukas. May kailangan akong asikasuhin do'n. I will be gone for 4 days. One week tops," balita nito, ang mga mata nasa daan pa rin.
Napakagat siya ng labi kaso nasabi pa rin niya ang 'di niya dapat sabihin. "Magkikita kayo ni Ashley?"
"I guess so," tipid na sagot nito. "Don't worry, I'll arrange a Grab for you para hindi ka mahirapan sa pagko-commute," dugtong pa nito.
Nagbilin din ito tungkol sa iba pang mga bagay pero hindi na niya narinig. Bumigat kasi ang dibdib niya. Magkikita ito at si Diwatang Ashley. Ang babae na ayon sa chismis ni Albie, paulit-ulit na binabalikan ni Tyrone. Mahal na mahal siguro ito ng lalaki kaya gano'n.
Nang makarating sila sa bahay niya, si Tyrone na ang nagluto ng hapunan. Hinayaan na lang niya ito. Busy kasi ang puso niya sa lihim na pagngawa. Pero sa harap ni Tyrone, umakto siyang normal.
Nagsalo sila sa hapunan. Siya ang nagligpit ng pinagkainan nila. Matapos niyon, mabilis itong umuwi at nag-empake bago rin bumalik sa bahay niya. At gaya nang nakalipas na mga araw mula nang lumipat siya roon, doon din natulog ang lalaki. Sa katunayan, hindi na nga ito halos umuuwi. Okupado nito ang isa sa mga guest rooms habang siya ay nasa master's bedroom.
Nang tuluyan siyang mahiga sa kanyang kama ng gabing 'yon, tuluyan nang nag-drama ang puso niya. Gusto niyang ngumawa para sa kamatayan ng nag-uumasang puso niya kaso hindi puwede, baka marinig ni Tyrone.
Ang hirap talaga ng sitwasyon niya. Nagsisinungaling siya. Nagtatago ng feelings. Tapos pati pagngawa 'di rin puwede?
Mali si Albie, hindi siya masuwerte. Kasi kahit na anong gawin niya siguro, hindi niya masusungkit ang puso ng guwapong tukmol na si Tyrone San Miguel.
Nakatulog si Jia na may luha sa mga mata. Paggising niya kinabukasan, wala na si Tyrone. Gusto na niyang umatungal at ngumawa nang bongga, kaso may iniwan itong note sa ref.
Jianna Elise,
Umalis na 'ko. 'Di na kita ginising para dire-diretso ang tulog mo— ninyo ni baby. Alas-siete ka susunduin ni Wally, 'yong driver ng Grab para ihatid ka sa trabaho. Please take care, Jia. I'm missing you and baby already. I will see you in a week.
Thinking of you always,
Tyrone
At parang may amnesia lang, nakangiti siyang naghanda papunta sa trabaho ng araw na 'yon at nang sumunod pang mga araw.
###
2749words ed 2754/4:41pm/07102019
#MyUnexpextedYouWP
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro