Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

my true identity:chapter 24

Crying shoulder

Riko's pov

Hello guys andito na si riko :3.

Nandito nga pala kami ngayun sa classroom,kung paano kami nakpunta rito nagteleport kami.di ko nga alam na may teleporter pala si alex sa bahay.

Kaya makakabalik kami ng paris at sa pilipinas ng walang kahirap hirap.

Lunch break na namin ngayun.

Nakatambay kami ngayun sa rooftop pero kanina ko pa napapansin na wala si kanato.

Nacucutan nga ako sa teddy bear niya eh,may collection kaya ako ng stuff toys.at hilig ko talaga ang teddy bears.

"Laito nakita mo ba si kanato ?" Tanong ni shu kay laito,napansin rin pala niya na nawawala si kanato.akala ko ako ako lang ang nakapansin.

"Hindi ko alam eh,nakita mo ba siya reiji ? Tanong naman ni laito kay reiji,nagkibit balikat lang naman si reiji.

"Hahanapin ko po siya" pagprepresinta ko,tinanguan lang ako ni subaru kaya bumaba na ako ng rooftop.

Nasaan naman kaya siya ?

Wala namang paboritong lugar dito sa kanato eh,kasi basta kasama niya yung teddy bear niya masaya na siya.

"Ibalik niyo sa akin si teddy !" Narinig kong may sumigaw,boses ni kanato.

"Hahahaha,baby damulag ka.meron kapang teddy bear,eh ang laki laki mo na"

Nakita ko si kanato kasama ng limang lalake,nasa gitna siya at napapalibutan nung  mga lalake,siya ang pinakamaliit.pinagpapasahan nila yung teddy bear ni kanato.

Wag sana nilang magalit si kanato,kundi lagot sila.iba magalit ang mga vampira,nagiging pula ang mata namin at humahaba ang pangil namin.

"Ibalik niyo siya ! Akin na siya !" Sigaw ulit ni kanato.

Tumingin ako sa paligid may nakita akong lamesa.tinignan ko kung may taong makakakita sa gagawin ko,wala naman kaya ipupush ko na toh.

Gamit ang kapangyarihan ko pinalutang ko yung teddy bear ni kanato.

"Umalis na kayo dito,kundi ibabalibag ko sa inyo ang lamesang ito !" pinalalim ko yung boses nung teddy bear at pinalutang na rin yung lamesa.

"Pre may multo umalis na tayo !" Sigaw nung isa sa mga lalake at nagunahan pa silang magtakbuhan.

Mga dugwag din pala yung mga yun.

Kinuha ko yung teddy bear na lumulutang at lumapit akonkay kanato na ngayun ay nakasalampak sa sahig habang hawak ang dalawang binti at umiiyak.

"Eto oh" mahinhing sabi ko at binigay sa kaniya yung bear.tumingala siya at nung nakita niya yubg teddy bear niya marahan niyang kinuha at niyakap.

"Teddy sorry,hindi kita nagpagtanggol.sorry teddy" usal ni kanato habang umiiyak pa rin.simula bata kami palagi na niyang dala yung teddy bear na yan.

"Bakit ganun sila teddy ?,bakit nila ako inaaway ? Wala naman akong ginawang masama eh" sumbong niya dun sa teddy bear niya.ang cute niyang tignan.

"Teddy magsalita ka naman oh"tapos inalogalog niya yung teddy bear.

"Di ka pwedeng kausapin ni teddy,teddy bear lang siya eh" singit ko.tumingin siya sa akin pero agad din naman niya itong iniwas.

"Wala kang pakealam" matabang niyang saad habang nakaiwas pa rin ng tingin.mas lalo siyang nagmumukang cute sa ginagawa niya.

Napatawa ako ng onti pero mahina lang naman.

"Heto oh gamitin mo hagga't gusto mo" sabi ko at tinapik tapik ang balikat ko.tinignan niya ako na para bang naguguluhan.

"Cry all you want,for now i'll be your crying shoulder.teddy and i can comfort you" nakangiting sambit ko.ilang minuto ang lumipas pero hindi siya gumalaw.

Nagulat ako nung nakaramdam ako ng bigat sa bisig ko."nakakainis sila,kinuha nila si teddy at pinagpasapasahan nila.hindi ba nila alam na nasasaktan si teddy" para siyang batang nagsusumbong sa nanay.

Hinagod ko ang likod niya para mahimasmasan naman siya ng konti.

"Salamat nga pala kanina" bulong niya pero syempre rinig na rinig ko.napangiti naman ako.

"Always and forever welcome" sagot ko naman sa kaniya,ganun lang ang posisiyon namin.tapos kumalas siya at sumandal sa balikat ko.

"Sabi nila masiyado na raw akong malaki para makasama si teddy." Salaysay niya sa akin.

"Bakit nga ba kasi palagi mong kasama si teddy ?" Nacucurious tuloy ako,ano bang meron sa teddy bear na yun ?

"Si teddy ang pinakaunang laruan na bigay sa akin ni dad,kaya siya ang palagi kong kasama"

Alam kong mahalaga sa kanilang magkakapatid si tito,siya lang kasi ang nagpalaki sa kanila,namatay ang mommy nila nung ipanangak si ayato.

Yung step mother naman nila walang pakealam sa kanila,pero yung si tita mahal na mahal talaga sila nun.

"Wag kanang masad,magiging sad rin si teddy sige ka" pagpapagaan ko ng loob niya.ngumiti naman siya pero yung hindi abot sa mata na ngiti.

"Eh hindi naman yung ganiyaang ngiti eh" sabi ko at nakaisip alo ng idea.hehehehehe kanati humanda ka.

"Dapat yung ganito"

At kiniliti ko po siya.

"Hahahaha tama na"

"Hahahahahahahaahahahahaha"

"Tama na tama na hahahahahaha"

At nagmukang tanga kami dahil nagkikilitian kami dun sa sulok.buti nga at walang tao dumadaan eh nakakahiya kaya yun.

"Ehem ehem"

Sabay kaming napatingin ni kanato dun sa umubo.nanlaki ang mata ko pero si kanato nakatayo pa rin.

Napapaligiran kasi kami nila reiji,tapos lahat sila nakatingin sa  amin.

"Hi kuya" sa kanato habang nakangiti sa kanila nila.nakaibabaw ako sa kaniya.

"Kaya pala ang tagal ninyo ah,naglalambingan na pala kayo" saad ni laito habang may nakakalokong ngiti sa labi.

"Ang cute palang tumawa ni kanato" narinig kong kumento ni yui,tinignan ko siya at nakahawak si ayato sa bewang niya.

"Mas cute kaya akong tumawa yui at mas pogi pa" sabi ni ayato.

Ang hangin talaga kahit kailan -__-

"Dream on little bro,mas pogi kaya ako sayo" angal naman ni laito,at nagaway sila sa kapogian nilang taglay.

"Anong nangyari bakit ang tagal ninyo ?" Humarap sa amin ni reiji.

"Kasi po kanina nung pumunta ako dito nakita ko po yung limang lalake na inaasar si kanato.tinakot ko po sila kaya ayun umalis na at pinatahan ko na rin po si kanato" kuwento ko.

"kuya sandali lang ah,may pupuntahan lang kami ni riko" nagulat ako nung bigla akong hinila na kanato papalayo sa kanila.

"Humaharot na kayong dalawa ah" narinig kong sigaw ni subaru habang tumatawa.nagapir pa sila ni shu bago kami makaalis ni kanato.

Mga loko loko talaga.

Di ko alam kung saan kami pupunta kaya hinaayan ko lang hatakin ako ni kanato.

Nagulat na lang ako nung biglang nasa harapan na kamu ng pintuan ng canteen.ano namang gagawin namin dito ?

Dumirederesto si kanato habang hatak pa rin ako.yung mga tao naman nagulat kay kanato.

"bakit di nila kasama yung iba ?"

"Ay sayang si prince kanato lang ang nandito"

"Ang cute talaga ni kanato"

"Omg tumingin siya dito girl"

Nagbubulungan ba sila ? Kasi kung oo hindi halata.rinig na rinig ko eh syempre bampira ako pero ang lakas kaya ng boses nila.

"Ate dalawa nga pong ice cream yung caramel po" order ni kanato dun sa babaeng nasa counter.yung babae naman nagpacute kay kanato,mga nasa twenty ata siya.

Poker face lang naman si kanato.

Nung binigay ni ate yung ice cream dali daling naman ulit ako kinaladkad ni kanato.

Ano to kaladkarang lang kami ganun.

Nakarating naman kami sa mini park dito sa loob ng school,yup meron pong ganun dito may fountain pa nga sa gitna eh.

Ang raming elementary students na naglalaro,ang cute nila ah.may naghahabulan,naggajumping rope,nagpapatentero ang rami pang iba.

"Eto oh.bilisan mong kumain matutunaw na eh" usal niya sabay bigay ng ice cream sa akin.akala ko siya lang kakain ng lahat.

"Pano mo nalaman na paboritong flavor ko ang caramel ?" Tanong ko.manghuhula ba tong si kanato ?

"Huh ? Di ko naman alam na paborito mo yan eh.kaya eto ang binili ko kasi paborito ko rin to" sagot naman niya.

Parehas kami ng paborito ?

Ang cool naman non.

"Salamat ulit ah dun sa pagligtas sa amin ni teddy kanina" biglang salita na kaya nagulat ako pero agad rin naman akong nakarecover.

"Ay ako nga dapat magthank you eh" tugon ko naman sa kaniya.

"Para saan naman ?" Nagtatakang sabi niya.

"Sa ice cream"-ako

"Thank you" sabay naming sabi at tumawa.kinain ko na rin yung ice cream kasi baka matunaw.

Nakangiti ako ng pagkatamis tamis.this day si awesome.

==
So sweet naman,nakakaingit sila may ice cream.don't forget to vote,comment and share my story.










Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro