my true identity:chapter 21
Powers ?
Yui's pov
Nandito kaming lahat sa mansion.wala na namang kasing pasok,natuloy kasi ang bagyo.isang araw lang hindi umulan tapos nagtuloy tuloy na.
Nagmomovie marathon kami,ewan ko mga nakain nila kasi horror yun pinapanood nila.yung girls tili ng tili syempre kasama ako sa tilian nila.
Yung mga boys naman puro nakapoker face.palibhasa kasi mas nakakatakot silang tignan eh -____-
Nakakapit nga ako kay ayato kasi nakakatakot talaga yung palabas.
"Wwwwwwaaaahhhhh !!!" Impit na tili namin.napayakap na ako kay ayato,nakatakip na yung mga mata ko.narinig ko namang nagtawanan yung mga boys.
Tong vampirang toh sigurado akong tuwang tuwa to dahil ang higpit ng yakap ko sa kaniya,chansing siya eh noh.
"Di ako chansing baby,tayo naman diba" binasa pa talaga yung isip ko -.-
Para namang akong walang privacy nito -____-
Tumawa lang si ayato at ginulo ang buhok ko habit niya po talagang mangulo ng buhok ng may buhok.nagmumuka tuloy akong bata nito -.-
Natapos na ang torture na panonood namin at nakahinga na ako ng malalim.kanina kasi halos di na ako makahinga dahil sa tako,muntanga kami ng girls dahil tili kami ng tili eh.
Habang payapa kaming kumakain biglang may narinig kaming tunog.
"Booggsshh" (biglang pagbukas ng pinto)
Kumalabog yung pinto na para bang may nagdadabog pero sino ?
Lahat naman kami nasa kusina kaya impossibleng may isa sa amin na pumuntang pinto at magdabog.
Hindi di naman pwedeng mga kasambahay dahil wala namang silang kasambahay dito kundi si kuya driver lang at yung butler.
Pero yung driver hindi naman dito natutulog pati rin yung butler,pumupunta lang sila dito ng maaga.
Bigla akong nakaamoy ng kakaiba tapos biglang nagdilim ang paligid....
"Ugh !" Ungol ko dahil ang sakit ng ulo ko.anong nangyayari ? Nasaan ako ?
Bakit gumagalaw yung kama ko ? Kinapakapa ko yun pero baki ang tigas.napatigil ako sa pagkapa nung napagtanto kong wala ako sa kama.
Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.bakit ang dilim ? Bakit kami gumagalaw ? Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.
May naramdaman kong gumalaw sa kanan ko,nung dapat aabutin ko tsaka ko lang nalaman na nakagapos pala ang kamay ko.
"Hoy ikaw buksan mo nga yung ilaw sa likuran,napakadilim masiyado" narinig kong may nagsalita,pero hindi pamilyar yung boses.
Biglang may bumukas na liwanag,nung una ay nasilaw ako dahil mediyo hindi nakaadjust kaagad.nung bumukas yung ilaw tumingin ulit ako sa paligid ko.
Nagulat ako sa nakita ko.
Lahat kami nakagapos yung mga kamay,tapos sila natutulog.tumingin ako sa gilid ko nakita ko su ayato,natutulog din siya.
Niyugyog ko siya ng onti para magising siya.buti naman at nagising kaagad siya at hindi ako nahirapan.agad naman niyang binukas ang mga mata niya.
"Yui ? Nasaan tayo ?" Tanong niya sa akin.gusto ko sanang sabihin na "yun nga rin ang itatanong ko sa iyo eh" pero hindi ito ang panahon para mamilosopo.
"Ang huli kong naalala,kumakain tayo tapos biglang nawalan ako ng malay" salaysay niya.
yun din ang huling naaalala ko eh.tapos bigla na lang dumilim ang paligid.
"Nasa sasakyan ata tayo yui"
Teka sino naman yun ? May multo ba dito
"Si ayato toh yui,nakikipagusap ako gamit ang utak ko"
Si ayato pala yun,kala ko tuloy may multo.
"Anong gagawin natin ayato ? Gigisingin ba natin sila ?" Tinutukoy ko sila kuya at yung girls.kami palang kasi ni ayato yung gising eh.
"Mamaya na tayo magdesisyon yui,wag tayong padalos dalos.tignan natin kung saan nila tayo dadalhin" sagot niya.tumango na lang ako.
Ilang minuto rin ang nakalipas pagkatapos huminto na yung sasakyan.nagtulugtulugan kami ni ayato,hindi nila dapat malaman na gising na kami.
Kinarga ako nung isang lalake,parang bigas yung karga niya sa akin.
"Yui papatayin ko yang may bitbit sayo !!" Narining kong sigaw ni ayato sa utak ko.napakapossesive talaga kahit kelan.
Inupo nila kami sa upuan na nakabilog at tinalian kami.nagtulog tulugan pa rin kami ni ayato.
"Gumising na kayo !" narinig kong may sumigaw.nakakatakot yung boses niya,babae ang may ari nng boses pero nakakakilabot.
Nagkunwari kami ni ayato na naalingpungatan pero sa totoo ay gising na gising kami.nagising sila dahil sa lakas ng boses ng babae.
"Nasaan ka ! Ipakita mo ang sarili mo duwag !" galit na tugon sa kaniya ni aiko.hindi kasi namin siya makita eh.
"Pretending to be strong ? It won't work honey" singhal nung babae,sabay tawa.sino siya ? Bakit parang pamilyar ang boses niya ?
Biglang may sumulpot na babae sa harapan namin meron siyang katabi lalake.pamilyar ang mga muka nila pero di ko maalala kung saan ko sila unang nakita.
"Hey there babe" nakitingin siya kay ayato habang sinasabi yun,may pilyong ngiti na makikita sa labi niya.
"hindi ako baboy kaya wag mo akong matawag tawag na babe" may halong inis na sabi ni ayato.
"Kung makapagsalita ka ayato parang wala tayong pinagsamahan ah" sagot naman nung babae.pinagsamahan ? Anong pinagsasabi niya ?
"Wala naman talaga,dahil hindi naman naging tayo" may diin sa bawat salita na pinakawalan ni ayato.nakita ko sa muka ng babae na parang nasaktan siya.
"Mahal kita ayato" parang sa tono nung babae parang iiyak na siya.nagiwas ng tingin si ayato."oo minahal mo ako pero hindi kita mahal" iwas tingin na saad ni ayato.
"Bakit dahil ba dito sa mangaagaw na babaeng toh" tinuro niya ako at tinignan ako ng masama.tahimik lang ang mga kasama namin,tanging si ayato at yung babae lang ang nagsasalita.
"Hahaha mawawala na ang humahadlang sa atin ayato" ngumiti ulit siya pero may mga luhang tumutulo galing sa mata niya.
"Makikita mo ang pinakamamahal mo,na babuyin sa mismong harap mo" natakot ako sa sinabi niya,babuyin sa harap mismo ni ayato ? Ano naman ang ibig sabihin nun ?
"Pero bago yun,magdudusa muna kayo" biglang pumitik ang babae at may lumapit sa aking dalawang lalake,hinila nila ako at dinala sa isang maliit na kulang,yung parang kulungan ng aso.
Di ko magawang manlaban anong nangyayari sa katawan ko ?
Pumitik ulit ang babae at maraming lalake ang nagsilabasan.binitbit nila sila kuya,ang girls at si ayato.pero ang pinagtataka ko bakit hindi nila magawang lumaban ?
Ginapos nung mga lalake sila ayato sa ding ding tanging kadena lang ang nakasuporta sa kanila para hindi sila mawalan ng balanse.
"Anong ginawa mo sa amin ! Bakit hindi kami makagalaw !!" Galit na wika ni kuya shu.
"Hahahaha paralisado lang naman kayo ng isang buong oras,pero pagkatapos ng gagawin sa inyo ng mga alagad ko.wala na talaga kayong mararamdaman" mahabang paliwanag nung babae.
Nagsimula silang bugbugin sila kuya at ang girls,napaiyak ako sa nakikita ko.wala akong magawa,napakalampa ko,ne hindi ko sila magawang tulungan.
Nakita ko kung paano sila bugbugin nung mga lalakeng yun.
Habang pinapanuod ko ang bawat pagsuntok nila may nararamdaman ako sa loob loob ko.parang may enerhiyang gustong kumawala sa akin.
Humagulhol na ako,ang sakit na makita mo ang mga taong mahal mo na nasasaktan pero walang kang magawa para pigilan ito.
Napahawak ako sa rehas dun sa kulungan ko.nagiinit ang mga kamay ko,parang gusto kong magwala.nagulat ako nung nakita ko ang rehas.
Naging abo ito at pati na rin ang kulang ko.
"Aaahhh !" Napasigaw ako nung may kumawalang enerhiya galing sa dibdib ko.mabilis itong napunta sa mga palad ko.
Nagulat ako nung nakita ko ang mga kamay ko.ang isa kong kamay ay may bola ng apoy at ang isa ko namang kamay ay may bola ng tubig.
Parang may buhay ang mga kamay ko at kusa silang gumalaw at hinagis ang bola ng apoy sa direksiyon ni ayato.
Sa kadena tumama ang apoy,naging abo ang kadena at nalaglag si ayato.
Tumakbo ako sa kaniya at niyakap ko siya at humagulhol ng napakalas.yung mga luha ko pumapatak sa kaniya at bawat pagpatak ng luha ko siya namang paggaling ng sugat niya.
"Kunin niyo siya !!" Utos ng babae sa mga tauhan niya.bago pa nila kami malapitan ay biglang.....
SUMABOG.
MAY BIGLANG SUMABOG AT LAHAT NG BAGAY AY TUMALSIK.
Tumingin ako sa paligid,nasira ang bahay na kanina ay nakatato dito.ang ding ding lang kung saan nanduh sila kuya at ang girls ang nakatayo.lahat nawala na parang bula.
May pumapalibot sa aming bilog,para siyang barrier na siyang nagprotekta sa amin para hindi kami masama sa pagsabog.
Nawala ang kadena nila kuya at ng girls,at nalaglag rin sila.lahat sila walang malay pero alam ko nakita nila yung ginawa ko kanina.
Bigla akong nakaramdam na nawalan ako ng lakas.parang nanghihina ako,yung tuhod naging gelatin at parang babagsak ako.
"Yui.." narinig ko pang mahinang sabi ni ayato,bago ako bawian ng malay.
==
Yes naman nakapagupdate rin,hahahaha thanks sa nagbabasa ng story ko.sorry mabagal ang update hehe,please vote,comment and share my story
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro