Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 7

"One day... I'm gonna make the onions cry."

--

Kung kahapon, nagluto kami ng spaghetti (na sa sobrang dami ay kinailangan naming ipamigay yung hindi namin makakain sa kapitbahay), ngayon naman ay magluluto raw kami ng palabok.

What's with him and noodles?

"Bakit ba parang may obsession ka sa noodles ha?" tanong ko sa kanya bago kami magsimula sa pagluluto.

"Kase gwapo ako," yan yung pamatay nyang sagot everytime na tatanungin ko sya nun.

"Really Kent? You think I'd buy that crap?"

He looked sternly at me. "Stop cussing."

"Stop lying then!" paghahamon ko sa kanya.

Yung titig nya sa 'kin, it made me wonder if I am already crossing the boundaries here. After all, yaya lang ako at guardian kuno.

"Sorry Kent." I bit my lip to stop another oral diarrhea. I know I need him to open up to me for us to be able to get somewhere but I don't think its right to force him.

Bumuntong-hininga sya tapos ay naupo sya sa may lamesa. "Iba na nga lang ang lutuin natin," sabi nya.

Naupo rin ako sa tabi nya at tiningnan ko lang sya.

Itatanong ko ba kung bakit o hindi na? Baka naman kase magalit na sya sa 'kin kapag kinulit ko sya. Ayaw pa naman nya ng kinukulit.

Mga isang minuto ata akong nakatingin sa kanya nun. Nag-aantay ako ng susunod nyang sasabihin.

Kumunot ang noo nya sa 'kin saka sya nag-iwas ng tingin.

And I kept on looking at him.

Maya-maya'y he sighed in defeat. "Okay fine, I'll tell you." Tumikhim sya. "Paborito nya kase."

I frowned. "Paborito? Nino?"

"My ex-fianceé," sagot nya.

"Oh... so kaya mo sya naging paborito dahil sa kanya?" tanong ko ulit.

He nodded. "Actually, I decided to make cooking my career because of her."

Napatango na lang ako sa kanya. I then reached out and patted his shoulder. "It's a good thing Kent. You're a great chef."

"Thanks."

--

Hindi na natuloy yung pagluluto namin ng palabok. Instead, he let me hang out in the kitchen para panuorin syang magluto ng kare-kare saka binagoongan. And just like the last time, yung sobra for the day, ibinigay namin sa ilang kapitbahay.

Ang swerte ng mga kapitbahay ni Kent, araw-araw yatang may libreng pagkain.

Natawa nga ako dun sa sinabi nung isang ginang na pinagbigyan ko ng pagkain. Minsan raw, kapag naaamoy nyang may niluluto si Kent, hindi na sya nagluluto. Kanin na lang. Ang laki raw tipid sa kanila!

Tinatanong pa nga ako kung bago raw akong girlfriend ni Kent. Sabi ko hindi. Katulong lang ako. Na-flatter naman ako dahil sabi nung ginang masyado raw akong maganda para maging katulong. LOL.

Pagkatapos naming mananghalian, inabangan namin sa labas yung naglalako ng sorbetes. Nakakamiss kumain nun. Naka-dalawang tinapay kami with ice scream spread each.

After that, naghugas na ako ng pinagkainan. Naglaba tapos naglinis ng buong bahay. Kinahapunan, tumawag sa 'kin sina nanay. Kinukumusta ako at tinatanong kung kelan daw ba ako uuwi.

Ang usapan ni Gale, hindi ako pwedeng umuwi sa 'min before the 30 days was over. Birthday pa naman ni kuya bukas. Haynako.

After my brief talk with my mom, naupo ako sa couch para magpahinga. Nakahiga naman sya dun. Sukat ba namang ipatong ang paa nya sa lap ko.

"Masahihin mo," utos nya.

"Yuck. Ayoko nga," tanggi ko naman. Pinalis ko yun paa nya. Nalaglag naman yun sa sahig. Tapos bigla nyang ibinalik ulit. "Ano ba!" reklamo ko.

"Masahihin mo sabi!" giit nya.

"Hindi mo ako masahista! Katulong ako!"

"Katulong ka nga kaya nga kita inuuntusan na masahihin ang paa ko," he pointed out.

I grunted. "Haynako. Sige... on one condition."

Kumunot ang noo nya. "At bakit ka magsi-set ng condition?"

"Gusto mo bang masahihin ko o hindi?" pananakot ko sa kanya.

He sighed and rolled his eyes. "Fine. What is it?"

Hinawakan ko yung kanan nyang paa saka ko yun pinisil-pisil. Malinis naman ang paa nya. Thank goodness. Hindi sya madalas lumabas ng bahay saka palagi syang nakatsinelas even inside.

"Birthday ng kuya ko bukas," sabi ko sa kanya.

Tumaas ang kilay nya. "Yeah so?"

"Uuwi ako sa 'min. Samahan mo 'ko."

"Ayoko." I pressed hard on his foot. "Hey!"

"Sumama ka na please. Hindi kase kita pwedeng iwanan dito mag-isa eh."

"I'm a full grown man Jazz. I think you can leave me alone for a day," he said.

"Hindi pwede," tanggi ko. "I promised Gale I'll look out for you, so I will. Sasama ka sa 'kin bukas, okay?"

He grunted. "Do I really have to?"

"Yes. Sama ka na ha?" pamimilit ko sa kanya. Bigla syang bumangon saka umayos ng upo sa tabi ko.

"Fine but what do I get in return?" tanong nya.

Napapikit ako. Parang bigla atang sumakit ang ulo ko. I rubbed my right temple. Una, ako yung humingi ng kapalit, tapos sya naman ngayon? Eh kung humingi ako ng dagdag na condition, magdadagdag din sya?

Can't he just say yes?

"Ano ba ang gusto mo?" pabalik kong tanong sa kanya.

Nag-isip sya saglit. A few seconds later, he smiled at me. "I don't know yet. I'll tell you tomorrow," sagot nya.

"Okay."

Nahiga sya ulit saka nya muling nilagay yung paa nya sa lap ko. "Masahihin mo na," utos nya.

I gave him a glare as my shoulders slumped. Tomorrow might not be a good idea. For sure invited si Toby. Hindi naman nya alam yung usapan namin nina Gale pero baka kung ano'ng isipin nya.

Saka paano ko sya ipakikilala kina nanay? Hala.

"Isa pa nga pala..."

I saw him roll his eyes. "What now?"

I inhaled sharply. Bahala na bukas.

"Pwede ka bang ipakilala bilang boyfriend ko?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro