Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 6

"An apron is just a cape on backwards."

--

Simula nung sinabi ko sa kanyang wala syang appeal sa 'kin, parang naging kumportable na syang nakahubad sa harap ko. Kagabi nga, buong gabi syang nakahubad. Kelangan ko pang lakasan yung aicon para lamigin sya.

Ngayon, eto na naman sya. Nagtitimpla ako ng kape nang bigla syang lumapit sa 'kin. I felt his hot breath behind my right ear.

"Good morning."

Hindi ko sya nilingon. "Morning," I blandly replied. My heart slightly palpitated and I didn't hitch a breath in fear na baka mahalata nyang medyo naiilang ako sa kanya. Kahapon pa 'to eh.

Kagabi, halos hindi ako makatulog. Isip-isip ko yung mahinang kuryente na naramdaman ko kahapon. Parang bigla akong natakot. Ewan ko ba. Kung kelan andito na yung inaantay ko, saka naman parang gusto ko nang umurong.

"Hoy."

I rolled my eyes and looked to my right. Sakto naman na nakaabang yung hintuturo nya. Natusok tuloy yung pisngi ko.

He laughed.

"Ang babaw mo," sabi ko sa kanya.

"Bat ba ang sungit mo ha?" tanong nya sa 'kin.

"Ang gwapo mo kasi," sagot ko.

He grinned. "Sinasabi ko na nga ba eh..."

"Sarcasm pre." Masyado kase syang assuming. Ang sarap lang barahin.

Inakbayan nya ako. "Alam mo, masama ang masungit. Baka mamatay kang virgin."

Naitulak ko sya dahil sa sinabi nya. "Tse!" Tumawa sya ulit. "Bakit ba ang kulit mo ha?"

"Wala. Masamang mangulit? Kapag nagsusungit ako, nagagalit ka. Kapag nangungulit ako, nagagalit ka. Wala ba akong pwedeng gawin na hindi mo ikagagalit?"

"Try mo matulog."

"Tabi tayo?" nakangisi nyang tanong.

"Nilalandi mo ba 'ko?" pabalik kong tanong sa kanya with my eyebrow raised.

"Kung nilalandi kita, dapat may kasamang alak. Nagpapaka-friendly lang ako."

"Friendly? May difference ba ang flirty at friendly sa 'yo?"

Tinanggal nya ang braso niya mula sa pagkaka-akbay sa 'kin then he leaned on the counter. Nakapatong yung siko nya sa tiles habang nakatingin naman sya sa 'kin.

"Magkaibigan nga kayo ng kapatid ko. Pareho kayong mataray," was his crude remark.

"Mahalay ka kase," I replied. Iniangat ko yung baso ng kape na kakatimpla ko pa lang ng bigla nya itong agawin. Muntik pa tuloy akong mabuhusan ng kape. "Ano ba!" singhal ko sa kanya.

Prente siyang uminom ng kape ko habang nakatingin sa 'kin. "Painom," sabi nya pagkatapos.

"Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang inaasar mo ha?"

"Well what do you expect? Dalawa lang tayo sa bahay. Pinipigilan mo naman akong magdala ng babae dito, ano pang iba kong pwedeng gawin?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Ano nga ba ang magandang gawin? Hindi naman sya mahilig manuod ng TV. Bawal naman syang magdala ng babae sa bahay. Mas lalo namang bawal na may mangyari sa 'ming dalawa kase hindi pa pwede.

Gumala kaya sya? Kaso baka makakita naman 'to ng babaeng ready for takehome. Much as possible sana, dito lang sya sa bahay para sa 'kin lang sya naka-focus.

After all, the plan was to make him fall for me... not for any other girl.

"Turuan mo kaya akong magluto?"

"Ayoko."

"Sige na!" Para may pakinabang na rin sya. Libre pa ang cooking lessons.

"Pass."

"Dali na kase! Naghahanap ka ng gagawin di ba?"

He looked intently at me. Nag-iisip yata sya kung papayag ba sya o hahanap ng magandang palusot. "On one condition," he finally said.

"Ano na naman? Basta wag kahalayan ha," sagot ko. Dun na sya ngumiti ulit. Yung may malisya. Sinasabi ko na nga ba. "Oy! Wag yun ha! Wag! Ayoko! No!" mabilis kong tanggi.

"Wala pa nga akong sinasabi eh..."

"I know what you're thinking! Ngiti mo pa lang, mahalay na!"

Tumawa sya. "Sira! Hindi naman yun eh."

"Ows?" hindi ko makapaniwalang tanong.

He shrugged. "Well... it's a bit like that but less."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi ko nagets.

Nagulat na lamang ako ng bigla syang yumuko at dampian ako ng halik sa labi. Yung kuryente. Shet. Yung kuryente... Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.

Umurong sya ng bahagya at kunot-noong napatingin sa 'kin.

"Was that your first kiss?" casual nyang tanong.

"Hindi ah!" tanggi ko. Hindi naman talaga. Nahalikan ko na rin si Toby... pero smack lang. Saka sapilitan.

Naiiling syang lumapit sa 'kin. Napaurong naman ako. Then he pulled me by the waist. Magkatinginan lang kaming dalawa. I was looking up. He was looking down.

Yung puso ko... halos tumalon na palabas ng rib cage ko sa sobrang pagkabog. Wala pa akong first real kiss. Yung tipong halos mapupusan ka ng hangin. Yung tipong makakapagpa-akyat ng dugo mo sa utak.

Wala pa akong ganun.

I've only dreamed of feeling that with Rico. Ngayon hindi na pwede. Baka naman sa kanya ko na yun maramdaman?

Kent frowned.

"Aminin mo nga, virgin ka pa talaga noh?" seryoso nyang tanong. Hindi ko napigilan ang mamula.

"E-Eh ano naman!"

"Wag kang magalit, nagtatanong lang ako," he replied. Binitiwan nya ako. "Sige, tuturuan na kitang magluto."

And thus it started... the kitchen wars.

--

"Siguro naman marunong kang magluto ng sunny side up?" tanong nya maya-maya. Pareho na kaming nakaligo. Kakain na lang. At kailangan daw na ang kakainin naming dalawa ay luto ko.

Ha... good luck na lang.

"Oo naman." Sino bang tanga ang hindi marunong magluto ng itlog? Tss. Simpleng simple.

"Good. Hindi yun ang gagawin natin."

He picked up one whole onion from tha basket, binalatan nya iyon ng mabilis at saka nya ito inilapat sa chopping board. He then minced it and my God, he's fast! As in wala pa yatang isang minuto, pinong-pino na yung onion!

"Now you try." He handed me the knife.

Kinuha ko iyon saka ako kumuha ng isang onion mula sa basket na kinuhaan nya kanina. I removed the tip and the butt if the onion saka ko iyon marahang binalatan.

"Konting bilis naman," sabi nya sa tonong may pagkainip.

"Teka. Hindi naman tatakbo yung sibuyas eh."

Pagkatapos kong balatan yung sibuyas, inilapat ko iyon sa chopping board saka hinay-hinay kong hiniwa. At medyo naiiyak pa ako in the process. Aww... my eyes sting.

"Don't rub your eyes!" saway nya sa 'kin. Kumakati kase yung mata ko kaya kinusot ko ito with my left hand. Lalong nangat.

Napapaluha na ako.

He sighed saka sya nagbasa ng kamay. He then ran his wet thumbs to the lids of my eyes. There's a bit of comfort when I felt the coldness on the lids but it didn't stop itching.

I felt him held my face. "Stop crying, you're such a baby," saway nya.

"Masakit kaya sa mata!" reklamo ko.

"Hindi mangyayari yan kung hindi mo kinusot ang mata mo," he reprimanded.

"Eh sa nangangati kase!" paliwanag ko naman.

I heard him sigh again.

"If you can't even do what I did properly, then I can't teach you how to cook. My kitchen is far more valuable than you," he said. Nakapikit pa rin ako, inaantay kong mawala yung stingy sensation sa mata ko. I heard his footsteps. Aalis sya?

"Hoy! San ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Sa tabi-tabi," sagot naman nya.

"Hoy teka!" I opened my eyes and the sight was still a bit blurry. I saw his silhoutte, papalabas sya ng kusina. Sinundan ko sya at dahil nanlalabo ang paningin ko, my hips hit the table corner.

Napasapo ako.

"Okay ka lang?" I heard him ask. Medyo may concern sa tono nya.

"Araaaaaaay!" antungal ko.

Naiiling nya akong inalalayan patayo. "Hindi ka kase nag-iingat eh."

"Saan ka ba kase pupunta?"

He sighed. "You don't need to check on me, okay? I'll just pick a few calamansi from the backyard."

"Ah... sige." Akala ko naman, gagala na naman sya.

"Tapusin mo yan. And when you're done, mince some cloves of garlic too," utos nya sa 'kin.

Tumango ako. "Okay. Teka... ano ba ang lulutuin natin?" tanong ko sa kanya.

"Spaghetti," sagot nya.

"Noodles na naman?" Seryoso. Ang hilig nya sa noodles.

"Pasta yun tanga."

"Pareho rin yun!"

Tumawa na lang sya. "Basta. Gawin mo na yan."

Tumango na lang ulit ako. Okay na rin siguro 'to. At least I'm keeping him within the house's vicinity.

And on the side note... kakain kami ng spaghetti mamaya! Nagugutom na tuloy ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro