
Day 5
"There is no sincerer love than the love of food." –George Bernard Shaw
--
Umagang-umaga nakangiti si Kent dahil ang sarap nung kapeng timpla ko. He insisted na orange juice ang gusto nya pero sabi ko magandang pangtanggal ng hangover ang kape. Good thing nakinig sya sa 'kin.
Ang gwapo nyang ngumiti. Yung tipong iba yung sinasabi ng ngiti nya sa sinasabi ng mata nya. Basta. Parang detached na ewan. Gusto ko ngang kurot-kurutin 'tong puso ko kanina. Huy makaramdam ka naman aba!, gusto kong sabihin dito.
"Pahingi nga pala akong pang-grocery. Wala ng laman ang ref mo," sabi ko sa kanya.
"Wala na?" taas-kilay nyang tanong. Tumango ako. "Okay. Mag-grocery tayo mamaya."
"Tayo?" Napakunot ang noo ko dun sa huli nyang sinabi.
"Yes, tayo. Hindi naman ikaw ang nagluluto kaya 'wag kang mareklamo dyan. Isa pa, I don't trust your taste when it comes to food," sabi nya.
Sinimangutan ko sya. "Pwedeng hinay-hinay naman sa panglalait?"
"Hindi kita nilalait. Nagsasabi ako ng totoo."
"Ang yabang mo kamo."
"Whatever. Flat-chested ka naman," nakangisi nyang sabi. Kainis! Muntik ko na syang buhusan ng malamig na tubig! Instead, nagtimpi ako. Leche. Para sa ikaliligaya ng kaibigan ko at ng taong gustong-gusto ko, pilit kong pinapahaba ang pasensya ko.
Pero konti na lang talaga, masasampal ko na naman sya.
"Bilisan mo dyan nang makaalis tayo ng maaga," sabi ko na lang sa kanya. I went back to my room para magbihis. Pero bago nun ay tinawagan ko muna si Gale.
"Jazzy! How's everything going?" excited nyang tanong.
"Kelan kami makakasal Jazz?" singit naman ni Rico. Ugh. Magkasama na naman sila. Well, ano pa nga ba ang ini-expect ko? Kasal na nga lang ang kulang sa dalawang yun eh. Apurado silang masyado. Sarap pagbuhulin ng bituka nila.
I sighed. "Hindi ko alam. Ang hirap-hirap naman kase ng pinagagawa nyo eh."
"Ano'ng mahirap dun? Lovable naman ang kuya ko ah. Gwapo pa..."
"Gale, kung mukha ko ang tumitibok, baka nakasal na kayo day 1 ko pa lang dito. Kaso hindi eh. Saka hindi kaya kamahal-mahal ang kuya mo. No offense."
They laughed on the other line.
"Sira ka talaga Jazzy."
Napangiti ako. May pagkasira talaga ako. Nakakatuwa lang kapag may nakakapansin.
"Alam ko. Kaya ng—" Napatigil ako pagsasalita nang may kumatok ng malakas sa pinto. "Wait lang ha," sabi ko sa kanila. Tumayo ako at binuksan ang pintuan ng kwarto ko.
"Ano na?" bungad nyang tanong sa'kin.
"Anong ano na?" kunot-noo kong tanong.
"Akala ko ba mamamalengke tayo?" tanong nya.
"Ha?" Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. "Hindi ka na maliligo?"
Inirapan nya ako. "Aamuyin ba ako ng mga manok at gulay sa palengke?" he muttered. Humarap syang muli sa 'kin. "Bilisan mo. Aalis tayo in five minutes."
"Agad-agad? Makapagmadali ka naman, akala mo tatakbuhan ka ng palengke!" reklamo ko.
"Bilisan mo. Malapit na mag-seven. Mainit na dun mamaya. Saka ayokong maubusan ng fresh ingredients."
Napa-tsk ako. Demanding nya, sobra. "Oo na." Pinagtaklaban ko sya ng pinto saka ko nagmamadaling binalikan yung phone ko. Kausap ko pa nga pala yung dalawa.
Narinig ko silang nagtatawanan.
"Oy ano'ng nakakatawa?" I pried.
"Wala wala. Mukhang may date pa kayo ni kuya Jazz. Bye bye na."
"Hindi date yun noh," tanggi ko naman.
"Ikeeee. Hindi daw."
"Bahala nga kayo. Sige babye na." I ended the call and got dressed. Actually, nagpalit lang ako ng t-shirt. I tied my hair up saka ako nag-pulbo.
Lumabas ako ng kwarto dala ang isang maliit na sling bag at payong. Nakaupo sya sa sala, nanunuod ng TV. "Hoy, tayo na dyan," sabi ko sa kanya.
He stared blandly at me then he turned off the TV. Nagsuot muna sya ng shades bago kami lumabas ng bahay. Kelangan talagang naka-shades pa? Hindi pa naman kataasan ang araw eh.
Lumingon sya sa 'kin and when he saw my confused look, ngumiti lang sya. Yung pang-asar. O baka basta ngiti lang yun, nakakaasar lang sya talaga?
--
Nakakatuwang mamili sa palengke. Yung halo-halo yung amoy nung malalansang isda saka karne... ansarap amuyin. Lalo na kapag nai-imagine ko yung itsura nila kapag luto na. Sheesh. Nagugutom ako.
Nagkape lang kase ako kanina.
Nang makapuno kami ng ilang plastic na halos makaputol ng braso ko ay umuwi na rin kami sa wakas. Pagkarating namin sa bahay, naligo sya agad kase nanlalagkit na raw sya. Ako naman, inayos ko yung mga pinamili namin.
A little while later, lumabas sya ng banyo, nakatapis lang ng tuwalya sa bewang nya. Nakaupo ako nun, kumakain ng tinapay. Nagkatinginan kami.
Ngumisi ba naman. Pagtaasan ko nga ng kilay.
"Problema mo?" tanong ko sa kanya.
Daig pa nya ang nabuhusan ng malamig na tubig.
"Umamin ka nga, tibo ka ba?" medyo asar nyang tanong.
"Hindi. Wala ka lang talagang appeal," sagot ko naman.
He blew off some air. "Imposible!"
I laughed at his reaction. "Ano? Hindi mo matanggap na nalalaos ka na?"
"You're just faking it."
"Nye nye. Magbihis ka na. Magluto ka na rin. Gutom na 'ko," utos ko sa kanya.
Pinagtaasan nya ako ng kilay. "Sino ba ang katulong sa 'tin ha?"
"Ako," mabilis kong sagot. "Gusto mo ba'ng ako ang magluto?"
He scoffed saka sya mabilis na naglakad papuntang kwarto. Yun lang naman ang magandang panakot sa kanya eh. Sasabihin ko lang na ako ang magluluto at mabilis pa sa alas-kwatrong haharangan nya ang kusina. It kinda hurts na wala syang bilib sa cooking skills ko pero ayos na rin.
At least masarap lagi ang kain ko.
He came back, bihis na.
"Ano'ng lulutuin mo?" tanong ko sa kanya.
"Pansit canton," sagot nya.
"Ang hilig mo sa noodles noh?"
"Ganun talaga kapag gwapo," sagot ba naman. "San mo nilagay yung noodles?"
"Second to the last na cupboard," sagot ko.
--
I watched him cook, minsan nakikisiksik pa ako. Inilabas nya muna lahat ng ingredients. Then he arranged all of them. Hiniwa nya yung pork into cubes. Ang galing nga nya. Magkakasinglaki yung size.
Ang dami kong tanong sa kanya. Hindi nga kase ako magaling magluto kaya I took the opportunity para mangulit ng isang chef.
After 30 minutes na pagluluto at pagtutulak nya sa 'kin palayo sa stove, naihain na rin namin sa wakas ang luto nyang pancit canton at luto kong kanin.
"Let's eat!" I announced.
"Hep!" He stopped me when I was about to dig in. "Magtimpla ka muna ng juice."
Kainis naman. Naglalaway na ako't lahat sa pagkain, saka pa ako papatayuin para magtimpla? Pwede namang mag-tubig na lang. Haynako.
Since no choice naman ako, tumayo na lang ako at nagtimpla ng juice. At ang walanghiyang lalaki, gusto pa calamansi juice. Pinagpiga pa ako ng kalamansi. Kainis! Gutom na gutom tuloy ako pagkatapos.
"Pahinging kalamansi."
"Abot mo naman eh," sabi ko sa kanya. Isusubo ko pa lang yung unang kain ko, inuutusan na naman ako.
"Hiwain mo," sabi nya.
"Nasa likuran mo lang yung kutsilyo, gusto mong gilitan na rin kita?" Iritado na talaga ako kapag gutom.
Tumawa sya. "Nakakainis kang katulong, alam mo yun? Hindi ka mautusan."
"Gutom ako. Wag kang magulo," sabi ko na lang sa kanya.
Next few minutes, tahimik lang kami.
--
Pagkatapos nyang kumain, nilagay na nya yung pinagkainan nya sa lababo. Tapos naupo sya ulit sa tapat ko, pinapanuod akong kumain. Problema na naman nito?
"Sarap noh?" Tumango ako. "Mas masarap ako dyan."
Nabilaukan ako. Bigla kong nahikit yung baso ng calamansi juice at inubos ko yung laman ng isang tunggaan. Grabe! Kumakain ako, puro kahalayan ang nalabas sa bibig nya!
Tatawa-tawa pa! Kainis!
"Ang sarap mong asarin! Hahaha!" Napahawak sya sa tiyan nya sa sobrang katatawa. Pinanlisikan ko sya ng tingin.
"Immature mo masyado!" inis kong sabi.
Sumeryoso sya bigla. As in, in an instant, biglang nag-iba yung expression nya. He leaned on the table and rubbed his chin.
"Gwapo naman."
I rolled my eyes in annoyance. "Ang sakit mo sa ulo!"
"Masakit din ako sa katawan," dagdag nya.
Ang laswa talaga nya ever.
"Eww. Please lang. Kumakain ako."
He grinned and held up his hands. "Okay. Okay. I won't ruin your appetite."
"Thank you." Finally.
Tumayo sya at nilapitan ako. Tiningala ko sya. Kumunot na naman ang noo ko. Ano na naman ang problema nya?
He grinned and stooped down hanggang nasa leeg ko na yung mukha nya. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan dun. Ano kayang lasa ng leeg ko this time? Lasang pawis? Eww.
"Thank you too," he whispered.
And for the first time, I felt weak jolts of electricity travel from my ear to my arms. Ito na ba yun? Finally?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro