Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 4

"Cooking is love made visible." –Anonymous

--

Tumupad naman si Kent sa usapan. Hindi na sya nagdala ng babae ngayon. Ang kaso lang, lasing na lasing sya. Shet. Inihatid nga lang sya nung pinsan nya na mukhang masama na ang timpla kase naabala pa yata yung trabaho.

"Ikaw na bahala dyan," sabi nito sa 'kin sabay abot kay Kent. Inalalayan ko si Kent papasok ng bahay, naka-akbay sya sa 'kin habang ako naman eh nakakapit sa bewang nya.

He smelt of smoke and beer and women... in short, ang baho nya.

Hindi ko alam kung ano'ng pinag-gagagawa ng taong 'to sa buhay nya. He's letting it all go to waste.

Nang nasa sala na kami ay napatid nya yung paa isang arm ng mahaba niyang sofa. Natumba tuloy kami. Muntik pang tumama ang ulo nya sa coffee table. Tsk.

"Ano ka ba..." Pinilit ko ulit syang itayo pero ang bigat nya. Baka maputulan ako ng braso.

Nakahiga na sya ngayon sa carpet. His arms are outstretched, yung bibig nya medyo nakabukas. Umaalingasaw pa rin ang amoy ng alak. Lasing na lasing sya. Grabe...

"Kent huy!" I nudged at his calf. Wala. Lasing na lasing. Nagpunta ako ng kwarto para kumuha ng kumot at unan. Naglampaso naman ako kanina. Sa carpet naman sya nakahiga. Keri na yun. Unan at kumot lang ang kelangan.

Masarap kayang matulog sa sahig. Lalo na kapag hindi mo alam na dun ka natutulog.

Kanina okay pa sya eh. Kaninang umaga. Okay meaning ang lakas nyang mambulyaw at mang-utos. Masyado nya yatang siniseryoso yung pagiging katulong ko. Sa bahay nga namin, tagahugas lang ako ng pinggan eh. Grabe lang.

Pasalamat sya masarap syang magluto kaya nakakatagal ako.

Kahit kase ano'ng pait ng ugali nya, hindi nalalasahan sa pagkaing niluluto nya. Actually pwedeng pwede ko naman syang magustuhan eh. Gusto ko naman yung mga lalaking magaling magluto. Nag-aantay lang ako ng spark.

Sighing, I went back to the living room where I left him. Pagdating ko, wala ng Kent na nakahiga sa carpet. Hala? Saan nagpunta yun?

"Kent?" I called out.

Ibinaba ko yung mga unan at kumot sa couch saka ko sya hinanap. Nakita ko sya sa kusina, umiinom ng tubig. Pagkatapos nung huli nyang lagok ay saka sya humarap sa 'kin.

"Oh?" he blandly asked.

"Hindi ka na lasing?" tanong ko sa kanya.

He grinned lopsidedly saka sya pagewang-gewang na lumapit sa akin. And there, it has been confirmed... he's still drunk. Inilapit nya yung mukha nya sa 'kin, ipinaaamoy ata yung kasuka-suka nyang hininga.

I did not waver.

His gaze dropped. "Wala ba talagang laman yan?" he asked while pointing at my chest. Muntik ko na syang masampal.

"Bastos!" Tinakpan ko yung dibdib ko.

"Nagtatanong lang, bastos na?"

"Napakawalang-modo naman kase ng tanong mo eh!" singhal ko sa kanya.

"Eh napaka-flat-chested mo kase eh!" sagot ba naman! Ayun, di ko na pinigilan ang sarili ko. Sinampal ko sya ng malakas.

Tumawa rin sya ng malakas. "It's been months since I got slapped. Wooo!"

"Gusto mong ulit-ulitin ko pa hanggang magsawa ka?!" inis kong tanong sa kanya.

"You're feisty," he simply replied. Napaurong ako when he starts advancing. Shet. Wag na wag lang nyang gagawin yung iniisip kong gagawin nya kundi... good bye na lang to his future kids.

Napansin nya yatang naaasiwa ako sa paglapit nya kaya bigla syang tumigil. Nakahinga naman ako ng maluwag dun. But then he smiled slyly again and then he starts advancing again hanggang sa mabunggo ng likod ko yung pintuan ng ref.

I have seen this scene before, a lot of times actually.

Ilalagay nya yung kanan ko kaliwa nyang kamay sa kanan o kaliwang side ng mukha ko. He'll lower his head to me while intently looking into my eyes—

Bigla nya akong niyakap. Sobrang higpit. Hindi ako makahinga.

"K-Kent?"

I heard him sigh. "You're so warm..." he commented. Hala... wag nyang sabihing naka-hithit rin sya ng marijuana kanina?

"Natural buhay ako. Magtaka ka kung ang lamig-lamig ko," sagot ko sa kanya.

Awkward silence followed. Para lang kaming tanga. Ako, nakasandal sa ref. Sya, nakayakap. My arms are on my side, nakakuyom. His are wrapped around me. It could have been romantic... if I can feel anything towards him. I don't, unfortunately. "Itulog mo na yan Kent," sabi ko sa kanya maya-maya.

"Sleep with me."

Nagpanting ang tenga ko dun. Gustong-gusto ko syang itulak pero nagtimpi ako. Napag-isip-isip ko, pwede naman di ba? We're both adults naman. Saka ang plano, mahulog sya sa 'kin at mahulog ako sa kanya. Yung tipong kami na talaga para sa isa't isa.

Siguro alternative na yung pagpikot sa kanya o pagpapaubaya ko.

Sounds like a plan, right?

Pero bakit parang maling pakinggan?

"Ayusin mo muna ang buhay mo, baka pa," sagot ko sa kanya.

Narinig ko syang tumawa ng mahina. Mahigit limang minuto na yata kaming nakatayo, para kaming tanga.

"You don't know what you're missing," he whispered on my ear.

Bahagya ko syang itinulak. I stared up at his eyes. They were dazed. Lasing sya na parang matino pero wala sa katinuan. Ah ewan. Ang hirap ipaliwanag.

I gripped the collars of his shirt and tiptoed to kiss his nose.

"Kent, I'm sure you're a great guy but right now, you're drunk and you're talking nonsense. Itulog mo na lang yan," sabi ko sa kanya. I pulled him by the collar and lead him to his room. Pinaupo ko sya sa gilid ng kama at tinanggalan ng sapatos.

Yes, this could have been ideal... pero ayokong mag-give in sa taong wala akong maramdaman kundi awa at inis.

He reached out his left hand and caressed the side of my face. Napangiti sya sa simpleng gesture na ginawa nya. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nakaramdam ng awa.

Maybe deep down, he wanted to do that to someone... yung simpleng pagyakap na walang hinahawakang anumang kahalay-halay na parte ng katawan.

Yung humaplos ng mukha ng walang kasamang halik.

Yung ngumiti na walang kasamang carnal intent.

Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nasaktan para sa kanya. Bakit ba kase sya nagkaganito? Gale told me that he was once left at the altar... pero bakit?

Ano'ng unforgivable thing ang ginawa nya para matanggap nya yun?

He was looking intently at me with that stupid smile on his face. Parang may kung anong humarang sa lalamunan ko. He was staring at me lovingly. Hindi ko alam kung narerealize nya bang hindi ako yung taong mahal nya na nang-iwan sa kanya. Isa lang ang masasabi ko... ang lungkot-lungkot nya.

Daanin man nya sa ilang one-night stand, hindi pa rin nito mapupunan ang emptiness na nararamdaman nya.

When was the last time that he was genuinely happy? Hindi ko rin alam.

"Sleep with me Jazz, come on," pagsusumamo niya. Napangiti na lamang ako ng pilit at saka ko sya kinintalan ng halik sa noo.

"Good night Kent."

Lumabas ako ng kwarto niya at dumeretso sa sala. I picked up the pillows and blanket and put them back on the storage closet na nasa kwartong tinutulugan ko. I cannot promise myself that I will not sleep with him because God—he's so damn attractive. Yung mga tipong, abs pa lang ulam na? Ganun sya.

Pero kung gagawin ko yung gusto nya nang ganito kaaga at kung sa ganitong pagkakataon na wala akong ni katiting na pagmamahal na nararamdaman sa kanya, ako lang ang magiging kawawa.

Saka kabilin-bilinan sa 'kin ni Gale... Unang-una ko dapat makukuha sa kuya nya ay ang pinaka-intimate and private part ng katawan nito.

His heart.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro