Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 3

"Food is the most primitive form of comfort."

--

Kinabukasan, maaga akong gumising para maipagluto si Kent ng peace offering ko. The best ang sinangag ng nanay ko at medyo kuha ko naman ang lasa so alam kong magugustuhan 'yon ni Kent. I'm assuming that a chef like him isn't used to home-cooked meals na iba ang nagluto. At 'yong mga Pinoy meals. For sure, palaging pang-international ang kinakain niya.

I'm making him breakfast kasi may kasalanan ako sa kanya kagabi. I screamed really loudly when I saw him and the woman he's with kissing by the door. Akala ko kasi magnanakaw. Tapos hindi agad nag-register sa utak ko na may ginagawa silang kahalayang dalawa so nakasigaw na ako nang malakas bago ko na-realize na wala palang magnanakaw.

Nilagyan ko pa nga ng leaf art para may extra effort.

"Good morning," bati ko sa kanya when he entered the kitchen. Medyo nagulat yata sya dahil nagluto ako. Wala yatang nagluluto para sa kanya.

"Hindi ba't sinabi ko na off-limits ang kitchen?"

Nako patay. I totally forgot... strike two ka na Jazz.

"Sorry... gusto ko lang namang mag-sorry eh."

Nailing sya bigla. "Next time, humingi ka muna ng permiso bago mo gamitin ang kusina ko."

"Eh galit ka kase kagabi..."

"Kaya nga next time di ba?"

"Sorry naman..."

Pumunta muna syang banyo para maghilamos then he went back to the kitchen at naupo sa mataas na stool na katabi ng breakfast nook nya.

Inabutan ko sya ng kutsara't tinidor. He said thanks and ate the food I prepared for him.

"Ang alat," was his remark.

"Sorry."

"Asan ang orange juice ko?"

"Hindi ka ba nagkakape sa umaga?" kunot-noo kong tanong.

"Hindi," he replied blandly.

"Ah... sorry naman. Di ko alam."

"Sorry ka ng sorry," may pang-iirap. "Kumain ka na?"

Umiling ako.

He pushed the cup of coffee towards me. "Magkape ka."

"Thanks." Sayang yung effort ko sa leaf art. Di man lang nya ininom. Ni hindi nga yata nya napansin na may leaf art sa ibabaw ng kape.

"Ang pangit ng leaf art mo."

Ay... napansin din pala. Kaso nilait.

"Effort," sagot ko na lang.

"I'll be going out. Wag kang magluluto ha? Bumili ka ng takeout."

"San ka na naman pupunta?"

" Bat ka ba tanong ng tanong? Nanay ba kita?" inis nyang tanong.

"Di ba nga kailangan kitang i-monitor?"

"Ginusto ko bang magpa-monitor sa 'yo?" pabalik nyang tanong.

I held up my hands in defeat. "Okay okay. 'Wag ka ng magalit. Just please... wag ka namang mag-uwi ng babae," pakiusap ko sa kanya.

He raised an eyebrow. "And who are you to stop me?"

"Hindi ka ba nandidiri? You're bedding all sorts of women. Baka magkasakit ka nyan."

"Ano'ng gusto mong mangyari? Isa lang gabi-gabi? And who would you suggest? You?" He looked at me with disgust.

"No! All I'm saying is that hindi maganda yang ginagawa mo. Pano kapag nag-desisyon kang mag-settle down tapos may STD ka na pala? Tingin mo may babae pang tatanggap sa 'yo?"

"Sino namang may sabing may balak akong mag-settle down?"

Aww... so wala? "Pano na lang si Gale? Hahayaan mo na lang na hindi sya makasal dahil lang sa ayaw mong makasal ka? That's so selfish of you."

"I'm not gonna put up with that stupid tradition. Hindi ako magpapakasal kung kanino ng madalian para lang sa ikaliligaya ng kapatid ko."

"Hindi ka ba nalulungkot? You're almost thirty but you still don't have someone."

Nag-iwas sya ng tingin. "I could have anyone I want," sagot nya.

"Yeah. But not permanently."

Bigla syang tumayo. "I'm done eating. Maglinis ka ng garden mamaya. Saka yung kwarto ko, linisin mo rin."

"O-Okay."

Nilagay nya ang plato na may laman pang pagkain sa kitchen sink saka sya kumuha ng malamig na tubig at uminom. Saka sya kumuha ng towel at pumasok sa banyo.

Hindi ko alam kung bakit sya nagpi-pretend. He pretends like he doesn't care o wala lang sa kanya but when you hit a nerve, lalabas yung tunay nyang nararamdaman.

I'm sensing that he's too lonely to even cry. And I feel sorry for him.

Kaya sige... I'll stay for a while longer.

--

Night came and I waited for him as usual. Nasa sala ako habang nanunuod ng TV. Ang sarap palang maging yaya. Libre TV, banyo, wifi... sabi ni Gale sila daw ni Rico ang magpapasweldo sa 'kin eh. 10K pa ang offer... mga adik. Yayaman ako agad.

Si Kent kase, pasweldo rin ako ng 5K. Ang saya lang.

At least, kung hindi man matupad yung misyon kong magka-love life, may ipon akong pera pagkatapos. Yun nga lang, kawawa naman sina Gale kung hindi ko matutupad yung pangako ko.

"Mahilig si kuya sa legs. You should wear shorter shorts," naalala kong sabi ni Gale. I held up a really short pair of shorts na isa sa mga binili nya para sa 'kin. Ano 'to.... kelangan ko pang akitin ang kuya nya? Grabe...

Hinubad ko ang pajama ko at ipinalit yung short shorts. Simula ngayon ay ganun na ang isusuot ko. Sabi pa nga ni Gale, much better daw kung magpapakita ako ng cleavage... kaso ano namang cleavage ang ipapakita ko?

Wala ako nun... unless ipapahiram nya yung sa kanya.

So to compromise, maluwang na t-shirt ang suot ko na halos nakatakip na sa shorts ko. Saka ko itinali ang buhok ko into a bun.

Mainit rin kase. Ayaw ko namang buksan ang aircon dahil mag-isa lang ako. Sayang ang kuryente.

Teleserye na sa TV ang pinapanuod ko nang dumating sya. I immediately looked behind him to see if he has someone with him. Surprisingly, wala.

Tinamaan kaya sya sa sinabi ko kanina?

"Nagluto ka?" yan ang una nyang tanong. Agad akong umiling. "Good. I have takeouts." Inilapag niya ang dalawang box ng Chinese take outs.

Kumuha ako ng isa.

"Thanks."

Naupo sya sa tabi ko. Then he took the remote at inilipat ang channel. Tapos tinaas nya yung paa nya sa coffee table saka nya kinuha yung isang box at nagsimula syang kumain.

"San ka galing?" tanong ko sa kanya.

"Sa tabi-tabi lang."

"Wow. Maghapon ka sa tabi-tabi lang?"

Hindi nya pinansin ang snide remarks ko. He kept on eating the noodles instead.

"Did you clean my room?" he asked a while later.

"Onaman," sagot ko.

"Did you open the drawers?" he pried.

Kumunot ang noo ko. Parang wala naman yata akong natatandaang sinabi nyang pati loob ng drawers ay linisin ko.

"Dapat ba?"

Umiling sya. "Hindi. Bilisan mong kumain."

"Pati pagkain ko, kailangang may utos ka?"

"Alam mo, ikaw lang yata ang naging katulong na pinaka-walang galang."

I smiled sheepishly at him. "Mana lang sa amo."

He scoffed. "Kaibigan ka nga ng kapatid ko. You're both airhead."

"Excuse me!" pinandilatan ko sya ng mata.

He laughed. Nagulat ako ng bahagya when he did. Tumatawa pala sya? Kaso... wala talagang epekto sa 'kin. Haynako. Abnormal nga siguro ako.

Kapag si Rico ang tumatawa, mistula akong nagha-hyperventilate sa kilig. Yung there's a rush of happiness bigla kapag tumatawa sya. Yung mapapangiti ka talaga kase nahahawa ka sa saya nya.

Pero kay Kent?

Wala talaga. Ang saklap.

"Pwedeng magtanong?" tanong ko sa kanya.

"Nagtanong ka na."

"Eh isa pa?"

"You just did."

I squinted my eyes at him. "Pilosopo."

He grinned. "Ano ba itatanong mo?"

"Ano... about dun sa ex-fiancée mo," lakas-loob kong sabi.

Natahimik sya bigla.

"Pass," he replied. Saka sya ngumiti ng pilit at nagpatuloy sa pagkain. Okay... so I have to avoid the talk about his ex para hindi sya mag-clam up at manahimik.

But I won't do just that.

I can't fall for someone na sarado ang sarili sa iba. So you must tell me something Kent... in time.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro