Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Day 2

"A life without dreams is like a cupcake without sprinkles."

--

Yesterday, Kent showed me my room and then left me alone. Ngayon daw niya ako dadalhin sa restaurant para tingnan kung papasa ako. Kapag hindi, then I'll use my time to look for a job. Pero si Gale ang nagsabi noon, hindi si Kent. So I'm not sure if he'd actually do it. Mukhang ayaw pa naman niyang nauutusan.

His house wasn't dirty; it's just not clean enough. Pwera sa kusina na mukhang alagang-alaga, the other rooms that I could explore look like they were being neglected.

Kent told me that I can't touch the kitchen. Kung nagugutom raw ako, bumili ako ng snacks, then he gave me an unused microwave and a water heater para ilagay sa kwarto ko. Off-limits ang kitchen. Iyon pa naman ang isang lugar sa bahay na madalas kong puntahan kasi palagi akong gutom. May karinderya raw sa kanto ng subdivision na madaling puntahan kung nagugutom ako. I guess that's what the microwave is for. Para mag-iinit na lang ako ng pagkain. Hindi ko na kailangang magluto.

Last night, tinanong ko siya kung pwedeng lagyan ng lock ang pintuan ng kwarto ko. Patulog na kasi ako nang mapansin kong wala pala 'yong lock. Ang dali lang buksan!

Aba't tinawanan ako ng magaling! Ang sabi pa niya, "Bakit kailangan mo ng lock? Tingin mo papasukin kita diyan? Let me make something clear, okay? I don't do that and you're not my type. Kahit maglakad kang nakahubad sa bahay ko, hindi kita papatulan."

And I fell asleep thinking if he won't do that to me because he claims he doesn't do that o dahil hindi niya ako type. Either way, it was enough for me to sleep soundly last night.

--

I woke up at six. Dahil tulog pa si Kent, sinubukan kong sipatin ang kusina niya. He keeps it spotless. He's a chef so I figured na may tirang pagkain sa loob ng ref na pwede kong bawasan. Maya't maya ang lingon ko sa pintuan ng kwarto niya as I tiptoe my way to the kitchen. His fridge was huge. Maraming ref magnets na souvenir galing sa iba't ibang bansa. I guess he travels a lot. Walang personal note o ramdom picture ng pamilya niya o mga kaibigan niya.

When I opened his fridge, I was greeted by a nice smell. It smells clean. And it's well-organized. Ngayon lamang ako nakakita ng ref na ang daming divider sa loob. Ang mga prutas, nasa sunod na pinakang-ilalim na level, bago iyong parang drawer na nilalagyan ng mga gulay. Ang mga karne sa freezer, maayos na nakalagay sa kani-kanyang tupperware na may label bawat isa. There's a bowl on the level under the freezer na may takip na aluminium foil. When I took a peek, naglaway ako kaagad. Leftover food!

Kaso tatanggalin ko pa lang 'yong cover, narinig ko na siyang bumangon. So I closed the fridge abruptly and ran back to my room.

--

Mula sa kwarto ko, I saw him go to the bathroom. Then he went to the kitchen and just stood in the middle, parang may hinahanap. Or maybe my presence disturbed the peace in that spotless kitchen? Nag-iwan ba ako ng kalat o alikabok that he could trace back to me?!

Halos hindi ako humihinga habang hinihintay siyang umalis. But eventually, he did leave with a bottle of water. Pumasok siyang muli sa kwarto niya at nakahinga na ako nang maluwag.

Since I only have small snacks with me, I decided to go out to explore the neighborhood. Maghahanap ako ng pagkain.

Kaunti lakad lamang at nakakita ako ng isang kainan. Sa may kanto iyon ng subdivision. May dalawang lamesa sa harap ng isang magandang bahay. One has chairs around it. The other has food trays on it. May maliit na tindahan din sa likod nito.

"Tao po?"

Isang lalaki ang sumilip mula sa tindahan. "Yes?"

Ilang segundo yata akong natulala. Medyo nahiya ako dahil hindi pa ako naliligo. The guy's cute! Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Pangalawang araw pa lang ako sa bahay ng kuya ni Gale pero nakatagpo agad ako ng pogi.

I managed to smile and say, "Pabili po ng pagkain."

--

When I came back with my food, Kent was already making coffee.

"Good morning," bati ko sa kanya.

Mukhang nagulat siya nang makita ako. "Sino ka?"

"Seryoso ka ba dyan?!"

Nangunot ang noo at naningkit ang mga mata niya, parang kinikilala ako. And when it dawned on him, his mouth formed an O and said, "Ah, right. You."

"Pwedeng makahingi ng kape?" tanong ko sa kanya. He's brewing coffee. Lumaki akong instant coffee at 'yong three-in-one lang ang iniinom ko sa umaga madalas. Noong nagkatrabaho na, saka lang na-expose sa brewed coffee. I swear sobrang manghang-mangha ako sa lasa, naisipan ko na dating maging barista para lang matuto akong magtimpla ng masarap na kape.

He didn't respond but when he was done brewing, he poured coffee on two cups and gave me one. Pero inutusan niya rin akong maglinis ng bahay. Since makikitira raw ako nang libre.

--

Tanghali na yata ng matapos ko lahat ng pinapagawa nya so gutom na gutom na ako by the time I finished my chores. Sobrang baho ko na rin at pagod. Napasalampak ako sa couch noon at dun na ako dinalaw ng antok.

I was just about to drift to sleep ng maramdaman ko ang paa nya na sumisipa sa binti ko.

"Hoy," untag nya.

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang iminulat ang isa kong mata.

"Ano? May iuutos ka pa? Pwedeng magpahinga muna?"

He just stared at me blandly. Saka ko lang na-realize na nakabihis pala sya. He was wearing this black V-neck t-shirt and gray pants. Mukha rin syang bagong paligo. Sinadya kong tagalan ang tingin ko sa kanya in hopes that I would even feel remotely attracted. Pero wala e. Wa epek.

"I'm going out. Don't touch my kitchen."

"Okay," maikli kong sagot. Mabuti na lang at dalawang kanin at ulam ang binili ko kanina. At least may maiinit ako sa microwave para sa tanghalian. "San ka pupunta?"

"You don't need to know."

"Kailan pala tayo pupunta sa restaurant?"

"Restaurant?" He raised an eyebrow. "My restaurant? Hindi ko kailangan ng tagahugas ng pinggan. Meron na kami."

"Cook?"

Nagulat ako nang napabulanghit siya ng tawa. Then he flat out told me, "No. Absolutely not. I won't have you desecrating my kitchen with your cooking."

And with that, Kent left the house with strict instructions that I stay away from the kitchen. He said he will know if I've been there. And I believed him.

--

I slept for 3 hours after he left. Pagkagising ko, tinawagan ko sina nanay. Sabi ko kasi sa kanila kagabi, mag-aayos ako ng requirements ngayong araw so huwag muna nila akong tawagan. Halos isang oras ko silang kausap. They kept asking if I made the right decision. Pinipilit akong umuwi.

I've never been away from home. Noong nag-aaral pa ako, sa bahay ako umuuwi. Noong nagtrabaho na ako, sa bahay pa rin ako umuuwi. Siguro kahit mag-asawa ako, sa bahay pa rin namin ako titira dahil si Toby ang mapapangasawa ko. Was that so bad? No. But I don't want to do it because I feel like everyone's dictating what I should be and who I should be with. Puro desisyon nila ang nasusunod. Gusto ko, ako naman.

Alam kong naiisip ng parents ko na nagrirebelde ako. But so be it. If it means I'd be getting what I want and doing what I wanna do from now on, then I'd gladly rebel.

--

Bored na bored ako maghapon dahil pagkatapos kong matulog at magpasa ng applications, wala na akong ibang gagawin. Gusto kong gumala sa mall pero magagastusan lang ako. Kailangan kong magtipid dahil sapat lang pang-isang buwan ang pera ko. Ilang beses akong na-tempt na pumuntang kusina at magluto o mag-init ng pagkain sa ref pero nasa loob ng kusina 'yong ref so off-limits din sa 'kin 'yon.

I ended up buying from the eatery nearby again. Buti na lang at may tindahan din sila so nakabili ako ng toiletries and snacks. Tapos nanuod na lang ako ng TV pagkapaligo ko.

I waited for Kent to come home pero napagdesisyunan kong matulog na lang nang mag-alas dyes dahil hindi pa siya dumarating. I figured he'd spend his night somewhere else. Baka sa bahay ng ibang babae o sa hotel.

Gale warned me about her brother's womanizing habits and told me that I should do my best to keep him from taking random women home. Pero naisip ko, bakit ko naman gagawin 'yon? That might anger him at baka palayasin lang niya ako nang wala sa oras.

So I went to bed at 10PM pero naalimpungatan ako nang mag-aalas dose dahil biglang may padabog na pumasok.

Antok na antok pa ako at wala sa wisyo kaya nakalimutan ko kung nasaan ako. I thought someone was about to rob my house.

Tapos nakita ko silang naghahalikan sa may pintuan. Napasigaw ako.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro