Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MTML 4

After the celebration of foundation day, Sir Val resigned.

Hindi ko alam kung bakit, o anong dahilan nya kung bakit sya nag-resign.
Nang mabalitaan ko iyon ay tumakbo na ako sa cr at doon nagkulong at umiyak sa isang cubicle.

Ayos na nga saakin na malamang nagde-date sila ni Ma'am Zinnia eh, pero yung pagreresign nya ay hindi ko matanggap.

Hindi ko man lang sya nakausap ng maayos bago sya umalis, edi sana pala kahapon kinausap ko na sya, sana pala sinulit ko na yung oras na kasama ko pa sya, sana pala sinulit ko ang mga huling pagkakataon na kasama ko pa sya.

Wala na tuloy akong dahilan para pumasok ng maaga araw araw, wala na akong inspirasyon, wala na sya iniwan nya na kami, iniwan na nya ako.

Walang pumasok na kahit anong related sa tinuturo ng mga teacher namin sa utak ko, occupied masaydo ni Sir Val ang utak ko, yung puso ko nga sya na ang nagmamay-ari pati ba naman itong utak ko?

Hanggang sa maka-uwi ako ay parang wala ako sa sarili, hindi narin ako kumain ng dinner at nagkulong lang sa kwarto ko.

Binuksan ko ang phone ko nang makita kong nag-chat si Sir Val saakin.

Val Rence: I'm sorry kung hindi kita nabati kahapon, ang galing mong kumanta.

Me: sir bakit ka umalis?

Tears running down my cheeks, I was really hurt because of him, because he left without reasons.

Bakit pa ba ako humihingi ng rason, eh wala namang kami.

Val rence: don't call me sir, I'm no longer your teacher.

Hindi na ako nag-reply pa kay sir, tama na, sobrang sakit na, baka hindi ko na kayanin ang mga sasabihin nya.
Napatingin akong muli ang phone ko nang makitang mag-chat sya ulit.

Val rence: magkita tayo bukas sa park malapit sa school pagkatapos ng klase mo, may mahalaga akong sabihin sayo.


*********************
Kahit hindi ko alam kung anong rason kung bakit pinapapunta ako ni Sir Val ay pumunta parin ako, dahil baka eto na ang huli naming pagkikita.

Napatigil ako sa pagkalakad nang makita ko syang nakaupo sa duyan, I bit my lower lips, ang cute nyang tignan sa suot nyang black polo at brown short.

Nang makita ako nito ay agad itong tumayo at kinawayan ako, at syempre hindi mawawala ang kanyang ngiti sa labi na nakalabas ang kanyang mapuputing ngipin.

Kinawayan ko din sya at tumakbo na papalapit sakanya, masaya akong makita syang muli pero nalulungkot ako dahil baka ito na ang huling pagkikita namin.

"Sir!".

"Sabi ko naman sayong wag mo na akong tatawaging sir diba?".

"P-pero".

"Just call me Val". Hindi nalang ako sumagot, hindi kasi ako sanay na tawagin sya sa pangalan nya.

"A-ano po palang dahilan kung bakit mo ako pinapunta dito". Hindi ito sumagot saakin bagkus ay nginitian nya lamang ako at may kung anong kinuha sa kanyang bulsa.

Papel?

Teka iyan yung sulat ko sakanya!

"So is it true na gusto mo ako?". Napakagat labi nalang ako at hindi makatingin ng diretso sakanya, hawak hawak nya parin ang sulat na ginawa ko para sakanya.

Sasabihin ko ba?

"Is it true?". Napatungo nalang ako at hindi mapigilang mahiya, siguradong magagalit sya saakin.






"Dahil gusto din kita". Nagulat ako sa sinabi nya.

"Po?"

"Summer Lindle, gusto kita simula nung first day palang ng klase, katulad mo alam kong hindi ito pwede, alam kong hindi ko pwedeng ipagpatuloy itong nararamdaman ko sayo, pinilit kong pigilan itong nararamdaman ko sayo pero hindi ko magawa dahil mas lalo akong napapamahal sayo, mas lalo kong minamahal kung sino ka, the way you look at me, the way you smile at me ,makes me fall for you deeper that I can't recover. mas gusto pa kitang makilala". Hindi parin ako maka pagsalita dahil sa mga sinabi nya.

"P-pero bakit po kayo magkasama palagi ni Ma'am Zinnia, bakit ka umalis? Bakit ka nag-resign?". Sunod-sunod kong tanong sakanya.

Napakunot ang aking noo dahil sa biglaan nyang pagtawa, gusto kong mainis dahil sa pagtawa nya pero hindi ko mapigilang mapangiti dahil napakasayang titigan sya habang tumatawa.

"Hindi ko sya gusto, dahil ikaw lang ang gusto ko, palagi lang kaming magkasama dahil humihingi ako ng payo".

"Payo?".

"Tungkol sayo, hindi ko alam kung paano kita haharapin dahil sa tuwing nakikita kita , natotorope ako, nawawala lahat ng gusto kong sabihin sayo". Napakagat-labi nalamang ako, pinipigilan kong wag ipahalatang kinikilig ako sa mga sinasabi nya.

"Hanggang tingin lang ako sayo sa malayo, kaya nung nalaman ko kung saan ka kumakain tuwing lunch break, I took the risk, kahit natotorpe ako nilakasan ko ang loob ko, para lang makausap at makasama lang kita sa maikling minuto". Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko sakanya, ang alam ko lang sobrang saya ko dahil parehas kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.

"I like you summer and that's why I resigned?".

"Ako na naman?". Itinuro ko pa ang sarili ako, bahagya syang natawa dahil sa tanong ko.

"Yes, dahil bawal ang teacher student relationship, nagresign nalang ako para maging tayo". Oh panis, ang haba ng hair ko! Yung taong gusto ko ay gusto din pala ako.

"P-pero diba mahalaga sayo ang pagtuturo?". Napatigil ito sandali ngunit agad na sumilay ang mga matamis nyang ngiti sakanyang labi.



"Oo, pero mas mahalaga ka sakin".

Pakiramdam ko ay nag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi nya.

"You're beautiful in your own way Summer, and I love the way you are". Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi, inilapat nya ang kanyang noo saakin, kaunting kaunti na lamang ay mahahalikan na nya ako.


"Please be mine". I smiled at him.


"I'm all yours".



-End-

••••••
The last page is summer's letter!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro