Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

MTML 2

Naisipan kong magbukas ng account ko sa facebook, hindi naman kasi ako palaging nago-online pag kailangan lang talaga.

Then binuksan ko din ang aking messenger, nakita kong online din ngayon Si Sir Val.

*ting*
Para bang may bumbilya saaking isipan na biglang nagkailaw.

Me: hi sir! Itatanong ko lang po sana kung copy and answer po ba yung assignment?

Akala ko ay matagal pa syang magrereply pero nagulat ako nang may tatlong dots na lumabas.

Val Rances: hi :) ah, yes pakisabi nalang din sa mga classmate mo. Thanks.

Napakagat labi nalang ako nang makita ko yung smiling face doon sa chat ni sir.

Me: Sir bilog ang mundo diba?

Nang nakita kong muli ang tatlong dots ay isinagawa ko na agad ang naiisip kong kalokohan.

Me: Sir maganda ba ko?

Pero isang malaking disappointment ang nadama ko nang hindi agad ito nagreply. Wala na sira na yung plano ko, para bang nalukot ang mukha ko nang makita kong ni-seen nya lang ako.

Okay. I get it, hindi nagagandahan saakin si sir.

At dahil nawalan na ako ng gana, magla-log out na sana ako nang biglang mag-pop out ang message ni sir. Dali dali ko itong binuksan, ngunit mas lalong sumimangot ang aking mukha dahil sa chat nya saakin.

Val rances: by the way thankyou kanina sa lumpia, ang sarap.

Oo na nakuha ko ng hindi ako maganda pero atleast nagustuhan nya yung niluto kong lumpia.

Me: Sir nagustuhan nyo po ba yung lumpia?

Val Rances: yes. Nagustuhan ko.

Nang makita ko iyon ay  napahiga nalang  ako sa kama at tinakpan ang mukha ko ng aking kamay.

Nagustuhan nya yung lumpia.

Nagustuhan nya yung lumpia.

Nagustuhan nya yung lumpia.

Impit akong napatili dahil sa sinabi ni sir, sinipa sipa ko pa yung mga unan ko sa kama dahil sa kilig.

Umupo akong muli at tinignan ang chat nya.

"Nagustuhan nya yung lumpia!". Sigaw ko sabay tili ng malakas, pinagpapadyak ko ang paa ko, hindi pa ako nakuntento at humiga pa sa kama sabay tili ulit.

Narinig kong may kumatok saaking pintuan.
"Anak, ayos ka lang ba bakit tili ka ng tili?". Napatakip nalang ako ng aking bibig.

"Ay, wala naman po mama sorry po". Sabi ko sabay kuha ng isa kong unan at niyakap ito. Sana si sir na ang next na makayakap ko.

"Osige. Kumain kana sa baba ah, kulang ka lang  sa kain". Grabe si mama oh, hindi ba pwedeng kinikilig lang?

Ako kaya? Kelan kaya ako magugustuhan ni sir?

*******************
Masaya akong pumasok ng school ngayon, pakanta kanta pa nga ako eh, kahit hindi ko naman alam yung lyrics sige parin ang kanta ko. Baliw lang peg?

Syempre katulad ng dati, maaga akong pumasok sa school namin, nakalipas ang ilang oras at marami na kami sa room halos kumpleto na kami at dapat nagsimula na ang klase namin kay Sir Val.

Pero kahit anino ni sir ay hindi ko pa nakikita, kanina pa nga ako tingin ng tingin sa may bintana at nagbabakasakaling makita ko si sir, pero nabigo ako.

Ano kayang nagyari sakanya? Bakit wala parin sya hanggang ngayon?

Ngayon lang to nangyari, ngayon lang sya umabsent sa klase namin.
Nawala ako sa mood at nawalan na ako ng ganang ngumiti, dahil ang rason ko sa pagngiti ko ay wala parin hanggang ngayon.

Narinig ko na lamang ang mahihinang pagpatak ng ulan, mukang pati ang langit ay nakikisali din sa Kalungkutan ko.

Napangiti nalang ako saaking sarili nang may naisip akong ideya.
Kinuha ko kaagad ang papel at ballpen ko at nagsimula ng magsulat, pagkatapos kong isulat iyon ay isiniksik ko sya sa isang notebook ko.

*************

Papunta na ako sa favorite spot ko nang makita kong masayang nag-uusap sina Sir Val at Mam Zinnia.

Naningkit ang aking nga mata nang makita kong may pahampas- hampas pa ng braso ni sir Val si Ma'am Zinnia.

Ma'am akin po yan!

Ano ba naman ito, hindi  na nga pumasok si Sir Val kanina saamin tapos maabutan ko pa silang ganto.

Napa-buntong hininga nalang ako at dumiretso na lamang sa favorite spot ko, kahit sa pagkain ay nawalan ako ng gana, para bang walang lasa yung fried chicken na ulam ko.

"Summer". Napatingin agad ako sa lalaking nakatayo hindi kalayuan saakin.

Ang lalaking dahilan kung bakit walang pasubaling nagpapabilis ng puso ko.

Heto na naman sya, heto na naman yung ngiti nyang labas ang mapuputi nyang ipin. Nako sir ah, wag mo kong ngiti-ngitian dyan, baka makalimutan kong nagtatampo ako sayo dahil sa karupukan ko.

Ako na ang dakilang marupok!

"S-sir". At dahil nga pokmaru ako, (aminado na po talaga ako) nginitian ko rin sya at kinawayan pa sya. (Sabi sainyo, marupok ako eh).

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko talaga magawang magalit sakanya, tinatanong ko nga minsan sa sarili ko kung crush ko lang ba talaga sya eh.

"Pwede paupo?". Ewan ko ba dito kay sir , tinanong nya kung kelan nakaupo na sya.

"Nakaupo na po kayo eh, bakit pa kayo nagtatanong?". Medyo napataas ang tono ng boses ko, pero hindi ko naman talaga iyon sadya.

Nawala ang ngiti nito sa labi at tila ba'y nag-aalala, alam nyo yung feeling na ang saya nyo tapos naalala nyong nakalimutan nyong palang tanggalin sa charger yung phone nyo sa bahay? Ganern ang itsura nya ngayon.

Napakunot ang noo ko dahil nakatitig parin sya saakin ngayon, hindi ko mapigilang mailang dahil sa titig nya, naco-conscious tuloy ako sa itsura ko.

Baka naman natate lang sya?

"U-uhm sir tara kain na tayo". Pagbasag ko ng katahimikan, parang wala sa sarili si sir at parang ang daming iniisip.

Napansin siguro nyang nakatingin ako sakanya kaya tumingin ito saakin na ako namang umiwas ng tingin. Nahihiya akez mga sis nahalata nya akong nakatitig sakanya. Shacks!

"Sir, bakit ayaw nyo pong i-shave yung balbas nyo?". Hindi naman sa ayaw ko, actually gustong gusto ko nga dahil bagay na bagay talaga sakanya eh. Curious lang ako.

Meron kasi syang mga tumutubong balbas sa itaas ng labi nya, lalo syang gumagwapo sa itsura nya.

"Bakit ayaw mo ba?". Seryosong tanong nya, agad akong umiling kasama ang aking kamay.

"Hindi po sir, gustong gusto ko nga po eh, na-curious lang po talaga ako hehe". At dahil sa sinabi ko ay sumilay ang matatamis nyang ngiti at nakalabas ang kanyang mapuputing ngipin.

Hinay hinay lang sir sa pagngiti, baka iyan ang dahilan ng pagkamatay ko. Chos!

Nagulat ako nang lagyan ni sir ang baunan ko nag ulam nyang......

"Lumpia?" Napakagat labi nalang ako dahil nasabi ko ng malakas ang dapat na nasa isip ko lang.

"Nagluto kasi si Mama nyan kaninang umaga, kaya ito ang ulam namin ngayon". Paliwanag nito saakin.

"Fried chicken?". Napatingin ako saaking ulam, nahihiya naman akong bigyan sya neto, ulam lang kasi namin ito kagabi kaya pinainit ko nalang para maging ulam ko ngayon.

"Pwede pahingi". Kukuha na sana sya nang biglang..

"Wag sir". Inilayo ko sakanya ang baunan ko, napa-pout nalang sya habang nakatingin sa baunan ko. 
Ang cuteeeeeeeeee! Kung hawak ko lang ngayon ang phone ko ay pipicturan ko sya eh.

"A-ano kasi sir, nakakahiya kasi pinainit ko lang to kanina eh para maging ulam ko ngayon, ulam kasi namin to last night". Napatungo nalang ako dahil sa hiyang naramdaman ko.

Ngunit hindi ko inaasahan nang kumuha si sir ng ulam ko at kinain nya.

"Hindi mahalaga kung pinainit lang o bagong luto, ang mahalaga makakain pa". Kusa nalang akong napangiti dahil sa  sinabi nya.

I wonder kung naririnig ba nya ang malakas na pagtibok ng puso ko.

*********************

Sobrang naging busy na kami sa school dahil sa nalalapit na foundation day, kailangan bawat section ay may representative sa kantahan man o sayawan. which made me more sad dahil hindi ko na palaging nakikita si Sir Val, kahit sa lunch break ay hindi ko narin sya nakakasabay sa pagkain dahil nga sa sobrang busy.

Namimiss ko na sya. Sobra.

***********
"Guys ipapasa daw pala yung notebook natin kay Sir Val". Para bang nabuhay ang lahat ng dugo sa katawan ko nang marinig ang pangalan nya.

Hindi ko na tinignan pa ang notebook basta pinasa ko nalang ito sa president namin.

"Ms. President, pwede bang ako nalang ang magbigay ng mga notebook kay sir Val?". Naka-cross finger pa ako at tahimik na nagdadasal na sana pumayag sya.

"Hindi pwede, kailangan mong pumunta ngayon sa music club dahil ikaw ang napili naming kumanta para sa last day ng event".

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng president namin.


"Ano!?".

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro