#5 MSTMW?!
"magandang ga" hindi natuloy ang sasbaihin ni Mac ng makita niya ang bisita, ang ama ni Tala
"si Tala?" tanong neto
"ah ayun po tito nagseserve" sabay turo ni Mac kay Tala
"magandang gabi Ken :)" pagbati ni Mr. Sebastian dito
"magandang gabi din Mr. Sebastian :)" pagbati ng ama ni Tala dito
"balae nalang ang itawag mo saken total di magtatagal eh magsasama na rin ang mga bata hahahah!" sabi nito
"teka balae? magkakilala sila?" tanong ni Mac sa sarili , tiningnan niya si Tala pero busy pa to kasama ng ibang kasamahan nila sa pagbibigay ng mga pagkain sa mga bisita
"upo na muna tayo dun :" pag anyaya ni Mr.Sebastian kay Ken at sumunod naman si Ken at nagsimula na ngang magsalita si Mrs. Sebastian
"Goodevening to all our guests :) We are all very happy to see you tonight . I'm Mrs. Sebastian the mother of Winde at Wendy Sebastian :)" matapos ay tumayo ang dalawang anak upang samahan ang kanilang ina sa entablado
"ang party na ito ay hindi lang para sa pagbabalik ng anak naming si Wendy kundi pati na rin sa pagiging isang pamilya namin sa pamilya Andrada." panimula ng ina ni Winde, kaya naman napatigil ang lahat sa kani kanilang ginawa upang makinig sa mga sasabihin nito.
"Family Andrada is a very good friend of the Sebastians, that is why wala pa ang mga bata ay naipagkasundo na namin na anuman ang mangyari, sila at silang dalawa lang ang pwedeng magkatuluyan." sabi ni Mrs. Sebastian si Tala naman ay napahinto ng marinig ang apelyidong Andrada
"di lang naman siguro kami ang may apelyido nun diba?" siniko nito si Mac
"aheheh sis kasi " hindi na naman natapos ang sasabihin ni Mac dahil bigla nalang napunta sa kanila ang Ilaw . tulad ng mga bituin sa langit, si Tala lang ang nakikita ng mga tao.
"ako?" sabay turo ni Tala sa sarili
"Tala Andrada, the daughter of our very good friend Ken and Late friend Payie Andrada :)" matapos ay nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. gulong gulo naman si Tala sa Sitwasyon matapos ay nilapitan nito si Tala
"ija :)" matapos ay inabot nito ang kamay niya at sinama si Tala sa entablado
"it's the crab and corn girl right?" tanong ni Wendy sa kapatid
"stalker okay :) she's my stalker :)" sagot ni Winde sa kapatid
"ahm ano pano ba kasi po" hindi matuloy tuloy ni Tala ang mga gusto niyang sabihin. habang ang ama naman niya ay tumayo at napaluha kakapalakpak, nagulat ito ng makita ang ama niya dun sa venue di na siya makapagsalita dahil dire diretso ang pagsasalita ng ina ni Winde
"let's have a toast for the come back of my daugher and the union of Andrada ang Sebastian Family :))" matapos ay tinaas ng mga bisita ang kanilang mga baso at nagtoast para sa pagbabalik ni Wendy at pagpapakasal ni Tala at Winde, nakanganga si Mac at ang visor naman nila ay di makapaniwala sa mga nangyari. matapos ay bumaba na sila sa entablado
"I am very glad to meet you ija alam mo ba na matagal tagal na kita sinusundan :)" masayang sabi nito kay Tala at lumapit na rin si Ken
"kaya mo pala ako iniistalk ah ;)" pang aasar ni Winde
"teka magkakilala na kayo?" tanong ng ina ni Winde
"ah oo ma kasi tong si Ms. Stalker sinusundan na pala ko netong mga nakaraang araw." sabi naman ni Winde
"anong sinusundan tsaka di ko po kasi maintindihan , pano pong nangyari na ikakasal ako?" tanong ni Tala
"kasi anak ang mga sebastian ako at ang mommy mo ay magkakaibigan noon pa man kaya napagkasunduan na ikakasal ang magiging anak namin." pagpapaliwanag ni Ken
"pa bakit di ko alam to?" sabi ni Tala sa ama
"ah eh kasi anak minarapat ko ng itago na muna sayo para di ka mabigla" sabi ni Ken
"pa anong para di mabigla? eh ano ngayon sa lagay kong to mukha bang di ako mabibigla ?" inis na sabi ni Tala
"pasensya ka na anak kasi" hindi na natapos ang paliwanag ng ama ng umalis si Tala para umuwi na, sinundan naman si ni Winde
"ma i'll handle this :)" sabi nito, at supportive naman ang mga magulang ni Winde sa kanya
"naku pasenya na kayo sa anak ko ah, nabigla lang yun kakausapin ko :) " sabi ni ken
"okay lang I know your daughter is in shock :)" sabi naman ni Mr.Sebastian
"salamat sa pag iintindi ah :)" masayang sabi ni Ken
"naku wala yun Ken :) basta bukas ah mamamanhikan kami :)" pagpapaalala ng ina ni Winde
"always welcome kayo sa bahay :)" sabi ni Ken
"osige una nako ah salamat at pasensya ulit, maligayang pagbabalik nga pala sayo Wendy :" sabi nito matapos ay shinake hands si Wendy at umalis na para umuwi ng bahay
"ui Stalker~!" sigaw ni Winde
"Stalker!" hindi pa rin siya nililingon nito kaya naman inunahan niya na ito sa paglalakad
"ui!" hinila nito si Tala para humarap sa kanya
"isa pang Stalker mo tutumba ka diyan." sabi ni Tala kay Winde
"lagi ka nalang galit saken ganyan ka ba magpakita ng paghanga mo?" sabi ni Winde dito
"alam mo hindi ka lang mahangin , assuming ka pa." sabi nito kahit pano medyo huminahon na si Tala
"hahaha tamo to oh nasa denial stage ka pa pala, hays naiintindihan kita, alam mo di man ako makarelate sa kalagayan mo na yung taong gustong gusto mo eh saktong ikakasal pala sayo eh wag kang mag alala naiintindihan pa rin kita ah :) " matapos ay tinapik tapik nito si Tala sa balikat niya
"alam mo di ko alam kung san nangagaling ang hangin mo sa katawan kasi di maubos eh pero pwede ba tigilan mo muna ako ngayon ah , iwan mo muna ako." sabi nito seryoso na si Tala
"hay naku dinadamayan ka na nga ng isang Winde Sebastian ayaw pa, sabagay baka sobrang nahihiya ka pala saken noh sige hahatid nalang kita hanggang sa inyo." sabi ni Winde, hindi na sumagot si Tala dahil alam niyang madudugtungan na naman ang sasabihin ni Winde kapag ka sumagot siya at sa sandaling yun tutumba na talaga si Winde , sinabayan niya nalang ito sa paglakad pero nauna si Tala kasi iniisip ni Winde na baka nahihiya ang dalaga na maglakad kasama siya kasi pagtitinginan sila ng mga tao. at nakarating na nga si Tala sa bahay nila kaya naman umalis na rin si Winde nasa kwarto si Tala ng katukin siya ng ama nito.
"anak"
"pasok po pa." malungkot na sabi ni Tala
"anak gusto lang naman namin ng mama mo na pag dumating ka na sa tamang edad eh maging maganda ang buhay mo." pagpapaliwanag ng ama nito
"eh pa kaya ko naman eh , kaya kong buhayin tayong dalawa." sabi nito
"pero anak, kasi hiling saken ng mama mo na gawan ko ng paraan para magka happy ending ka." dagdag ng ama nito
"pero pa walang hapy ending "
"pero anak subukan mo muna isang buwan lang , subukan mong pakisamahan si Winde, pag wala talaga at hindi mo talaga gusto ako na mismo ang magsasabi sa mga Sebastian na wag ng ituloy ang kasal" pangako ng ama nito
"talaga pa?" bigla namang nagliwanag ang mata ni Tala
"oo anak pag wala talaga, pag alam kong nakakasama sayo." sabi ng ama nito
"pa naman nakakasama na saken yung lalaking yun ngayon palang napaka hangin kulang nalang magkakabag ako eh " sabi ni Tala
"hahaha anak malay mo diba :)" sabi ng ama nito
"naku ikaw pa boto ka agad ah." sabi ni Tala
"halata ba?"
"pa naman! ah basta gagawin ko lahat para di matuloy ang kasal" sabi pa ni Tala
"osige na anak ko matulog ka na ah alam ko napagod ka ngayong araw" pagpapaalala ng papa niya
"osige po pa goodnight po matulog na rin po kayo ha I love you po" matapos ay lumabas na ng kwarto ang ama nito
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro