Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8~ Friday Night


‘Jurius was a good person.’ Mairi feels safe with him. Pinagmamasdan niya ang mga kilos nito at wala naman siyang maramdaman na mayroon ito’ng hindi magandang balak sa kanya. She was observing him, thinking what his plan towards her dahil mukha’ng napapadalas ang pagkikita at pag-uusap nila at para  hindi awkward ay nagtanong ng nagtanong si Mairi tungkol sa kanya. A shallow question such us. Anong course niya, his favorite foods; ganoon lang na mga tanong, hindi nga ineexpect ni Mairi na makakatagal siya sa harapan nito at pinaunlakan niya pa ang pagyaya nitong sabayan siya ng lunch. Naubos nila ang sinigang na baboy at pritong bangus na sadyang inihain para sa dalawang tao. Jurius planned it probably.

"If you're done. Signed that papers but read it first." He commanded him.

"No need. Hindi ko na babasahin dahil ang importante ay mayroon akong scholarships. Kailangan ko na bumalik sa room. Mayroon kami recitation sa first subject." She explained while scanning the papers, she signed it then hurriedly go back to her classroom.

"Thank you for the lunch." She expressed her gratitude before she leaves.

Wala na rin naman nagawa si Jurius kundi pasadahan na lang ng tingin ang nagmamadaling dalaga sa harapan niya. Pagdating naman ni Mairi sa classroom nila ay kinulit siya ng kinulit ni Laarni kung anong ginawa nila sa dorm ni Jurius. Laarni was her classmate ngayong taon lang dahil last year parang hindi naman ito dito sa school nag-aaral or busy lang talaga si Mairi kaya hindi niya napapansin ang mga classmates niya.

"I signed my scholarship." She stated na nagpabilog na naman ng mata ni Laarni. Patalon-talon itong niyakap siya na parang ito pa ang mas masaya sa nangyayari sa kanya.

"Congratulations Riri.! You deserve it.." Laarni was excitedly greeted her. Laarni was a good person, mabilis nito nakuha ang loob ni Mairi. Masyadong matibay kumapit sa friendship kaya halos close na sila kahit ilang months pa lang sila magkakilala.

Mairi spend her day with a smile on her cheek because of scholarship. Mas lalo siya nagpupursige sa pag-aaral dahil dito. Hindi niya namalayan na uwian na nang hapon na iyon. Naglalakad siya pauwi sa bahay niya.

"Dito din ba ang way pauwi sa bahay n'yo.?." Mairi questioning her new friend dahil nakabuntot ito pauwi sa bahay niya. Hanggang 3pm lang ang classes nila kaya maaga silang pinauwi. Mairi plan to rest a single hour bago papasok sa trabaho pero napansin niya na hindi siya nilulubayan ng bagong kaibigan niya. Kanina pa siya nag-tatanong kay Laarni ngunit walang imik.

"I feel not good here. Bakit ka nakabuntot sa akin?." Mairi confront her again at the tenth times.

"I want to go with you." She smiled to Mairi while saying it. Kanina sa room ay mabilis pa sa alas kwartro na nakalabas ito sa gate, iniwan si Mairi sa room. 'Nakakapagtaka ang kinikilos ng babaeng ito'. Sa isip ni Mairi.

Then a few step ay nakarating na sila sa harapan ng bahay ni Mairi. It's an apartment. Nasa unang palapag lang siya. Pag-bukas ni Mairi ay nauna pa ang kaibigan niya na pumasok sa loob. Diritso sa loob at hinanap ang mesa sa kusina. Nilapag ang bag at binuksan ito. Kaya pala hirap na hirap ito kanina sa pagbitbit ng bag niya.

"What are you doing?." Ngayon lang napansin ni Mairi na punong-puno ang bag nitong dala-dala.

"Uhm let's celebrate!" Kinikilig pa'ng saad ni Laarni habang nilalabas ang dalawang soju mula sa bag, nilabas pa ang apat na yakult at dalawang malaking chitcherya.

"Celebrate of what?." Naku-curious na tanong ni Mairi.

"Your scholarship. You need to be proud of it, that's your achievements girl!." Mas excited pa talaga ang bagong kaibigan niya kesa sa kanya. Kaya pala parang kidlat kaninang lumabas ito sa gate dahil may binabalak gawin. Kahit siya hindi niya man lang naisip ang celebration dahil sobrang tipid siya sa araw-araw.

"Ayy. Iyon pala. Thank you pero hindi ka na dapat nag-abala eh. You want to eat a proper meal? Or noodles?." Alok naman ni Mairi dahil nahiya na siya sa kaibagan niya. Pero umiling-iling lang ito.

"Cold water is enough." Laarni's suggested while putting the two cheese burger in the small table.

"Grabe. Nagkasya pa yan sa bag mo, ang dami niyan ah." Sabay kunwari silip ni Mairi sa bag ni Laarni pero isinara agad ng huli kaya hindi nakita ni Mairi kung ano pa ang laman nito. "Maiwanan kita. Bibili ako ng yelo sa kapit-bahay. Feel yourself at home." Bilin pa ni Mairi na tumango-tango lang ang kaibigan. Paikot-ikot ang tingin sa mga gamit na naroon. Iiling-iling naman na labas si Mairi.

A few minutes passed. "Parang gusto ko na tumira sa ganitong bahay." Bungad ni Laarni kay Mairi ng makabalik ito, bitbit ang yelo at juice, diritso sa lababo at hinugasan ang pitsel saka sinalinan ng tubig at nagtimpla ng juice.

"This is a home pero hindi ko naman balak na dito na ako tumanda." Mairi's sighing. It's a sign of tiredness, stressing and difficulties in life but still she's dreaming and moving. "Hindi ka ba hahanapin sainyo?." She added and divert their topic. Ayaw niya maalala ang mga ala-ala na bumabalik sa kanyang isipan. Mayroon sana siyang bahay somewhere in Cavite pero ibenenta niya iyon noong mag-enroll siya ng first year college.

"Nope. Walang tao sa bahay. I'm fine, wherever I may go." Laarni's stated. A few minutes ago, they finished the burger, then binuksan na nila ang soju.

"Cheers to life!." Laarni was yelling. She's very lively kahit mag-gagabi na. Kwentuhan lang sila ng kung ano-anu, hindi nila namalayan ang oras. "Hala! Kailangan ko pumasok sa trabaho." Tili ni Mairi. Pagkasabi noon ay sabay sila nagligpit ng kalat. Kailangan ni Mairi pumasok dahil warning na siya. Palagi na lang siyang late at baka hindi na siya tanggapin sa trabaho na iyon. Galante pa naman magpasahod ang boss niya, kaya dapat hindi siya ma-late ulit. Ilang minuto pa ay sabay na sila ni Laarni lumabas ng bahay. Papunta ng trabaho si Mairi at pauwi naman ang kaibigan niya.

"H'wag ka na lang kaya pumasok. Baka mapaano ka eh. First time mo pala uminom my friend Mairi huh. Bait mo naman." She's praising her friend. Okay lang naman si Mairi kahit medyo nahihilo at makirot ang ulo. Kailangan niya pa rin magtrabaho para sa sarili niya.

"Go home na. Sakay na ako trysikel." Pagpapaalam ni Mairi sa kaibigan. "Thank you for today." Mairi's smiled then umalis na ang nasasakyan nito. Naiwanan si Laarni na naglalakad pabalik sa school. Maaga pa naman. Doon siya sasakay pauwi sa kanila.

Medyo hilo si Mairi ng makarating sa restobar na pinagtatrabahuhan niya. Lalo na ng pumasok siya sa loob mas lalo siya nahilo sa amoy ng alak at sigarilyo. Pati ang malilikot na ilaw ay hindi siya pinaligtas. Umiikot ang paningin niya.

"You're five minutes late, girl!." Tili sa tainga ni Mairi ng katrabaho niyang si Abygail. Nakangiti ito sa kanyan na may dalang trey. Nagsisimula na magtrabaho. "But you are lucky dahil busy naman si Boss, hindi ka niya mapapansin dahil may bisita siya. C'mon! Dalian mo na." Close niya ito si Abygail at minsan na rin itong nakapunta sa bahay niya.

Kailangan niya magmadali papunta sa counter para mag-in ng timecard, kakamadali niya nabunggo niya ang isang lalaki, yumuko na lang siya at humingi ng paumanhin kahit na hindi siya makatayo ng maayos. Nahihilo siya at kumikirot ang ulo pero iniinda niya lang. Mamaya iinom na lang siya ng gamot. Kailangan niya muna magtrabaho dahil maraming customer ngayong gabi. Friday night.

She open her eyes then blinking once, twice, her eyes squinted against the sunlight that streamed through the glass window. "Nasaan ako." Unang salitang namutawi sa bibig niya.

"Ano ba'ng ginagawa mo sa sarili mo?." Napalingon si Mairi ng may magsalita sa gilid ng higaan niya. Siya na naman. Pinaikot niya ang mata niya sa loob ng room. She's in the hospital, kaya pala may kumikirot sa kamay niya dahil may nakasaksak na dextrose.

"Nagpapakamatay ka ba?." Walang emosyong tanong pa ng lalaking nasa gilid niya. 'Bakit ba siya nandito?.' Sa isip ni Mairi. Hindi siya agad sumagot dahil inaalala niya kung paano siya humantong sa amoy gamot na kwartong ito. Nasa restobar siya ng gabing iyon. Ang huling naalala niya ay may dala siyang isang bucket ng beer at...

"Natapon ko ang beer! Hala siguradong galit ngayon ang boss ko. Kailangan ko bayaran 'yon." Napabangon si Mairi ng maalala ang lahat ngunit biglang nahilo siya kaya dahan-dahan ulit humiga. Nahihilo pa rin siya. Grabe naman ang soju na iyon na ininom nila ni Laarni. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang hang-over niya.

"Bayad na ang lahat." He dryly said while playing his finger nails.

"Ano? Bayad ang alin?." Nagpanic siya. Naisip ni Mairi na nakuha nila ang wallet niya at nakita nila ang alkansya sa bahay niya?. Kumikirot tuloy ang sentido ni Mairi sa isipan na iyon. Sigurado itinuro ni Laarni dahil nabanggit niya ito na may pinag-iipunan siya.

"Yes. Paid already. Hospital bills. Sa restobar." He confirmed.

''Pero savings ko 'yon. Bakit ninyo pinakialaman? Itinuro ba ni Laarni ang alkansiya ko?." Malungkot na may panghihinayang na tanong ni Mairi.

"What are you talking? I paid it from my credit card. Ano ba'ng pinagsasabi mo?."Mas lalo pa sumakit ang ulo ni Mairi. 'Nakakahiya. Ngayon paano ko siya babayaran'. Namomroblema na tuloy siya.

"Bakit ba kase ako nandito? Bakit ninyo ako dinala dito? Tapos private room pa 'to, kulang na kulang na nga ang pangtuition ko tapos kailangan ko pa mag-ipon para sa... uhh bakit kase dinala ninyo pa ako.. uh sandali. Sino ba kase ang nagdala sa akin dito?." Mahabang reklamo ni Mairi.

"What do you want?! Hahayaan kita na nakabulagta doon sa sahig ng night club na iyon?! Oo ako ang nagdala sayo dito. Do you think kaya kita baliwalain sa ganoong sitwasyon mo?." Jurius fiercely talking to her na para ba'ng may mali siyang nasabi. He is mad right now.

"Wala akong pambayad." Nahihiyang sabi ni Mairi.

"You are my responsibility. You are a member of my organization. So, shut up! I can handle everything." Bakit ba siya nagagalit, dahil ba sa ganoon ang asal ni Mairi or nahihiya siya na pabayaan niya ang isang member nila.

"Anong kapalit.?." She ask innocently. Tumagilid si Mairi paharap sa bintana at nag-iisip ko'ng paano niya mababayaran ang lalaking ito.

"Be with me! I-I mean. I will think about it. Magpagaling ka agad." Napataas ang kilay ni Mairi sa narinig. Ano ba pinagsasabi ng lalaking ito. She choose to zip her mouth para hindi maubos ang lakas niya. Alam niya na anemic siya dahil kakaunti lang ang tulog niya. Ilang ulit na ring nangyari ito pero sandali lang ay okay na siya. Pero bakit ba ang oa ng lalaking ito.

"Anyway. Bakit walang guardian na nakalagay sa school record mo. They need to contact your family." May kumurot sa puso ni Mairi. Wala. Dahil wala naman talaga siyang pamilya.

"I'm orphan." Nag-aalinlangan niyang sabi.

"That was cool!." Palatak ni Jurius.

"What?!." Hindi makapaniwala si Mairi sa narinig mula rito. Ang expected niya ay magsosorry ito sa kanya dahil sa nalaman na orphan siya at maaawa sa kanya pero hindi niya naisip na iyon ang maririnig niya.

"I said cool dahil walang magsasabi sa'yo kung anong dapat mo'ng gawin. Walang magagalit sa'yo kapag hindi mo nagawa ang gusto nila. No one dictates you on how you spend your life. No one stop you from being happy." Malungkot at medyo malalim ang nasa isip niya. Is he need a comfort.?

"It's not cool being alone. Malungkot. Nakakatakot. Masalimoot." Sabi ni Mairi.

"But I like being.. uhhh you don't have an idea. Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi mo mararanasan ang pakiramdam na madaming nag eexpect sa'yo, sobrang taas ng pangarap nila para sa'yo at ayaw mo na madissappoint sila. Tsk. Enough." He sigh deeply.

"Magpagaling ka agad-agad. I don't want to see you spending your time here. Relaxing." Walang emosyong sabi ni Jurius. May pagkamasama din pala ang ugali niya. Tiim-bagang si Mairi habang nagmamaktol sa sinabi ng lalaki.

Z

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro