Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21 ~Past, hunt us~



They spent the night together, they coloured the lonely house in every corner, they’re creating best sweet memories in every part of Zeljko’s house. They want to spent quality time together, they cherish and savour every moments.

“Grabe, you are worth to wait, baby. I’m so lucky that I met you in this journey of my lonely era.” Zeljko praising her and touching her face while Mairi on his lap.

“I’m also lucky, right?” She asked.

“Yes, hindi ako lilingon sa iba. Ikaw lang sapat na.” He kiss her forehead at hinahaplos pa ang wavy nitong buhok.

“You still want me kahit pa mayroon ako’ng dark past?.” Nahihiya at nag-aalinlangan na tanong ni Mairi kay Zeljko.

“Oo naman. Everything about you isn’t important to me. I love you and I don’t care that past of yours. So, are you ready to open up? That’s not important anyway pero gusto ko pa rin sabihin mo sa akin para mabawasan ang bigat na nararamdaman mo, kung ano man ’yan.” Zeljko trying to make her calm. Ramdam niya kase na mayroon pa’ng bigat na nararamdaman ang dalaga.

Humugot ng malalim na hangin si Mairi at tumahimik ng ilang segundo. Nag-iipon ng lakas ng loob at sinabi, “When I was a kid. Someone molested me,” pumipiyok pa siya. Tahimik lang din si Zeljko, gusto niya’ng makinig lang muna.

“He's trying to abuse me because my father let him. Both of them are under influence of drugs.” Tahimik si Zeljko pero nakakaramdam siya ng awa sa child version ni Mairi. Ibang-iba siya sa una at pangalawang pagtatagpo nila. He thoughts talagang brave and strong siya pero may dahilan pala ang lahat kaya naging strong ang personality niya tingnan kung hindi mo pa siya lubusang kilala.

“I was a baby back then, wala ako halos maala pero napapanaginipan ko yan ng paulit-ulit. Nasa kwarto na tinutulugan ko ang kaibigan ng papa ko. He’s undressing me pero buti na lang tinawag siya ng asawa niya na galit na galit,” She froze.

“Nagmura pa siya dahil hindi naituloy ang balak sa akin, mabilis niya’ng nilisan ang kwarto ko. After he left, I lock my door almost 24 hours dahil takot din ako sa papa ko na wala na sa katinuan. He is evil, they are evils,” Namamasa ang mga mata ng dalaga at umalis sa pagkakahiga sa mga legs ni Zeljko, umupo ng tuwid.

“But it happen not only once. Hindi ko lang matandaan kung alin ba ang unang nangyari. Basta naalala ko lang ang ilang senaryo. That friend of my father knock in our maindoor at nagtatanong kung nasaan si papa, I told him na wala pero tumuloy pa rin siya. I remember na binigyan niya ako ng chocolates at kinalong ako then I feel he's kissing my nape tapos may bigla na lang tumawag na bata. Tinawag siya’ng papa, kaya umalis din siya agad.” Saysay ni Mairi.

Nang-iinit ang mukha ni Zeljko at naninigas ang buong katawan. ‘No. Impossible.’ Bulong ng isip niya. Mairi’s story was like a deja vu. He also remember a little girl na kalong ng papa niya pero para’ng magkaiba naman because his dad isn’t a drug user.

“Where you from,” Zeljko suddenly ask her.

“I’m an orphan. Right” Mairi recalled him.

“Alam ko. Your birthplace? Kung mayroon? A house. Sabi mo dati na natagpuan ka nila Sister sa isang bahay na mag-isa ka.”

“Ah. Yes. Imus din.” Nanlumo na ng tuluyan si Zeljko dahil talagang possible na siya ang batang iyon. Pero sobrang lawak ng Cavite, positive pa rin siya mag-isip. ‘Impossible na siya iyon’. Hindi makatingin ng diritso si Zeljko sa dalaga. Nang-iinit ang mata niya at tumatahip ang dibdib. Hindi naman si Mairi nagreact nang bumaba sila sa sasakyan eh. Syempre matatandaan niya pa rin ang bahay kung saan siya nakatira.

“Shhh, enough. Kahit ano pa yan. Hinding-hindi ako mawawala saiyo.” Zeljko embrace her tight. They decide na umakyat na sa kwarto para matulog dahil maaga sila’ng uuwi. Zeljko promise to go with her in restobar where she’s working to negotiate her boss dahil kagabi pa ito tumatawag kay Mairi pero hindi na lang nila sinagot at kahit pa si Laarni ay madami na ring chat kay Mairi pero hinayaan niya lang ang kaibigan. Malalaman at malalaman rin naman nila ang tungkol sa boyfriend niya.


“Let’s go home, baby. I’ll take some clothes dahil gusto kita’ng samahan sa bahay mo.” Zeljko convince her na samahan siya sa bahay niya at kagabi pa ito nagsimulang dramahan siya para lang pumayag siya sa gusto nito.

“Oo na, wala na ako’ng magagawa eh nand’yan ka na.” Pagbibiro ni Mairi. Nagtawanan pa sila. They are so happy while walking outside until Zeljko closed the door. Magkahawak sila’ng kamay palabas ng terrace hanggang sa gate.

“This is going to be the best day ever again.” Palatak ni Zeljko na hinalikan pa ang mga kamay ni Mairi, kilig na kilig naman ang dalaga.

“Promise me, sa akin ka lang.” Zeljko added pero sa isang banda ng isip niya ay naiisip si Jurius ang kapatid niya na sigurado’ng masasaktan iyon kapag nalaman na sila na ni Mairi. Pero wala na siya’ng magagawa dahil tadhana na ang gumawa ng dahilan para nagkasama sila. Hindi niya na lang muna sasabihin ang tungkol sa kanila. Total hindi naman sila nagkikita lagi ng kapatid niya.

“I promise.” She replied.

“I love you, baby.” He suddenly grab her ang hug tightly before he open the gates.

“I love you too, Love. Ginagawa mo? Sabay tayo’ng uuwi ah.” She hug him too. Mairi was so happy na noon niya lang naramdaman ang ganoong pakiramdam. She's with someone who always taking care and comfort her. She’s so lucky to met someone like this man.

“Tara na, maglilinis pa ako sa bahay.” At binuksan na ni Zeljko ang gate at inalalayang lumabas si Mairi saka isinara ulit ang gate. He open his car at inilagay ang sports bag niya’ng dala.

The moment she step in Zeljko house was like a nightmare. Hindi niya lang masigurado kung tama ang kutob niya, but now that she’s going home. Pagkalabas niya lang nang malaking gate ay pinukaw siya ng iba't-ibang pakiramdam mula sa nakaraan. She saw her house in front of Zeljko’s mansion. Her head was about to burst, nasusuka siya at nahihilo. She’s about to vomit all the food and even the happy memories that happens few hours ago.

“B-bakit a-ako nandito sa---” She uttered na ikinalingon ni Zeljko habang inaayos ang dala sa backseat ng sasakyan.

“Baby, what’s happening??” Nanlulumo ang tuhod ni Mairi habang dahan-dahang naglulugmok siya sa lupa, nakatitig sa maliit na bahay sa harapan niya. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Zeljko, possible ba talaga? Na siya ang batang iyon at ang tinutukoy ni Mairi ay ang ama niya?

“B-baby?? Ano ba’ng nangyayari sa’yo? Kinakabahan na ako, magsalita ka naman.” May pag-aalala sa boses ng binata na hindi na rin mapakali. Inalalayan niya si Mairi na tumayo ngunit hindi ito gumagalaw, malungkot na malungkot ang mga mata habang may tumutulong luha na sobrang pait galing sa nakaraan.  Tahimik lang siya pero mararamdaman mo na kakaiba’ng paghihinagpis ang nakabalot sa kanya dahil halos hindi mapugto ang mga luhang dumadaloy mula sa kanya’ng mga mata. Confirmed. Dumating na ang kinakatakutan ni Zeljko. Her father molested her. Ang ama niya ang tinutukoy ni Mairi. Nakakapanghina nang loob.

“Baby, okay ka lang ba? Ano ba’ng mayroon sa bahay na ’yan dahil ganyan ka na lang kung makatitig? Can you tell me what happen?” Zeljko’s embracing her habang nakaluhod sa lupa si Mairi. Kunwari wala pa siya’ng alam sa nangyayari. Niyakap niya ito ng mahigpit para iparamdam na hindi na siya nag-iisa sa mundo at doon na napahikbi si Mairi.

“Bakit hindi ko man lang napansin ito kahapon pag-dating natin? Bakit hindi man lang ako lumingon bago pumasok sa bahay mo? Bakit hindi ko naisip na possibling kapit-bahay ng mansion mo ang bahay namin??.” Masyadong tahimik na sa lugar na iyon kaya hindi niya inakala na pweding mangayri ang nakikita niya ngayon.

“Bahay mo yan? Pero paano? Teka, are you sure na bahay mo yan?! Baka nagkakamali ka lang, Baby..” Ayaw maniwala si Zeljko sa naririnig mula sa dalaga. Hindi. Ayaw niya talaga’ng maniwala dahil matagal nang naglaho ang nakatira sa bahay na ito. He saw Mairi trying to rummage her handy bag. Kinuha ang lumang wallet na may susi na nakakabit.

“Buksan mo ang pinto gamit ang susi’ng ito. Ilang beses ko binisita ang bahay na yan kasama ko si Sister Angelica because that’s my house.” Gusto man ni Zeljko patunayan ang sinasabi ni Mairi ngunit napagpasyahan niya na lang lisanin na muna ang lugar na iyon. Mairi was not okay. He can see it barely. He wants to escape this place as soon as possible.

“Let’s go home.” He ordered. Inalalayan niya ang dalaga na sumakay sa shut-gun seat, ikinabit niya ang seatbelt ng dalaga at isinara ang pinto, saka umikot papunta sa upuan niya. He don’t want to talk dahil baka mas lalo lang magbreakdown si Mairi. Kasalanan niya ang lahat. Sana hindi niya dinala si Mairi sa lugar na ito. He heard her sob. Mahihina’ng mga hikbi ang kumakawala sa dibdib nito habang nakapikit ang mata. Mairi close her eyes and want to leave that place unseen.

Alam niya na ayaw na ayaw pag-usapan ni Mairi ang nakaraan niya, so he shut-up his mouth kahit kanina pa siya may gusto’ng iklaro dito.

“You-- you’re a teens boy who offered me food?” Walang emosyon na tanong ni Mairi kay Zeljko. Hindi agad sumagot si Zeljko, nag-isip.

“I don’t know. I’m not sure.” He safely replied. Ayaw niyang wasakin ang lahat na sinisimulan nila. Hanggat maari ay itatago niya na totoo rin ang hinala ni Mairi.

“Okay,” Mairi sighed.


**Young Zeljko POV

“Where is your dad?.” Tanong ni Mommy sa akin pagkadating niya mula trabaho.

“Sa kapit-bahay po.” I answered short.

“Again? Nakikipag-inuman?! Anh sarap ng buhay nang ama mo talaga Tawagin mo at pauwiin!.” Galit na sigaw ni Mommy. I know my Mom was so stress kaya hinayaan ko na lang siya’ng magalit at lumabas ako ng bahay para sunduin si Daddy.

But when I entered our kapit-bahay house nakita ko si Papa na may kalong na batang babae. Naawa ako sa kanya sa oras na iyon dahil minsan ko na rin narinig na gusto ni Papa ng anak na babae pero ayaw na ni mommy. Siguro iyon ang dahilan kaya nag-aaway palagi sila ni mommy.

“Mom, saan tayo pupunta? Bakit naka-impake tayo?”  Nadatnan ko si Mommy sa sala na nakaupo, hinihintay ang pagdating ko galing sa school. Tamang-tama naman dahil pababa na si Daddy mula sa itaas na kwarto. I thought we're having a vacation somewhere like we always do.

“Hindi ka kasama sa aalis, ako lang ang aalis Zeljko. Hinintay kita para magpaalam.” An eight year old me was shocked. Iiwanan ako ng mama ko? Aalis siya ng hindi ako kasama? Bakit? Ayaw niya sa akin? Iyan ang mga nasa isip ko ng panahon na iyon.

I’m a mama's boy kaya hindi ko kakayanin na bigla niya na lang akong iiwan sa ere. “You stay with your stupid dad. Hindi kita kayang pag-aralin ng mag-isa. Kayang ibigay lahat ng gusto mo ng daddy mo. You must stay with him.” Matigas na sambit ni Mommy na dahilan ng pag-iyak ko. I want to embrace her pero nakaramdam ako ng galit sa kanya ng mga panahon na iyon. Hindi niya ako kayang buhayin? Aalis siyang hindi ako kasama. Isa lang ang tumatak sa isip ko. Hindi niya ako mahal. Nagkukumahog ako’ng umakyat sa kwarto ko at pabalibag na isinara ang pinto.

That day was the worst moment in my life na halos ayoko nang maalala. Gusto ko’ng burahin sa ala-ala ko ang babaeng nang-iwan sa akin sa malaking bahay na iyon. She is the worst mother in the whole world. Iyan ang pumasok sa isip ko that time. Hindi ko alam ang nangyayari sa kanila ni daddy pero aware ako na nag-aaway sila halos araw-araw dahil palagi si daddy naglalasing.

**

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro