Chapter 11 ~ Be contented of what we have
Three months had passed. Behave si Mairi sa school, kailangan niya'ng umiwas sa gulo dahil mapapahamak lang siya kapag hinayaan niya ang sarili niya na ilabas kung ano'ng kaya niyang gawin. She need to be patient for the sake of scholarship. At hindi na rin siya pumunta mag-isa sa private building kung saan nakatira si Jurius dahil alam ni Mairi na may nagmamasid sa kanya. Hindi lang siya sigurado kung sino.
Nakakapunta siya doon kapag may meeting ang council dahil doon ang venue and she's with Laarni always. "Mairi Stay." Jurius attempt to make a move again pero palagi siya tinatanggihan ni Mairi; marami siyang alibi ko'ng bakit hindi siya pwedi magpaiwan sa building. Wala'ng magawa si Jurius kundi ang tingnan na lang si Mairi palabas ng pinto. She's aloof again.
Lumipas din ang mga buwan na walang Zeljko Morris na nagpaparamdam kay Mairi. Maybe that cases was already closed kaya hindi na siya iniistorbo nito, pero umaasa pa rin ang dalaga na magparamdam sa kanya. Pinilig ni Mairi ang ulo niya para iwaglit ang iniisip. Hindi naman sa namimiss niya ito, bigla na lang kase na hindi nagparamdam. Sana man lang nagpaalam sa kanya kahit wala naman siyang karapatan na magtampo.
"Tulala ka na naman. Tara na. Lunch break na." Hindi napansin ni Mairi na nakatayo na sa harapan niya ang kaibigan. "Okay ka lang ba?." Dagdag tanong pa ni Laarni.
"Yes. I'm okay. Stress lang sa acads." Matamlay na sagot niya.
"Is there something bothering you? Lately hindi ka okay eh." Pag-aalala pa ulit ng kaibigan niya. Kilala na talaga siya nito, sa araw-araw ba naman na kasama siya lagi eh. Sobrang nagiging close sila, Laarni was a sweet friend na kahit sa bahay nito ay hindi matanggihan ni Mairi na hindi sumama. Ilang beses na siya pumunta sa bahay ni Laarni dahil kinukulit siya nito na doon matulog.
"Riri! Tagaytay tayo bukas." Laarni trying to divert the mood again. Nasa canteen sila ng mga oras na iyon. Lunch break.
"Maglalaba ako bukas eh. Remember? Saturday." Simpling pagtanggi ni Mairi sa kaibigan pero alam naman niya na wala siya'ng magagawa kapag nag-insist ito. She's kind and sweet kaya minsan namamalayan na lang ni mairi na nakasakay na siya sa sasakyan nito.
"And Friday ngayon. Maraming customer sa restobar. Baka umagahin na naman ako ng uwi eh." Another reason. At minsan niya na ito'ng ginawang dahilan para hindi siya makasama sa gala pero hinintay siya ni Laarni sa restobar hanggang mag-uwian. Doon na rin siya nakitulog sa bahay ni Mairi para sigurado na makakasama ito kinabukasan.
"I'm going with you. Tutulong ako ulit magserve ng drinks para payagan ka umuwi ni boss." Sabi na nga ba eh talagang gagawa ito ng paraan para makasama lang siya.
"Fine. H'wag ka na pumunta sa bar. I’ll go with you. Sunduin mo na lang ako bukas ng umaga." Bulalas ni Mairi na hindi makapaniwala sa kaibigan at tanging ngiti lang ang sagot nito sa kanya.
"Ano ba kase gagawin mo sa Tagaytay. Lamig doon eh. Magsasayang ka lang ng gasolina." Mairi in her masinop na attitude pero hindi naman nahahawaan ang kaibigan niya dahil lumaki ito sa karangyaan. She don't even understand kung bakit siya ang pinili ni Laarni na maging kaibigan, hindi ang mga kaklase nila na ubod ng sosyal at yaman.
"Take a break naman. Fresh air do'n let's escape in this toxic city. Tsaka minsan lang naman 'to friend. Pagbigyan mo na ako. Wala naman ako pweding yayaing iba eh." Nagpapaawa pa.
"Maghanap ka na kase ng jowa mo." Mairi's suggested pero inismiran lang siya ng kaibigan.
"Ikaw muna maghanap. I don't want you to be alone again." Laarni said with sweet smile. "And I don't even dream of love until I become a girl like you." She added.
"What do you mean?." Mairi was curious. Ano pa ba ang wala kay Laarni na nasa kanya? Oh my God. She has everything. 'Mairi thinks.'
"You are responsible and very dependent. That. Sometimes I feel envied because you are contented of what you had." Mairi can't believe of what she heard from her. Isn't it possible that a rich kid feels that way? Mairi encountered a lot of person who's struggling like her at gusto nila ay yumaman pero si Laarni ay naiinggit ko'ng ano'ng mayro'n siya. That was surprising.
"Kakaiba ka talaga." Tanging nasambit ni Mairi habang patayo ito sa kinauupuan. Tapos na sila kumain ng lunch, sumunod na rin si Laarni pero tuloy lang ang usapan nila.
"Really? Hmmn. Basta bago man ako maghanap ng jowa. Ikaw muna okay? It's a deal." Laarni says while making a pinky swear. 'What a kid.' Natatawa tuloy si Mairi.
"Kakayanin ko pa ba magjowa? Wala na nga ako'ng oras para sa sarili ko eh." Mairi with deep sighed. Kahit minsan hindi niya talaga maisip na tumanggap ng manliligaw dahil hindi siya maaring magpetics sa buhay. She's alone and struggling, sakit lang ng ulo. Tapos naiinggit lang sa kanya ang kaibigan niya.
"Yes. Indeed. There's no need to rush, let's enjoy our youth and little happiness is enough." Laarni in her simple lifestyle. "But give your heart a little bit of a break so that your hectic life can enjoy a little while." Her friend added and it made Mairi smile. Gagawin talaga ang lahat eh, pumayag lang siya'ng sumama saga gala nito. Pero nahahalata rin minsan ni Mairi na ginagawa ito ng kaibigan niya para sa kanya. Laarni wants to give her a break from harsh reality she'd in.
"Sa tuwing may mga wisdom words ka naalala ko tuloy si Sister Angelica. She always said na I need to enjoy life. Doon kase sa orphanage, I choose to be alone kase ayoko ma'reject kapag nakikipaglaro ako sa ibang mga bata." She froze.
"She always said that, 'what is really frightening is not living to the fullest. So, go on, move forward, learned and focus to what you love to do. Embrace what you have right now because we can't predict about tomorrows." Mairi's remembered the whole sentence.
"She's great." Laarni praised Sister Angelica.
"This is me now today. It's all because of her. I became brave and never regretting all decisions I have made. At ngayon, I thank you for giving me a chance to experience of what normal young people do." It's Mairi.
"What?! You're not normal?!." Napataas ang boses ni Laarni sa pagkakasabi noon. Nahiya tuloy si Mairi sa mga nakasalubong nila. Sabay naman pinakawalan ni Laarni ang nakakalokang halakhak niya.
"Good. That's an attitude." Laarni in serious tone. "Let's enjoy." Her friend added.
"Yes. I'm enjoying albeit complicated."
"Ano ba yan. May dagdag pa sa hulihan eh. Be happy lang. Okay. Nandito lang naman ako parati e’. For you girl." Saad ni Laarni.
"And I'm here too." Isang matamlay na boses ang nagpahinto sa kanila. Sa tapat sila ng science lab. Nakatayo doon si Jurius na halatang hinihintay ang pagdaan nila.
"Nakakagulat ka Jiu!." Si Laarni ang nagbasag ng katahimikan dahil wala sa dalawa ang nais na magsalita. "And what did you say? You here for what?." Laarni's added at nakakalokang ngiti ang ibinigay niya kay Jurius.
"I'm here in science lab." Jurius diverted the topic.
"Hay naku. Tagal mo Laarni. Kanina pa kita hinihintay eh." Isang lalaki namang makulit ang bigla-bigla na lang sumusulpot at inakbayan pa si Laarni para igiya palayo sa lugar na iyon. Kairi helps her bestfriend again. Jurius wants to be alone with Mairi. Obviously because he likes her.
"Please come in." Nakikiusap ang boses ni Jurius. Hindi naman ito kagaya ng ibang napapanood ni Mairi na hahatakin siya papasok sa room at isasara ang pinto. Jurius was a gentleman and freaking serious, hindi naman tumanggi ang dalaga. Pumasok si Mairi at sumunod kay Jurius papunta sa sulok ng lab. Lunch break pa naman kaya wala pa'ng estudyante ang gagamit ng science lab.
"There is something wrong? I mean. Did I-- Bakit mo ako iniiwasan Mairi? May nagawa ba ako'ng mali or hindi mo gusto?." Jurius stammer at first pero nilakasan niya na ang loob para magtanong.
Mairi never say a single word. She don't know how to answer him because she likes everything about him. She likes his personality kaya lang masyado malayo ang agwat nila at nanliliit siya kapag kasama si Jurius. Nahihiya rin siya dahil madami na itong naitulong para sa kanya, para sa pag-aaral niya. She wants to avoid him dahil hindi niya alam kung paano masusuklian ang kabutihan nito.
"Gusto ko malaman. Para hindi ko na ulitin." He pleaded.
Seriously this young man seems quite popular pero kay Mairi pala ang atensyon nakatuon. Mairi thinks her best way and simple words para maintindihan siya ni Jurius. Pero ano nga ba? Paano niya sasabihin na wala naman ito'ng nagawang mali sa kanya perhaps nagustuhan niya lahat ng ginawa ni Jurius para sa kanya.
"Please?." Hala. Seryuso talaga ang gwapo'ng lalaking ito. Hindi napapatid ang mga titig ni Jurius sa kanya. He's making her nervous.
"Gusto lang naman kita alagaan that time eh. Sa hospital. Sorry kung napasobra na ako. I just want to make sure na magiging okay ka lang dahil nag-aalala ako." He froze. His doubting if he'll continue or stop dahil hindi umiimik si Mairi, nakayuko lang ito habang binibilang ang alikabok sa tiles.
"I don't understand my self either. I'm sorry. Maybe because I like you." He added na halos manghina naman ang tuhod ni Mairi. He's confessing. Mas lalo tuloy siyang napayuko. Nakasandig si Mairi sa pader habang si Jurius ay nasa katabi ng malaking mesa ng lab kaharap ni Mairi.
"I'm here to study. To pursue my dreams." She shortly says.
"Of course you are. And I'll never interfere your studies. Hindi ko hinahadlangan ang pangarap mo." Mahinang sagot ni Jurius. "Besides I want to help you reaching your dreams. I'm willing to give you everything. You deserve it." Dagdag pa ni Jurius na naging dahilan kaya umayos ng tayo si Mairi at sinalubong ang mga titig sa kanya ni Jurius. Pero imbes na magalit at mainis sa tinuran ng binata ay nakita niya ang sincerity sa mga mata nito kaya nanlambot ang puso niya.
"Don't treat me like a queen." She's about to cry dahil ramdam niya na kaya nitong wasakin ang paghihirap niya pero hindi niya kayang lunukin ang pride niya at mawalan ng respito sa sarili. Kahit minsan ay hindi naisip ni Mairi na kumapit sa patalim, though hindi naman iyon ang ibig ipahiwatig ni Jurius. He likes her and he'll do everything to make her happy.
"Please allow me." He pleaded again.
"No. Hindi ganyan ang gusto ko'ng proseso para makuha ko ang mga bagay na gusto ko. I want to choose a longest way, I want to suffer a bit, I want to stand on my own feet. A safest way to reach my own fate, to reach the zenith that belongs to me." She disagree his suggestions.
"Wala ako'ng hinihingi na kapalit. Just.." He reasoned but she him from talking.
"No. I don't want to live like a princess. Because I was afraid that I might not able to handle it. Because my favorite person in orphanage told me a thousand times before. She said: 'Once you have taste it. You desire it at all costs." Mahabang saysay ni Mairi saka nagpaalam kay Jurius.
Pero bago si Mairi nakarating sa may pintuan ay hinabol siya ni Jurius at hindi nagdalawang beses na hinatak ang dalaga pabalik sa kanya niyakap siya nito ng mahigpit. Gulat man si Mairi ngunit nagpaubaya na lang siya. Naiintindihan niya naman kahit paano ang nararamdaman ni Jurius. A hug is enough to lessen his heart, atleast.
Z
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro