Chapter Two
~~♥~~
YANA'S POV...
"V." Tawag ko. Agad na lumayo sa akin si Suga at pasimpleng-umubo habang tinatakpan pa ang bunganga niya. Nagkunot naman ang noo ko. Adik.
"May allergy pala ako sa panget." Sabi nito at umalis na ng kusina. Nilagpasan niya lang si V na parang walang nangyari. Sinundan naman siya ng tingin ni V.
"Maka-pangit naman 'yun, kala mo kung sinong matangkad! Siya din lang naman yung ika-walong dwende ni Snow White!" Sigaw ko. Syempre malakas para marinig niya! Akala niya hah!
Lumapit sa akin si V, "Anong nangyari kanina?" Tanong niya na parang isang tatay na ready nang manermon ng anak.
"Ano pa bang pwede naming gawin maliban sa pagaaway?" Sarkastikong sagot ko. Iniripan niya naman ako dahil sa pagkapilosopo ko.
"May nagaaway bang parang maghahalikan?" Tanong niya niya sa akin at tinignan pa ako ng diretso.
Ito na nga bang sinasabi ko e. Ayoko talaga pag galit si V. Titigan na ako ng lahat, wag lang ang nagagalit na mata ni Kim Taehyung.
"Maghahalikan?! Kadiri." Yun lang ang tangi kong sinagot. Nagkunot naman ang noo niya.
Bago pa niya ako pag-dudahan ulit, inabot ko nalang sa kanya yung sachet ng juice.
"Magtimpla ka na nga lang. Kung anu-ano iniisip mo e." Sabi ko at hindi na ito nagreklamo.
Pagkatapos naming maghanda ng pagkain, lumabas na kami ni V sa kusina.
"Heto na po mga mahal na hari." Sabi ko at sinapian na naman sila ng epiritu ng kagutuman. Kailan pa sila nabusog?
"Wala ba kayong schedule bukas? Kung makatambay kayo dito parang wala kayong trabaho bukas." Sabi ko habang naglalagay ng juice sa mga baso nila.
"Meron. May pictorial kami para sa PUMA bukas. Tapos may fansign event kami ulit." Sagot ni Jimin habang naglalagay ng popcorn sa kamay niya.
Kukuha sana ng popcorn si V sa kamay ni Jimin nang biglang pinalo ni Jimin yung kamay ni V. Napa-'aray' naman si V.
"Ikaw, wala ka bang gagawin bukas? Kung wala, sama ka nalang ulit samin." Pamimilit ni JHope. Napabuntong hiningan naman ako.
"Tignan ko muna. Baka kasi di ako payagan ni Tita mag-day off. Lalo na't di pa nakakabalik yung manager namin dun sa resto." Sagot ko. Tumango-tango si JHope.
"'Wag ka nang pumunta. Ayokong magpanggap na naaliw ako sayo." Sagot ni Suga. Napatingin ako sakanya at inirapan.
Nag fake smile naman ako sa kanya. "Huwag kang mag-alala, the feeling is mutual." Sagot ko. Nag smirk lang siya na parang naiinis.
"Nagsisimula na naman yung dalawa." Walang pake-alam na sabat ni Jin. Matagal nang nagretire yan bilang referee namin.
Sumalampak nalang ako sa sahig dahil naconsume na ng mga ugok yung buong space ng sofa.
"Ang boring ng pinapanood niyo." Sabi ko habang pinapanood ang mga lalaking nagaagawan ng bola sa TV.
Inagaw ko yung remote kay Jin oppa pero agad niyang iniwasan ang kamay ko.
"TV mo?" Matalim na tinignan ko si Jin oppa. Napabuntong hininga nalang siya at inabot sa akin yung remote.
Nagpindot nalang ako ng random number ng channel at biglang nagpakita yung Mnet channel na finifeature yung comeback stage ng BLACKPINK.
Natahimik bigla yung mga lalaki sa likod ko. I pursed my lips dahil sa sobrang kabobohan ko.
Napatingin naman ako kay Suga at nakita kong nakatingin na sa kanya sina Jungkook, Rm, Jimin, at JHope. Nakatingin lang ng diretso si Suga sa screen. Nakikisayaw naman si V at Jin oppa sa kanta na parang walang pake.
Mga alien.
"Nagbago na isip ko, gusto ko manood ng horror." Palusot ko. Agad kong pinindot yung channel na puro horror ang panood.
"Mas nakakatakot pa yung pinindot mong channel kanina. Pwedeng pumatay ng tao." Sagot ni Suga at natigilan kaming lahat.
Halla! Baka patayin na niya ako!
[A/N: Don't get me wrong guys! I stan Blackpink! Certified Blink po ako, i swear!]
Matapos ang ilang oras na pagbe-babysit ko sa kanila, umuwi na rin sila sa dorm nila dahil sinumbong ko na sila sa Manager nila. Ayaw kasi umuwi e.
Bigla namang nag-ring ang phone ko.
BTS Stylist eonnie
calling...
"Eonnie? Napatawag ka." Sagot ko.
"Pupunta ka ba sa fansign nila bukas?" Tanong niya. Tinignan ko yung wrist watch ko para icheck yung time at 9:58pm na. So far, wala pa namang text si Tita kung ako ulit yung magmamanage sa resto.
"Pa-reserve nalang ng ticket, eonnie." Sagot ko. "Sige." Sagot niya agad at pinutol na yung linya.
Actually, muntik na din ako naging staff ng BigHit e. Kaso pang-janitor nga lang. Eh pano, di naman ako marunong magmake-up. Wala akong alam sa mga ganon. Kung producer, wala akong masyadong passion sa music.
Napabuntong hininga nalang ako habang tinitignan yung iniwang mga kalat ng mga ungas na 'yon. Pano nalang pag lasing yung mga 'yon?
Biglang nag-flashback sa utak ko yung mga nangyari nung uminom sila out of fun. Yun yung araw na sobrang pinagsisisihan ko kung bakit pa ako naging kaibigan ng mga 'yon. Isipin mo, si RAP Monster, rapper! Pero pag lasing kumakanta! Akala ko malala na 'yon. Pero nang makita ko dati si V na susumuka sa sofa habang kinakanta yung Euphoria ni Jungkook! Kung pwede lang sana magresign bilang kaibigan nila dati, ginawa ko na.
TAEHYUNG'S POV...
Pagkatapos na pagkatapos ng PUMA printshoot, dumiretso na kaming lahat sa venue kung saan magaganap yung fansign.
Habang inaayusan ako ni Stylist noona naisipan kong tanungin siya. "Noona, nandito na ba si Yana?" Tanong ko.
Binitawan naman ni Stylist noona yung kwelyo ko at kinuha yung cellphone niya.
"Sabi niya on the way na daw siya." Sagot niya. Tumango nalang ako.
Matapos ang ilang oras na pagpapalit, tinawag na kami ng staff para lumabas. Nasa likod kami ng panel nang tapikin ko si Stylist noona na parang may ka-text sa phone niya.
"Noona, dumating na ba si Yana?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa siya on the way." Sagot sa akin ni noona. Bigla nalang akong kinabahan na nagaalala.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, "Dadating siya." Pagsisigurado ni RM hyung.
Nginitian ko nalang siya at lumabas na kami para kilalanin yung mga Armys.
Matapos ang madaming introductions, nagsi-upo na kami at nagsimula na ang fansigning. Pang apat akong pipirma at pumasok na ang unang army.
Tinitigan ko yung babae pero wala siyang anggulo na mukha ni Yana. Napatingin ako sa mga sumunod na fan pero hindi ko mahagilap ang anyo niya.
Hinatak ko ulit si Stylist noona na nakatayo sa gilid ko. "Noona, wala pa ba siya?" Bulong ko sa kanya.
Umiling iling lang siya na parang nagaalala na din. Napatingin naman sa akin si JHope hyung na parang nagaalala.
"Oppa! Omg!" Nilapag nung fan yung album namin at mga photo cards sa harap ko. Nginitian ko naman siya ng pinakamagandang ngiting alam ko.
Anim na fan na ang lumagpas sa akin pero di ko parin makita si Yana. Napatingin ako kay Stylist noona at napatingin din siya sa akin. Nginitian niya ako at tinuro yung entrance door gamit yung nguso niya.
Nagkunot ang noo ko at napatingin sa entrance door. Nakasara lang naman ito.
"Oppa, annyeonghaseyo. I stan you so much. Here." Inabot ng fan sa akin ang isang headband na may malaking pink na ribbon.
Kahit labag sa kalooban ko bilang lalake ang magsuot ng ganto, isusuot ko parin. Bigay ng isang ARMY 'to. Di ko sila matitiis hehe.
Habang sinusuot ko 'yon, narinig kong bumukas ang front door at linuwa nito ang isang anghel... na may makapal na bangs.
Para siyang batang nawawala at pawisan. Nagtatatakbo pa siguro siya.
Nagtama ang tingin naman at natawa siya sa itsura kong may suot na malaking ribbon sa ulo.
Natawa din ako sa suot at itsura niya. Naka-uniform parin siya ng isang crew sa resto nina Jin hyung at naka-coat ng black habang may hawak na paperbag at sa kabilang kamay ay dalawang album namin.
Akala ko papaasahin na naman niya ako.
••••••••••••••••••••••••••••
AN/
Wassup! So ayun, dahil pulubi sa pasensya si jjiminiology at di makahintay, pinahiram pa niya sa akin ang phone dahil gusto na daw niya malaman.
Sana magustuhan niyo 'to kahit rush siya! Susubukan kong mag-update agad agad!
Love y'all! ;*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro