Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Two

YANA'S POV...

Andito ako ngayon sa Restaurant at malamang ay nagtatrabaho. Due date na kasi ng Apartment rent sa susunod na linggo. Mamaya palayasin pa ako nung land lady.

"Goodmorning maam! May I take your order?" Pagbabati ko sa isang costumer.

"I would like to order one japchae."

Wait... yung boses niya.

"Take out." Patuloy niya saka niya inangat ang ulo niya para magtama ang mga mata namin.

"L-Lisa?" Nauutal na sabi ko nang makita ko ang buong mukha niya.

"Oh, you work here pala. What a coincidence." Sabi niya at nag-acting pa itong nagulat. Ano na namang paandar ang gagawin ng babaeng 'to?

"Coincidence? Everybody knows that this restaurant is owned by Kim Seok Jin's parents. So bakit andito ang isang YG artist, Blackpink member na girlfriend ni Suga? Anong palusot mo? Napadaan ka? Naligaw ka? Ano?" Tuloy tuloy na tanong ko sa kanya.

Alam naming dalawa na hindi coincidence ang pagdalaw niya dito.

"Buti naman at alam mong girlfriend ako ni Suga. And oo, sabihin na nating napadaan ako. Yun ang palusot ko." Pagsisinungaling niya.

"Syempre naman alam ko. Kulang na nga lang gawin mong stick glue yang katawan mo kakadikit kay Suga." Asar ko.

Kung naghahanap ang babaeng 'to ng gulo, pwes I will gladly serve the best dish of naghihiganting Yana to her.

"Yun naman talaga ang gusto kong malaman mo e. For you to know what's not yours and what's mine." Diretsong naka tingin sa akin si Lisa. Napa-smirk lang ako sa sinabi niya.

"Are you threatened?" Taas kilay kong tanong. Hindi lang siya threatened, insecure din siya.

"Excuse me? Threatened? Sayo?" Napahagalpak siya ng tawa saka niya ako hinarap.

"I am Lisa. Lisa of Blackpink, to be exact. You're nothing compared to me." Sabi niya saka niya ako tinignan pababa at pataas.

"Oh, yun naman pala e. Bakit kung maka-asta ka sa akin parang inaagaw ko si Suga sayo?" Tanong ko.

"Because you are, sweetie. Lagi ka nalang umeeksena sa tuwing kasama ko si Suga. And that only mean na gusto mo rin siya." Sagot niya. Napatawa lang ako ng bahagya sa sinasabi niya.

Hindi ako makapaniwalang matapobre ang girlfriend ni Suga. Well, baka nagbabait baitan to sa harap ni Suga.

"Anong umeeksena? Nanahimik buhay ko dito. Kahit pa mag-tanan kayo ni Suga wala akong pakealam." Sagot ko naman.

"Then why does he always make kwento to me about you? Malamang, you're seducing him behind my back. Or are you two timing V and Suga?" Sunod sunod na tanong niya.

Hindi alam magpreno ng dila ng babaeng 'to a. Baka gusto niyang yung dila niya ang gawin kong sahog sa japchae niya. Napaka-arte pa ng English niya akala mo pinanganak sa States e sa silong lang din naman ng tren sa Thailand siya lumaki.

"Kinukwento? I bet puro negative lang. Tsaka first of all, hindi ako two timer dahil wala naman akong jowa ni isa sa kanila. Kaya lumayas ka na dito at isama mo yang malisyosa mong utak, baka maiwan mo. Sayang, may braincells pa namang natira jan. Baka magamit mo pa." Sabi ko saka ko linapag ng padabog yung nakasupot niyang japchae.

"Stop acting like you're strong, Yana. Kasi you are weak. You're out of our league. Isa ka lang hampas lupa sa gitna naming mga artista. Just go home and go back to whatever skwater area you came from. Kasi that's where you belong and that's what you are. Isang basura." At umalis na siya ng resto.

Nakakainis man yung sinabi ni Lisa pero tama siya sa isang bagay. I'm just pretending to be strong. Wala naman akong choice e. If I give up, ano pang rason ko para ipagpatuloy ang mabuhay?

SUGA'S POV...

Pagpasok ko sa dorm ng Blackpink, sinalubong agad ako ni Lisa ng halik sa pisngi.

"Get a room, guys. Nakakadiri kayo." Sabi ni Jennie saka niya ipinagpatuloy ang pagfefacial niya sa sofa.

"Inggit ka lang." Sabi ni Lisa saka niya ako hinatak papuntang kusina nila.

"I bought japchae for you!" Masayang sabi ni Lisa saka niya linabas ang pamilyar na supot ng pagkain.

"Supot ba yan ng restaurant nina Jin hyung?" Nagtatakang tanong ko habang tinuturo yung supot na hawak niya.

"I think so. Napadaan kasi ako doon and I saw Yana! Omg, she's an employee there pala, love. I thought she was rich." Sabi niya habang nilalagyan ng japchae yung plato ko. Napabuntong hininga nalang ako.

Minsan may attitude problem si Lisa na sobrang ayaw ko. Medyo may pagka-matapobre siya. She always judge someone by appearance. Pero all in all, nararamdaman ko namang mahal niya ako and she will never let me go anywhere.

"Mayaman si Yana." Simpleng sagot ko sa kanya. Nagkunot naman ang noo ni Lisa.

"Mayaman? Then why is she working part time sa restaurant nina Jin oppa? Did she even graduated highschool? I mean, with that job, malamang never siya nag-college." Tanong niya. Wala ako sa mood magexplain pero para sa ikakalinaw ng pagiisip ni Lisa, ikukwento ko nalang.

"Bachelor's degree ang natapos ni Yana at consistent honor student siya ever since nakahawak siya ng ballpen at papel." Simpleng kwento ko.

"So... college graduate siya? Anong course naman?" Tanong uli ni Lisa.

"Business Ad." Sagot ko. At nagsubo ng japchae.

"Eh yung parents niya?" -Lisa.

"Ewan. Pagkakaalam ko lang, parents ni Jin hyung ang nagpaaral sa kanya ng college." Sagot ko naman.

Nung dumating kasi si Yana sa amin, tumitira na siya sa apartment niya. Medyo hindi rin siya masyadong nagkukwento tungkol sa mga totoo niyang parents.

"Hmm? Kung college graduate pala siya, eh bakit part time ang trabaho niya? Wala bang company ang gustong tumanggap sa kanya?" Tanong ulit ni Lisa.

"Sabi sakin ni Jin hyung dati, mas maganda daw na magtrabaho si Yana sa resto nila. Mas safe daw." Pagpapaliwanag ko.

"Safe? May naghahabol ba sa kanya? Baka most wanted siya. Or tumatakas sa utang?" Tuloy tuloy na tanong ni Lisa. Napabuntong hininga nalang ako at hinawakan ang kamay niya.

"Masyado kang curious kay Yana. Pwede bang tayo naman ang pag-usapan natin?" Seryosong titig ko kay Lisa. Nginitian niya lang ako at tumango.

Kailangan kong mag-focus kay Lisa. Ngayong, panigaradong nanliligaw na si V kay Yana. Kitang kita ko naman kung gaano sila tumitig sa isa't-isa. Minsan hiniling ko rin na sana ako nalang yung tinititigan niya.

Alam kong mali. Pero sinusubukan ko namang pigilan. Mahal ko si Lisa. Siya lang at wala nang iba.

Kaya kailangan kong siguraduhin at burahin kung ano man ang nararamdaman ko para kay Yana.

Kasi yun ang tama. Yun ang dapat.

DORM...

"Hyung! Sakto, naka-luto na ng dinner si Jin hyung! Kain na tayo." Salubong ni Jungkook pagpasok ko palang ng dorm.

Sinundan ko nalang sila at dumiretso sa dinning area para kumain. Naka-upo na silang lahat at nagsisikuha ng mga pagkain nila. Umupo naman ako sa tabi ni Jimin.

"Oh, san ka naman galing?" Tanong ni JHope.

"Saan pa? Edi kay Lisa, ayieee!" Pangaasar ni Jimin saka pa ako sinundot sundot sa kili kili. Sinamaan ko ng tingin si Jimin na naging dahilan para tumigil siya.

"Mag-ingat ka, hyung. Nakatutok ang Dispatch sa atin." Ani ni V saka ito kumain. Tumango lang ako sa kanya.

"Jin hyung, pwede bang... magtanong?" Tinignan ko ng seryoso si Jin hyung. Nagkunot naman ang noo niya.

"Kung gwapo ba ako? Oo! I'm worldwide handsome." Pamimilosopo ni Jin hyung at tumawa ang lahat. Napakagat nalang ako sa labi para pigilan ang kamay kong manakal ng Kim Seok Jin.

"Tungkol saan naman yang tanong mo?" Tumatawang tanong ni Jin hyung.

"Tungkol kay Yana." -me. Biglang tumahimik ang lahat at napunta sa akin lahat ng atensyon. Lalo na yung titig ni V.

"'Wag mong sabihing nagugustuhan mo na siya!" At ginawa pang espada ni Jin hyung yung chopstick niya saka niya itinutok sa akin.

"Ikaw ang sasaksakin ko ng chopstick kapag di ka pa tumigil sa pagiging delusional mo, hyung." Sabi ko sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Ano ba kasing tanong mo?" At binaba na ni Jin hyung yung chopstick niya.

"About sa mga magulang niya. Curious lang naman ako." Sabi ko.

"Ay oo nga, Jin hyung. Asan yung parents ni Yana noona?" Tanong ni Jungkook.

"Oo nga. Hindi niyo nababanggit sa amin yung tungkol sa magulang ni Yana." Ani ni JHope na nakatingin kay V at Jin hyung.

Nakayuko lang si V at tahimik samantalang parang nagdadalawang isip si Jin hyung na sabihin sa amin yung totoo.

"Alam niyo namang half japanese at half korean si Yana, diba?" Pagsisimula ni Jin hyung. Tumango naman kaming lahat.

"Korean ang papa niya, samantalang Japanese naman ang mama niya. Namatay ang papa niya nung nasa middle school pa sila ni V. Kaya nanirahan siya sa Japan for 4 years para sa Junior Highschool." Kwento ni Jin hyung.

"Kung Japanese ang mama niya at nasa Japan, bakit nandito si Yana?" Tanong ko.

"Oo nga. Tsaka ano bang trabaho ng mama niya? Bakit parang pinabayaan niya si Yana sa inyo?" Tanong naman ni Jimin.

"Bumalik dito sa Korea si Yana dahil ayaw niyang sundin yung mama niya. Gusto kasi nila siyang 'wag nang magtuloy sa senior highschool at pumasok sa isang business school sa States. Alam niyo ba yung SMFG?" Tanong ni Jin hyung.

SMFG? Yung bangko? Tumango ako pero hindi yata alam nina Jimin.

"Pinaka-successful na bangko iyon sa Japan at pangatlo sa top companies ng buong mundo. Pagmamay-ari iyon ng Lolo ni Yana sa mother side. Pero ang mama ni Yana ang CEO sa SMFG ngayon." Pagpapaliwanag ni Jin hyung. Nanlaki naman ang mga mata ko.

Pagmamay-ari nina Yana ang Sumitomo Mitsui Financial Groups, Incorporations?! Yung Trillion Dollar holder bank?!

Holy shit!

Napamura pa ako sa sobrang gulat. Hindi lang millionare or billionare, trillionare ang business nina Yana! Hindi rin isang Won or Yen ang unit ng pera nila kundi Dollars! Kahit isang taon na concert or pagpoproduce ko ng kanta, hindi pa makakaabot ng trillion ang pera ng Bangtan.

"Y-You mean, lumalangoy sa pera ang pamilya ni Yana?" Pagsisigurado ko.

"Mismo. Ayaw pa nga ako ng mama ni Yana dati dahil hamak na probinsyano lang ako." Sabi ni V.

"Mayaman pala sila Yana. Bakit parang hindi siya sinusuportahan ng mama niya? Ni anino, di namin makita." Tanong ni Jimin.

"Hindi lang natin napapansin pero every week na nagpapadala ng ticket papuntang Japan ang mama niya. At sa pagkakaalam ko, umaapaw sa pera ang bank account ngayon ni Yana. Pero ni isang sentimo, hindi niya ginalaw ang pinapadalang pera ng mama niya." Ani ni Jin hyung.

Mukha man akong nagloloko pero ang sarap nakawan ni Yana. Parang kamag-anak pa nila si Bill Gates.

"Siya kasi ang heiress ng SMFG kapag bumaba sa pwesto ang mama niya. Kaya gagawin ang lahat ng mama ni Yana para bawiin ang kaisa-isang anak niya." Patuloy ni Jin hyung.

Napatango nalang kaming lahat at parang bumalik sa pagiging mahirap. All this time, may kaibigan pala kaming trillionare for almost 10 years. Kung alam ko lang ng mas maaga, umutang na sana ako.

"Alam ba ni BangPD, 'to?" Tanong ko kay Jin. Parang mas anak kasi ni BangPD si Yana kesa sa aming mga artist niya.

"Kami lang ni V ang nakakaalam. Pero ngayong nakwento ko na sa inyo, sana alamin niyo ang limitasyon niyo kapag kausap niyo si Yana o ang ibang tao." Seryosong sabi ni Jin hyung.

Naintindihan agad namin ang ibig niyang sabihin at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Trillionare...

Kung sinunod ni Yana ang mama niya, hindi siya babalik dito at nasa States sana siya ngayon. Hindi din siya nagtatrabaho at malamang, intern sa kumpanya nila. Kung hindi din niya sinuway ang mama niya, malamang...

"Oh, ang lawak ng ngiti mo jan. Para kang sira-ulo." Sabi bigla ni JHope sa akin.

"Masaya lang ako." Sabat ko. Nagkunot ang noo nilang lahat.

"Si Suga hyung? Magiging masaya? Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jimin.

"Bakit ka naman masaya, hyung? Dahil mayaman si Yana? Balak mo ba siyang nakawan?" Tuloy tuloy na tanong ni Jungkook.

"Masaya ako kasi sinuway ni Yana ang mama niya. At..." -ako.

"Nakilala natin siya." Patuloy ko. Imbes na asarin nila ako, nginitian ako ng Bangtan na parang sang-ayon sa sinabi ko.

Bahala na kung ano man ang balak ng mama ni Yana sa kanya. Pero hinding hindi namin papakawalan si Yana.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

AN/

So ayan na yung family background ni Yana. Alam kong curious kayo kung saang sinapupunan nanggaling si Yana.

At yung about sa family business nila, nagpapasalamat ako sa google. Chechebureche ko lang po yung about sa family background ni Yana. As you all know, FAN FICTION po ito. From the word itself, FICTION. Meaning lahat ay gawa gawa lang :)

Saranghaeyooooo ♥

Eat Jin in the multimedia ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro