Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Three

YANA'S POV...

Kakagising at kalalabas ko palang ng kwarto ko, meron na agad nagdoorbell. Buti nga't Sunday ngayon at wala akong trabaho.

Dumiretso na ako sa front door at pinagbuksan ang nag-doorbell.

"Goodmorning, ma'am! A delivery for Ms. Hwang Yana." At inabot sa akin ang isang box.

"Have a good day." Sabi ng delivery boy saka ito umalis. Napabuntong hininga ako at hinagis nalang yung box sa sala.

Siguradong galing na naman iyon kay Mama. Pero kahit paulanan pa niya ako ng ticket pabalik sa Japan, hindi na ako babalik.

Saktong papasok palang ako ng banyo nang marinig kong may kumatok na naman sa pinto.

ANO BA?! SUNDAY NGAYON! IT'S REST DAY!

"Hi, Noona!" Pagbukas ko, nakatayo at nakangiting binati ako ni Jungkook.

"Oh, may pupuntahan ka ba, noona?" Tanong ni Jungkook saka itinuro yung tuwalyang hawak ko.

"Mall." Simpleng sagot ko.

"Next time ka nalang pumunta sa mall! Tara kela Namjoon hyung, nanlibre kasi siya sa isang Chinese restaurant." Aya ni Jungkook. Nagkunot naman ang noo ko.

"Namjoon oppa? Bakit, anong meron? Hindi niya naman birthday... diba?" Nagaalangang tanong ko kay Jungkook.

Siguradong magtatampo si Namjoon oppa sa akin kapag nakalimutan ko birthday niya. Ako pa naman favorite dongsaeng nun.

"Ano ka ba, noona. Basta sumama ka nalang. Good mood lang siguro si hyung kaya nanlibre." Sabi ni Jungkook. Tumango nalang ako sa kanya.

"Maligo ka na, noona! Pinagbilin sakin ni V hyung na sunduin ka." Sabi ni Jungkook saka niya ako tinulak sa pintuan ng banyo. Ang lakas naman ng kunehong 'to!

CHINESE RESTAURANT...

"Yana!" Bati ni JHope oppa saka kami nag-fistbump. Umupo nalang ako sa gitna ni V at Jin oppa.

"Namjoon oppa, bat ka nanlilibre ngayon? Nilalagnat ka ba?" Pamimilosopo ko. Pero imbes na maasar si Namjoon oppa, lumawak pa ang ngiti niya. Hmm?

"Heto." At inabot ni Rm oppa sa akin ang isang white envelope na maliit. Binuksan ko iyon at nakita ang tatlong litrato ng ultrasound.

"Heol! Eto na ba yung anak ni Zei?!" Hindi ko na mamalayan kung napapasigaw na ako sa excitement. Ang cute kasi oh! Tsaka ang bilis lumaki kahit three months palang!

"Anak NAMIN ni Zei." Pagkaklaro naman ni Rm oppa. Sus! Gusto din pala niya yung bata e.

"Oo na." Sabi ko saka ko ibinalik sa kanya yung white envelope.

Sakto namang bumukas ang pintuan ng VIP table namin at iniluwa si Suga na may kasamang ahas. Nagtama agad ang mga mata namin ni Lisa. Umupo silang dalawa sa bakanteng upuan na kaharap namin.

"Congratulations sa baby niyo, hyung." Bati ni Suga saka siya napatingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin pero agad siyang umiwas nang tapikin siya sa balikat ni Lisa.

Sakto namang dumating na yung mga in-order na pagkain ni Rm oppa at nagsimula na din kaming kumain.

"Babe, you want chicken?" Tanong ni Lisa habang tinuturo yung fried chicken sa serving plate. Umiling lang si Suga. Hmm? Nag-away kaya sila?

"Wala bang sched ang Blackpink ngayon, Lisa?" Tanong ko kay Lisa. Napunta na naman sa aming dalawa ang atensyon.

"Unfortunately for you, wala. Kaya don't ever take my absence as an oppurtunity to do something unpleasant or you'll regret it." Sabi niya saka ako tinalasan ng tingin.

Wow, ang ayos ng pagtatanong ko sa kanya tapos triggered siya agad? Threatened na threatened! English'n ko nga rin.

"You know what, you're just like these chinese foods. Salty, greasy, fatty... and cheap." Naka-smirk na sabi ko sakanya. Biglang napatigil si Suga sa pagkain niya at napatingin sa akin.

Akala ko galit yung tingin niya sa akin pero napabuntong hininga lang siya at hinawakan ang kamay ni Lisa para hindi na ako sagutin.

"Are you insulting me, Yana? Because that's one wrong move from you and you'll get a deserving slap from me without second thought." Pagbabanta niya.

Baka siya sampalin ko. Ay! Kahit pala sampalin ko, wala din siyang mararamdaman sa sobrang kapal ng mukha niya. Baka kamay ko pa ma-damage.

"Insulting? Oh no, sweatheart. I'm just accurately describing you." Sagot ko naman. Ayokong magpaapi sa mga kagaya niyang retarded ang utak. So cheap.

Bigla namang napaubo sa V na katabi ko lang. Napatingin ako sa kanya at umiling-iling siya na hindi na tama ang ginagawa ko. Pero in my case, sa tingin ko naman dinedepensahan ko lang sarili ko.

"Nobody needs an uneducated person here, Yana. So do yourself a favor and walk out. Go somewhere where you really belong. The streets? Garage? Or is it the dumpsite?" Naka-smirk ding sagot niya. Napansin ko naman yung heater na nasa likod ni Lisa.

"Oh, sweetie! Don't seat too close to the heater. Remember, madaling matunaw ang plastik. Baka masira undercover mo." Asar ko.

Hindi na napigilan ni Lisa ang inis niya at bigla niyang ibinuhos sa mukha ko yung iced tea.

"Lisa!" Sigaw ni Suga at lahat kami ay napatayo. Agad akong inabutan ni V ng tissue at tinulungang punasan ang buhok ko ng panyo niya.

"Sumosobra ka na, Lisa!" Galit na sigaw ni V.

"Ang babaeng yan ang sumosobra! Iniinsulto niya ako!" Parang tutang humihingi ng tulong si Lisa. May gana pa siyang magiyak-iyakan matapos niyang ipamukha sa amin ang ugali niya.

"Bakit, Lisa? Guilty much?" Tanong ko sakanya. Umuusok na yung ilong niya sa galit.

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang buhok ko saka niya niya ako hinatak na dahilan para mapahiga ako sa mesa naming punong puno ng pagkain.

"Ang bagay sayo ay malagyan ng mga mantika!" Sigaw niya habang sinusubsob ang mukha ko sa mantika ng chinese fried noodles.

"Tama na!"-Suga.

"Ayan! Bagay sayo ang madumihan! Hampas lupang bitch! Mangaagaw!" Sigaw ulit ni Lisa habang hinahatak ang buhok ko.

That's it! I've had enough.

Hindi ko na napigilan ang mga kamay kong hinatak din ang buhok ni Lisa. Nabingi narin ako sa sigawan ng mga Bangtan at sa pagpipigil nila.

"Fake! Ikaw ang mangaagaw! Inggitera! Plastikada!" Sigaw ko habang nagpapahigpitan at nagpapasakitan na kami ng anit sa ulo.

Ang sakit ng sabunot ng lintang to! Ang bibigat pa ng mga kamay!

"Pathetic bitch!" -Lisa. Bigla akong binuhat ni V palayo kay Lisa, hawak ang mga bewang ko. Ganon din ang ginawa ni Suga kay Lisa.

"Plastik!" Sigaw ko.

"Illusyonada!" -Lisa.

"Two faced piece of crap!" -me.

"Ako pa ang two-faced?! Samantalang ikaw 'tong nagpapanggap na anghel pero inaagnas ang kaluluwa!" Sabat ni Lisa.

"Are you referring to me or was that a message to yourself?" Tanong ko sa kanya.

Ngayon ko lang din napansin na mukha na kaming mga mangkukulam sa sobrang gulo ng buhok naming dalawa.

"TAMA NA! ANO BA?!" Natahimik kaming lahat nang sumigaw si Suga.

Ngayon... ko lang nakita ang totoong galit na mukha ni Suga. And I swear, pati siguro mga santo matatakot.

"Hindi naman kayo ganyan dati a! Ikaw Yana, akala ko ba hindi ka na against sa amin ni Lisa? Nag-usap na tayo diba?!" Ani ni Suga. Napakunot ang noo ko.

Si Lisa ba ang kinakampihan niya?! Nakita niya naman kung sino ang nauna!

"Teka... pinagbibintangan mo ba ako? Suga, klaro naman siguro kung sino ang masama dito. Bulag ka ba?!" Hindi ko na din mapigilan ang galit ko.

"Hindi sa ganon. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang lalim ng galit niyo sa isa't-isa. At ngayon ka lang din tumutol sa amin, Yana." Pagpapaliwanag ni Suga.

Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya. Natahimik din ang Bangtan at napatingin sila sa akin.

Bakit nga ba?! Bakit ko nga ba pinipigilan ang relasyon nilang dalawa?!

"K-Kasi..." Ano namang isasagot ko don?!

Bakit ba ako galit kay Lisa?! Bakit ba niya ako pinagbibintangan na inaagaw ko si Suga sakanya? At bakit sa tuwing nakikita ko silang magkasama, sumisikip yung dibdib ko?!

"Kasi ano?!" Nawawalan na ng pasensya si Suga.

Ano ba, Yana?! Mahal ko na ba talaga si Suga? Kaya ba ako nakakaramdam ng sakit, selos, at saya dahil... may nararamdaman na ako?

"Kasi---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pintuan ng VIP table namin.

"Hello, universe!" Pagbabati ni Jiwoo na nakangiti. Pero napalitan agad ng gulat ang mga ngiti niya nang makit niya ako.

"Omg, Yana! Sinong gumawa nito..." Napatingin si Jiwoo kay Lisa at tinaasan niya ito ng kilay.

"Well, sinabi niyo ngang chinese restaurant ito pero hindi niyo sinabing kasama nating kakain ang gawa din sa China." Pangaasar ni Jiwoo. Hinawakan naman ni JHope oppa ang braso ni Jiwoo at pinatigil na ito.

Padabog na kinuha ni Lisa ang handbag niya at nag-walk out na. Sinundan naman siya agad ni Suga. Nakahinga ako ng maluwag nang umalis na silang dalawa.

Muntik na ako dun.


●●●●●●●●●●●●●●●●●

A/N:

Ang tagal ko nag-update!!! Syempre, dadalawa lang naman kamay ko at may sampung daliri pero dalawa lang ang ginagamit ko sa pagtatype. Kaya give me mercyjuseyoooo ㅠㅠ

Love u ♥

President in the multimedia!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro