Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Six

YANA'S POV...

"Mamimiss kita." Pamamaalam ko kay Suga.

Andito kasi kami ngayon sa Airport at medyo matatagalan ang Bangtan sa US. Hindi ko na naman makakasama ang Suga ko!

"Mas mamimiss kita." Sabi naman ni Suga. Umiling iling ako para pigilan ang mga luha ako.

Eh kasi naman! Isang linggo sila doon at kasama pa yata nila si Halsey! Yung mahilig mag-bra na western girl.

"Babalik ako agad. Pagbalik ko, babalik tayo sa Daegu." Ani ni Suga. Napangiti naman ako sa kanya.

"Talaga?" Nakangising tanong ko.

"Oo. Pangako." Sagot ni Suga. Bigla naman siyang hinatak ni Jin oppa at inirapan ako.

"Tama na yan!" Sigaw ni Jin oppa at hinatak si Suga papuntang departure area.

"Nakakadiri kayong dalawa." Reklamo ni JHope oppa saka sumunod kela Jin oppa.

"Tawagan mo ako hah?! Mag face time tayo!" Sigaw ko kay Suga at sumigaw naman siya ng 'Oo' pabalik.

Napabuntong hininga ako nang mawala na sila sa paningin ko. Miss ko na ang Suga ko agad!

"Oh! Look who's here!" Napalingon ako agad sa pamilyar na boses.

Napalunok ako sa nerbyos nang makita ko ang Blackpink na may hawak ding mga maleta.

"I guess, nakapagpaalam ka na sa Bangtan." Sabi ni Lisa. Napa-irap naman ako sa kanya. Ano bang pakealam niya? Eh diba break na sila ni Suga...?

Wait...

Break na nga ba sila? Wala pang sinabi sa akin si Suga. Pero bakit kine-claim niyang mag-jowa kami? So meaning, break na nga sila ni Lisa?

"And I guess nakapag-paalam ka na rin kay Suga, my ex-boyfriend na inagaw mo. Congratulations on stealing someone that wasn't yours." Sarkastikong sabi ni Lisa habang naka-smirk. Ganun din ang tatlo pa niyang minions.

"Good job, Lisa. Good job for pretending to be good when Suga is around. Pang best actress." Nagkibit balikat pa ako sa pangaasar ko sa kanya. Napa-irap siya at tinignan niya ako ng diretso.

"Why don't you just kill yourself? Kulang ka sa pagmamahal e kaya ka umaagaw sa iba. Umuwi ka na at magpayakap ka sa nanay mo. Baka sakaling bigyan ka ng pagmamahal. Or... do you even have a family, Yana? Baka kasi pulubi ka lang sa daan na napulot ng parents ni Jin sunbae." Pangiinsulto naman ni Lisa.

Kung saan mang lupalok ng mundo magbabakasyon ang bruhang to, sisiguraduhin kong ngayon palang hindi na siya mage-enjoy.

"Kung gusto mo akong mamatay, dapat patalunin mo ako sa building na kasing taas ng pride mo at mahuhulog sa sahig na kasing baba ng IQ mo. And my family doesn't concern you. Kapag ako ang nagsalita tungkol sa mga magulang mo, hindi mo magugustuhan." Sabi ko saka ako nag walk out. Pero bago pa man ako makaalis sa paningin nila, sumigaw ulit si Lisa.

"Kung gusto mo ng laro, fine! Goodluck on winning this game, Yana. Kasi sinisigurado kong magiging mahirap ang larong 'to." Pagbabanta niya. Napa-smirk naman ako.

"Game or not, I don't intend to win. If I made you feel like a loser, then that's enough for me. Bye, Lisa! Have a nice flight." Nag-wave ako at tuluyan nang umalis ng airport.

Ano ba 'to? Kakaalis lang ni Suga, nakagapang agad yung ahas.

APARTMENT...

Saktong kakauwi ko palang, meron na agad tumawag.

Unknown ID
calling...

Agad kumunot ang noo ko sa unknown number na tumatawag sa akin. Sino naman kaya 'to?

I don't talk to strangers pero curiosity kills the cat.

"Nugu...seyo? (Who... is this?)" Pagsasagot ko sa tawag.

"Yana."

Agad kong nabitawan ang cellphone ko na dahilan para mahulog ito sa sahig. Nanginig at nanigas ang mga tuhod ko nang marinig ko ang boses niya.

Ang boses ng mama ko.

Napalunok ako nang makita ko ang cellphone ko sa sahig at on call parin yung unregistered number.

Hinayaan ko nalang at hindi ko na pinulot yung cellphone ko saka na ako nag-kulong sa kwarto ko.

Una ang address ko. Ngayon naman ang number ko. Hindi talaga ako titigilan ni mama.

"Yah."

Halos mahulog ako sa kama ko nang may biglang kumalabit sa akin.

"Jiwoo?!" Sigaw ko sa kanya. Nakatayo lang siya sa harapan ko at nakakubli ang mga braso niya sa dibdib.

"Hindi, si Zeira to." Pagloloko naman niya. Inirapan ko nalang siya at tumayo.

"Huwag ka ngang manakot jan." Pagrereklamo ko.

"Ikaw tong nakakatakot, girl. Para kang estatwa na nakatunganga sa kawalanan." Sagot naman ni Jiwoo. Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya.

"Teka... paano ka naka-pasok?" Tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Syempre si Jin oppa lang naman at ako ang may alam ng passcode ng apartment ko.

"Iniwan mong naka-bukas yang pintuan mo. Buti nga at ako ang nakapasok at hindi isang magnanakaw." Sagot ni Jiwoo. Tumango nalang ako sa kanya.

"Bat ka naparito? Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Andito ako para sunduin ka. Maggi-girls night out daw tayo sabi ni Zei." At kinindatan pa ako ni Jiwoo. Girls Night out?

"Anong girls night out?" Nagtatakang tanong ko. Tinignan naman ako ni Jiwoo na parang kakaibang nilalang.

"Seryoso ka hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jiwoo.

"Namuhay ako ng halos sampung taon na puro mga lalake ang mga kaibigan ko kaya hindi kita gets." Sagot ko. Napabuntong hininga namab siya.

"Girls Night out! Clubbing, shopping, travel, food trip, usual girl thing." Pageexplain ni Jiwoo.

"Buntis si Zei. Makakasama sa baby ang paglalakwatsa." Protesta ko. Nababaliw na ba si Zeira?

"Siya na nga nagawag e. Tara na kela Zei." Tawag ni Jiwoo at hinatak ako palabas.

RM AND ZEIRA'S CONDO...

Pumasok at dumiretso na kami ni Jiwoo sa kwarto ni Zeira. Nadatnan namin siyang naglalagay ng make-up.

"What are you wearing?" Parang nandidiring nakatingin sa akin si Zeira. Ano namang masama sa pantalon at tshirt?

"Di ako sure, Zei. Baka damit tong suot ko." Sarkastikong sagot ko. Inirapan naman ako ni Zeira saka hinatak niya ako papasok sa closet niya.

"Isuot mo 'to." At binato sa akin ni Zeira ang isang Highcut na grey boots.

"Ano 'to?" Nakakunot na tanong ko.

"Pagkain." Iniripan ako ni Zeira saka na niya ako iniwan sa closet niya para magpalit.

Napaka-antipatika talaga ni Zeira. Kaya kami magkaaway nung una e. Pero nagkasundo din kami kasi parehas din lang pala kaming antipatika.

Lumabas na ako ng closet at nadatnan si Jiwoo at Zeira na naka-palit na at ready to go.

"Omg, Yana. Chics!" Sabi ni Jiwoo at nilabas pa ang phone niya para picturan ako.

"Ano ba. Di ako photogenic." Reklamo ko pero hindi ako pinansin ni Jiwoo at pinicturan ako na parang isang proud na nanay.

"Ano bang klaseng damit yang suot mo, Jiwoo? Hindi ka ba papagalitan ni JHope oppa? Tsaka bakit ganyan ang suot mo, Zei? Iniipit mo si baby!" Pagsesermon ko.

Siguro nga hindi nila ako magulang, pero may karapatan naman akong pagsabihan yung dalawa since kaibigan ko naman sila.

Tignan niyo kasi yung mga suot nila tsaka tong pinasuot ni Zeira sa akin! Kulang na lang maghubad kami!


"Para kang si eomma. Napaka-killjoy mo. Tara na nga!" Sabi ni Jiwoo saka na kami pumunta sa parking are ng condominium.

"Kaninong kotse 'to?" Nakakunot ang noo kong nagtanong habang tinuturo yung black na BMW.

"Kay RM myloves." Sagot ni Zeira saka siya sumakay sa kotse. Si Jiwoo naman ang sumakay sa driver's seat. Knowing na may driver's license naman si Jiwoo, nakaginhawa akong safe kami sa kanya.

"Saan ba tayo pupunta at ganito ang suot natin?" Tanong ko nang makasakay ako.

Nilingon ako ng dalawa at ngumisi ng nakakaloko. Kumunot naman ang noo ko sa expression ng mga mukha nila. So creepy.

"Saan nga?! Wag niyo akong tignan ng ganyan." Pagrereklamo ko.

"Saan pa? Edi sa club."

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

A/N:

Alam ko po, cliffhanger ito. Pero maga-update po ako agad. Promise.

Gamsahamnida ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro