Chapter Twenty Seven
!!!WARNING!!!
A lot of POV in this chapter. Please read thoroughly for better understanding. (Lol. Parang programmed Siri)
~♥~
YANA'S POV...
"Zei, hindi ba bawal sa mga artista ang clubbing? Ang alak?" Nagaalalang tanong ko habang pababa na kami ng kotse. Not to mention, baka makasama rin sa bata.
"Pfft. Club 'to ng mga artista. Tsaka yung mga rules ng entertainments, halos kalahati doon, hindi naman sinusunod. At hindi ako iinom, Yana. Sasayaw lang ako, ano ba!" Pagsisigurado sa akin ni Zei saka na niya ako hinatak sa loob ng club.
Buti nga at hindi ito strip club, kundi, patay ako kay Suga.
Pagpasok ko palang sa loob, parang dudugo na ang tenga ko sa sobrang lakas ng tugtog. Grabe! Mas malakas pa 'to sa boses ni Jin oppa!
"Wooh!" Sigaw naman ni Jiwoo saka kami dumiretso sa bartender.
"Oh Hi! I'm Jiwoo!" Paguulit ni Jiwoo saka sila naghandshake nung gwapong bartender. Kahit kailan talaga tong si Jiwoo.
"What drink should I offer for these three beautiful ladies?" Tanong naman nung bartender. Lahat ba ng bartender mambobola? Naalala ko kasi yung bartender dun sa resort sa Jeju, dati.
"Two grapefruit mojitos and one regular lemonade, please." Order ni Zeira at agad namang isinerve iyon ng bartender sa amin.
"Zeira? Omo! Unnie!"
Napalingon kaming lahat sa boses at nakitang nakatayo ang---if I'm not mistaken, si Momo, Nayeon, at Sana ng Twice ang nasa harap namin ngayon.
"Oh! Andito din pala kayo!" Bati ni Zeira sa kanila.
"Ah, mga kaibigan ko pala. Jiwoo, and Yana." Pagpapakilala ni Zeira sa amin. Nagpalitan naman kami ng handshake at bow.
"Zei, sayaw lang kami ni Yana." Pagpapaalam ni Jiwoo saka niya ako hinatak sa gitna ng dancefloor.
"Yah! Hindi ako marunong sumayaw." Bulong ko kay Jiwoo. Napatawa lang si Jiwoo sa akin.
"Club 'to, Yana. 90% ng mga tao dito ay hindi marunong sumayaw! Hindi mo naman kailangan ng step. Just do what your body tells you!" Sigaw ni Jiwoo dahil sobrang lakas ng tugtog at napapalibutan kami ng maraming tao.
I guess, hindi naman siguro masamang magclubbing. Pumunta naman kami dito para mag-enjoy. Kaya...
"Sayaw tayo!" Sigaw ko saka na ako sumayaw na parang walang bukas.
"That's the spirit! Yeeees!" Sigaw ni Jiwoo habang sumasayaw lang kami according to the beat of the music.
Siguro halos sampung taon na rin yung huling araw na sumayaw ako. Pero infairness, parang mapaladalas ata ako sa club na ito.
Sumayaw lang kami ni Jiwoo habang hawak namin ang mojito at hawak naman ni Jiwoo sa isang kamay ang cellphone niya. Hindi ko alam kung nagvivideo ba siya pero wala na kaming kibo dahil nageenjoy na kami.
Masaya pala mag-girls night out.
"Hey!" Biglang lumapit sa akin ang isang lalake at sumayaw sa likod ko. Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang mga beywang ko. Agad akong humiwalay sa kanya.
Nagtama ang mga mata namin nung lalake at kumunot ang noo niya. Gwapo siya. As in, super gwapo.
"Hindi ko pa nakikita yang mukha mo, Miss. Are you new here?" Tanong nung lalake. Pinagmasdan ko lang ang estranghero at hindi ko siya sinagot habang hawak ang katawan ko.
"Pasensya ka na kung nagulat kita. Akala ko kasi regular costumer ka dito." Patuloy nung lalake. Parang medyo gumaan ang loob ko dahil sa sinabi ng lalakeng 'to.
Mukha naman siyang mabait. Medyo parang badboy lang ang get up niya.
Bigla naman niyang inabot ang mga kamay niya, "Kris".
"Kris Wu." Pagpapakilala niya.
Halos humiwalay ang espirito ko sa katawan nang banggitin niya ang pangalan niya ang pangalan niya. EXO?! Jinjja?!
"And you are?" Taas kilay niyang tanong.
Nagising naman ang sistema ko at agad kong tinaggap ang mga kamay niya. Aba! EXO na 'to!
"Hwang Yana." Pagpapakilala ko.
Hindi ko siya nakilala agad dahil medyo madilim at sumasayaw pa pati mga ilaw na iba iba ang kulay.
"Yana~ssi, shall I have this dance with you?" Nakangiting tanong niya habang hawak parin ang mga kamay ko.
Halla, baka magalit si Suga! Napatingin ako kay Jiwoo at tumango-tango siya sa akin na parang nanay na hinihikayat yung anak na humarot.
Napakagat nalang ako sa labi saka tumango. Wala namang masamang sumayaw kasama ang kaibigan.
JUNGKOOK'S POV...
Kakarating lang namin ng States at abala ako sa pagbabrowse ng instagram habang nakahiga dito sa kama namin ni V hyung.
Speaking of the devil, kakalabas lang niya ng banyo at kakatapos maligo. Agad siyang sumalampak sa tabi ko at nag-twitter.
Parang hindi masyadong affected si V hyung sa bagong relasyon nina Yana noona at Suga hyung. Mukha naman siyang okay pero lately, napansin naming lahat na mas naging tahimik siya ng konti. Actually, mas tahimik pa sa akin.
"Okay ka lang?" Tanong ko kay V hyung. Napalingon lang siya sa akin saka tipid na ngumiti.
Napabuntong hininga nalang ako nagpatuloy sa pagi-instagram gamit syempre ang instagram account ng official account namin.
"어! (OH!)" Hindi ko napigilan ang sarili ko nang makita ko ang live instagram story ni Jiwoo noona.
Pinapakita sa Live niya ang sumasayaw sa club at lasing na Jiwoo kasama ang Yana na sumasayaw at lasing din kasama ang...
Holy Sh---
"Yah."
Napapitlag ako nang bigla akong kinalabit ni V hyung.
"Okay ka lang? Pinagpapawisan ka na o. Naka-maximum level na yung aircon." Sabi ni V hyung habang nakakunot ang noo niyang naka-tingin sa ako.
SASABIHIN KO BA KAY V HYUNG?! SIGURADONG SASABIHIN NIYA 'TO KAY SUGA HYUNG! AT SIGURADONG MAGKAKAROON NG WORLD WAR III PAG NAGKATAON!!!
Napabuntong hininga nalang ako at ipinakita kay V hyung yung nakita ko.
SUGA'S POV...
Tahimik akong tinatawagan si Yana sa facetime nang biglang pumasok sa kwarto namin ni JHope yung dalawang ugok. Sino pa ba, edi si Jungkook at V.
"Kkamjagiya. (*a korean expression when you are startled or shocked)" Sabi ko nang bigla nalang nilang binalibag ang pintuan ng pasara.
"Yah, wala ba kayong manners? Natutulog ang tao dito." Sabi ni JHope saka nagpatuloy ulit sa pagtulog matapos niyang batuhin ng unan si Jungkook.
"H-Hyung..." Nauutal na tawag sa akin ni Jungkook. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang tensyon sa mga mata nilang dalawa ni V.
"Anong problema?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Napakagat sa kuko si V at umiiwas ng tingin sa akin. Si Jungkook naman, parang kakaligo sa sobrang pagpapawis niya.
"Magsalita kayo kung ayaw niyong permanente kong itikom yang mga bibig niyo." Pagbabanta ko. Naiinip na ako sa pagiging pipi nila e. Alam naman nilang ayaw ko nang pinaghihintay ako.
"Hyung, kasi... ano. K-Kasi si Yana noo---"
"Anong nangyari kay Yana?" Agad akong bumangon sa kama at hinarap sila. Nagulat ang dalawa sa akin at nagkatinginan.
Kukunin na sana ni Jungkook yung cellphone niya sa bulsa niya nang unahan ko siya at ako na mismo ang kumuha sa cellphone niya sa loob ng bulsa.
"Password." Demanda ko.
"0000." -Jungkook. Bakit ko pa tinanong? Halos lahat yata ng password niya, apat na zero lang.
In-enter ko ang pin at agad nagpakita ang Live instagram story ni Jiwoo.
"Wooo! Yes! Girls night out is the best!" Sigaw ni Jiwoo sa live broadcast. Ano naman ngayon kung lasing at nasa club si Jiwoo?
Napatingin ako kay V at Jungkook at napabuntong hininga sila saka itinuro ulit yung video na panoorin ko ulit. Ibinaling ko naman ang mata ko pabalik sa cellphone ni V.
Agad dumilim ang paningin ko sa sumunod kong nakita.
"Right, Yana?! Right, Kris?!" Naka-akbay pa ang gago sa kanilang dalawa.
Halos mabasag ko ang cellphone ni Jungkook nang hindi ko mapigilang mahigpitan ang hawak ko doon.
"Hyung, yung cellphone ko." At dahan-dahang kinuha ni Jungkook ang cellphone niya pabalik sa akin.
Kris Wu.
Hindi ko mapigilang huminga ng mainit na usok pagkatapos kong makita ang video. Mas lalong hindi ko rin mapakalma ang mga kamao ko.
"Sabihin niyo kay Manager at kay Rm..." Sabat ko. Agad namang napalingon sa akin si V at Jungkook.
"Babalik tayo ng Seoul..." -me.
"Ngayon din."
●●●●●●●●●●●●●●●●●●
A/N:
Kris Wu in the multimedia ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro