Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty One

~♥~

YANA'S POV...

Nagtipon tipon na kami sa sala para sa gift giving. Si RM oppa at Zeira naman ay nauna nang umalis. May lakad yata.

"Me first!" Sigaw ni Lisa saka niya nilabas sa paperbag ang isang nakakasilaw na gold na box.

"Happy Birthday, love!" Hinalikan niya sa pisngi si Suga saka niya ibinigay yung gold na box.

Tinanggap naman iyon ni Suga saka niya ito binuksan. Halos mabutasan ang bulsa ko nang makita ko ang laman nung box.

Isang limited edition na new released perfume for men na tatak Chanel.

"Thanks, love." Sabi ni Suga saka niya yinakap si Lisa. Nakatingin naman si Lisa sa akin na parang nanalo sa isang contest.

Sumunog na nagbigay ang Bangtan at syempre, as expected, puro branded ang mga regalo nila. Hindi ko pa kayang bumili ng VVIP concert ticket ng BTS, pano nalang ang regalo ni Suga?

"What do you have for Suga, Yana? Gucci? YSL? Cartier? Versace?" Tuloy na tanong ni Lisa. Pinapamukha ba niya yung pera niya? Ang bruhang 'to.

Napahigpit ang hawak ko sa paperbag. Napalunok ako at bahagyang pinagpawisan. Kumpara naman kasi sa mga regalo nila, kayang bumili ni Suga ng kahit isang million na ganito.

"H-Happy Birthday." Bati ko saka ko inabot sa kanya yung paperbag na hawak ko. Naka-smirk lang si Lisa sa akin habang binubuksan ni Suga yung paperbag.

"Whoa! Noona, binilhan mo din sana ako!" Pagrereklamo ni Jungkook nang ilabas ni Suga sa paperbag yung regalo ko.

"Gusto ko ding bumili! Kakailanganin ko din ng ganyan sa world tour!" Sabi ni JHope oppa.

"Salamat, Yana. Magagamit ko 'to ng husto." Sabi ni Suga at nginitian ko nalang siya pabalik.

Napatingin naman ako kay Lisa na kulang nalang, saksakin niya ako sa harap ng Bangtan. Saksak niya sa baga niya yung Chanel niya.

"Buti naman nagustuhan mo." Ngiti ko kay Suga. Napansin ko naman ang matalas na titig sa akin ni Lisa. Mayaman nga, pulubi naman sa ugali.

"Sige, alis na ako. May pupuntahan pa kasi ako e." Pagpapaalam ko.

"Samahan na kita."-V.

"Ihahatid na kita."-Suga.

Atleast, hindi na sila parehas ng sinasabi.

"Umm..." Napatingin ako kay Lisa na mukhang magagalit na kay Suga dahil sa sinabi nito.

"Magpapasama nalang ako kay V. Happy Birthday ulit, Suga." Pagpapaalam ko at hinatak na si V palabas.

"Buti naman at tinanggihan mo si Suga." Sabi ni V habang naglalakad kami pababa ng dorm building nila.

"Duh, patayin pa ako ni Lisa." Sagot ko at tinawanan lang ako ni V.

"Ano bang nakita ni Suga kay Lisa? Hanggang ngayon malaking misteryo yan para sa akin." Tanong ko kay V.

"Dahil... sexy?" Hindi siguradong sagot ni V. Hmm?

"Alam mo namang pre debut palang, magkarelasyon na yung dalawa. Nung oras kasi na 'yon, hindi pa nasisilaw sa fame si Lisa kaya daig pa nila si Jack at Rose kung magmahalan." Sagot ni V. Napatango naman ako sa sinabi niya.

Naaalala ko pa nung kakakilala ko palang sa Bangtan. Hindi ko pa gaanong close si Suga dati at seryoso pa kaming magkaaway. Nung dumating si Lisa sa buhay niya, wala ni isa sa amin ang umangal dahil nakikita naman namin na napapangiti siya ni Lisa. Hinayaan nalang namin yung dalawa hanggang sa nag-debut ang Blackpink. Nagsakripisyo si Suga ng tatlong taon para sa relasyon nila ni Lisa pero mas pinili ni Lisa ang career niya.

"Saan pala lakad mo?" Tanong ni V habang naghihintay kami ng taxi sa gilid ng national highway.

"Shopping. Matagal na panahon na din kasi yung last na bumili ako ng bagong damit ko." Sagot ko kay V at tumango lang siya.

Dumiretso na kami ni V sa mall at kanina pa ako nagpipigil ng tawa dahil sobra sa pagtatago si V. Ginusto niyang sumama sakin e.

"Bilisan mo namang mag-shopping." Pagrereklamo ni V habang hinahatak pababa yung cap niya.

"'Wag kang OA. Mas nagmumukha kang magnanakaw sa itsura mo. Tignan mo nga, ang kapal kapal ng jacket mo. Naka-all black ka pa pati yang face mask mo. Mas lalo kang pagtitinginan ng tao." Sabat ko sa kanya at inirapan niya lang ako.

Pumasok kami ni V sa isang fashion botique na puro pambabae ang benta. Natatawa na naman ako dahil pinagtitinginan siya ng mga tao.

"Umayos ka nga, para kang snatcher." Bulong ko kay V. Inirapan niya lang ako saka siya tumayo ng maayos na parang ordinaryong tao.

"Kim Taehyung?"

"You mean, Kim Taehyung ng BTS?"

"Baka kamukha lang."

"Hindi. Look at his hair. Blue na blue."

"Si V ba talaga siya?"

"Siya yan!"

Kanina pa nagbubulungan ang mga babaeng costumer sa paligid kaya hindi mapakali si V dito sa gilid ko. Medyo kinakabahan na din ako dahil baka mamaya, sugurin kami rito.

"Excuse me, ikaw ba si Kim Taehyung?" Kinalabit ng isang babae si V.

Nanlaki ang mata naming dalawa at nagkatinginan kami. Bakit ba kasi ako nagka-bestfriend ng Idol?!

"H-Hindi." Agad na sagot ni V.

"Kamukha mo siya e." At lumapit na naman ang isang babae saka tinitigan si V.

"A-Ah..." Nauutal na ako! Anong pwede kong ipalusot?

Mamaya kapag nalaman nilang siya nga si V. Baka ma-issue kaming dalawa. Iwanan ko nalang kaya siya?

"Siya yan, tignan mo yung buhok niya oh." Sabi ng isang babae saka niya hinablot yung cap ni V.

Nanlaki ang mga mata naming lahat dahil namukhaan ng mga babae si V! Lalo na ngayong tinanggal ng isang Army yung cap niya!

Halos mabingi ang tenga ko nang biglang sumigaw lahat ng mga babae sa loob ng botique.

Agad akong hinatak ni V papalabas at tumakbo. Halos maputulan na ako ng paa dahil ang bibilis ding tumakbo ng mga fans niya! Para kaming hinahabol ng mga gutom na zombie! Hindi tuloy ako naka-shopping ng tahimik.

Bumitaw ako sa hawak ni V at tumakbo sa kabilang direksyon. Bumaba ako sa Ground floor ng Mall at hinintay na dumaan si V. Hinanda ko agad yung scarf ko na pantatakip ko sa mukha niya.

"V!" Tawag ko sakanya saka ko siya hinatak sa isang sulok. Hinahabol palang niya ang hininga niya habang nakahawak sa mga tuhod niya. Inabot ko naman sakanya yung black na scarf ko.

"Heto, ilagay mo sa ulo---mmm!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya ako...

H-H-Hina-...

"Aahhh!"

"Kim Taehyung!"

"Oppa!"

Narinig ko ang mga sigawan ng mga babaeng nagsitakbo na dumaan sa likod ko.

Nararamdaman parin ng magkabilang pisngi ko ang pagkakahawak ni V dito habang nakadampi ang mga labi namin.

Oo! Hinalikan niya ako! Without permission, notice, warning! Pero...

Infairness, malambot yung mga labi niya! Parang jelly ace na bagong gawa!

"Sa wakas, wala na sila." Humiwalay na din sa akin si V saka ulit niya hinabol ang hininga niya.

Habang ako naman, nakapako sa pagkakatayo ko at hindi makagalaw. Sino ba naman ang makakapag-isip ng matino matapos akong h-ha-hali...

"Yana, okay ka lang?" Inalog alog ni v ang balikat ko kaya bumalik yung sistema ko.

"Okay?! Matapos mo akong halikan, tatanong ka ng 'okay ka lang'?!" Sigaw ko. Adik ba siya?! Mas manhid pa pala siya kay Suga e.

"Eh wala akong choice. Kung hindi ko ginawa yun, malamang parehas na tayong pinagkaguluhan, inipit, at hinatak-hatak ng mga Armys. Gusto mo ba 'yon?" Tinaasan pa ako ng kilay ni V. Inirapan ko lang siya at hinagis yung scarf sa mukha niya.

"Isuot mo na yan. Uuwi na tayo." Sabi ko saka na ako lumabas sa mall.

Ang weird.

Nung hinalikan ako ni V, wala man lang akong naramdaman. Hiya at gulat, oo. Pero nung si Suga ang humalik sa akin, para akong nakalutang sa himpapawid.

Ano ba, Yana! Stop thinking about him! May Lisa na siya! Tandaan mong you will always be an acquantance to him.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/

Choi Zeira in the multimedia ♥

Another update tomorrow! Bless my kuko dahil natusok po siya ng cactus. Hindi lang po iyon ordinaryong tinik ng cactus. Medyo mahaba po siya tsaka malaki. Sobrang sakit po sa kamay maghawak ng cellphone ng matagal.

#prayformykuko

Love u ;*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro