Chapter Twenty Nine
YANA'S POV...
Agad kaming nagbiyahe ni Suga papuntang Daegu gamit ang kotse niya.
"Anong una nating papasyalan sa Daegu? Donghwasa? Dalseong Park? National Museum?" Excited kong tanong.
"Sa bahay." Nakangiting sagot niya sa akin.
"Y-You mean, kela mama mo? Sa pamilya mo?" Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Tumango siya saka niya hinawakan ang mga kamay ko pero focused parin siya sa pagda-drive.
"Kailangan nilang makilala ang babaeng pinakamamahal ko, Yana. Para hindi na ako kulitin ni mama na magka-anak--- Aray!" At binatukan ko siya.
"Anong anak pinagsasabi mo?! Magtrabaho ka pa!" Pagrereklamo ko na dahilan para mapatawa siya.
Safe kaming nakarating sa residence nila and as expected, normal house lang ang tirahan ng mga Min. Well, nagexpect kasi ako na mansion. Alam niyo na, milyunaryo na ang mga Bangtan ngayon.
Pinagbuksan ako ni Suga ng pintuan ng sasakyan niya at lumabas ako ng dahan-dahan.
Kanina pa ako nagnenerbyos e. Ang dami ring tumatakbo sa isip ko na nga katanungan gaya ng 'magugutuhan kaya nila ako?'
"Huwag kang mag-alala." Biglang hinawakan ni Suga ang kamay ko at inentertwine ito sa mga daliri niya saka niya ako nginitian. Agad namang nawala ang kaba ko saka ko siya nginitian ng pabalik.
Ang init ng mga kamay niya ang nagsisilbing ginahawa ko. Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang tama ko kay Suga.
Holding hands kaming pumasok ni Suga sa bahay nila at nadatnan ang... eomma niya, I think--- na nagluluto ng pagkain sa kusina.
"Eomma!" Binitawan ni Suga ang mga kamay ko saka siya tumakbo sa mama niya para makayakap.
Napangiti ako sa nakita ko. Sabi kasi ng mga matatanda, 'how a man treats his mother, is how he treats his lover.' Hindi talaga nagkakamali ang mga matatanda.
Nabaling ang tingin ng mama ni Suga sa akin. Agad naman akong nag-bow to show respect.
"Ah... ma, si Yana po. Naaalala niyo po ba siya?" Tanong ni Suga saka niya ako hinatak palapit sa mama niya.
Tinitigan naman ako ng maigi ng mama niya saka ako nginitian.
"Bakit ko naman makakalimutan ang babaeng lagi mong bukang bibig sa tuwing tatawag ka?" Pagaasar naman ng mama niya na dahilan para mamula ang mga pisngi ko sa hiya.
"Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka at kasama mo pa 'tong girlfriend mo. Nakapag-luto sana ako ng mas masarap." Sabi ng mama ni Suga saka niya kinurot sa braso ang anak niya.
"Ah, okay lang po. Hindi naman po ako mapili sa pagkain." Ngiti ko sa mama niya.
"Pati nga plato kinakain niya." Sabi naman ni Suga sa mama niya na dahilan para tignan ko siya ng masama.
"I guess magaling ka ring mag-luto dahil magaling kang kumain, hindi ba?" Tanong ng mama niya na agad ko namang tinanguan.
"Opo, madami po akong kayang lutuhin." Confident kong sabi.
"Oh, eh kumain na ba kayo?" Tanong ng mama niya.
"Hindi pa, ma. Kain na tayo. Asan si Papa?" Tanong ni Suga habang hinatak niya ako para umupo sa dining table sa tabi niya.
"Pauwi na rin siguro yun, anak." Sabi ng mama niya habang nagbibigay ng mga plato at chopstick sa amin ni Suga.
Umupo na sa harap naming dalawa ang mama ni Suga saka na kami nagsimulang kumain.
"Napaka-gandang dalaga mo naman, hija. Ano na nga ulit pangalan mo?" Pagsisimula ng mama ni Suga. Napangiti naman ako sa unang sinabi niya.
"Yana, po. Hwang Yana." Sagot ko at tumango lang siya.
Saktong magsasalita ulit sana ang mama ni Suga nang biglang bumukas ang pintuan. Napunta ang atensyon naming tatlo sa front door at pumasok ang---if I'm not mistaken, ang papa ni Suga ang pumasok.
"Yeobeo! (Honey!) Sakto, kasisimula lang naming kumain. Halika na't kilalanin mo itong mamanugangin mo." Pagtatawag ng mama ni Suga na dahilan para uminit ang pisngi ko. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Suga sa tabi ko.
"Hm? Manugang? Ikakasal ka na Yoongi?" At umupo sa tabi ng mama ni Suga ang papa niya.
"Pwede rin. Kaso di pa ako nagpo-propose." Pagbibiro ni Suga sa papa niya na dahilan para masiko ko yung braso niya kaya hindi tuloy dumiretso sa bunganga niya yung isusubo niyang pagkain.
"Aba'y anong pangalan mo, hija?" Medyo seryoso ang pagkakatanong ng papa ni Suga sa akin kaya nakaramdam ako ng konting kaba.
"Hwang Yana, po." Sagot ko.
"Eh paano naman kayo nagkakilala nitong si Yoongi?" Tanong niya. Napatingin ako kay Suga, hoping na tutulungan niya ako sa pagkukwento pero naka-tingin lang siya sa akin na parang handa ding makinig sa kwento ko.
"Actually, magka-barkada po kami dati. Pero habang patagal ng patagal yung pagkakaibigan namin, mas lalo naman kaming nahuhulog sa isa't-isa." Kwento ko at halatang-halata ko si Suga na naka-ngiti ng sobrang lawak kahit hindi ako nakatingin ng diretso sa kanya.
"Asan si Lisa? Yung unang babaeng ipinakilala mo sa amin? Yung parang manika sa sobrang ganda?" Tanong ng Papa ni Suga.
Halos mabasag ang puso ko sa mga salitang lumabas sa bibig ng Papa niya. Pakiramdam ko, hindi ako tanggap ng papa niya.
Natahimik si Suga sa upuan niya at ganun din ako. Samantalang napahawak naman ang mama ni Suga sa asawa niya para tigilan na ang pagtatanong.
"Matagal na po kaming nag-hiwalay, Pa. Si Yana na po ang gusto ko ngayon." Seryosong sagot ni Suga.
Medyo nagulat ako nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Suga sa kamay ko na nasa lap ko.
Napalingon ako sa kanya saka niya ako nginitian. Agad ko siyang nginitian pabalik dahil pinagaan ng loob ko yung nguti niya.
"Ganun ba? Sayang naman." Napakagat ako sa labi para pigilan ang masaktan sa mga narinig ko. Mas lalong humigpit ang kapit ni Suga sa kamay ko nang maramdaman niyang nagpipigil ako ng emosyon.
"Ano namang... pinagkakaabalahan mo sa buhay, hija? Nakapag-tapos ka ba ng kolehiyo?" Tanong ng papa niya na halos katunog ng mga nagja-job interview.
"Nakapagtapos po ako sa kursong Buisness Ad at cashier po ang trabaho ko sa isang restaurant." Sagot ko. Ginawa ko din ang makakaya ko para hindi halatang kabado ako.
"Oh, bakit ka part-timer kung nakapagtapos ka naman pala ng kolehiyo? Ayaw mo bang mag-apply sa mas disenteng trabaho?" Tanong ulit ng Papa niya na parang nandidiin. In-emphasize pa niya yung word na 'disente'.
"Disente po ang trabaho ko. Nakakabayad po ako ng renta, nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Minsan mga pitong tao pa po ang pinapakain ko." Sabi ko pero sinihurado ko parin na hindi ako nambabastos sa tono ng boses ko.
"Hmm. Eh ang mga magulang mo? Mukhang namumuhay ka lang mag-isa. Kilala na ba ng mga magulang mo ang anak ko?" Tanong nito na parang nanadaya.
Napatingin naman sa akin si Suga na sobrang nagaalala. Alam niya sigurong hindi ako kumportableng pinaguusapan yung mga magulang ko.
"Tita at Tito niya po ang nagpalaki sa kanya, Pa." Sagot ni Suga. Napayuko naman ako sa hiya dahil hindi man lang ako makasagot ng maayos sa mga tanong ng papa niya.
Lalo na't hindi ko pa nasasabi kay Suga ang tungkol sa mga magulang ko.
"Bukod sa pagiging waitress, ano pa bang trabaho mo, hija?" Tanong pa nito. Parang napapansin kong medyo iba yung ibig sabihin ng tanong niya. Parang iba yung tingin niya sa akin.
"H-Hindi po ako waitress. Sa cashier po ang trabaho ko. Bukod sa pag-aalaga sa anak niyo, wala na po akong ibang trabaho." Sagot ko. Medyo nawawalan na rin ako ng ganang kumain.
"Ah Honey, bakit di ka nalang muna kumain at ako naman ang magtatanong kay Yana?" Sabi ng mama ni Suga. Napapansin din siguro niya ang tension sa pagitan namin.
"Ilang taon ka na, Yana?" Ngiting tanong ng mama ni Suga.
"23 po." Sagot ko.
"Jusko napakabata mo pang tignan! Anong gamit mong sabon?" Tanong ng mama ni Suga na dahilan para mapatawa kami ni Suga. Sasagutin ko na sana siya nang bigla ulit nagsalita yung papa ni Suga.
"Lisa was better." Pabulong lang ang pagkakasabi niya pero klarong-klaro sa pandinig naming lahat ang mga salitang lumabas sa bunganga niya.
=====================
A/N:
Yanananana in the multimediaaaa ;*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro