Chapter Twenty Five
~♥~
YANA'S POV...
Kakabukas ko palang ng mga mata ko, agad na akong napaso sa sikat ng araw mula sa bintana ko. Ano ba 'to? Bakit ba kasi ako pinuyat ni Suga kagabi.
Speaking of the devil...
Liningon ko ang katabi ko at agad akong napangiti ng pagkalaki. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong saya.
Dahan-dahan kong inalis yung kamay ni Suga na nakapulipot sa beywang ko at dumiretso sa kusina para maghanda ng pagkain.
FYI, walang nangyari sa amin kagabi. Ganito kasi yun...
~FLASHBACK~
Agad na sinarado ni Suga ang pintuan ng kwarto ko at dahan-dahan niya akong pinahiga sa kama.
Hinagip niya agad ang mga labi ko hanggang sa makarating ito sa leeg ko. Sinungaling na ako kung sasabihin kong hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari.
Naramdaman ko ang mga kamay niyang pinapasyal ang bawat parte ng katawan ko.
Hanggang sa mahawakan niya ang dulo ng bestida ko at dahan dahan niya itong itinaas.
Pero bago pa man lumagpas sa parte ng katawan kong ayaw kong ipakita, mahigpit na hinawakan ko at pinigilan ang kamay ni Suga. Napatigil din siya sa paghahalik sa leeg ko at hinarap ako.
Napakagat ako sa labi ko at umiling-iling sa kanya.
Tawagin niyo na akong madre at luma pero ibibigay ko lang ang dangal ko sa lalakeng pinakasalan ko. Kahit si Suga pa ang gusto kong makasama habang-buhay, hindi parin iyon guarantee na itutuloy namin kung ano mang mangyayari ngayong gabi.
"May problema ba?" Tanong niya gamit ang sobrang lalim niyang boses. Umiling lang ako sa tanong niya.
Jusko, kung nakakamatay lang ang boses ni Suga, malamang matagal na akong nakalibing.
"Wag mong sabihing... first time... mo?" Nauutal na tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin at binigyan ng batok.
"Aray! Para saan naman yun?!" Reklamo niya habang hinihimas yung pagkabatok ko sa kanya.
"Anong tingin mo sakin? Nagpapahalik at nagpapakuha sa kahit kanino?!" Sigaw ko sakanya na dahilan para tawanan niya ako.
Imbes na magalit ako, parang napalitan agad ng saya nang marinig ko yung tawa at makita ko yung ngiti niya. Higit sa lahat, ako pa ang dahilan!
"Aigoo." Sabi niya saka niya ako hinalikan sa noo.
~END of FLASHBACK~
Ano kayang magandang lutuin? Ramyeon? Eggrolls? Black bean soup? Samgyeopsal?
"Japchae." Napapitlag ako nang maramdaman ko ang yakap ni Suga sa likod ko.
"Bakit ba gustong gusto mo ng japchae?" Tanong ko sakanya pero nagkibit balikat lang siya.
"Ano ba, Suga. Bitawan mo nga ako. Hindi ako makapag-luto e."Reklamo ko sakanya pero imbes na humiwalay siya, mas hinigpitan pa niya ang yakap niya sa tiyan ko at nagrereklamo na parang bata.
"What on Earth..."
Napapitlag kaming dalawa ni Suga na dahilan para dumistansya kami sa isa't isa. Pagkaharap ko sa boses na narinig namin, para akong natabunan ng yelo.
Holy mother of Hwang Yana.
Nakatayo pala ang Bangtan sa pintuan ng kusina at ang malala, nakita nila kaming dalawa.
"A-Ah k-k-kunin ko na tong p-plato." Palusot ni Suga saka akmang kumukuha ng plato sa cabinet.
"Hyung, Noona, m-may hindi ba kayo sinasabi sa amin?" Tanong ni Jungkook na mukhang gulat na gulat sa nakita niya.
"B-Bakit ba kayo nandito? Bigla bigla nalang kayong pumapasok." Pagiiba ko ng topic.
"Akala kasi namin, nawala si Suga hyung. Andito lang pala siya." Sabi ni Jimin. Napatingin ako kay Suga at sinamaan siya ng tingin.
Hindi man lang ba siya nagpaalam?!
Tinaasan niya lang ako ng kilay at nagkibit balikat. Napabuntong hininga ako at nginitian nalang sila.
"Hindi ba kayo gutom? Sakto nagluluto na ako ng breakfast." Palusot ko.
"Yah. Wag mong ibahin ang usapan. Ano yung nakita namin kanina? At bakit may pasa ka sa leeg?" Tinuro pa ni Jin oppa yung leeg ko. Nanlaki naman ang mata ni Suga nang makita niya yung 'pasa' sa leeg ko.
May pasa ako? Hindi naman ako naaksidente kahapon e. Tsaka wala namang masakit. Pano ako... teka. H-Hindi yata to pasa.
"Hyung, hindi ba mukhang hickey 'yon?" Nagtatakang tanong ni JHope oppa habang tinititigan ang leeg ko.
"Hickey?! Chikinini?! YAH! MIN YOON GI!" Sigaw ni Jin oppa na halos mapapikit kaming lahat sa sobrang lakas ng sigaw niya.
"Walang nangyari sa amin, Jin oppa! I swea----"
"Manahimik ka! Hindi kita kinakausap!" Sigaw ni Jin oppa sa akin at automatic na napatikom ang bibig ko.
"Sagutin mo ako, Suga. Anong ginawa niyo kagabi?" Seryosong tanong ni Jin oppa.
Biglang hinawakan ni Suga ang mga kamay ko ng mahigpit at hinalikan ito. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya. Nababaliw ba siya?! Gusto niya atang mapahamak kaming dalawa e!
"Mahal ko si Yana, hyung." Simpleng sagot ni Suga. Napatingin ako kay Suga at seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Anong..." Hindi makapaniwalang nauutal si Jin oppa at di niya matuloy tuloy ang sasabihin niya.
"At handa akong panindigan siya." Patuloy ni Suga.
WHAT?!
Halas lumuwa ang eyeballs naming lahat sa sinabi niya. Anong paninindigan?! Ano bang sinasabi niya?! Nakakabuntis na rin ba ang halik?!
"P-Paninindigan...?" Hindi makapaniwalang tanong ni V. Napatingin ako sa kanya at halata sa mga mata niya ng sakit at lungkot.
Agad akong nakaramdam ng konsensya. Pinili ko ngang maging masaya pero sinaktan ko naman ang bestfriend ko.
"Buntis ka?" Tanong ulit ni V. Umiling ako agad.
"Hindi! Walang nangyari sa amin! I swear!" At tinaas ko pa ang palad ko para ipakita na hindi ako nagsisinungaling.
"Eh bakit meron ka niyan, noona?" Tanong ni Jungkook habang tinuturo yung hickey ko.
Napakagat ako sa mga labi ko at napatingin kay Suga na hawak parin ang kamay ko.
"Totoong si Suga ang nagbigay sa akin neto. Pero hanggang doon na lang yun! Sinisigurado ko sa inyo na walang nangyari!" Pagpapaliwanag ko.
Malamang, ang sumunod na nangyari ay napagalitan kami ng Bangtan. Para kaming mga bata na sinesermonan ng magulang. Napaka-OA ni Jin oppa akala mo naman parang tatay.
KIM'S RESTAURANT...
Break ko ngayon at wala pang ilang segundo ay pumunta na dito yung dalawa. Sino pa ba? Edi si Zeira at Jiwoo. Nabalitaan na rin siguro nila.
Umupo kami sa isang table at nagchikahan.
"Yah! Magiging ninang na ba ako ng dalawang bata? Sabihin mo sa akin ang totoo, Yana!" Pagpipikit ni Jiwoo. Bakit ba ako laging inuunahan ng mga tao?
"Walang nangyari, ano ba! Napaka-OA mo." Sabi ko saka ako sumusop sa iced coffee ko. Napabuntong hininga lang si Zeira at Jiwoo.
"Eh anong nangyari? Bakit nasa apartment mo si Suga ng alas dose ng gabi?" Nakangising tanong ni Zeira at linapit pa nila ang mga mukha nila sa akin na sobrang interesadong makinig.
"At saan niyo naman nakuha ang impormasyong yan?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala namang tsismis na hindi alam ni Jiwoo." Sagot ni Zeira.
"Oh bakit ako? Ikaw nga 'tong nagpumilit na puntahan si Yana para marinig yung totoo." Sabat naman ni Jiwoo. At dahil doon, nagpapalitan na ng masakit na tinginan ang dalawa. Napabuntong hininga nalang ako.
"Ganito kasi yung nangyari..." At agad akong hinarap nung dalawa na parang naghihintay ng story telling.
Kinuwento ko naman ang buong istorya mula sa dumating si Suga at sa pagsesermon sa amin ng Bangtan.
"Nakaka-disappoint naman! Walang nangyari. Yung lalake na nag-initiate, Yana! Tsaka si Suga na yon! Ang haba naman ng buhok mo at tinangggihan mo pa ang grasya." Ani ni Jiwoo. Iniripan ko lang siya.
Minsan nagtataka rin ako kung bakit tong si Zeira ang unang nabuntis, samantalang mas vulnerable naman sa lalake tong si Jiwoo.
"Ano ba, Jiwoo? Mas mabuti na yon. Tignan mo ako, naka-settle down lang kay Namjoon pero hindi kami kasal. Mahirap yun." Sabi ni Zeira. Napatango naman ako sa sinabi ni Zeira.
"Oh, kamusta naman kayo ni Rm oppa? Umeeksena parin ba si IU?" Tanong ni Jiwoo kay Zeira na dahilan para kumunot ang noo ko.
"IU?" Tanong ko.
"Ah, siya yung lintang ex na sobrang sipsip kay Namjoon. Ang difference nga lang ni IU sa linta e, marunong siyang mag-make up." Pangbabash ni Jiwoo na dahilan para tumawa kaming dalawa ni Zeira.
Kung gaano pala kadaldal tong si Jiwoo, ganun din katalim ang dila niya. Kaya manginginig sa inis yung kung sino mang mangaaway sa kanya.
"Wala na akong nababalitaan e. Tsaka 'wag na nga nating pag-usapan ang mga walang kwentang bagay. Naiistress ako." Reklamo ni Zeira at agad kaming tumango. Mahirap na, baka malaglag yung inaanak ko. Cute pa naman.
Sana nga't maging okay na ang lahat. Ngayong, kami na ni Suga, at maayos na ang pagbubuntis ni Zeira.
●●●●●●●●●●●●●●●●●
A/N:
Hindi pa po ito ending hahahaha! Chapter 25 palang po. May 20 chapters pa at dito palang magsisimula ang kwento ni Yana at Suga.
Abang abang! ;*
SUGA *with abs* in the multimedia ♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro