Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty Eight

~♥~

YANA'S POV...

"Mmmm..." at uminat-inat ako sa higaan ko.

Bigla naman akong nakaramdam ng pananakit sa ulo. Hangover. Inangat ko ang kumot ko at nakitang suot ko parin yung damit ko kagabi. Which is good kasi baka mamaya isipin kong nagahasa ako.

Dahan-dahan akong bumangon hawak ang temple ng ulo ko nang muntik na akong mahulog sa kama sa gulat nang makita ko ang taong naka-upo sa harap ng kama ko.

"Lasing parin ba ako? Ganito ba kalakas ang mojito?" Nagkukunot ang noo kong nakatingin sa taong nasa harapan ko. Klarong klaro sa paningin ko kung sino ang naka-upo sa harapan ko ngayon.

"Argh!" At sinampal ko ang sarili ko para magising.

Nilingon ko ulit ang taong nasa harapan ko at naka-tayo na siya ngayon.

Dahan-dahan akong tumayo at dahan dahang hinwakan ang mukha ng taong nasa harapan ko. Mamaya kasi baka multo na 'to.

Pero nang mahawakan ko ang pisngi niya, kinurot ko at pinagtutusok para manigurado. Halla! Totoo nga!

Andito si Suga!

"Good morning!" Pagbabati ko sa kanya kasabay ang pinakamatamis na ngiti. Kasi kung hindi, baka araw na ng kamatayan ko.

"Hindi ba natuloy yung event niyo sa America?" Casual na tanong ko. Kailangan ko muna mag-headstart ng mga malalamig na salita para hindi uminit ulo niya. Kundi, patay talaga ako.

Ih! Jiwoo kasi! Patay sa akin ang babaeng yun. Malamang siya na naman ang dahilan kung bakit andito si Suga.

"Bakit ganyan ang suot mo?" Malamig na tanong ni Suga saka tinignan ako ng pababa at pataas. Zeira! Patay rin sa akin ang buntis na 'yon!

"Ah k-k-kasi..." Ano ba, Yana! Mas lalo lang makakahalata si Suga kung mauutal ako!

Biglang lumapit si Suga sa akin. Dahil sa gulat, umatras din ako. Patuloy parin sa paglalakad palapit sa akin si Suga habang naka-tingin ng diretso.

Dahil konti lang ang space ko, napa-higa ulit ako sa kama dahil wala na akong aatrasan.

Buong akala ko ay titigil na si Suga pero halos mabawian ako ng buhay nang gawin niyang sandalan ang mga kamay niya at pumatong sa akin.

Hinga, Yana! Huminga ka, Yana! Kailangan mong mabuhay!

Palapit ng palapit ang mukha ni Suga sa akin kaya napapikit ako. Akala ko hahalikan niya ako pero kumunot ang noo ko nang bigla niya akong amoyin na parang aso.

"Amoy mojito. Grape mojito." Sabi niya habang matalim na naka-tingin sa akin.

Ako naman, guilty as charged. Napabuntong hininga siya na dahilan para mapalunok ako dahil nasa ibabaw ko parin siya.

Naka-hinga ako ng maluwag nang umayos siya ng upo sa kama ko. Bumangon din ako saka umupo saka hinarap siya habang naka-upo kami dito sa kama ko.

"Bakit ka naglasing kagabi?" Tanong niya. Shaks! Nakakatakot yung boses niya. Parang anytime, pwede niya ang barilin sa ulo.

"Hindi ko naman intensyon na maglasing. Hindi ko alam na malakas pala ang tama ng moji----" -me.

"Bakit ka nag-club?" Pagpuputol niya sa akin.

"Kasi magu-girls night out daw kami e hindi ko naman alam na pupun----"

"Bakit ganyan ang suot mo?" -Suga. Hindi ba niya ako patatapusing mag-explain?

"Hindi naman sa akin 'to e. Kay Zei---"

"Bakit kasama mong sumasayaw si Kris?" -Suga. Halla! Paano niya alam? Tsinismis din ba iyon ni Jiwoo?!

"K-Kasi... nagpakilala naman siya sa akin ng maayos tsaka kaibi----"

"Bayaan mo na. Cut him off your cellphone kung binigay mo yung number mo sa kanya. Kapag binigay mo ang address mo, pumunta ka sa condo ko. Kung makakasalubong mo siya, pretend you don't know him." Tuloy tuloy na sabi ni Suga. 

Hindi ko mapigilang ngumiti sa mga sinabi niya. Akala ko ito na yung araw na susunduin ang kaluluwa ko pero mali pala ang expectation ko kay Suga. Napaka-husband material niya! Omo!

"Kaibigan ko lang naman si Kris. Tsaka hindi naman siya masamang tao." Pagkatapos kong sabihin iyon, agad akong tinignan ni Suga ng matalim. Dahilan para tumikom ang mga bibig ko.

"Yes, boss." Sabi ko nalang saka ako sumaludo sa kanya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dumiretso ng banyo para maligo.

Akala ko talaga papagalitan niya ako! Muntik na akong maatake dun!

Pagkatapos kong maligo, agad akong dumiretso sa kusina at binigyan si Suga ng paborito niyang juice na naka-upo ngayon sa sala ko at nanonood ng basketball, as usual.

"Hindi ba natuloy yung event niyo sa America?" Tanong ko sa kanya nang i-abot ko yung juice niya saka ako umupo sa sofa na isang metro ang layo sa kanya. Mamaya, sakalin pa ako ni Suga.

Hindi niya ako sinagot at ininom lang yung juice niya. Galit pa kaya siya sa akin? Halla, galit pa yata siya. Ano ba 'to, ang hirap niya namang suyuin.

"Gusto mo ba ng japchae? I-Ipagluluto kita." Napakagat ako sa labi ko at napalingon sa kanya. Baka kasi gutom siya e

Gaya ng sabi ng mga matatanda, 'the best way to a man's heart is through his stomach.' Buti nga at pinagpala ang mga kamay ko sa pagluluto.

"Baka gusto mo ng---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niyang itapon yung remote sa mesa. Hindi naman gaanong malakas pero halata mong ayaw niya akong pakinggan.

"Mag-empake ka. Aalis tayo bukas." Utos niya. Bakit ba napaka-cold niya? At san naman kami pupunta?

"S-Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Hindi ba sinabi ko sayo na babalik tayo sa Daegu pagka-uwi ko galing America?" Taas kilay niyang tanong. Tumango nalang ako at nanood nalang din ng basketball.

Ano ba kasing maganda sa basketball? Ang boring kaya! Puro mga lalaking nagaagawan ng bola tapos ihahagis lang din para maka-shoot.

Biglang napabuntong hininga si Suga at nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

Bigla siyang lumapit sa akin sa ako binalot ng mahigpit na yakap! Yung mga bisig niyang nakapalibot sa mga braso ko ang tanging nagpapainit sa katawan ko.

"Mmm..." hum ni Suga habang hinihigpitan pa ang yakap niya.

"Huwag ka na ulit gagawa ng ikakatampo ko." Bulong niya habang nakapikit siya at nakasandal sa mga balikat ko habang yakap yakap ako.

Ganito pala ang pakiramdam kapag may nagka-cuddle sayo sa ganito kalamig na panahon. Ang relaxing.

Parang feeling ko, safe and secure ako sa tabi ni Suga at sa mga hawak niya.

"Na-miss kita!" Sigaw niya at hinigpitan pa ang yakap niya.

"Wala pa ngang 24 hours na nasa America ka e!" Reklamo ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla siyang magnakaw ng halik saka ngumisi ng nakakaloko.

"Yah!" Sigaw ko sakanya na dahilan para magnakaw ulit siya ng halik.

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan siya ng tingin.

"Masyado kang abusado a!" Saka ko siya kiniliti na dahilan para kilitihin niya rin ako pabalik.

The fact na napaka-immature naming magkilitihan ngayon, ay sobrang saya para sa akin. Ang cute kaya namin! Mainggit na lahat ng magjo-jowa!

Sana ganito nalang kami kasaya palagi. Yung walang istorbo, walang problema, walang Lisa.

Natigil ang pagkikilitihan namin nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Umayos kaming dalawa mg upo at kinuha ko yung cellphone ko sa mesa.

Dahil sa excitement, hindi ko na tinignan yung caller ID at diretsong sinagot ang tawag.

"Yeoboseyo? (Hello?)" Sagot ko.

"Hi Yana! Kagabi pa kita tinatawagan. Nagaalala lang ako. Nakatulog ka ba ng maayos?" Napatikom ang bibig ko nang marinig ko ang boses ni Kris.

Napalingon ako kay Suga at halata sa mukha niya ang pagtataka. Buti nga hindi naka-loudspeaker.

"A-Ah, oo. Safe akong naka-uwi." Sagot ko. Nagpatuloy lang si Suga sa panonood habang umiinom ng juice.

"Buti naman kung ganon. I was just going to invite you on a dinner? Kung... pwede sayo?" Tuloy-tuloy na sabi ni Kris. Napakagat ako sa labi at napalingon ulit kay Suga.

Is this called cheating? Hindi naman siguro, diba? Kaibigan ko lang naman si Kris at wala namang namamagitan sa amin.

And according to Google, it is only considered cheating if it's more than flirting. As much as I know, friendly dinner ang tinutukoy ni Kris at hindi isang date... hindi ba?

"M-May lakad ako bukas e. Pupunta ako ng Daegu." Sagot ko.

"Ah... Then how about after your trip to Daegu? Ilang araw ka ba doon?" Tanong niya. Parang ang sama ko namang babae kung irereject ko siya diba? I mean, Kris Wu! Isang celebrity ng China at Korea!

"Hindi ko alam e. Pero... inform nalang kita kung naka-uwi na ako. Then we can have dinner." Sagot ko sakanya.

"Great! See you soon, then?" Pagpapaalam niya. Hindi man siguro makikita ni Kris pero naka-ngiti ako ngayon.

"See you. Bye." Sabi ko saka ko na tinapos ang tawag.

"Magdidinner ka? With who?" Biglang tanong ni Suga. Napalingon ako sa kanya at napakagat sa labi.

"A-Ah j-j-just a friend. Nag-invite ng dinner pag-uwi natin galing Daegu." Sagot ko kay Suga at hindi na din siya nag-abalang nagtanong saka tumango nalang.

Bakit ba ako nagtatago?! Bakit ba hindi ko masabi kay Suga na si Kris iyon?!

Get your acts together, Yana.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

A/N:

Obviously, sa Daegu na po magaganap yung susunod na chapters. I hope I-support niyo po ang librong ito! Thank youuuu ;*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro