Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twelve

!WARNING!
Madaming pictures, load-load/connect sa wifi din bes ;)

~♥~

YANA'S POV...

Nakatayo kami ngayon dito sa labas at hinintay na lumabas si Zeira at Rm.

"Manager Oppa, salamat sa van at sa kotse hah?" Tinapik ko sa balikat yung Manager ng BTS. Mas close ko pa ata siya kesa sa mga Bangtan e.

Sa wakas, lumabas na rin si Zeira at RM oppa. Sila JHope oppa naman at Jungkook ang naglagay ng mga bagahe sa likoď ng van.

"Dinala mo ba buong apartment mo? Ang bigat nito a." Pagrereklamo sa akin ni JHope habang binubuhat yung maleta ko.

Eh one week daw kami sa Jeju kaya dinala ko na halos kalahati ng wardrobe ko. Mahirap na, baka maubusan pa ako.

Nagkibit balikat nalang ako at humarap kay V.

"San ka sasakay?" Tanong ko sa kanya.

"Sa kotse. Magkakasama kami nina JHope hyung at Jimin doon." Sagot niya. Tumango nalang ako as a response.

"Ayusin mo nga yang bestida mo." At biglang hinatak ni V pababa yung dulo ng dress ko.

"Ang OA mo. Ang haba na nga neto." At inagaw ko nalang sa kanya yung bestida ko pabalik.

"Lez gow!" Sigaw ni Jiwoo at sumakay na siya sa Van.

"Sige, sakay na ako." Pagpapaalam ko kay V at nagngitian lang kami bago kami naghiwalay. Pinagmasdan ko nalang si V na sumakay sa kotse at kinawayan ko siya.

"Yana! Tara na!" Tawag sa akin ni Jin oppa at sumakay na siya sa loob ng Van. Ako nalang pala ang 'di pa nakakasakay.

Pagpasok ko sa loob ng Van, nadatnan kong nagaagawan ng pwesto si Jin oppa at Suga sa one seater na upuan.

"Nauna ako!" Pagrereklamo ni Jin oppa na parang bata.

"Ayoko ng may katabi." Reklamo naman ni Suga.

"Your problem, not mine." Pangiirap ni Jin oppa at ipinikit na niya ang mga mata niya.

Umupo nalang ako sa two seater na upuan at linabas ang cellphone ko para magearphones. Wala na kasing ibang upuan dahil na-occupy na ni Jungkook yung isang seater na upuan at si Zeira at Rm naman ang magkatabi sa two seater.

Biglang umupo sa tabi ko si Suga.

"Bakit ba kasi ang dami-daming bagahe dito." Bulong ni Suga sa sarili niya.

[A/N: Heto po yung seating arrangement nila para di po kayo malito XD]

Inaandar na ni Manager ang Van at nagsimula na ang biyahe. Napalingon naman ako sa katabi kong abala sa pabtu-twitter.

Hindi ko alam pero natulala ako sa pagbabrowse niya sa cellphone niya. Napansin niya ata ako kaya bigla niyang pinindot yung home button at pinower off yung cellphone niya.

Pero...

Bago pa man mapatay yung screen ng cellphone niya. Hinding-hindi makakalimutan ng mga mata ko yung Homescreen wallpaper niya...

So... mahal pa pala niya ang babaeng yun.

Bigla akong nakaramdam ng antok at sinandal ko nalang ang ulo ko sa bintana ng sasakyan.

Saktong magsisimula na sana ang panaginip ko nang biglang hablutin ni Suga yung right na earphones ko.

"Ano namang pinapakinggan mo?" Tanong niya at isinukbit yung right na earphones sa right ear niya.

Now Playing: Boy With Luv by BTS

"Hindi ka ba nagsasawa sa boses namin?" Reklamo niya. Inirapan ko nalang siya.

"Wala naman akong choice. Naka-spotify lang ako." Sabi ko at pinakita sa kanya yung updated playlist ng spotify. Napabuntong hininga lang siya at umiwas na ng tingin.

"Okay na ba kayo ni V?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang siya at inagaw yung cellphone ko para pumili ng kanta.

Now Playing: Kill This Love by BLACKPINK

Seryoso ba siya? Talagang kanta pa 'nila' ang pinili niya. Liningon ko siya at binalik niya sa akin yung cellphone ko na parang hindi siya affected.

"Kala ko ba naka-move on ka na?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang uli siya at ipinikit na ang mata niya.

Bigla akong nakaramdam ng pamimilipit sa dibdib ko. Parang bumibigat.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil medyo hindi ako makahinga ng maayos.

Ano bang problema, Yana? Bakit ka ba nasasaktan, hah?!

SUGA'S POV...

"Kala ko ba naka-move on ka na?" Tanong sa akin ni Yana.

Siguro?

Nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Ipinikit ko na yung mga mata ko para matulog.

Ilang taon na ang nakalipas simula nang iwanan niya ako. At hanggang ngayon... di ko pa rin magawang kalimutan lahat ng pagkakataong kasama ko siya. Lalo na't homescreen ko pa yung pre-debut selca naming dalawa.

*BLAG!*

Naudlot agad ang tulog ko at napapitlag ako sa upuan ko nang may marinig akong malakas na pagka-untog.

"Ouch..." Bulong ni Yana sa sarili niya habang hinihimas yung ulo niya. May cancer ba siya sa utak at ganyan siya ka-tanga?

"Bwiset na humps." Pagrereklamo niya at inayos ayos yung buhok niya.
Napabuntong hininga nalang ako.

"Istorbo ka." Sabat ko at sinamaan niya ako ng tingin.

Napangisi ako agad dahil sa maliit na laway na natuyo sa gilid ng labi niya. Nagkunot naman ang noo niya.

"Ano bang tinatawatawa mo jan? Mukha ba akong clown?" Inis na tanong niya. Napangisi ulit ako sa itsura niya.

"Laway mo." At tinuro ko yung labi niya. Nanlaki agad yung mukha niya at pinunasan ang laway niya na parang katapusan na ng mundo. Baka pati labi niya mabura.

"Maka-tawa ka jan. Lakas mo nga humilik eh." Sagot niya. Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy na pakinggan yung music sa cellphone ni Yana.

We must kill this love
Yeah, it's sad but true

Gotta kill this love
Before it kills you too

Pano ko papatayin yung pagmamahal ko sa kanya kung hanggang ngayon, siya parin yung nagpaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa, na malakas ako, at napapasaya niya ako.

"Pahiram." Pamamaalam ni Yana at iminulat ko ang mga mata ko. Nakangiti siya habang hawak hawak niya yung neck-pillow ko na BT21.

"'Di pwede." At inagaw ko agad sa kanya yung neck pillow ko. Bago pa kasi 'to at di ko pa nagagamit. Sumimangot naman siya.

Bakit ba sa tuwing iisipin ko si Lisa, lagi nalang umiistorbo ang sadakong 'to?

"Hindi mo naman ginagamit eh." Pagrereklamo niya.

"Oh eto. Gagamitin ko na." At agad kong sinuot sa leeg ko yung neck pillow. Inirapan naman niya ako.

"Share nalang tayo." Ngiting sabi niya. Anong share? Pang isang tao lang ang neck-pillow. Nagiisip ba siya?

"Good for one person lang 'to." Masungit kong sagot.

Nanlaki ang mata ko nang bigla niyang sinandal ang ulo niya sa neck-pillow na suot ko.

Pinagpawisan agad yung kamay ko at nanlamig ng bahagya yung mga binti ko. Parang na-paralyze yung buong katawan ko at hindi ko maigalaw.

Amoy lavander...

Ang bango naman ng buhok ng sadakong 'to. Isang bote ba ng shampoo ang nauubos niya tuwing maliligo siya?

"Ang bango." Nanlaki ang mata ko sa sarili kong mga salita. What the actual fuck did I just said?! I swear, may sa malignong sumapi sa akin kaya ko nasabi 'yon!

Umayos ka nga, Suga!

"Wow. Alam mo din palang pumuri ng tao." Sabi nito. Humiwalay sa akin si Yana at napakalawak ng ngiti niya.

"Eh ano ngayon kung mabango ka? Normal sa tao na magkaroon ng good and proper hygiene." Depensa ko.

"Himala. Tao pala ako sa paningin mo ngayon." At tumawa siya na parang wala nang bukas.

Biglang uminit yung pisngi ko nang marinig ko yung tawa niya.

First time... niyang tumawa sa harapan ko, tumawa ng dahil sa akin, at tumawa ng totoo.

Ano namang pake ko kung first time ko siyang makitang tumawa? Tsaka bakit parang nakakaramdam ako ng excitement at ninenerbyos?

Hanggang ngayon tumatawa parin siya at di ko mapigilan ang sarili kong titigan si Yana. Ngayon ko lang kasi napansin kung gaano siya... katotoo.

Napansin niya yata ako at nagtama ang mga tingin namin. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at uminit yung paligid. Feeling ko lang biglang uminit e.

Hindi namin napapansing ang tagal na naming nakatingin sa isa't-isa at gumagalaw na ng kusa ang katawan ko. Papalapit ako ng papalapit kay Yana.

Gusto kong pigilan ang sarili ko pero hindi ko magawa. Parang may sa demonyong sumanib sa akin at hindi ko kayang pigilan ang sarili ko.

Konti nalang at maglalapat na ang mga labi namin dahil nagpapalitan na kami ng hininga sa sobrang lapit.

"Uh, guys?" Biglang sabi ni Jiwoo.

Napapitlag kaming dalawa at nagising sa realidad. Dahil sa pagkagulat ni Yana, nauntog ulit siya sa bintana ng sasakyan kaya nagising lahat ng tao sa loob. Ang lakas e.

"Aray!" At hinilot hilot niya yung ulo niya.

"Bakit anong problema?" Tanong ni Rm kay Jiwoo.

"Naka-reserve na daw yung buong resort." Sabi ni Jiwoo habang nakasukbit parin yung cellphone sa tenga niya.

"WHAT?" Sabay sabay naming sabi.

"Sshh 'wag kayong maingay. Kita niyong may natutulog oh." Sabi ni Rm at malamang yung buntis niyang pinsan yung tinutukoy niya.

"Saan na tayo ngayon niyan?" Nakasimangot na tanong ni Yana. Nagtama ulit ang tingin namin pero umiwas agad ako.

Pagkatapos nung nangyari kanina, hindi ko alam kung babalik pa ba kami sa dati. Mas okay pa kapag napaiyak ulit siya e.

Binaling ko nalang agad ang atensyon ko kay Jiwoo.

"Akin na." At ibinigay sa akin ni Jiwoo cellphone niya.

"Hello?" Agad kong pambungad.

"Hello po, sir? Sorry sir pero hindi po namin pwedeng ipa-book ang mga rooms dito for 3 days. VVIP po kasi ang nagpa-reserve." Sabi ng babae sa kabilang linya.

"Sino?" Tanong ko.

"The VVIP's would like to stay confidential in that matter, sir." Sagot ng babae. Napabuntong hininga nalang ako. Sino naman kayang mga aroganteng mayayaman ang nagrent ng buong resort?

"Three days lang sila, one week kaming magi-stay jan. We will double the pay." Sagot ko. Napatingin naman sa akin si Yana at si Jiwoo na nanlalaki ang mga mata.

"Pero..." Nagaalangang sumasagot yung babae.

"Okay sir, we will let you book your stay for one week in the resort by paying twice the original payment of your stay. Thank you for choosing our service. Have a goo---" Pinatay ko na agad yung call at binalik kay Jiwoo yung cellphone niya.

"Anong sabi?" Nagaalalang tanong ni Yana.

"Tuloy." Sagot ko. At nagdiwang ang lahat.

"Ilang ulit ko bang sasabihin na may natutulog dito?" Inis na sabi ni Rm. Tumahik nalang ang lahat at nagpatuloy ang biyahe.

Ngayon, wala na kaming kibuhan ni Yana. Wala na rin ni isa sa aming dalawa ang nadatnan ng antok.

Sino ba namang makakatulog sa nangyari kanina?

We almost kissed for f*ck's sake!

At di ko alam kung bakit ko nagawa iyon. Kung hindi siguro nagsalita si Jiwoo...

Napalingon ulit ako kay Yana at saktong lumingon din siya sa akin kaya nagiwasan agad kami ng tingin. Napakagat nalang ako sa labi ko at nagsisisi sa mga pinaggagagawa ko.

Huwag mong sabihing ganito kami ka-awkward ni Yana sa Jeju ng isang linggo?

F*ck my life.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●

AN/

SUGA in the multimedia ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro