Chapter Three
~~♥~~
YANA'S POV...
Nagmamadali akong naglalakad papuntang venue ng fansign. Binuksan ko agad ang pintuan at napansin kong nagsimula na ang fansign.
Napatingin naman ako sa harapan at nahagilap ng mata ko ang nagniningning na pink ribbon.
Nagtama ang mata namin ni V at natawa ako sa itsura niya. Napangisi naman siya sa itsura ko.
Pano ba naman, kagagaling ko lang ng trabaho. Agad akong pumila para magpapirma.
Sa wakas! Matapos ang mahaba-habang pila na parang aabutin na ng isang dekada, it's my time to shine!
Tumalon ako sa harap ni RM oppa at sinalubong agad ako ng malalalim niyang dimples. Kung mamamatay man ako, gustong mailibing sa dimples ni RM.
"Kala ko di ka na makakapunta." Sabi niya at nginitian ko lang siya. Matitiis ko ba yung dimples niya?
Inabot ko sakanya yung album at pinirmahan na niya ito. Kinalkal ko yung hawak kong paperbag at binigay sa kanya ang isang toy gun na naglalabas ng bubbles.
Lumalim agad yung dimples niya sa sobrang lawak ng ngiti niya. Di mo aakalain na ang leader ng BTS ay matutuwa sa isang toy gun.
Napansin ko namang kanina pa nakangiti sa akin si JHope oppa. Lumipat ako sa kanya at nakita ko na naman yung mga pisngi niyang kasing taba ng mga eyebags ko.
"Oppa! Bilisan mo magpirma, gusto ko nang hawakan yung kamay ni Chimchim!" Sabi ko at narinig ito ni Jimin kaya narinig ko yung tawa niya.
"Mas malambot pa kamay ko kay Jimin e!" Reklamo naman ni JHope oppa. Hinatak ko yung kamay ni JHope oppa at sinuot sa kanya ang isang toy bracelet.
"Thank you, Yana!" Nakangiting sabi ni JHope oppa. Tinaas ko yung palad ko para nag-offer ng high five pero biglang kinuha ni Jimin yung kamay ko na parang nang-aagaw ng candy.
Nagkatinginan pa sila masama ni JHope pero agad ding binaling ni Jimin ang tingin niya sa akin.
"Ang tagal mong dumating." Nag-pout si Jimin habang pinipisil yung kamay ko.
Jusko, utang na loob Jimin! Gusto ko pang mabuhay!
Pinirmahan na niya yung album at sinuot yung flower crown na ibinigay ko sa kanya. Hawak hawak parin niya ang kamay ko habang tinititigan yung mga photo cards dahil ang tagal nung fan na lumipat.
Nagulat kaming dalawa ni Jimin nang biglang agawin ni V yung album na nasa harapan ni Jimin at inagaw din yung mga photo cards na hawak niya.
Lumipat ako kay V at sinalubong ako ng seryoso niyang mukha. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya habang pinipirmahan yung album.
"Pwede bang matuwa ka nalang dahil naka-abot pa ako?" Pamimilosopo ko at inirapan niya agad ako.
Humingi siya ng tissue kay Stylist eonnie. Nanlaki ang mata ko nang pinunas niya ito sa pisngi ko.
Medyo madiin ang pagkakadampi niya kaya inagaw ko iyon sa kanya. "Ako na nga." Sabat ko.
Inilapag ko sa mesa ang pares ng hairclip na tenga ni Mickey Mouse. Kinuha naman iyon ni V at ibinalik sa akin. Kumunot ang noo ko nang ilapit niya ang ulo niya.
"Chuot mo chaken." Sabi niya with aegyo pa! Napairap nalang ako ng mata at napabuntong hininga.
Lumaki kami V sabay at magkasama kaya lahat ng mga kabaliwan niya, hindi na uubra sa akin. Pero syempre proud parin ako sa na-achieve niya. Like duhh! BTS kaya! Tsaka ang gwapo ng bestfriend ko! Ngayon ko lang na-realize! Choss!
Wala akong choice kundi isuot sa kanya yung hairpin. "Napakatamad mo naman para hindi mo gamitin yang sarili mong kamay." Sabat ko.
Bigla niyang linayo yung ulo niya at sumimangot. Buti nga at di ko nahatak yung strand ng buhok niya.
Padabog niyang binigay kay Jungkook yung album at nagtampururot. Tinawanan ko nalang siya at lumipat na kay Jungkook. Wala ako sa mood mag-suyo ng taga-Mars ngayon.
Lumapit naman sa akin si Jungkook para bumulong. "Kanina ka pa hinahanap niyan kaya ganyan siya, noona." Sabi ni Jungkook habang tinitignan naming dalawa si V. Sinamaan naman niya kami ng tingin pero tinawanan nalang namin.
Pinirmahan na ni Jungkook yung album at pinapanuod niya ako na parang batang naghihintay ng regalo habang kinakalkal ko yung paperbag ko.
Linapag ko sa mesa ang dalawang malalaking chichirya na dahilan para umilaw ang mga mata niya sa sobrang saya.
"Waaah! Thank you, noona!" Sabi niya at niyakap yung isang chichirya.
Nanlaki naman ang mata naming dalawa ni Jungkook nang biglang agawin ni Jin oppa yung isang chichirya. Ang haba ng kamay!
"Yah, hyung! Akin yan!" Reklamo ni Jungkook at tumayo ito para bawiin yung pinakamamahal niyang chichirya kay Jin oppa. Napabuntong hininga nalang ako at lumipat na kay Suga.
"Dumating ka?" Gulat na sabi nito na parang nandidiri at parang nabagsakan ng kamalasan.
"Oo. Gusto ko kasing sirain araw mo e." Sagot ko at nilapag yung album sa mesa. Si Jin at Jungkook at nagaagawan parin ng pagkain sa gilid ni Suga.
"Baka araw mo masisira." Sabat niya. Inirapan ko nalang siya at linapag yung album sa harap niya.
"Pirmahan mo na para hindi ko na makita yang mukha mo." Sabi ko. Nangalkal ulit ako sa paperbag ko habang nag pipirma siya.
Syempre, special ang ibibigay ko kay Suga. Favorite ko siya. Favorite na siraan ng araw.
"Heto. My gift." At inabot ko sa kanya ang stuff toy na Hello Kitty.
"Namimiss ka na daw ng kambal mo, oppa." At nag beautiful eyes pa ako.
Halata na sa mukha niya ang irita kaya naman bumuo sa mga labi ko ang ngiti ng tagumpay.
Nginitian niya naman ako ng fake dahil sa mga fancams na nakatutok sa amin. Kinuha naman niya yung hairclip na may cute na design sa gilid na siguradong bigay ng isang fan.
Nanlaki ang mata ko at nag-freeze ako nang ilapit niya ang mukha niya at sinuot iyon sa akin.
Nanlamig bigla ang mga kamay ko at nagpapalpitate na naman yung puso ko! 911! Kailan dadating ang ambulansya?!
Inayos pa niya ang buhok ko at hinaplos haplos pa niya ito. Ang gaan ng mga kamay niya at sobrang lambot!
Napalunok ako nang gamitin niya ang mga daliri niya para itago sa likod ng tenga ko yung buhok na nasa gilid ng mata ko. Naramdaman kong uminit yung pisngi ko!
"Ayan. Dapat lagi mong isuot yan." Sabat niya habang pinapakita sa akin yung signature gummy smile niya!
Ayoko pang mamatay, Suga! Mamaya makalimutan kong huminga eh!
"T-Talaga? B-Bagay ko ba?" Tanong ko habang inaayos yung buhok ko.
Inalis ko na ang tingin ko sa kanya dahil baka siya pa ang dahilan ng kamatayan ko.
"Oo. Nagmumukha ka nang tao. Medyo lang naman." Sabi niya ng nakangisi.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko at sinamaan siya ng tingin. Kung may mas matalim pa sa pagtingin ko kay Suga ngayon, di ko na alam!
Napabuntong hininga nalang ako para pigilan ang inis ko. Nginitian ko nalang kahit sa kaloob-looban ko, gusto ko na siyang ilibing ng 1000 feet sa ilalim ng luba.
Lumipat nalang ako kay Jin oppa na nagtagumpay sa pagaagaw ng chichirya kay Jungkook. Inirapan ko nalang siya habang kinakain niya yung ibinigay kong chichirya kay Jungkook. Kay tanda tanda nang tao, pati bata aagawan ng pagkain.
"Oh. Pirmihan mo na." Sabi ko at linapag ang album sa harapan niya. Pinirmahan niya naman ito at nagpatuloy sa pagkain.
Binigay ko naman sa kanya yung regalo kong paypay na may meme na mukha niya mismo. Para naman kahit isang segundo, maisip at makita na pangit siya.
Kinuha iyon ni Jin oppa at pinagpag sa mukha niya na parang nagshoshooting nga beauty commercial.
Una pa ata akong mamatay kesa sa confidence ni Jin oppa sa mukha niya.
Pagkatapos kong magpapirma, umalis na ako ng pila. Hindi pa man ako nakakalayo sa table kung saan nagaganap ang fansign nang may nabangga ako bigla. Parehas kaming napa-upo sa lakas ng pagkakabangga.
"Ouch!" Sigaw ng babae.
Napatingin lahat ng tao sa paligid, including BTS. Napatayo si V, RM, Jimin, at Suga.
Tumayo ako agad at ganon din siya pero panay ang pagpag niya sa katawan niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakasuot yung babae ng face mask pero medyo mahaba at brunette ang buhok niya.
"Sorry." Sabi ko. Nagtama ang tingin namin. Nagkunot ang noo niya at ganon din ako.
Napansin ko ang figure niya, sexy, makinis, maputi, at mahahaba ang pilik mata.
"Okay ka lang?" Napahawak sa balikat ko si Jin oppa. Tumango lang ako at nanlaki ang mata ng babae nang makita niya si Jin oppa.
Nataranta ito bigla at agad tumakbo papuntang exit. Sinundan ko siya ng tingin.
"Kilala mo yun?" Tanong sa akin ni Jin oppa. Umiling ako bilang sagot.
Bumalik na si Jin oppa sa upuan niya at nagpatuloy ang fansign na parang walang nangyari.
Napansin ko naman ang isang card. Pinulot ko yung card at binuksan iyon.
Isang invitation card para sa isang reunion ng magkakaibigan na magaganap bukas ng gabi. Binaliktad ko iyon at nakita ang madaming pangalan ng mga babae.
Binalik ko nalang yung card sa sahig at nagpatuloy na sa pag-alis.
Hmm... Ang weird.
Medyo pamilyar yung mukha nung babae at nakita ko na yung mga matang 'yon somewhere.
•••••••••••••••••••
AN/
So ayun, pwede na akong mamatay. Actually papatayin ko muna si jjiminiology! Legit, meron talagang first version ng Chapter na 'to kaso hindi na-save! BES HINDI KO NAILIGTAS! Actually, parehas lang yung laman kaso mas gusto ko yung una!!!
So ayun, support nalang ang please vote sa stories naming dalawa dahil magkadugtong lang po.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro