Chapter Thirty Three
YANA'S POV...
SEOUL...
Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung maka-uwi kami ni Suga mula sa Daegu. And as usual, full sched na naman sila.
Bilang girlfriend ni Suga, naiintindihan ko naman kung minsan hindi siya nagrereply sa mga messages ko. Eh ikaw ba naman magkaroon ng Jowang sikat? Aba, pasensya ang kailangan. Lalo na't nakatago yung relationship namin sa public.
"Ngumiti ka nga! Ang pangit mong sumimangot!" Pagrereklamo ni Jiwoo.
"Alam mo maging masaya ka nalang kasi nagpapractice sila para sa MAMA." Sabi ni Zeira.
"Buti nga ikaw, emcee ka sa MAMA. Nakikita mo lagi si Namjoon oppa." Pag-iirap ko kay Zeira.
Sana nga't artista nalang din ako para kasama ko din si Yoongi.
*ding!*
Napapitlag ako nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at chineck kung sino ang nag-message. Umaasang nangangamusta yung boyfriend ko.
———————————
From: Kris Wu
Kamusta? Naka-uwi ka na ba, Yana~ssi?
———————————
Napatingin ako kay Zeira at Jiwoo na abalang kumakain ng french fries dito sa sala ng apartment ko.
———————————
To: Kris Wu
Oo. Naka-uwi na ako.
———————————
Nakaramdam ako ng konting guilt sa ginagawa ko. Alam kong hindi na ako single pero wala naman sigurong masamang kaibiganin si Kris. Tsaka alam ko namang malinis yung intensyon niya sa akin.
———————————
From: Kris Wu
Ganun ba? Free ka ba mamayang gabi?
———————————
Napakagat ako sa labi nang mabasa ko ang reply ni Kris. Mali na yata 'to.
———————————
To: Kris Wu
Okay lang ba kung isasama ko yung boyfriend ko?
———————————
Sa tingin ko naman walang schedule si Suga mamayang gabi at ayoko na ding maglihim sa kanya.
Wait...
Di naman ako naglihim diba? Hindi ko nga lang binaggit yung pangalan ni Kris.
Ilang oras pa ang lumipas bago nagreply si Kris ng 'Sige'. Busy din siguro 'to dahil artista siya.
SUGA'S POV...
Saktong pagpasok ko sa loob ng apartment ni Yana, naabutan ko siyang nagtutupi ng mga damit niya.
"Hi!" Ngiting bati ko at umupo sa sala.
Agad niya akong napansin at nginitihan pabalik. Parang nawala tuloy yung pagod ko nang makita ko yung ngiti ni Yana.
"Nagmeryenda ka na ba?" Tanong niya. Tumango nalang ako kahit ang totoo ay wala pa akong nakakain simula umaga.
Kailangan ko kasing magpapayat at ayoko ding mag-alala sakin ang girlfriend ko.
"Sigurado ka? Mukhang pagod ka." Tinabihan niya ako sa sofa at binigyan ng isang baso ng tubig.
Agad akong tumango at ininom yung isang baso. Wow, uhaw pala ako. Ngayon ko lang namalayan.
"Okay lang ako. 'Wag kang mag-alala." Nginitian ko siya ng matamis at hinalikan sa pisngi.
Naramdaman kong uminit ang mga pisngi niya at namula pa ang mga ito. Napangiti agad ako sa nakita ko.
Ako lang at wala nang iba ang dapat na magpapakilig kay Yana.
Ako lang.
"Uh, Yoongi..." Napatingin ulit ako sa kanya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Hmm?"
"May gagawin ka ba mamayang gabi?" Tanong niya habang nakayuko ang ulo niya.
Napangisi agad ako. Iniimbitahan ba niya ako ng date?
"Wala naman. Bakit?" Inosenteng tanong ko.
Napakagat siya sa labi niya at napahigpit siya ng kapit sa mga kamay ko. Nakikita ko ring mas lalong namula ang pisngi niya.
"P-Pwede mo ba akong samahan mamayang kumain kasama yung kaibigan ko?" Napatingin siya sa akin at nagtama ang mga mata namin.
Para tuloy akong natutunaw sa sobrang pungay ng mga mata niya. Ang hahaba din ng pilik mata ni Yana at porcelana ang kutis.
Diyos ko, ano pong kabutihan ang nagawa ko at nabiyayaan ako ng napaka-gandang girlfriend?
"Oo naman. Ikaw pa." Ngiting sagot ko.
Agad siyang napayakap sa akin, "Thank you"
Kahit kailan, di ko kayang hindi-an ang babaeng pinakamamahal ko.
•••
Kakatapos ko lang magpalit at umupo na ako sa sala para hintayin si Yana na mag-bihis.
Halos tumanda na ako sa kakahintay nang sa wakas ay lumabas na rin si Yana.
At wow...
Alam kong simple lang ang suot niya pero parang nahulog ulit ako sa kanya. May mga kwenta din pala yung pagshoshopping niya sa mga murang mall.
[A/N: Ito po yung suot ni Yana.]
"Suga."
Agad akong naalimpungatan nang hawakan ni Yana ang mga balikat ko.
"Okay ka lang? Para kang nakakita ng multo a. Pangit ba suot ko?" Nakakunot ang noo niyang tanong.
"Hindi! Ang ganda mo nga eh. Sa sobrang ganda mo, nalito tuloy ako kung anghel ka ba o dyosa." Pagloloko ko. Pero imbes na makilig siya, nakatanggap lang ako ng suntok sa braso.
Wala man lang kiss? Hmp.
"Tara na nga!" At hinatak na niya ako palabas ng apartment niya.
Pero bago pa man kami makasakay sa kotse ko, biglang nag-vibrate ang cellphone ko.
"Mauna ka na sa loob." Utos ko kay Yana at agad naman siyang sumakay sa kotse.
Agad kong kinuha yung cellphone sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nag-text.
————————————
From: Lisa
Yoongi... Tulungan mo ko. Please.
————————————
Agad nanlaki ang mga mata ko sa nabasa kong text. Napatingin ako kay Yana na kumakaway sa akin habang nakangiti sa bintana ng kotse.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko at napakagat ng labi.
————————————
To: Lisa
Papunta na ako. Hintayin mo ako jan.
————————————
Tumakbo ako kay Yana at hinawakan ang mga kamay niya.
"Sorry babe. May emergency. Kaya mo bang mag-drive mag-isa—"
"Emergency?! Ano pang ginagawa mo dito? Pumunta ka na dali! Akin na yung susi!" At bigla na niyang hinablot yung susi sa kamay ko.
Agad akong napangiti.
"Sorry talaga babe. Babawi ako. Pangako." At hinalikan ko ang noo niya bago ako kumaripas ng takbo papuntang YG.
Alam kong mali na itinago ko kay Yana na si Lisa ang emergency na sinasabi ko. But it's for the best.
Siguro may anxiety na naman si Lisa. At ako lang ang nakakaalam kung ano ang gamot.
Kahit ex ko na si Lisa, siya yung taong hindi ako tinalikuran kahit ako ang nagkasala sa kanya. Lalo na nung break-up namin. Siya pa nga ang dahilan kung bakit ko na-realize na mahal ko si Yana.
I owe her.
I'm sorry Yana...
Mas kailangan ako ni Lisa.
••••••••••••••••••••••••••
A/N:
Oh! Yung mga triggered jan! Kalma guys kalma! Anyways... Malapit na to matapos. As you can see climax na ito hehe.
Mahal ko kayo super 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro