Chapter Thirty Four
YANA'S POV...
RESTAURANT...
"Sorry... May emergency kasi yung boyfriend ko kaya hindi siya nakasama." Pagsisimula ko.
"Okay lang." Ngiting bati ni Kris saka niya ako inabutan ng Menu.
Agad ko namang binuksan iyon dahil gutom na rin ako. Pero halos mabutasan yung tiyan ko sa presyo ng pagkain.
Napansin yata ni Kris yung gulat kong mukha kaya napatawa siya ng tipid.
"Mag-order ka na ng gusto mo. It's my treat anyways. Ako nag-imbita sayo at ayokong gutumin ang date ko." Ngiting sabi niya.
"D-Date?" Taas kilay kong tanong.
"Ayaw mo ba akong ka-date?" Ngiting tanong niya.
"H-Hindi sa ganon..." -ako. Napatitig siya sakin at napangiti.
Nginitihan ko nalang siya pabalik at hinintay ang pagkain na makarating.
As usual, tinanong lang ako ni Kris tungkol sa mga gusto at ayaw ko. Kabilang na dun kung anong type ko sa lalake.
Minsan napapakunot ang noo ko sa mga tanong niya. Bakit daw ba hindi nakapunta yung boyfriend ko. Baka daw sobrang workaholic niya at may pinagkakaabalahang iba.
Pero malaki ang tiwala ko kay Suga.
"Salamat sa dinner." Ngiti ko kay Kris.
Nakatayo na kami ngayon sa parking lot ng restaurant at handa na ding magpaalam.
Nginitian niya ako at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang ilapit yung mukha niya sa mukha na parang hahalikan niya ako sa pisngi.
Pero agad ko siyang tinulak ng hindi masyadong malakas, "A-Ah... Kris." Pagtatawag ko.
Nakuha ko ang atensyon niya at sa wakas ay humiwalay na din siya sa akin.
"Yes?" Ngiting tanong niya.
"Hindi naman sa minamasama kita pero may boyfriend na ako at alam ko ang intensyon mo sa akin. Kaya..." Napatingin ako sa kanya bago ko itinuloy ang sasabihin ko.
"It's way better to keep this friendship than losing it." Pagtutuloy ko.
Dahan-dahang nawala ang mga ngiti sa labi niya at napakagat siya sa labi habang nakatingin sa sahig.
Napatingin din ako sa mga daliri ko at nahihiyang harapin si Kris.
Alam ko naman na mabuting tao si Kris at mabuti ang intensyon niya sa akin. Kaso hindi ko lang talaga kayang suklihan yung pagmamahal na ibinibigay niya sa akin dahil kay Suga ko lang kayang ibigay lahat.
Tumango siya, "Naiintindihan ko."
Napatingin ako sa kanya at nakangiti na siya sa akin ngayon. Pero parang ako pa yung guilty sa ngiting nakikita ko ngayon.
"Sorry-"
"Huwag. Wala ka namang kasalanan. Choice kong magustuhan ka at choice ko ring masaktan. I knew from the start that you were already in a relationship with someone but I still pushed myself to you. Kaya wala kang dapat ika-sorry." Sabi niya at napahawak siya sa kamay ko.
"I really enjoyed being with you. Pero hindi ko na pipilitin ang sarili ko. Kung mas masaya ka sa pagkakaibigan natin, I'm willing to get rid of my feelings for you." Ngiting sabi niya.
Agad naman akong napangiti at niyakap ko nalang siya.
"Salamat." Bulong ko at humiwalay na ako sa yakap.
Nagtama ang tingin namin at nginitihan niya ako pabalik.
Sobrang bait ni Kris at sigurado akong swerte ang babaeng makakatuluyan niya.
"Salamat din." Yan ang huling sinabi niya bago siya umalis.
Malawak naman ang ngiti kong nagdadrive pauwi. Buti nalang at sobrang maintindihing tao si Kris at tinggap niyang may boyfriend na ako.
Boyfriend.
Agad nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko si Suga. Parang mali kasi yung pakiramdam ko sa emergency na sinasabi niya.
"Ano ba Yana. Magtiwala ka sakanya." Sabi ko sa sarili ko at nagfocus nalang sa pagdadrive.
SUGA'S POV...
"Lisa!" Agad kong binuksan ang dorm ng blackpink at nakita kong naka-upo si Lisa sa sahig habang hawak-hawak yung puso niya at umiiyak.
Agad akong tumakbo papunta sa akanya niyakap siya. Patuloy lang siya sa pag-iyak at pakiramdam ko parang sasabog na yung utak ko sa sobrang pag-aalala.
Ganun din ang pagsisisi.
"Ssshh. Andito na ako. Tama na, wag ka ng umiyak." Sabat ko habang hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
Ilang segundo din ang mga lumipas bago ko napa-tahan si Lisa.
Kung hindi ninyo alam, may anxiety si Lisa tungkol sa mga bagay na mawawala sa kanya.
At alam na alam kong ako yun.
"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag wala ka." Sabi niya habang mahigpit parin na nakayakap sa akin.
Napapikit ako, "Hindi ako mawawala." Paninigurado ko sa kanya. Nararamdaman ko parin kasi yung bilis ng tibok ng puso niya.
Napatingin siya sa akin, "Bakit si Yana pa? Ano bang meron sa kanya na wala ako?" At nagsimula na namang dumaloy pababa yung luha niya.
"Lisa." Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinarap ko siya.
"Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa iba para tanggapin kita. Tandaan mo yan." Sabi ko sa kanya saka ko ulit siya yinakap.
Ilang beses nang nangyayari kay Lisa ang anxiety attack at ako lagi ang nasa tabi niya para tulungan siya.
Ako yung gamot niya.
"Ipangako mo sa akin, Yoongi." Napahawak siya ng mahigpit sa akin.
"Na huwag kang mawawala." Pagpapatuloy niya.
Yana...
Hinding hindi ako mawawala kay Yana. Siya lang ang mamahalin ko at wala nang iba.
"Pangako." Sagot ko.
Naramdaman ko ang ngiti sa mga labi ni Lisa at ang pagbalik sa normal ng tibok ng puso niya.
Agad din akong makahinga dahil okay na siya.
Tinulungan ko siyang umupo sa sofa at kinuhanan ng isang baso ng tubig.
"Heto, inumin mo." At inabot ko sa kanya yung baso.
Agad naman niya iyong tinanggap at ininom. Nginitihan niya ako.
"Ah... uuwi na ako baka kasi hinahanap na ako ni Ya-"
"Please!"
Napapitlag ako nang biglang napasigaw si Lisa. Nakapikit siya habang mahigpit na nakahawak sa baso. Galit ba siya?
"Please... pwede bang huwag mong banggitin ang pangalan niya kapag magkasama tayo?" Pagmamakaawa niya.
Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
Hindi pa pala sila nagbabati simula nung pumunta kami sa Chinese Restaurant na inilibre ni Namjoon.
"Sige... Alis na ako." Pagpapaalam ko.
Pero bago pa man ako makalabas ay naramdaman ko ang pagyakap ni Lisa sa akin mula sa likod.
"Lis-"
"Five seconds." -Lisa.
Hinayaan ko nalang siyang yakapin ako at hinintay ang limang segundo na matapos.
Natapos rin ang limang segundo at binitawan na niya ako. Mapapaalam sana ulit ako nang bigla niya akong itulak palabas at sinarado na ang pinto.
Napapikit ako at napakagat sa labi. I feel guilty, I feel like a cheater, I feel worse.
Parang hindi ko deserve magmahal.
Pero... tinulungan ko lang naman si Lisa at mahal ko si Yana kaya wala akong dahilan para maging guilty.
Agad akong lumabas ng dorm nila at dumiretso na sa apartment ni Yana.
YANA'S APARTMENT...
Pagbukas ko ng pintuan, nadatnan kong natutulog si Yana sa sala. Malamang ay nakatulog na siya kakahintay sa akin.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa aknya at lumuhod sa harapan niya para pagmasdan ang mukha niya.
"I love you." Bulong ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.
Pero mukhang malalim ang tulog niya dahil humihilik na siya. Agad akong napangiti.
Dahan-dahan ko nalang siyang binuhat at ipinunta sa kwarto niya saka ko siya kinumutan. Tinanggal ko na din ang sapatos ko at tina bihan siya.
"Hmm?" Naalimpungatan siya at nakita niya akong nagaayos ng pwesto sa tabi niya.
"Naka-uwi ka na pala." Sabi niya saka siya umurong palapit sa akin.
Nginitihan ko lang siya at yinakap palapit sa akin.
"Matulog ka na. Dito lang ako." Sabi ko at tumango naman siya.
Umurong ulit siya palapit sa akin at isiniksik yung mukha niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng konting kiliti pero hindi ko nalang pinansin iyon at ipinikit ang mga mata ko.
••••••••••••••••••
A/N:
Naka-update din ako sa wakas. Actually magfofocus na ako sa librong to since ilang kembot nalang at matatapos na.
So yun... Saranghae 💕
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro