Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty Five

YANA'S POV...

Andito ako ngayon sa trabaho dahil kailangan ko ding mag-ipon 'no. Kahit pa ayaw ni Suga na mag-trabaho ako pero mas matigas parin ang ulo ko sa kanya.

"Buti nalang talaga at wala akong love life!" Sigaw ni Jiwoo. Nandito siya ngayon sa restaurant ni Jin oppa at magkasama kaming kumakain dahil lunch break ko na.

"Di ka ba nabobored?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Bakit naman ako mabobored? Meron naman si Hoseok oppa na nambubulabog ng buhay ko. Tsaka gastos lang yang love life-love life na yan." Sabi niya.

Kanina pa kasi namin pinaguusapan lahat ng pagsubok na nadaanan nina Zeira at Namjoon oppa. Syempre, compared sa akin na hindi artista, mahirap ang maging celebrity couple. Lalo na't lahat ng camera ay nakatutok sa inyo.

"Kung pera lang ang concern mo sa love life, 'wag ka na lang mag-love life. Tsaka bakit ba ang laki ng problema mo sa pera e mas mayaman ka pa sakin?" Pagsasagot ko sa kanya.

"Better save up for better love life." Simpleng sagot niya saka nag-subo ng kimchi.

Napabuntong-hininga nalang ako at natawa sa kanya. Miss ko na din si Zeira. Medyo nagiging busy na siya sa career niya e.

"Nagaalala ako kay Zeira." Sabi ko. Napatingin sa akin si Jiwoo.

"Bakit naman?" -Jiwoo.

"Eh diba nga buntis siya? Nag-aalala lang ako sa kalagayan niya at nung magiging inaanak natin." Sagot ko.

"Huwag kang mag-alala. Mas malusog pa sa pimples ko si Zeira." Sabi niya na dahilan para tumawa ako.

"Pimples? Ang kinis nga ng mukha mo." Sabat ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy na kami sa pagkain.

•••

7:50 pm.

Sa wakas, tapos na rin ang shift ko. Naglakad na ako pauwi dahil may emergency na namang pinuntahan si Suga kaya 'di niya ako nasundo.

Medyo iba ang kutob ko sa 'emergency'ng sinasabi niya pero wala naman akong choice kundi pagkatiwalaan siya.

Saktong nasa labas ako ng apartment nang makita ko siya na nakatayo sa labas ng pintuan ng apartment ko.

Nanlaki ang mga mata ko dahil parang ilang buwan na kaming hindi nagkikita.

"Taehyung? A-Anong ginagawa mo dito?" Agad akong naglakad papunta sa kanya.

Nginitihan niya lang ako, "Kamusta ka na?" Sabi niya. Pero ramdam ko na may ibang ibig sabihin ang sinasabi niya.

"Maayos naman ako! Ah-Halika pasok ka." Sabi ko sa kanya saka ko siya pinapasok sa apartment ko.

Pina-upo ko siya sa sofa.

"Anong gusto mo? Juice? Coffee? Tea?" Tanong ko sa kanya.

"Coffee." Simpleng sagot niya na agad kong tinanguhan.

Dumiretso ako sa kusina at agad na gumawa ng kape.

Hindi ko alam kung bakit nao-awkward ako sa sitwasyon namin ni Taehyung ngayon. Dahil siguro may boyfriend na ako o sadyang matagal lang kaming hindi naguusap at nagkita.

Lumabas na ako ng kusina at umupo sa tabi niya saka ko inabot yung kape sa kanya.

"Heto." Sabi ko.

"Salamat." Ngiting sabi niya at nginitian ko siya pabalik.

Sumunod ang nakakabinging katahimikan. Pinanood ko siya habang iniinom yung kapeng ginawa ko.

"Kuhang-kuha mo parin yung paborito kong flavor." Sabi niya habang nakatingin sa tasa.

"Syempre naman!"-ako.

Ngumiti siya, "Mabuti naman kung ganon." Tinanguhan ko nalang siya.

Nabalot ulit kami ng katahimikan at halos umabot ng isang minuto. Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang naunang nagsalita.

"Kamusta kayo ni... Suga hyung?" Tanong niya na parang napipilitan.

"O-Okay naman kami." Simpleng sagot ko. Tumango lang siya saka ngumiti.

"Yana." Bigla siyang humarap sa akin at tinignan ako ng diretso.

Agad akong nakaramdam ng nerbyos sa mga tingin niya. Parang alam ko na ang sasabihin niya pero parang ayaw ko ding narinig.

"Hm?" Taas kilay kong tanong.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero gusto ko lang sabihin tong nararamdaman ko para matapos na 'to." Sabi niya at halos nanginginig pa ang mga mata niya.

"A-Anong matatapos?" Nagaalalang tanong ko.

Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mga mata niya. Ilang beses niyang ginawa ang prosesong iyon bago ulit siya nagsalita.

Ibinukas niya ang mga mata niya at tinignan ako ng diretso. Ngayon, ako na ang namamatay sa nerbyos.

Ano ba 'to?! Bakit ba ako kinakabahan?!

"Alam kong kahit hindi ko sabihin, nararamdaman mo na nung una pa na gusto ko. Gusto kita, Yana. Simula pa nung mga estudyante tayo, ikaw lang ang babaeng nagparamdam sa akin ng ganito." -Taehyung.

Medyo nanlaki ang mga mata ko at halos matuyo ang bunganga ko dahil nakanganga ako.

Tama nga naman siya na alam ko na nung una pa na gusto niya ako. Hindi ako manhid para hindi maramdaman yun. Kaya nga ilang beses ko siyang na-friendzone.

"Bakit-"

"Makinig ka muna, Yana. Pakinggan mo muna ako." Pagdedemanda niya at agad tumikom ang bibig ko.

Sorry po, ser. Tao lang. Kakahiya naman. Napaka-demanding ng lalakeng 'to.

Tumango ako sa kanya, senyales para ituloy niya ang sasabihin niya.

"Alam ko rin na una palang, wala akong pag-asa. Kasi kaibigan ang turing mo sakin. Yun lang din ang kaya mong ibigay. Kaso ang problema..." Bigla siyang napahawak sa mga kamay ko.

"Hindi ko tanggap."

Um...

Dapat ko ba siyang sagutin? Pero parang hindi ko pa siya kayang bigyan ng sagot. Baka mas lalong lalala ang sitwasyon. Lalo na't mahalagang tao si Taehyung sa buhay ko at ayokong masaktan ulit siya ng dahil sa akin.

"Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na hindi mo ako kayang mahalin na katumbas ng pagmamahal na ibinibigay ko sayo pero hindi ako nakinig. Hinayaan kong mahulog ako ng mas malalim pa sayo. Nagpakatanga ako." Rinig ko sa boses niya ang bigat ng nararamdaman niya.

Parang mas lalo ding bumigat ang konsensya at guilt ko sa kanya.

"Ginusto kong gustuhin ka. Ginusto kong magpakatanga. Ginusto kong masaktan para sayo. Ang gusto ko lang ay huwag mong sisisihin ang sarili mo. Ayokong sisihin mo ang sarili mo dahil minahal ako sayo kasi..."

"Para sa akin, hindi maling ibigin ka. Idol na ako, Yana. Sikat ang grupo namin. At alam mo kung anong ibig sabihin non, kailangan naming magpanggap sa publiko na okay lang kami, malusog kami, at di kami pagod. Pero sayo lang... Sayo ko lang napapakita yung totoong ako. Sayo lang ako kumportable." Pagpapatuloy niya.

Nakatingin lang ako sa kanya at handang makinig. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Wala akong masabi.

Alam kong mali pero... ngayon ko lang naramdaman na kamahal-mahal ako. Never pa akong sinabihan ni Suga ng mga ganyang salita.

Hindi sa nako-compare ako, I'm just stating some facts and the lack of words I'm receiving from Suga.

At naiintindihan ko yon dahil artista siya. Dahil sikat siya.

Palagi ko siyang iintindihin.

"Taehyung..." Yan lang ang tanging lumabas sa bunganga ko nang maramdaman ko ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Taehyung sa magkabilang pisngi ko. Ginamit niya ang kamay niya para punasan ang mga luha ko.

Nagtama ang mga tingin namin at nginitian niya ako, "Bago ko ibasura yung nararamdaman ko para sayo, pwede bang makahingi ng favor?" Taas kilay niyang tanong na agad ko namang tinanguan.

"Payakap-" Hindi ko na siya hinayaang matapos nang hatakin ko siya sa isang mahigpit na yakap.

Halatang gulat siya sa kilos ko dahil nakataas ang dalawang kamay niya, takot na yakapin ako pabalik.

Pero kinuha ko ang dalawang kamay niya it ibinalot iyon sa beywang ko.

"Salamat." Bulong ko sa tenga niya saka ko ulit hinigpitan ang yakap ko sa leeg niya.

Kahit kailan, ang bango bango parin niya.

Naramdaman kong unti-unting humihigpit ang yakap sa akin ni Taehyung.

Ito na siguro ang pagkakataon para iparamdam ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sa buhay ko bilang isang kaibigan at kapatid na din.

Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko at pinakiramdaman ang init ng katawan ni Taehyung at ang bilis ng tibok ng puso niya.

Atleast man lang, yakapin ko siya.

Masakit kaya ma-basted!

Humiwalay sa yakap si Taehyung at hinarap uli ako saka niya hinaplos ang magkabilang pisngi ko.

"Pumikit ka." Utos niya.

Nagkunot lang ang noo ko, "Bakit?"

"Basta gawin mo nalang." Inirapan pa niya ako.

Napabuntong hininga nalang ako saka pumikit, "Mukha akong baliw, V. Ano ba 'to?" pagrereklamo ko.

"Ssshhh manahimik ka lang." Rinig kong sabi niya pero parang mas malapit ng kaunti ang dinig ko sa boses niya.

Lumapit ba ako? Hindi e. Hindi ako gumalaw. Malamang siya. Baka ipa-prank na naman ako neto. Mapapatay ko talaga siya.

Mga ilang segundo ang nakalipas na nakapikit ang mga mata ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang hininga ko at ang malalim na paghinga ni Taehyung.

Ano bang nangyayari? Nagtatawag ba kami ng espiritu o ano?!

Pero bigla kaming namulat sa katotohanan nang makarinig kami ng boses sa likod. Sobrang pamilyar ng boses na halos mawalan kami ni Taehyung ng kalukuwa.

"Yah, Kim Taehyung."

••••••••••••••••

A/N:

Kim Taehyung in the multimedia 💕

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro