Chapter Ten
~♥~
YANA'S POV...
8:29pm.
On the way na kami sa apartment ko dahil nahiya na yung mga kasama ko sa sobrang ingay namin ni Suga. Eh pano ba naman kasi, sinisimulan na naman niya yung kabulastugan niya! Nakaka-inis! Kung wala lang kami sa condo ni Rm oppa at ni Zeira, kanina pa talo sa akin ang pusang 'to!
"'San kaya nagpunta si Namjoon hyung?" Nagtatakang tanong ni Jimin.
"May kutob akong may tinatago sa atin si Namjoon." Seryosong sabi ni Jin oppa.
Nagtama bigla ang mata namin ni Jin oppa sa rearview mirror at bigla siyang napahawak sa balikat ko.
"Yana, may pag-kain ba sa apartment mo?" Biglang tanong ni Jin oppa. Kanina seryoso tapos ngayon gutom.
"Meron." Sagot ko. Sila din lang naman umuubos lahat ng groceries ko. Lalo na yung maknae at yung fake maknae.
"Noona! Gusto ko ng Ramyun! Yung may itlog!" Masayang sabi ni Jungkook. Ayun na nga, mauubos na naman yung laman ng kusina ko.
Nakarating na kaming lahat sa apartment ko at dumiretso na ako ng kusina para mag-luto.
Bigla namang pumasok sa kusina si Suga. Bumilis agad yung tibok ng puso ko dahil parang nade-deja vu na naman ako sa ganitong sitwasyon. Nag-flashback agad yung huling nangyari sa amin ni Suga dito sa kusina. Wait... ang bastos naman pakinggan nun! Wala namang nangyari pero may naganap.
Dumiretso siya sa ref at binuksan ito. Halla! Parang nauulit na naman yung pangyayari! Umayos ka Yana! 'Wag kang OA!
"Ang daming soju dito a. Depressed ka ba?" Tanong niya. Naririnig ko namang nilalabas niya na yung mga soju sa ref.
"Porket madami nang soju sa ref, depressed na? 'Di ba pwedeng nagchi-chill lang?" Tanong kong sagot.
Minsan stressed ako pero hindi ako umiinom ng alak hanggang sa malasing ako. Mga isang baso lang naman, ganon. Kaya madami lang soju sa ref ko dahil malayo yung pagbibilhan dito.
"Defensive? Nagtatanong lang. Ubusin na namin 'to a?" Kinuha na niya yung sampung soju at pinunta sa sala.
"'Wag kayong maglalasing hah?! Mapapatay ko kayo!" Sigaw ko mula sa kusina. Kakaiba kasi sila 'pag lasing. Parang nagpalitan ng mga kaluluwa.
Pagkatapos kong magluto ng ramyun, inihain ko na ito sa sala. Naabutan ko naman silang pinapanood yung sarili nilang show sa MNET channel habang umiinom ng soju.
"Hoy, V. 'Wag kang maglasing hah?! Lalo ka na, Jin oppa!" Pagbabanta ko. Parang wala silang narinig at tinatawanan lang ang sarili nila sa TV. Ako na naman kasi may responsibilidad 'pag naglasing sila.
"Kumain na kayo. Maliligo lang ako." Sabi ko at pumunta na ako sa banyo ng kwarto ko para maligo.
Habang naliligo ako, nakita ko yung shampoo sa gilid na may mukha ni Lisa ng Blackpink. Pinagmasdan ko ang nakangiting mukha ni Lisa doon.
"Maganda ka naman. Selfish ka lang." Sabi ko at pinagpatuloy ko nang maligo.
Matapos kong maligo at magpalit, lumabas na ako ng kwarto ko habang pinupunasan ng tuwalya ang buhok ko.
"Tinirhan niyo ba ako ng ram---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at nabitawan ko ang tuwalyang hawak ko.
L-LA... LASING NA SILA!!!
Si Jungkook at Suga nagyayakapang natwutulog sa sahig. Si JHope oppa naman, tinatawanan si V na parang baliw. Pano ba naman kasi, kumakanta si V ng Boy with Luv habang nakahiga at akmang iinom pa ng isang bote ng soju pero inagaw ko na iyon sa kanya.
"Yah! Bitawan mo nga yan, oppa!" At inagaw ko yung hawak na vaccum cleaner ni Jin oppa na ginagawa niyang blower ng buhok.
"Zeira noona." Napapitlag ako nang may kumapit sa mga binti ko.
"Jimin, tumayo ka nga!" Sigaw ko dahil parang linta si Jimin na nakakapit sa binti ko.
Kinuha ko agad yung phone ko para tawagan si Manager pero naisip kong baka pagalitan na naman kami ni BangPD parang nung last time.
Pumunta nalang ako sa contacts at nakita yung pangalan ni Namjoon oppa. Chineck ko yung oras at 11:16pm na. Malamang tulog na 'yun. Ayoko namang istorbohin at bigyan lang ulit yung leader nila ng sakit sa ulo.
Napabuntong hininga nalang ako sa lahat ng kalokohang ginagawa nila. "Fighting, Yana!" At sinelf pat ko ang sarili ko.
Jusko, di pa pala ako nakakasuklay!
Lumabas ako ng apartment ko at pumunta sa kotse nila. Binuksan ko lahat ng pintuan nito. Bahala na kung anong mangayayari bukas!
Bumalik ako sa loob at tulog na silang lahat. Ito na naman, Yana. Kaya mo 'to!
"Woooh! Fighting!" Sigaw ko at sinimulan ko nang buhatin si Jin oppa. Syempre, kailangang unahin 'tong baboy na 'to.
Inakbay ko yung kamay niya sa akin at binuhat ko na siya palabas ng apartment ko. Pinasok ko agad si Jin oppa sa kotse.
Bumalik na ako agad sa loob at sinunod na binuhat si V, sunod si Jimin, si JHope oppa, at si Jungkook. Isa-isa ko silang pinasok at pinaupo sa loob ng kotse.
Kung may nakakakita siguro sa akin ngayon, pagkakamalan akong kriminal na nagliligpit ng mga bangkay. Buti nalang at malalayo yung mga kapitbahay ko dito.
Huminga muna ako at pinunasan yung pawis ko bago ako pumasok ulit sa loob. Nadatnan kong mahimbing na nakatulog si Suga sa sahig. Linapitan ko siya at pinagmasdan ang itsura niya. Pinagmasdan, hindi pinagnasaan. Kadiri.
"Ang gwapo mong tignan 'pag tulog ka." Bulong ko sa sarili ko at binuhat ko na siya palabas.
Sinakay ko na si Suga sa tabi ng driver's seat . Napapitlag ako nang bigla niyang hinatak ang braso ko at yinakap ito na parang isang unan!
"Ang lamig! P*tan&in@." Pagmumura niya at tumadyak tadyak pa ang mga paa niya na parang bata.
"U-Umm... Suga---" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla niyang hinatak ulit yung right na braso ko!
dug-dug... dug-dug...
Dahil sa paghatak niya, ang lapit tuloy ng mukha niya sa mukha ko! Nagka-double chin tuloy ako dahil sa pag-aatras ng ulo ko sa mukha niya. 'Pag gagalaw pa siya paharap o paghinatak niya ako ulit, malamang! Lalayasan na ako ng epiritu ng Virginity!
Oo! Ganon ako ka-OA!
"Suga..." bulong ko sa mukha niya. Kailangan niyang magising dahil sobrang higpit ng kapit niya sa braso ko!
"Yah!" Pabulong ko at hinipan ko yung ilong niya para magising.
"Mm..." Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya at nagtama ang tingin namin.
Agad tumaas ang mga balahibo ko dahil sa mga malalalim niyang mata. Sobrang dark ng mga mata niya pero... parang gusto kong maligaw sa mga mata niya.
Ang gwapo!
"AAAHHHHHH!" Sigaw niya nang marealize niya yung ginagawa niya. Agad niya akong binatawan.
Nagulat naman si JHope oppa at Jin oppa sa sigaw ni Suga kaya nag-untugan yung dalawa. Samantalang mahimbing na nakatulog yung maknae line.
"May third eye na ba ako? Multo ka ba?!" At tinuro turo pa ako. Hindi lang pala siya lasing, may amnesia din.
Sinarado ko nalang yung pintuan ng sasakyan at sumakay na sa driver's seat. Nagsimula na akong magmaneho papunta sa dorm nila.
Pagkarating ko sa dorm nila, pinasok ko na sila isa-isa. Syempre hindi ko na sila dineretso sa mga kwarto nila. Pagod na din ako e.
Nag-taxi nalang ako pauwi at nagpahinga na din.
Sa pangalan ng mga iba't-ibang diyos sa buong mundo... HINDING HINDI NA AKO MAGIIMPOK NG SOJU SA REFRIGERATOR KO!
SUGA'S POV...
Unti unti akong nagising dahil sa maliwanag na ilaw mula sa bintana ng kwarto ko.
Teka... hindi naman maliwanag yung kwarto ko ah.
Minulat ko ang mga mata ko at agad akong sumigaw.
"AAAAHHHH!" Agad kong tinulak palayo si V dahil sa sobrang lapit ng mukha niya.
Nagising kaming lahat at na-realize na nakatulog kaming lahat sa front door ng dorm.
"Ang ingay!" Pagrereklamo ni V at padabog siyang tumayo. Nanlaki ang mata niya nang marealize niya ang sitwasyon namin.
"Bakit tayo andito?" Tanong niya na parang isang napalaking misteryo. Napangiwi naman ako sa biglang kirot ng ulo ko. Bwiset na hangover 'to.
"Maghanda ka sakin, Yana." Bulong ko sa sarili ko habang hawak yung noo ko.
Bwiset ang sakit!
"Atleast inuwi niya tayo." Sabi naman ni JHope oppa at dumiretso na sa kwarto niya.
"Mag-bihis na tayo bago pa malaman ni Manager ang ginawa natin." Sabi naman ni Jin hyung at dumiretso na kami sa mga sari-sarili naming kwarto.
Biglang nagflashback sa akin yung nangyari kagabi. Lalo na yung malapit na mukha ni Yana sa akin, yung mint na hininga niya, yung medyo singkit at mabibilog niyang mga mata.
"Ang gwapo!"
Napangiti ako bigla dahil sa flashback. Akala ko panaginip lang. Sabi ko na nga ba e, naga-gwapuhan sa akin yung timang na yun.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/
So babawi po ako sa YANA and SUGA MOMENTS! Promise! (by: Jimin) Charr.
Pero babawi po talaga ako ng bonggang bongga!
Hope you guys like it! Love y'all ;*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro