Chapter Sixteen
~♥~
SUGA'S POV...
"Truth or Drink."
Hindi ko man alam ang rules ng larong sinasabi ni Yana pero it sounds risky at masama ang kutob ko sa larong yan.
"Parang masaya yan ah!" Sabi ni Jin. Bigla namang tumayo si Rm.
"Guys, nagtext sa akin si BangPD. Punta lang ako kay Manager. Kayo nalang maglaro." Pamamaalam ni Rm at lumabas na ito.
"Paano ba laruin yan?" Tanong ni Jimin.
"Papaikutin mo muna yung bote tapos kung sino yung tinuro ng bote, kailangang sumagot ng tanong mula sa nagpa-ikot. Kung ayaw niyang sagutin yung tanong, iinom siya ng soju." Paliwanag ni Yana. Hindi ko gusto yung larong 'to. Tumango naman ang lahat.
"So?! Magsimula na tayo!" Pagaaya ni Yana at pumalakpak pa ito. Ang hyper niya ngayon and it's so weird. Hindi naman siya ganyan ka-hyper e.
Kinuha na ni Jimin yung bote ng soju na walang laman at pinaikot ito sa mesa. Tumigil yung bote na nakaturo kay Jin.
"Ngayon, dahil si Jimin ang nagpa-ikot, siya ang magtatanong kay Jin oppa." Sabi ni Yana at tumango naman si Jimin.
"Jin hyung, may secret girlfriend ka din ba gaya ni Rm hyung?" Tanong ni Jimin. Sabi ko na nga ba e. More than just the truth lang ang larong 'to.
"Wala! Never." Confident na sagot ni Jin. Si Jungkook naman ang sumunod na nagpaikot at tumigil ito kay V.
"May feelings ka parin ba para kay Yana noona?" Tanong ni Jungkook. Napatingin ako kay V na nakatingin kay Yana. Si Yana naman, nakatingin lang kay V na parang inaantok.
"Oo." Simpleng sagot ni V. Agad nag-'oooh' sina Jungkook.
So that explains kung bakit siya ganon ka-protective kay Yana nung napaiyak ko siya.
Gusto pa pala niya si Yana.
"Really?! Akala ko ba kaibigan tingin mo sa akin?" Natatawang tanong ni Yana. Nag-confess na si V sa kanya pero hindi man lang seryosohin ni Yana. Nababaliw na ba siya?
"Ewan ko sayo." Sabi lang ni V. Inikot ko na yung bote dahil ako na ang susunod at tumigil ito kay Yana.
"Gusto mo din ba si V?" Diretsong tanong ko.
Holy crap, bat ko biglang naitanong 'yon?
"Of course not! Parang kapatid ko na 'to e." Diretsong sagot ni Yana at inakbayan si V. Ngumiti lang ng tipid si V.
Ang talino mo, Suga. Nabasted si V ng dahil sayo ngayon. What a nice brother you are, stupid head.
Pero...
Hindi ko alam kung bakit biglang naging magaan ang pakiramdam ko sa sagot ni Yana.
"Ako naman!" Sabi ni JHope para basagin yung awkward na atmosphere dahil sobrang tahimik ng lahat.
Pinaikot na ni JHope yung bote at tumigil ito kay Jimin.
"Yah, Jiminie. Nung nagabihan kayo ni Zeira, may nangyari ba sa inyo nung araw na 'yon?" Tanong ni JHope habang naka-ngisi ito. Hindi ba masyadong private yung tanong ni JHope?
Natahimik ng ilang segundo si Jimin. "Ano na? What's the truth, Jimin?" Tanong ulit ni JHope.
Wala nang ibang ginawa si Jimin kundi ininom yung isang baso ng soju. So, ayaw niyang sabihin yung sagot. But that only made his answer obvious.
"Whoa! Our first victim!" Sigaw ni Yana. Sumunod na nagpaikot si Jin at tumigil ito sa akin.
"May balak ka bang balikan si Lisa?" Tanong ni Jin. Automatic na napalingon ang mga mata ko kay Yana na serysong nakatingin sa akin.
Medyo namumula yung mga pisngi niya. Signs ng mga lasing. Bakit ba siya uminom?
"Yah, Yoongi! Sagutin mo yung tanong ko." Nabaling yung tingin ko kay Jin na tumawag sa akin.
"Oo." Sagot ko agad dahil sa gulat. Ano na nga ulit yung tanong ni Jin? Sh*t.
Sumunod na nagpaikot si V at tumigil ito sa akin ulit. Teka, magnet ba ako ng bote. Kakatapos ko lang sumagot a.
"Bakit mo pinaiyak si Yana nung pumunta kami sa studio mo dati?" Seryosong tanong ni V. Ilang linggo na yung nakalipas nung nangyari yun a. Hindi parin ba siya makalimot? Akala ko ba okay na kami?
"Taehyung~aa." Napahawak si Yana sa braso ni V at kinokombinsing bawiin yung tanong niya sa akin.
"Kasi akala ko mapapasaya ko siya sa joke ko." Sagot ko at napatingin silang lahat sa akin. Nagtama ang tingin namin ni Yana.
Napakainosente niya para saktan.
"Pero hindi pala." Patuloy ko.
"A-Ak-Ako naman!" Sabi ni Yana at kinuha yung bote saka ito pinaikot. Tumigil naman ito kay Jungkook.
"Sino yung naglagay ng malaking bato sa bag ko dati nung birthday ko?!" Sigaw na tanong ni Yana. Parang tanong naman yon para sa aming lahat.
Napakamot sa batok si Jungkook at nagdesisyong inumin nalang yung soju.
Naka isang daang rounds ata kami sa larong 'to at medyo padali na ng padali yung mga tanong. Lasing na silang lahat e. Kami nalang yata ni Yana ang hindi pa. Totoo ngang malakas ang tolerance niya sa alak.
"Yah! Bakit pinagluto mo si Suga ng lugaw nung nilagnat siya pero ako hindi? Hah?! I'm your cousin! You're relative! We are blood related!" Sigaw ni Yana kay Jin na tinuro ng bote.
Chineck ko ang oras at lagpas hating gabi na. Tulog na din si Jungkook at V. Samantalang inaantok na si JHope at lasing na lasing na si Jin at Jimin.
"Tama na yan. Matulog na tayo." Inagaw ko sa kamay ni Jin yung baso ng soju bago pa man siya maka-inom ulit.
"Huh?! Maaga pa!" Pagrereklamo ni Yana at kunwareng umiyak iyak. Lasing na din pala ang isang 'to.
"Halika na. Ihahatid na kita sa kwarto niyo." Tumayo na ako at hinablot yung kamay niya.
"Ayaw!" At hinablot ni Yana pabalik yung kamay niya. Kahit pala lasing siya, matigas parin ulo niya.
"Tsk." Sinamaan ko siya ng tingin. Binelatan niya lang ako na parang isang bata.
Ngayon ko lang nakita si Yana na malasing kaya medyo ignorante pa ako kung anong epekto ng alak sa kanya. Pero base sa observation ko ngayon, hindi maganda ang epekto ng alak kay Yana.
"Tumayo ka na jan. Isa." Pagbabanta ko.
"Dalawa!" Sigaw ni Yana. Biglang tumayo si Jungkook at pumasok na sa loob para matulog at sinudan naman siya ni JHope. Si Jin, V, at Jimin ay nakatulog na dito sa terrace ng naka-upo.
"Yana, 'wag nang matigas ang ulo. Halika na." Hinablot ko ang kamay niya at padabog siyang tumayo.
Akmang hahakbang na sana siya nang bigla siyang nawalan ng balanse. Dahilan para mapakapit siya mga balikat ko at nasarado lahat ng distansya sa pagitan namin.
Amoy alak na amoy lavander.
"Hmmm." Sinubukan nyang tumayo at tinulungan ko siya pero hanggang ngayon, mahigpit parin ang kapit niya sa mga balikat ko at magkadikit parin ang katawan namin.
Napalingon ako sa kanya at kanina pa pala siya nakatingin sa akin kaya nagtama ang mga mata namin.
Heto na naman.
Nakakaramdam na naman ako ng init sa buong katawan at pinagpapawisan ng husto.
Hindi ko alam kung... itutulak ko ba siya o hindi. Parang ayawbumitaw ng mga kamay kong nakahawak sa slim na beywang niya. Napalunok tuloy ako.
Sino ba kasing nagsabing magsuot siya ng croptop at shorts na pantulog?! Gusto ba niyang pagpyestahan siya ng lamok?!
"Truth... or dare?" Tanong ni Yana na nakatingin ng diretso sa akin. Parang nalulunod tuloy ako sa deep black na mga mata niya.
"Huh?" Nagkunot ang noo ko. Kanina drink, ngayon naman dare?
"Truth or Dare?" Panguulit niya. Napabuntong hininga ako.
"Gabi na, Yana. Matulog ka na." Hihiwalay na sana ako sa mga kapit niya nang hinigpitan pa niya lalo yung hawak niya.
"Pumili ka." Seryosong sabi ni Yana at 'di parin siya humihiwalay sa akin. Hindi ko na siya papayagang maglasing ulit kung ito rin lang yung epekto ng alak sa kanya.
"Yana---"
"Pumili ka, Suga." Sabi nito at medyo parang nagmamakaawa na yung boses niya.
Kung ito yung last na larong ipapalaro niya para mapatulog ko na siya, fine. Sasakyan ko na.
"Dare." Sagot ko. Natahimik siya ng bahagya at medyo yumuko.
Ano naman kayang iuutos nito? Baka mamaya utusan niya akong 'wag siyang pigilan sa paglalaro. Dapat truth nalang pala pinili ko para mas madali.
Mag-isip ka muna kasi bago ka magsalita, Suga! Tandaan mo yan.
"Panindigan mo yung ginawa mo sa akin sa van." Sabi nito. Nagkunot ang noo ko. Panindigan? Ano bang ginawa ko sa kanya sa van?
"Anong..."
"Halikan mo 'ko." Sabi ni Yana at diretsong nakatingin sa akin.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at uminit yung paligid. Mas lalo akong pinagpayisan at nanginig ng medyo yung tuhod ko.
"Lasing ka na. Matulog na ta---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil...
Hinalikan niya ako.
Bumilis agad yung tibok ng puso ko at napahigpit yung kapit ko sa beywang niya.
Kakaiba yung feeling kumpara sa halik ni Lisa sa akin. Parang... may kahulugan. Mas totoo.
Mas seryoso.
Nararamdaman ng mga labi ko kung gaano ka-lambot, at kainit yung labi niya sa akin.
Wala ni isa sa amin ang gumagalaw. Tanging ang mga labi lang naming nakalapat ang naghihintayan kung sino ang unang gagalaw at tutugon.
Bago pa man may tumugon humiwalay na siya at yumuko. Naririnig ko ngayon si Yana na humihikbi. Bakit siya... umiiyak?
Holy sh*t. 'Wag mong sabihing first time niya?! Siya naman ang nag-first move kaya kasalanan niya. Mamaya ako pa masisi dito.
"Sa susunod na balak mo ulit akong iwanan sa ere..." Sabi nito at inangat niya ang ulo niya para harapin ako.
Biglang nanikip ang dibdib ko nang makita kong basang basa ng luha yung mata niya.
"Huwag mo na akong hahalikan." Sabi niya at umalis na ng tuluyan sa kwarto namin.
Napahawak ako sa railings ng terrace at huminga ng malalim.
Pakiramdam ko niloloko ko si Lisa. Pero mas umaangat yung pakiramdam kong tama yung ginagawa ko.
Sino ka ba talaga para sa akin, Yana?
●●●●●●●●●●●●●●●
AN/
*evil laughing* so ayun sa wakas tapos ko na yung mga mahihirap na part! Heto na po sisimulan ko na yung realization and confession at lahat na lahat na po!
Maraming maraming salamat sa suporta ;*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro