Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Six

~♥~

YANA'S POV...

Halos isang linggo na ang nakalipas nung huling nag-usap kami ni Suga. Wala na nga yatang balak humingi ng tawad.

Well, sabi niya nga. He's Suga. Hindi siya magsosorry sa isang katulad ko. Tch.

"Nauubos na pera ko dahil sa mga pagkain mo e. Kailan ba dadating yung alien mong amo?" Tanong ko kay Yeontan habang nanonood kami ng Tv. Tinignan lang niya ako binalik ang atensyon niya sa Tv.

Isang linggo na rin kasing nasa akin si Yeontan. Nasa Japan kasi ngayon ang BTS dahil sa iba't ibang schedule.

Bigla namang tumakbo si Yeontan sa front door ko at tinahulan niya yung pintuan. Nagmana talaga sa amo niya. Alien.

"Tannie! Come here!" Tawag ko. Nakakatamad na kasing tumayo. Patuloy parin siya sa pagtahol. Ano bang problema niya? May nakikita ba siyang hindi ko nakikita?

"Inubos mo na nga pera ko papagurin mo pa ako." Reklamo ko at tumayo na ako para buhatin siya.

Saktong pagkabuhat ko kay Yeontan, biglang may nag-doorbell.

"Ay pusa!" Sigaw ko sa gulat. Muntik ko nang mabitawan si Yeontan pero buti nalang at mahigpit ang pagkakahawak ko.

May nag-doorbell ulit sa pintuan ko. Chineck ko ang oras at alas dose palang ng umaga. Sino namang pupunta dito sa bahay ng lunch?

Binuksan ko ang pintuan at nagtama ang tingin namin ni V. Sa wakas! Naka-uwi na din sila.

"Naka-uwi na pala kayo. Di man lang kayo nagtext." Sabi ko.

Kinuha naman sa akin ni V si Yeontan habang nakatayo parin sa labas ng apartment ko.

"May fansign kami after lunch. Magbihis ka na. Sabay na tayong pumunta sa venue." Utos niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Wow, very tight ng sched nila a.

"Ano bang nangyari sayo? Bakit parang ang bad mood mo ngayon? May jetlag ka ba?" Tanong ko sa kanya. Napabuntong hininga lang siya at hinaplos ang buhok ko.

"Magbihis ka na." Nginitian niya lang ako at sumakay na sa kotse.

Nakita ko naman si Manager oppa na kumakaway sa akin. Nginitian ko nalang din siya.

Ano bang nangyari sa Japan at napaka-sungit ng bestfriend ko?

skip.

Pagkatapos kong magbihis at magpalit, lumabas na ako ng apartment ko at sumakay na din sa kotse. Inaandar na ni Manager oppa yung sasakyan at dumiretso na kami sa venue.

"Dadalhin mo si Yeontan sa fansign?" Nagtatakang tanong ko.

Baka kasi ma-stress yung aso. Kinagat niya nga pala si V dati nung una silang magkita. Napunta yata yung rabis sa utak ni V.

"Hindi. Baliw ka ba? Mamaya ma-stress pa siya." Sagot niya. Tumango nalang ako at hindi na nagsalita.

Ligtas kaming nakarating sa venue at dumiretso na kami sa dressing room. Nadatnan ko namang naka-ayos na si Hoseok oppa, Jin oppa, Namjoon oppa, at Jungkook. Samantalang inaayusan palang ng mga stylist si Suga at Jimin.

"Yana! Na-miss kita, dongsaeng!" Agad akong niyakap ni Hoseok oppa. Lumapit naman sa amin si Namjoon oppa at ginulo niya yung buhok ko. Aish!

"Di man lang kayo nag-message sa akin na nakauwi na pala kayo." Sumimangot ako. Inakbayan naman ako ni Jungkook at ni Hoseok oppa.

"Actually noona, 2 days ago pa kami nakabalik. Isusurprise ka sana namin kaso 'eto, sobrang dami ng sched." Sagot ni Jungkook. Nginitian ko nalang sila.

"Okay lang! Basta ang mahalaga, ligtas kayong lahat na naka-balik." Sabi ko. Nginitian nila ako pabalik.

Tumayo bigla si Suga at lahat kami napatingin sa kanya. Nagtama ang tingin namin mula sa repleksyon niya sa salamin. Inirapan ko lang siya at ganon din ang ginawa niya.

Aba! Siya na nga 'tong may kasalanan, siya pang may ganang umirap! Kung hatakin ko kaya yung mga eyeballs niya.

"Suga, umupo ka nga. Di ko pa nailalagay 'tong necktie mo." Sabi ni Stylist eonnie. Biglang tumahimik sa loob ng dressing room.

"Ako na." Inagaw niya bigla yung necktie na hawak ni Stylist noona at lumabas na ng dressing room.

Hmp.

"Yoon Gi! San ka pupunta?! Malapait nang magsimula ang event!" Sigaw ni Namjoon oppa pero wala na kaming narinig na sagot.

"Hayaan niyo siya. Magaling siya e." Sabi bigla ni V at napatingin kaming lahat sa kanya. Inaayusan palang siya ni Stylist noona.

Yung tono ng boses niya, iba. Parang may halong sarcasm pero seryoso. Ironic.

"Taehyung~aa, 그만해! (Stop/Stob it.)." Sita ni Jin oppa. Nagkunot naman ang noo ko dahil sa mga nangyayari.

Ano ba talagang nangyari sa Japan?!

Bigla akong napatingin kay Jungkook na hanggang ngayon naka-akbay parin sa akin pero nakatingin siya kay V.

"Halika nga dito." Sabi ko at kinuha ko yung braso ni Jungkook at hinatak siya palabas ng dressing room.

"Ano ba yun, noona?" Naiiritang tanong niya.

Tinignan ko muna ang makabilang hallway sa labas ng pintuan ng dressing room nila para siguraduhing walang nakikinig.

"Anong nangyari sa Japan?" Matalim na tinignan ko si Jungkook. Nagkibit balikat lang siya na parang walang alam.

"Hindi na kita bibigyan ng banana milk." Pagbabanta ko. Nanlaki naman ang mata niya.

"Noona naman ih! Pinapahamak mo 'ko eh!" Napakamot siya sa batok niya.

"Ako bahala sayo." At hinaplos ko ang ulo niya.

Excuse me, matangkad kaya ako. Mas matangkad lang ng kalahating feet sa akin si Suga.

Napabuntong hininga si Jungkook at tinignan niya ako na parang nagdadalawang isip parin.

"Naalala mo nung pumunta tayo sa studio ni Suga hyung, noona?" Tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango.

Syempre naman. Hinding-hindi ko makakalimutan kung gaano kahaba yung sungay ni Suga nung araw na 'yon.

"Nakita ka kasi ni V hyung na umiiyak, palabas sa studio ni Suga hyung. Umuwi ka na kasi agad nun pero bumalik kami ni Jimin hyung sa studio ni Suga hyung after naming bumili ng mga pagkain at nadatnan naming muntikan nang magsuntukan yung dalawa." Sagot ni Jungkook. Nanigas naman bigla ang tuhod ko.

Dahil sa akin... nag-away... s-sila?

"Sabi sakin ni Joonie hyung 'wag ko daw sabihin sayo para hindi ka mag-alala sa trip namin sa Japan." Sabat ni Jungkook. Napapikit ako dahil sa katangahan ko. Ayusin mo 'to, Yana!

Hindi dapat ako maging hadlang sa trabaho at sa success nila. Pero heto, 50-50 chances nalang para maging maayos ulit ang BTS.

"Pero yung tatlong araw na magkakasama kami sa Japan, halos magpatayan ng tingin yung dalawa. Wala na kaming ibang inatupag kundi bantayan yung dalawa kasi konting lingon mo lang sa ibang bagay, nagpapalitan na naman sila ng suntok." Patuloy ni Jungkook.

"Ang tanga mo, Yana!" Bulong ko sa sarili na malamang ay rinig na rinig ni Jungkook.

"'Wag mong sisihin sarili mo, noona. Concerned lang si V hyung sayo dahil halos magkadugtong ang mga ambilical chord niyo at lumaki kayo ng sabay." Hinawakan naman ni Jungkook ang mga balikat ko. Nginitian ko lang siya.

"Naniniwala akong... ikaw lang ang makakapag-bati sa kanilang dalawa, noona." Patuloy niya. Wow... seryoso si Jungkook a. Gusto ba niya akong mamatay? Ako? Mapagbabati yung dalawa? Isang alien at isang lamang lupa, magbabati? Imposible.

"Ako nga at si Suga hindi magbati." Bulong ko sa sarili ko at malamang sa malamang ulit, narinig iyon ni Jungkook.

"Noona, please? Pagbatihin mo na yung dalawa." Nakatingin ng diretso sa akin si Jungkook na parang batang humihingi ng candy.

Halla, ang cute. Hindi ko matiis ang magigil sa mukha nitong batang 'to.

Napabuntong hininga ako. "Susubukan ko." Sagot ko at agad bumuo ng malawak na ngiti ang mga labi ni Jungkook. Kala mo nabigyan ng maagang aguinaldo.

Diyos ko, sana po bigyan niyo po ako ng lakas, not just mentally, but physically po. For self defense lang. And if ever man po na ang misyong ito ang magiging dahilan ng kamatayan ko, pakisabi nalang po kay V na ako yung nang-ubos nung marshmallow niya dati nung nasa kinder pa kami. Paki sabi din po kay Jungkook na ako yung naguubos ng mga sabon na ninanakaw niya sa mga hotel. At sana sabihin niyo rin po kay Jin oppa na ako yung naglagay ng madaming paminta sa niluto niyang lugaw para kay Suga nung nilalagnat siya. Sana maka-survive po ako.

Goodluck, Hwang Yana.

●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/

Hahahaha! Salbahe na ako! Oo na! Aaminin ko na po! Hindi ko alam kung paano ko pagbabatihin yung tatlo! PASENSYA NA PO HUHUHU

PS: Salamat sa support niyo sa mga walang kwentang mga na-publish kong mga libro hihi mahal ko kayoooo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro