Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

~♥~

YANA'S POV...

Nakangiti akong pumasok sa dance studio ng BigHit Entertainment para panoorin sila. Saktong pagkadating ko, nasa kalagitnaan na sila ng pagpapraktis.

"Kim Namjoon, Kim Seokjin, Min Yoongi, Jung Hoseok, Park Jimin, Kim Taehyung, Jeon Jungkook, BTS! Woooh!" Sigaw ko. Sakto namang natapos yung sayaw nila pagkatapos ko mag-cheer.

"Yanaaa!" Agad akong sinalubong ng yakap ni JHope.

Ang sweet talaga ng batang 'to. Although, mas matanda siya sa akin, sa tingin ko, mas matanda naman ako mag-isip.

Bigla namang may nambato sa akin ng bote sa ulo. Buti at wala pang laman! Lumingon ako at nakita kong nakatayo si Suga habang nakakubli ang mga braso nito sa dibdib niya.

"Ano bang problema mo, matandang unano?!" Pambubwisit ko. He smirked and looked at me with his signature glare.

"Umagang umaga, nakakarindi yang boses mo. Akala mo wala nang umaga kung makasigaw. Tinalo pa yung speaker namin." Sabi nito. Inirapan ko naman siya.

"Edi sumigaw ka rin." Sagot ko. Babatuhin na sana ulit niya ako ng bote nang pigilan siya ni RM oppa. Binelatan ko naman siya. Buti nga sayo! Hmp!

"Ang aga-aga nagaaway na naman kayo." Reklamo ni JHope at umupo na ito para magpahinga. Nilapag ko naman sa harapan nila ang isang supot.

"Nagdala ako ng pagkain!" Sigaw ko at agad nilang sinunggaban yung supot sa sahig. I sighed.

Hay nako, mga alagang Gucci, ambassador ng Puma, model ng Lotte, at Endorser ng LG pero puro mga patay gutom. Eh, masisisi ko ba sila? Sobrang mahal kasi nila mga fans nila kaya puspusan sila sa pagpapraktis na halos di na rin makakain.

"Aigoo." Ang tanging lumabas sa bibig ko habang pinapanood silang kinakamay ang binili kong fried chicken.

"Thanks, Yana noona!" Tumango si Jungkook sa akin.

Buti pa yung pinaka-bata, marunong magpasalamat. Yung matandang unano na nambato pa sa akin kanina, kung makakain akala mo pinagkaitan ng manok! Ang kapal ng mukha.

"You're welcome, Jungkook." Sabi ko. In-emphasize ko pa per word para naman ipamukha sa kanila na kailangan nilang magpasalamat sa 'food bank' nila.

"Yana, bakit di ka pala pumunta nung last na fansign namin? Na-miss ko tuloy mukha mo." Sabi ni V habang ngumunguya ng fried chicken. Napabuntong hininga nalang ako.

"Nagbantay pa ako sa restaurant nina Jin oppa. Namatayan kasi yung boss 'dun. Busy naman sina Tita kaya ako na nag-asikaso." Sagot ko naman.

Saktong nagsusubo ng chicken si Jin oppa nang batukan siya ni V kaya naman naduwal ito.

"Pinagtrabaho mo pala yang pinsan mo eh! Akala ko ba nagbakasyon?!" Panenermon ni V kay Jin oppa na ikinataka ko.

"Bakit ka ba nambabatok?! Eh malay ko ba kung nagtrabaho siya? Tsaka di ka ba nagsasawa sa mukha nyan? Lagi nalang pumupunta dito. Magtanong ka nga muna bago ka manakit! Bayolente." At inirapan siya ni Jin oppa.

Si Jin oppa talaga, sobrang daldal lalo na kapag defensive. Ang galing galing pa magreklamong lagi akong pumupunta e siya din lang naman nagtatawag. Magpapabili pa ng pagkain. Sarap niya din batuhin ng bote.

For your information, Yes! Magpinsan kami ni Jin oppa. Although, 2nd cousin niya lang ako dahil magpinsan ang Lolo namin.

Sa ngayon, nagtatrabaho ako bilang crew sa counter sa restaurant na business ng family ni Jin oppa. Minsan, ayaw akong pagtrabahuin ng Tito at Tita ko sa resto nila kaso ayoko naman na isipin ng tao na nagbubuntot lang ako sa kayamanan ng mga Kim.

Syempre kailangan ko din maghanap buhay at magpagod para makabayad ako ng renta, pagkain, tubig, at pagkain pa ni Yeontan! 'Tong si V kasi, minsan di niya maasikaso kaya halos tumatagal ng isang huwan sa akin si Yeontan. Lalo na kapag may mga world tour sila o shows sa ibang bansa.

"Di ka ba kakain? Ayokong pumayat ka." Tanong naman ni V. Umiling iling nalang ako. Kanina pa kaya ako kain ng kain ng Mobi sa apartment ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan ang oras. 5:54pm. May schedule pa kaya sila?

"May practice pa ba kayo?" Tanong ko. Umiling naman si V at si Jungkook habang ngumunguya ng fried chicken.

"Tara sa apartment niyo!" Masayang request ni Jimin habang tumatalon pa ito na may hawak na hita ng manok.

Halla! 'Wag kang ganyan Jimin! Baka mamaya ibulsa na kita.

"Hah?! Eh di pa ako nakalinis e!" Sagot ko. Bigla itong sumimangot.

Jimin, yung puso ko, malinis. Baka gusto mong tumira nalang 'don?

"Ano namang bago dun?" Biglang sabat naman ni Suga habang kumukuha ng fried chicken ulit sa box.

Napakagat ako ng labi para pigilan yung inis ko. Konti nalang talaga, pupunitin ko na yung dila niya.

"Okay lang, noona! Nung isang araw nga, nagbanyo ako. Nakalimutan mong iligpit yung mga underwear mo." Inosenteng sabi ni Jungkook.

Nanlaki naman yung mata ko at tumahimik yung buong room. Si Jungkook naman nagtaka kung bakit napatahimik kaming lahat.

BATA PA TALAGA SIYA!

"U-Ummm... Chandelier yun. Chandelier." Sagot ko. Nagkunot naman ang nuo nito.

Napatingin naman sa akin yung iba na parang nandidiri. Lalo na yung mukha ni Suga! Nakakabwiset! Kung makatingin sa akin, parang isang bundok ng tae!

"Ubos niyo na ba 'yan? Anong oras na oh! Tara na sa apartment ko bago pa kayo sundan ng mga sasaeng niyo!" Tuloy-tuloy kong sabi. Dali-dali kong kinuha yung walang laman na box ng fried chicken at lumabas na ng studio. Kahit kailan talaga! Isa kang malaking kahihiyan, Yana!

APARTMENT...

Pagpasok na pagpasok nila, agad nilang binato yung mga sapatos nila at linangoy agad yung sofa. Partida, nabato pa sa balikat ko yung isang sapatos ni Jimin! Kung di ko lang siya bias, nakoooo!

"Ayan na naman kayo eh! Dadagdagan niyo na naman bill ko sa kuryente." Reklamo ko.

Parang walang narinig si Jin oppa at pinower on yung TV! Aba ambabastos talaga. Yung mga ugok naman tuwang tuwa sa panonood ng walang kwentang basketball game.

"Noona! Gusto ko ng popcorn!" Sigaw ni Jungkook habang nakasalampak sa sofa na parang siya na ang pinakapagod na tao sa mundo.

Minsan talaga nagsisisi ako kung bakit pa ako nagpakilala bilang pinsan ni Jin oppa at kababatang kapatid ni V.

Kung nanatili siguro ako sa probinsya namin, tahimik sana ako ngayon at hindi nagaalaga ng pitong supling na puro patay gutom.

Dumiretso na ako sa kusina para lutuin yung order ni Mr. Jeon Jungkook, your highness!

Abala ako sa pagluluto nang biglang dumating si Suga at binuksan yung ref ko.

"Wala ka bang juice dito?" Tanong niya habang naghahanap sa ref.

Sanay na ako na feel-at-home sila tuwing pumupunta sila dito pero kapag si Suga na kasi ang nakeke-alam, gusto ko maayos lahat. Ayaw ko kasing may mai-asar na naman siya sakin.

"Wala eh. Pero meron akong powdered juice. Magtimpla ka nalang." Sagot ko. Bumuntong hininga nalang siya at binuksan yung cabinet na nasa tapat lang ng ulo ko.

Nanlaki ang mata ko dahil nakadikit na yung baba niya sa dulo ng ulo ko! Nararamdaman ko pa yung mainit na hangin na lumalabas mula sa ilong niya. Uminit bigla yung pisngi ko.

...dug-dug, dug-dug...

"Di ko makita. Wala naman yata." Sabi nito. Agad kong tinaas ang kamay ko para kunin yung juice.

Naramdaman ko namang hindi na dumidikit yung baba niya sa ulo ko kaya hinarap ko siya para ibigay yung sachet ng juice. Kaso.....

Nagsisisi ako kung bakit pa ako umikot para lang ibigay sa kanya yung juice! Hindi pala siya umalis si kinatatayuan niya kaya heto kami ngayon! Halos nagpapalitan ng hininga sa sobrang lapit namin sa isa't-isa!

Inhale. Exhale! Inhale! Exhale! Exhale! Exhale, Yana!

Grabe, sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang ang hirap nang huminga! Hindi ko siya tinitignan dahil nakatingin lang ako ng diretso sa leeg niya pero siya, matutunaw na ata ako sa titig niya! Someone! Call 911! Maatake na po ako!

"A-Ahm..." Nauutal ako! Bakit parang na paralyse yung dila ko!

I've been sweet to them. Nasanay na ako sa mga yakap nila, sa beso-beso nila, at sa mga paghahawak nila sa kamay ko. Pero... lalake parin sila at babae parin ako! Lalo na kapag sa taong hindi naman ako niyayakap o hinahawakan lalo na si Suga!

"Anong nangyayari?" Napatingin naman kami agad sa nagsalita.

Nakatingin siya sa amin na gamit yung mukha niyang ready nang manuntok. Medyo naka-tilt pa pataas ang ulo nito. Ohh, that adams apple.

"V." Tawag ko.




●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

AN/

So ayun na nga, nahihirapan ako mag-update agad kasi napepressure ako ahhahaahha char! Actually, yung meme sa multimedia is literally my face while writing this chapter kasi out of nowhere ko lang naisip ans I'm very proud of the outcome. As in hindi planned. Kung ano nalang yung pumasok sa kokote ko, yun na. Pero in all fairness, nag-effort parin ako no! Ang dami kong idea about sa chapter na 'to kaso nireserve ko nalang 'yon for the next chaps!

Hope you guys like it! Sana nagustuhan mo rin jjiminiology

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro