Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen

~♥~

YANA'S POV...

"Hindi ba friends naman talaga tayo in the first place or more like an acquantance? What's there to change?"

Nagmukha akong tanga dun a. Akala ko pa naman we're close. Hindi pala.

1:44 pm.

Kakauwi lang namin galing Jeju. Wala na din kasi kaming ginawa nung last day dahil nga sa mga nangyari. At hindi ko na rin katabi si Suga sa van dahil sumakay na ako sa kotse nina JHope oppa.

Sumalampak na ako sa kama ko at natulala sa kisame.

Kisame...

Kisame...

Kisame...

Ceiling...

Nabablanko na ang utak ko. Nababaliw na yata ako.

Napapitlag ako nang biglang nagring ang phone ko. Agad ko iyong kinuha sa bedside table at nakita ang caller ID.

Tita
calling...

"Hello po, Tita?" Pagsasagot ko.

"Naka-uwi na ba kayo ni Seok Jin, Yana?" Tanong ni tita.

"Ah opo. Kakauwi ko lang po dito sa apartment ko. Malamang, kakadating lang din po ni Jin oppa sa dorm nila, Tita." Sagot ko.

Parang eomma na ang turing ko kay Tita. Sila kasi ang nagpaaral sa akin, ang nagpalaki, at sumuporta. Eh busy yung parents ko e.

"Buti naman kung ganon. Anyways, napatawag ako dahil mae-extend ang day off. Ipapasara ko muna yung restaurant ng 2 days kasi pupunta kami ng Tito mo sa Macau. May business trip kami doon." Sabi ni Tita. Nagkunot naman ang noo ko.

Ang bilis naman ng business trip nila ngayon. Dati dati umaabot pa ng isang linggo yung mga trip nila.

"Sige po, Tita. Ingat nalang po kayo sa Macau." Pamamaalam ko at binaba ko na yung tawag.

Two days. Ano namang gagawin ko sa dalawang araw na yun? Tsaka... Birthday ni Suga on the day after tomorrow. Regaluhan ko kaya siya?

Edi ba nga acquanted lang kayo sa isa't-isa, Yana?!

Kahit na. Baka paghinalaan pa ako ng bangtan kung bakit ang cold ko sa kanya. Bibigyan ko naman siya ng regalo dahil nga acquanted parin kami.

Napabuntong hininga nalang ako natulog na.

KINABUKASAN...

Naglalakad ako ngayon papuntang dorm ng Bangtan dahil inutusan ako ni Jin oppa na magluto ng pagkain. May lakad daw sila ni JHope oppa e.

Saktong pagpasok ko sa dorm nila, nagkasalubong kami ni Suga.

"Omo!" Nagulat ako dahil parang hindi niya ako nakita at diretsong lumabas ng dorm.

Saan naman kaya yun pupunta? Naka-porma pa at balot na balot. Paniguradong hindi yun pupunta sa BigHit dahil naka-porma.

Hindi kaya...

"Oh! Yana!" Liningon ko si Jimin na kakalabas lang ng kwarto niya. Nginitian ko lang siya.

"Wala ka bang trabaho?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa akin.

"Wala nga e. Two days na wala." Sagot ko. Tumango tango naman si Jimin.

"Eh 'bat ka napa-rito?" Tanong niya.

"Ipagluto ko daw kayo, kasi sabi ni Jin oppa baka daw magkasunog dito sa dorm niyo ng 'di oras kapag kayo ang nagluto. Tsaka wala din naman akong ginagawa sa apartment." Sagot ko. Tumango ulit si Jimin at pumunta na sa banyo para maghilamos.

Dumiretso naman ako sa kusina para magluto. Pagbukas ko ng refrigerator, parang pagkain ng mga pasyente ang laman! Puro inaamag at nabubulok!

"Jimin!" Pagtatawag ko. Hindi sumagot si Jimin.

"PARK JIMIN!" Sigaw ko at lumabas na ng banyo si Jimin.

"Bakit?! Anong nangyari?!" Dali dali niyang sabi habang nakahawak ng tuwalya.

"Kailan kayo last nag-grocery?" Tanong ko. Pinupunasan lang ni Jimin ang mukha niya at nagkibit balikat.

"Si Jin hyung lang naman ang gumagalaw ng mga gamit dito sa kusina." Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Puro kasi sila order sa labas at pa-deliver kaya ayan, nagtatampo ang ref nila.

"Gisingin mo si V. Magkasama kayong mamamalengke." Paguutos ko.

Aba! Dapat lang. Baka mamaya magka-hepa na sila o di kaya magkaroon ng sakit sa bato dahil sa kakafastfood nila.

"Opo, Miss Minchin." Sabi niya saka ito dumiretso sa kwarto ni V.

Naghanap nalang ako ng mga sariwang gulay na pwede pang lutuin. Buti at may patatas pa sila.

"Anong bibilhin namin?" Tanong ni V habang nagtatanggal ng muta sa mga mata niya.

Kumuha ako ng sticky note sa gilid at ng ballpen. Isinulat ko doon yung mga kailangan nilang bilhin. Binigay ko iyon sa kanilang dalawa at ipinaliwanag kung ano ba dapat ang bibilhin nila.

"Last question. Kapag bibili kayo ng isda, dapat?" Pagtatanong ko. Syempre dapat may briefing. Mamaya mga bulok din lang bibilhin nila.

"Hindi mapupula ang mata." Sagot ni V at Jimin. Tumango naman ako.

"Sige alis na kayo. Ingat!" Pagpapaalam ko pero bago pa man sila tumalikod, hinablot ko yung braso ni Jimin.

"Ah, Jimin." Pagtatawag ko. Tinaasan ako ng kilay ni Jimin at naghihintay ng sasabihin ko. Habang nauna na si V na lumabas.

"San pumunta si Suga? Bakit parang ang porma niya kanina?" Tanong ko kay Jimin.

"Ah si Suga hyung ba? Malamang makikipagkita siya kay Lisa. Nagkabalikan na kasi yata talaga yung dalawa e." Sagot ni Jimin.

Nagkabalikan na sila?...

No wonder, acquantance lang ang turing niya sa akin. Mali pala, parang hindi na niya nga ako kilala kanina. More like, stranger.

"Yana."

Bakit nung naging sila ni Lisa dati, hindi naman ako ganito a! Wala naman akong mabigat na dinadala dati. At mas snobber pa nga si Suga sa akin dati nung naging sila ni Lisa pero wala akong pake-alam nun. Pero bakit ngayon---

"HWANG YANA!" Napapikit ako sa sobrang lakas ng bunganga ni Jimin.

"Huwag ka ngang sumigaw. Muntik na akong mabingi!" Pagrereklamo ko.

"Akala ko nga bingi ka na e. Kanina ko pa tinatawag ang pangalan mo." Sabi niya at napabuntong hininga siya. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Sige punta na ako. Naghihintay na si V." Pamamaalam ni Jimin saka ito umalis.

Dumiretso na lang din ako ng kusina saka naghiwa ng patatas.

Ano ngayon kung nagkabalikan sila? Hindi ba mas masaya yun dahil hindi na siya magfofocus sa pang-aasar sa akin? Tsaka isa pa, kung maganda o masama ang intensyon ni Lisa na makipagbalikan, labas na ako dun.

Kung magiging masaya siya sa piling ni Lisa, edi suportahan ko. Kung si Lisa ang dahilan ng pagngiti niya, edi iboboto ko. Kung kailangan niya akong iwasan para kay Lisa, edi rerespetuhin ko.

"Ano ba 'to." Sabi ko sa sarili ko nang ma-realize kong kanina pa pala ako umiiyak at hikbi ng hikbi.

Sa tuwing maiisip ko si Suga, lagi nalang akong umiiyak.

Ang unfair.

Gusto ko din maging masaya. Pagod na ako masaktan.

[A/N: Ang drama ng lola niyo hahahaha! Pasensya na po may napanood lang na KDrama.]

SUGA'S POV...

Saktong palapit ako sa front door ng dorm nang bigla itong bumukas at iniluwa si Yana.

Bago pa man magtama ang tingin naman ay dali dali na akong lumabas ng dorm. Kapag nagtama ang mga mata namin, baka magdadalawang isip akong aalis.

Dumiretso na ako sa parking lot at nagdrive papuntang dorm ng Blackpink.

"Goodmorning, love!" Pagbubungad ni Lisa sa akin saka siya sumakay sa kotse ko. Napansin ko naman kung gaano siya kaganda sa suot niyang bestida.

"San mo gustong pumunta?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmm... Kahit saan basta walang dispatch." Pagbibiro niya. Natawa ako ng konti. Inandar ko nalang ulit ang sasakyan at nagdrive.

"Love." Tawag sa akin ni Lisa habang nasa loob kami ng kotse papuntang amusement park.

"Hmm?" -ako.

"May gusto ba sayo si Yana?" Biglang tanong ni Lisa. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya ng diretso sa akin.

"O-Of course not! Bakit mo ba naitanong yan?" Tanong ko pabalik.

Totoo naman diba? Wala naman talagang nararamdaman si Yana para sa akin. She said it herself nung nasa Jeju kami.

"I was just asking. Kasi nga diba, she came into your life earlier than me. Posibleng nagdevelop siya ng feelings towards you." Sabi niya habang naglalagay ng liptint sa bibig niya.

"That's just impossible. Na-witness mo naman kung ano yung pakikitungo namin sa isa't isa diba? She hates me." Depensa ko. Nagkibit balikat lang si Lisa saka niya linigpit yung liptint sa bag niya.

"Eh ikaw? Do you hate her?" Ang bilis ng dila niya pero klaro parin sa pandinig ko yung tanong niya.

"Tsss." Sabi ko lang habang kunwareng tumatawa.

Utang na loob, 'wag niya akong tanungin ng mga bagay na hindi ko masagot.

"Wow, that was convincing." Sarcastic na sabi ni Lisa. Napalunok ako at hinawakan yung kamay niyang nasa lap niya.

"Look, I'm loyal to you and only you, Lisa. Hindi kita ipagpapalit kahit kanino." Pagsisigurado ko. Napahawak naman siya ng mahigpit sa kamay ko.

"Dapat lang. Kapag may malaman ako, patay sa akin yang babae mo." Pagbabanta niya. Nginitian ko nalang siya at nagfocus sa pagda-drive.

God, It's been almost 6 years at ngayon lang ulit kami nagkabalikan. I missed her so much. Ilang taon din akong nagtiis na hindi ko siya makasama. Pero ngayon, katabi ko na siya, hawak hawak ang kamay niya, at nakangiti ng dahil sa akin. I have nothing to hope for except sa stability ng relationship namin ni Lisa.

Hinding hindi ako gagawa ng dahilan para masira ulit ang relasyon namin ni Lisa. This time, magiging hands-on na ako sa kanya. Kung kailangan kong iwasan si Yana, gagawin ko. If that only means na mananatili si Lisa sa tabi ko.


●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
AN/

Yana in the multimedia ♥

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro