Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

YANA'S POV...

KINABUKASAN...

Saktong nagbibigay ako ng resibo sa isang costumer dito sa resto, nang tumunog yung cellphone ko. Actually, kanina pa siya tumutunog. Di ko pwedeng tignan dahil working hours palang.

Buti nalang at wala nang costumer na susunod. Agad kong kinuha yung cellphone sa bulsa ng uniform ko.

---------------------------------------------------

From: Sexy Porn Star

Yah! Nangangawit na yung paa namin dito sa labas! Halika na nga dito at baka may makakita pa sa amin!
-

--------------------------------------------------

Kumunot naman ang noo ko sa text sa akin ni V. Pinagsasasabi neto? Na-wrong send ba siya? Baka late na naman si Jimin tapos na-wrong send siya sa akin.

Akmang ibabalik ko na sana yung cellphone ko nang biglang tumunog ulit ito. Chineck ko ulit kung sino yung nag-text.

-

--------------------------------------------------

From: Sexy Porn Star

Hindi ako na-wrong send! Tumingin ka dito sa labas!
-

--------------------------------------------------

Lalong kumunot ang noo ko. Nakikita ba niya ako? Agad kong ini-angat ang ulo ko at tinignan ang labas ng resto. Nakikita ko parin mula dito sa counter dahil puro glass lang naman ang cover ng resto.

Muntik nang malaglag ang eyeballs ko nang makita ko ang tatlong lalakeng nakatayo sa labas ng resto at sobrang balot na balot ang mukha.

HOLY MOTHER OF CAT! Anong ginagawa nila sa labas?! Anong ginagawa nila dito? Si V, si Jin oppa, at si Jungkook ba 'yon?!

Agad kong kinalabit yung co-worker ko sa gilid para i-take over niya muna yung pwesto ko. Agad akong umalis sa counter at dumiretso sa labas.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Tanong ko sa kanila at ngumisi ngisi lang yung tatlo.

"Wala ba kayong schedule?! Baka makita kayo ng mga armys dito!" Nagaalalang sabi ko.

"Wala nga kaming schedule ngayon at kung 'di ka pa magpapalit at sasama sa amin, malamang na may makakakita na sa amin dito." Sabi ni Jin oppa habang hinahatak pababa yung cap niya para itago yung mukha niya.

Kumunot nalang ang noo ko at nagmamadaling pumasok sa resto. Dumiretso na ako sa staff room para mag-palit. Dali-dali akong lumabas ng staff room at hinablot yung sapatos ko sa gilid.

"Alis lang ako! Emergency!" Sigaw ko sa mga co-workers ko at lumabas na ako ng resto ng naka-paa.

Agad akong sumakay sa puting sasakyan nila. Umupo ako sa passenger's seat na katabi ng driver's seat. 

Nakita ko sa rearview mirror na sina Jin oppa, JHope oppa, Suga, at yung tatlong maknae line ang kasama ko. Hmm? Asan si Rm oppa?

Napunta naman ang mata ko sa driver, Suga. Naka-tingin lang siya sa akin ng neutral, as usual. Nagsimula na akong magsuot ng sapatos ko.

"Saan tayo pupunta? May emergency ba? Asan si Namjoon oppa?" Tanong ko habang tinatali yung sapatos ko.

"Kela Namjoon nga." Sagot ni JHope oppa. Huh? Seryoso ba sila?

"Bakit? May nangyari ba sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanila.

"Wala naman. Bibisitahin lang natin siya tsaka si Zeira. Ang sarap kasi nung linuto niyang dinner sa atin dati." Sagot ni Jimin.

Bigla akong napatigil sa pagtatali ng sapatos ko nang marinig ko yung pangalan ng lintang yun.

"Pass." Bubuksan ko na sana yung pintuan ng kotse nang bigla akong pinigilan ng mga abnoy sa likod. Na-headlock ako ni Jungkook, hawak naman ni V at Jimin yung mga braso ko.

"Ano ba!" Kumalas ako sa mga hawak nila at tinignan ko sila ng masama.

"Sama ka na! Ngayong araw lang washed out ang sched namin eh! Sige na, please?" At kumapit sa akin si V na parang bata na humihingi ng baon.

"Noona, please?" At sumali pa si Jungkook! Ang bibigat ng mga hawak nila sa braso ko! Mga maton! Inakbayan naman ako ni Jimin at nag-aegyo din!

Kung gusto akong sumama ni Jimin edi...

"Sige na nga." At hinablot ko ang mga braso ko pabalik. Nagmaneho na si Suga at dumiretso na kami sa condo ni Rm oppa.

Ano bang klaseng gayuma ang pinakain sa akin ng mga 'to at hindi ko sila matiis-tiis.

Bumaba na kaming lahat sa kotse agad nang makarating kami sa condominium building. Papasok na sana ako ng building nang biglang may humatak sa kamay ko.

"Yana." Jimin?! Swerteng Syete! Si Jimin ba yung may hawak ng kamay ko right now?! Ayokong lumingon! Baka makakita siya ng kamatis.

"Yah, humarap ka nga." At hinatak niya yung balikat ko para harapin siya. "Pangit ba ako masyado at ayaw mo kong harapin?" Natatawang tanong niya. Pangit? Ganyang mukha ba ang definition ng pangit para sa kanya? Pano nalang yung mga tunay na pangit?

Agad akong umiling. "A-Ano ba 'yon?" Tanong ko at hinawakang mahigpit yung handbag ko para pigilan yung kilig.

OH MY GOSH! HIRAP TALAGA MAG-JIMOUT!

"Alam mo naman kung gaano ko pinaparamdam sayo yung halaga mo sa buhay ko, diba?" Tanong niya. PIGILAN MO, YANA! PIGILAN MO! I pursed my lips while smiling. HINDI KO KAYA!

"At alam mong may mga tao sa buhay ko na gusto ko ding manatili." Patuloy niya. Teka lang... parang alam ko kung saan 'to patungo.

"At isa si Zeira noona sa mga taong tinutukoy ko." Sabi ko na nga ba. Nawala agad yung ngiti ko at napabuntong hininga.

"Ang gusto ko lang naman mangyari ay magbati kayo. Mahalaga kayong dalawa sa akin. At ayokong isipin mo na may pinapanigan ako sa inyong dalawa." Sabi niya. I can't believe this.
Halos siyam na taon na kaming magkaibigan pero parang mas lamang pa sa akin yung babaeng kakakilala niya lang two weeks ago. Just wow.

"Fine. Tutal, mukha namang mas mataas ang pride nun sa akin kaya ako nalang mag-adjust." Sarkastikong sagot ko. Napabuntong hininga si Jimin at tinignan niya ako ng diretso.

"Yana, mabait na tao si Zeira noona. At hindi tama yung inasal mo kahapon sa kanya. Lalo na't mas matanda siya sayo." Sabat ni Jimin. Napatingin ako kay Jimin at naka-tingin siya sa akin na parang may hinihingi. Ano pa, edi yung pasensya ko kay Zeira.

"Oo na. Magsosorry na ako kay Zeira... eonnie." Sagot ko. Napangiti naman si Jimin agad at yinakap ako bigla.

Kung ganito siya makayakap sa akin, parang gusto ko nang awayin si Zeira araw araw!

Kumalas na siya sa akin at kumatok na kami sa pinto. Medyo ilang mga segundo pa bago binuksan ni Zeira ang pintuan. Agad tumalim ang tingin niya nang magtama ang tingin namin.

"Hi Zeira!" Bati ni Jimin sa kanya pero hindi niya pinansin si Jimin.

"Hi Z-zeira." Halatang naagulat siya sa bati ko sa kanya.

Panghahawakan ko yung sinabi ni Jimin kung talaga bang mabait si Zeira. Bigyan ko na ng chance, baka maging kaibigan ko pa diba? Worth it yung efforts ko kung mangyari man 'yon.

"S-sorry sa inasta ko nung huli nating pagkikita." Sabi ko at sinamahan ko ng manamisnamis na ngiting alam kong gawin.

"Friends?" Tanong ko at inabot ang kamay ko sa kanya. Pinagmasdan niya muna ng ilang segundo yung kamay ko.

Malinis kamay ko, teh!

"Friends." Nginitian niya ako pabalik at tinanggap na ang kamay ko. Ayon, marupok. Akala ko mataas pride niya.

I guess I should trust Jimin and give myself a chance to get to know her. The real her.

###############################
AN/

Ayun na nga guys, mas madali niyong maiintindihan ang newest friendship ni Yana at Zeira kung babasahin niyo yung Series#1 na meron kay jjiminiology!

Hope u guys like it! Love y'all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro